Chapter Thirteen

28 1 0
                                    

"Kumustang reunion ninyo sis?"Ang agad na bati ni Aljur kay Yannah, sinundo niya ito para ihatid sa school.Ganon nalang ang gulat ni Aljur ng bigla itong yumakap sa kanya at nag-iiyak.
"Sis bakit anong problema."Nag alalang tanong niya.May nagawa ba akong kasalanan?"Natarantang tanong nito.
"Naiinis ako sa mga taong masyadong pakialamero.Bakit ba napa ka bitter nila?Gusto ko lang namang sumaya ah."Paghihinagpis ni Yannah.
"Bakit ba kasi sis di kita naintindihan ano ba talagang nangyari?Naguguluhang tanong ni Aljur.

At ikinuwento lahat ni Yannah ang nangyari doon sa reunion at kung paano nila inayawan at hinusgahan si Aljur.

"Hayaan mo na sila sis hindi naman ako affected sa mga sinasabi nila eh.Alam mo kung saan ako natatakot?kung susukuan mo rin ako na susundin mo ang payo nila sayo.Di ko kakayanin yon.Kahit hindi naman ako nagpupunta ng simbahan pero pinapanalangin ko rin na sana bigyan Niya ako ng babae na tunay na magmamahal sa akin at ng makilala kita alam kong ikaw na ang binigay niya sa akin."Madamdaming pahayag nito.Mas lalong napayakap si Yannah dito dahil naniniwala siya sa mga sinasabi ni Aljur.At sana makita din yon ng mga kamag-anak niya na humuhusga dito.

"Huwag ka ng umiyak ha nasasaktan kasi ako pag nakita kang umiyak."Pinahiran niya ang mga luha nito saka hinagkan sa noo.

"Pag out mo mamaya date tayo ha?"Wika ni Aljur
"Okay brod pasensya na ha masyado akong emotional nasasaktan lang kasi ako."
"Okay na yon tsaka matagal ko ng alam na O.A ka kaya inintindi ko nalang yon."At dahil umandar na naman ang pagkapalabiro nito nabatukan tuloy siya ni Yannah sa ulo.
Nagtawanan nalang sila at pumasok na rin si Yannah sa school samantalang umalis na rin si Aljur para makapag duty.

"Sis punta tayong park."
"Sige gusto ko yon."Excited na sagot ni Yannah.

Pagdating sa park marami rami na ring tao hindi na kasi mainit dahil hapon na.Naaaliw si Yannah sa dami ng street food gusto na ata tikman lahat.Habang abala sa paglagay ng fishball sa plastic cup narinig niyang may kausap si Aljur.Dahil abala di lang niya masyadong pinansin.Humarap na siya para tanungin si Aljur
"Brod gusto mo rin ng fishball....."Di niya natapos ang sasabihin niya ng makilala ang kausap ni Aljur.
"Ay Yannah ikaw pala? magkakilala pala kayo?"Kumunot ang noo nito ngunit ngumiti din naman pagkatapos.
"Magkakilala rin pala kayo ng girlfriend ko sir?"Buong pagmamalaking wika ni Aljur habang si Yannah naman halos mabitiwan na ang fishball sa gulat.
Paano ba niya malilimutan si Zack ang lalaking lihim siyang sinaktan dahil sa pagbabalewala ng nararamdaman niya.
"I see girlfriend mo pala?ibang klase ka rin ha swerte mo."Aniya kay Aljur pero ang kanyang mga mata nakatingin kay Yannah na feeling ni Yannah para itong nanunuya.

Pero buong tapang niyang sinalubong ang tingin nito ay pagkuway nagsalita.
"Brod magkakilala kami schoolmate ko siya nong college.Magkakilala rin pala kayo ng boyfriend ko."Diniinan talaga niya ang pagkasabi ng boyfriend.

"Oo diyan din ako ng o.j.t sa cooperative nila."Wika nito.

Minabuti nalang kumain ni Yannah ng fishball nag -uusap pa rin kasi si Aljur at Zack maliban sa hindi siya nakakarelate sa pinag uusapan nila ayaw niyang pakinggan ang pagka arogante nito kung magsalita.Sabagay dati pa naman eh nagtaka nalang siya bakit nahulog ang loob niya dito.Oo nga mas gwapo si Zack kay Aljur pero kung papipiliin ako kay Aljur pa rin ako.

"Sis doon tayo oh."Untag ni Aljur sa kanya.
"Ay nakaalis na pala?"salamat naman."Aniya.
"Napansin ko lang sis ha parang may something magkakilala naman kayo pero parang ang bitter mo sa kanya."Usisa nito.
"Crush ko kasi yon dati brod pero nong malaman niya na crush ko siya ayon di na ako pinansin,himala na nga yon kanina eh."
"Ang gwapo naman pala ng crush mo sis wala akong laban doon."
"Tumahimik ka nga kung tutuusin ang laki ng lamang mo sa kanya nakakaangat nga siya pero arogante naman kaya nga hindi na ako nakinig kanina eh ang hangin kasi,tsaka brod ang pinipili lang din ng mga ganong tao ay yong mga magaganda lang din."
"Naku diyan na naman ako kokontra dahil ang pinapalabas mo na naman niyan hindi ka maganda baka nakalimutan mo hindi ako nag gi-girlfriend ng pangit.
"Hahahaha choosy din pala tong boyfriend ko."Natatawa pa si Yannah.
"Siyempre ang kagwapuhan ko ay para sa magaganda lang."Nag pogi sign pa ito.
Natatawa nalang siya isa talaga sa rason at napamahal siya sa taong ito ay ang sense of humor nito hindi ka mababagot pag siya ang kasama mo.Tama nga naman aanhin mo pa ang ubod ng gwapo kung boring naman kasama kaya dito na ako sa Aljur ko.

Talaga nga sigurong tinadhanang mga kakilala na naman ni Yannah ang kanyang makita kadalasan kasi puro mga kakilala lang ni Aljur.

Pero habang may kausap si Aljur biglang napalingon si Yannah sa kung sino ang tumawag sa kanya.Ganon nalang din ang tuwa niya ng makita ang matalik na kaibigan na si Laiza matagal na din silang di nagkita bukod sa abala ito sa pagrereview for exam nagtuturo din ito sa private school na malapit sa kanila kaya wala na silang komunikasyon.Sabik na sabik na nagyakapan ang dalawa.
"Kumusta kana best?"Tanong ni Laiza.
"Ito okay naghintay sa result ng board exam ikaw kumusta?"
"Ganon din kinabahan na nga ako eh dagdag pa tong pamilya ko na pi ne-pressure ako."Reklamo ni Laiza.
"Naku hahayaan mo na pray nalang natin na take one lang tayo di kaya biro ang magprocess for exam,magreview at higit sa lahat mag exam."aniya.
"Oo nga eh,mag isa ka lang?"Tanong ni Laiza doon lang naalala ni Yannah hindi pa pala niya nasabi ang tungkol ka Aljur.
"Kasama ko boyfriend ko."
"Seriously may boyfriend ka na at di mo man lang sinabi sa akin?kaloka tong babaeng to ipakailala mo yan sa akin ha bilis."Umandar na naman ang kadaldalan nito.
"Kung makapag-utos naman to wagas!"Reklamo din ni Yannah.
Tamang-tama lumapit na rin si Aljur sa kanila.
"Ay may kausap ka pala sis."Nakangiting sambit ni Aljur.
"Best boyfriend ko si Aljur,brod bestfriend ko si Laiza."
"Nice to meet you maam."sabay lahad ni Aljur ng kanyang kamay.
"Same here wag ka ng mag maam nakakahiya naman.Laiza nalang."Sagot rin ni Laiza.

Dahil sadyang mausisa itong si Laiza tinanong niya ng kahit ano si Aljur.May kaunti siyang nalalaman tungkol sa mga naging kaibigan nito noon.

"Aljur if you dont mind pwede mag usap muna kami ni Yannah something like a girl thing you know ."Pagpaalam ni Laiza dito.
"Sure walang problema...sis doon lang ako sa may mga sound system ha titingin tingin lang."Paalam niya kaya Yannah at tumango naman ito.
Nang makalayo na si Aljur kinumprunta agad nito si Yannah.
"Hoy babae sigurado ka na doon?"Sabay turo ng papalayong si Aljur.
"Bakit, okay naman siya ah."
"Ano bang trabaho non."
"Security guard."
"What a....."Nabiglang tugon nito.
"Dont tell me katulad ka rin nila huhusgahan ang pagkatao niya."Sabi na nga ba isa pa to sa mga kokontra.
"Hindi naman sa ganon pero nong magkausap kami kanina yon kasing mga kakilala nya na naging kaibigan na din kilala ko ang mga yon eh dakilang tambay don sa amin at kadalasan pang napapa rambol.Malay natin isa siya sa mga yon."Concern nito sa kaibigan.
"Inamin na niya sa akin nyan noon ..yup sumasama siya sa ganyan pero simula ng magtrabaho na siya tumigil na rin siya.Para sa akin mas okay pa nga yong ganon naranasan na niya atleast he learn from it at kung sakali kami ang magkatuluyan hindi na niya uulitin kaysa naman kung kailan mag aasawa na kami saka pa niya pinasukan ang ganyang mga bagay kawawa naman ako don.Its good to love a kind man but much better the change one."Pagtatanggol ni Yannah kay Aljur.
"Bravo best inlove ka nga....and totally serious."Pumalakpak pa ito.Sige na nga kung mahal ka talaga niya susuportahan na kita masaya na rin ako na makita kang masaya kaysa noon palagi ka nalang malungkot.Pero ha pag sinaktan ka rin niya dont hesitate to count on me like 1 2 3 coz I'll be there..reresbakan ko yan."Pagbabanta nito.
"Sige ikaw na ang savior best friend ko."kapwa pa sila tumatawa at nagyakapan uli hanggang sa magpaalam na sila sa isat-isa.


Forever Is PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon