To know you more.....
Cheesy time....Thank you for including my story in your reading list........💖Aljiandrei
"Oh what an early greetings!"Ang aga kasing nag good morning text ni Aljur kay Yannah at dahil may load siya siyempre nakipagbolahan na din siya dito.hahahaha
"Good morning sunshine."bati ni Aljur.
"Kailan pa naging sunshine si Yannah?"sagot naman ni Yannah ni hindi nga nag good morning back.
"Simula ng makilala kita palagi ng sumisikat ang araw para sa akin."wooh kung maka good time ha wagas akala mo ata ikaw lang ang marunong .
"Ayeee salamat... goodmorning din sayo MAPA..." kunwari Kinikilig daw siya.
"Huh bakit naman mapa ang tawag mo sa akin?"tanong ni Aljur.
"Palagay ko kasi ikaw na ang MAPA pangasasawa ko."sagot ni Yannah wag kasi siyang unahan sa ganyang mga cheesy dahil di rin siya pahuhuli diyan.
"Talaga?totoo ba yon?"at kunwari seryoso din tong nasa kabila.
"Hahahaha JOKE!!!"
"Ay akala ko totoo na sayang di ko nalang siguro itutuloy ang pag bili nong mga biik."anito na parang naghihinayang.
"Ano namang gagawin mo doon?"nalilito tuloy siya.
"Aalagaan ko para sa kasal natin."sagot nito
"What???joke nga lang di ba?"sira tong taong ito.Sa isip ni Yannah
"Hehehe ito naman naniwala agad siyempre manliligaw pa nga ako no."Bigla yatang pinamulahan si Yannah sa nabasa.
"Ewan ko sayo."ang nasagot nalang niya.
"Tingnan mo to pikon agad."
"Hindi ah..."bye muna maghahanda lang ako for school ingat sa work."huli na ng ma send niya ang huling sinabi na mag ingat ito.Ang tanga ko baka isipin niyang concern ako.
"Salamat sa concern ikaw rin alagaan mong sarili mo kasi andito ako naghihintay sayo."
Hay nakakainis tong tao to, sobrang bolero.Bakit ba pag kagaya nila ang bilis maka porma?Di nalang din nagreply si Yannah baka saan na naman mapunta ang usapan nila.
Eni enjoy nalang niya ang buong araw sa school like doing the task,bonding with friends at pa cute minsan sa mga crush pero natuto na siya ha inilihim nalang niya para di na siya masaktan."Hi hows your day?"Nagtext na naman si Aljur.
"Okay naman nag "hi" kasi ang crush ko kanina so masaya.."Pagsisinungaling niya.
"Ah ganon ba mabuti yon atleast nakakapag pasaya ng araw mo."Bakit ba feeling niya malungkot ito.
"Ikaw kumusta naman?"Tanong ni Yannah.
"Eto medyo nakapagpahinga na dami kasing mga customer sa office kanina."sagot naman nito.
"So for sure nagpapahinga ka ngayon?......"
"Ay hindi may ginawa pa rin ako."Agap nito
"Ano bang ginagawa mo I guess at this moment sarado na kayo."
"Gumagawa ako ng tulay."Sagot nito.
Teka ang dami bang sideline ng taong to from security guard to ano nga bang tawag don di naman siguro karpentero.Makareply na nga.
"Tulay as in bridge? Sa pagka alala ko malayo naman ang tulay dito sa atin.Grabe naman katindi ng pangngailangan mo nakakapag pahinga ka pa ba niyan."Bigla atang hinaplos ng awa si Yannah hindi lang ito mabait ang sipag sipag pa.
"Ang dami mo namang sinasabi ang tulay kasi na tinutukoy ko ay tulay patungo sa puso mo 😉."
Biglang nag init si Yannah sa narinig todo emote na siya nagbibiro lang pala ito.Kung nasa harapan lang kitang lalaki ka nahampas na kita.Naiinis talaga siya.At dinagdagan pa ang inis niya ng mag ring ang cellphone niya at ito nga ang tumawag.
"Hello!"pasinghal niyang sagot.
"Uie galit ka ba?nag jojoke lang naman ako eh."
"Pwes hindi nakakatuwa alam mo yong feeling na nag alala ako....."
"Talaga???totoo ba yon nag alala ka sa akin?"Para hindi masyadong halata na nahihiya si Yannah sa mga pinagsasabi niya bigla nalang siyang bumunghalit ng tawa.
"Hahahahaha ito naman di mabiro joke lang just like you mapagbiro ganon din ako."wika nito.
"Hindi eh naramdaman ko talaga concern ka talaga sa akin salamat ha."
"Wow assuming mo ha."
"Magkita naman tayo ulit miss na kita eh."Ani Aljur.
"Ayoko magagalit ang mga magulang ko."
"Please kahit makita lang kita sa malayuan ayos na sa akin.Okay lang kahit di mo ako pupuntahan please...."Pagsusumamo pa rin nito.
"Ang kulit naman nito sinabi ng bawal.Siya paalam na may gagawin pa ako." At tuluyan na niyang ini off ang kanyang cellphone.Hindi pa rin ako dapat magtitiwala paano nalang kung kagaya din ito ni Homer pagtangkaan din ako.
Uwian na kaya naisipan nalang niya na umuwi na din busy din kasi ang kaibigan niyang si Laiza.Si Farrah naman classmate niya ito for some minor subjects lang since Business Administrator ang course nito.
"Home sweet home ."Bati niya sa ama at ina na nasa sala at nanonood ng TV.
"Masigla yata ang bunso namin ngayon?"Nakangiting sambit ng kanyang Ama.
"May mga accomplishment lang sa school kaya masaya."Balita niya.
"Mabuti kung ganon anak ipagpatuloy mo lang yan ha para din yan sa kinabukasan mo."Ang sabi naman ng kanyang ina.
"Opo.Sige po papasok na ako sa kwarto ko magbibihis lang ako."Paalam ni Yannah narinig nalang niyang nag okay ang mga ito.Maya maya pa halos di na marinig ni Yannah ang sarili niya sa tindi ng kabog ng puso niya ng mabasa ang mensahe ni Aljur na nasa tindahan siya malapit sa bahay nila ,sinilip naman niya andon nga.Paano niya nalaman ang bahay namin? Tinawagan niya ito.
"Bakit ka andito?baka makita ka nila mama lagot tayo.
"Excuse me hindi pa nila ako kilala unless ipakilala mo ako total andito na ako."Ni hindi nga natakot ito.Habang siya naman kanina pa namumutla sa takot.
"Kahit sandali hindi ka ba magpapakita sa akin?" Pagmamakaawa nito.
"Ganito ha....lalabas ako pero pa as if tayo na magkaklase at kunwari may kukunin kang notes sa akin.Naku ang dami pa naman naming chismosang kapitbahay baka kung ano ng sasabihin.
"Okay maghihintay ako dito ay wait paano kung diyan nalang sa bahay nyo."suhistiyon nito
Hay ang kulit talaga nito sabagay mas safe nga dito for sure yung makakita ang iisipin nila nakipagtagpo ako sa lalaki at baka kung ano pang sabihin kina mama.Bahala na nga.
"Sige sasabihin ko nalang kina mama may papunta akong kaklase. Please naman magpaka best actor ka.
"Sure magaling ako diyan but anyway bakit ka ba natatakot mabuti naman ang intensyon ko."
"Kung hindi nalang ako magpapakita sayo?"Pananakot ni Yannah.
"Ay wag naman.... sige na nga."Paglabas ni Yannah sa pintuan ng silid andon pa rin ang mga magulang niya aliw na aliw sa pinapanood nito.Kinakabahan pa rin siya.Pero naglakas loob pa rin siya dahil alam niyang kukulitin pa din siya ni Aljur.
"Ma Pa....."sabay sabay itong napalingon.
Kasi andiyan sa labas yong kaklase ko may hihiramin kasi siyang notes pwede ko bang papasukin?Pilit niyang kinalma ang sarili.
"Sige papasukin mo."Sabi ng kanyang ama.
Lumabas na siya para salubungin ito malayo palang ito ang laki na ng ngiti nito.Naka maong pants pa rin tsaka black tshirt na may print na logo ng Golden State Warrior- fans lang?Kung ganon magkalaban kami Cavaliers ako eh.Go James Lebron.
"Salamat pinagbigyan mo ako."
"Kaya sana wag mong abusuhin kasi lagot talaga ako.Halika na nga."
Pagpasok nila sa loob sabay na napalingon ang kanyang mga magulang akalain ba namang first time may dinala na lalaki sa bahay nila.
"Ma pa si Aljur po."Pakilala niya sa mga ito
"Magandang hapon po."Nakipagkamay pa siya dito.
"Magandang hapon naman you must be Yannah's classmate right?"
"Opo."
"First time kasi ng may pinapakilala sa amin ang batang to."Di mo alam kung seryoso o nabibiro ang papa nito since di talaga nag smile yung mama naman niya mataman lang nakikinig at tila kinikilatis itong mabuti.
"Pero yung totoo talaga classmate or manliligaw?Biglang pinamulahan si Yannah sa narinig si Aljur naman kampante lang.
"Hindi po classmate lang talaga."Awat ni Yannah dito.
"Yannah si Aljur ang tinatanong ko."Patuloy pa rin ng kanyang ama.
"Hindi naman po mahirap mahalin si Yannah pero siyempro po kung gagawin ko yon magpapaalam po ako sa inyo."Lakas loob na wika ni Aljur.Habang si Yannah naman sa kabilang banda halos himatayin na sa niyerbyos.
Naku ang kapal talaga ng taong to pahamak talaga.Bago pa man madugtungan ang sasabihin nito inawat na niya ang mga ito.
"Papa nagbibiro lang yan sa school nga namin siya talaga yong pina ka joker.Uie di ba pag aralan mo pa tong notes ito na oh pwede ka ng makauwi."Pagtataboy nito.Mabuti nalang at nakiramdam din si Aljur kaya nagpaalam nalang din ito.
"Anak di mo man lang inalok ng inumin tong bisita mo."Puna ng kanyang ina.
"Ayos lang po maam tapos na po ako."Tanggi nito.
"Kung gayon sige ikaw ang bahala."Sagot ng ina ni Yannah.
"Tuloy na po ako salamat po."Paalam nito.
Inihatid nalang siya ni Yannah sa labas.
"Salamat Yan tsaka sorry din sa abala."
"Mabuti naman at na realize mong halos mahimatay na ako sa takot kanina."anito.
"Ganon ba talaga sila kahigpit sayo?"tanong nito.
"Hindi naman siguro kaya labg ayaw ko silang ma disappoint nangako kasi ako sa kanila na magtatapos muna.Paliwanag ni Yannah.
"Okay naintindihan ko naman yon pero salamat talaga ha."
At tuluyan na itong umalis.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...