Von’s POV
Moro Lorenzo Sports Center, 8:30am Monday
Kakatapos lang ng first training namin. Kami na lang ni Kiefer ang nandito sa Moro. May mga summer class kasi yong iba naming teammates. Parang wala sa mood si Kiefer today. Napagalitan nga yan ni Coach kanina kasi distracted. Ano na naman kayang problema nito.
Von: Paps! (umupo sa tabi ni Kiefer) Bakit parang wala ka sa mood?
Kiefer: May iniisip lang.
Von: Si Kara ba yan?
Kiefer: (tumingin kay Von) Paano mo naman nasabi?
Von: Ano ka ba, it doesn’t take a genius para malaman na si Kara yang pinoproblema mo.
Kiefer: Ganun na ba ka-kalat?
Von: Yong ginagawa niya sa yo? Oo Kief, ang dami ng may alam. She’s not exactly being discreet about it. Dito lang naman niya sa Ateneo di ginagawa eh. Pero sa labas ng school, madaming nakakakita.
Kiefer: Oo nga eh. Isa na ko dun.
Von: Nakita mo si Kara cheating on you? Kelan? Saan? Anong nakita mo? Anong ginawa mo?
Kiefer: Isa-isa lang Paps, mahina ang kalaban. Oo nakita ko si Kara, nung Saturday, sa mall, may ka-holding hands na lalaki.
Von: Anong ginawa mo? Kinonfront mo ba? Sinapak mo ba yong lalaki?
Kiefer: Hindi. Wala akong ginawa. Umalis lang ako sa mall. Nagdrive hanggang umabot ako dito sa Ateneo, dun sa Eliazo. Buti na lang andun si Aly, may naaya ako mag jogging.
Von: Ravena naman...
Kiefer: Pessumal, wag mo na kong sermonan.
Von: Paps, may gusto akong itanong sa yo. Actually, matagal ko na to gustong itanong sa yo, hindi lang ako makahanap ng tiyempo.
Kiefer: Sige, go lang!
Von: Bakit kayo pa rin ni Kara? No offense meant Kief ha. Pero alam ko naman kasing matagal mo ng alam yong mga extra-curricular activities niya. Even before mo siya nakita nung Saturday. And kung tutuusin, from the very beginning, trophy boyfriend ka lang para sa kanya, nothing more. Yong tipong, bre-breakin ka niya kung mag-quit ka sa team.
Kiefer: Alam mo, when you put it that way, parang feeling ko ako na ang pinaka-tangang lalaki sa buong mundo.
Von: Sorry na pina-prangka kita. Curious lang talaga ako.
Kiefer: Mahal ko si Kara eh. Hindi ko nga alam kung anong pinakain nun sa kin. Looking back now, I think I spent more than half of our two year relationship defending her from everyone. Lahat ng tao sa paligid ko ayaw sa kanya.
Von: Baka naman nacha-challenge ka lang. Kasi you and me against the world ang drama niyo.
Kiefer: Naisip ko rin yan. Pero hindi eh. Mahal ko talaga siya.
Von: Kahit nasasaktan ka? Kahit niloloko ka lang niya? Ay naku Kiefer…
Kiefer: Martir ba?
Von: Medyo. Paps, may isa pa kong tanong. Sana sagutin mo to ng seryoso.
Kiefer: Masyado ka atang matanong ngayon. Anong meron?
Von: Nag-uusap na rin lang tayo. Might as well itanong ko na lahat.
Kiefer: O sige, ano pa yang tanong mo?
Von: Paps, si Aly?
Kiefer: What about Aly?
Von: I’m sure naririndi ka na dito, pero bagay talaga kayo. And she knows and understands you better than anyone else. Bakit hindi na lang siya?
Kiefer: Von naman. Don’t make her out to be a consolation prize. She deserves a guy na mamahalin siya kasi mahal siya, hindi dahil siya yong andiyan.
Von: Ano ka ba. I’m not making her out to be a consolation prize. Nanghihinayang lang ako kasi sobrang compatible niyo. Pag magkasama kayo, walang ka-effort effort niyong napapakilig yong mga nakakakita sa inyo.
Kiefer: Hindi naman pwedeng maging basis ng relationship yong kung kinikilig kayo sa min o hindi.
Von: Hindi nga. Pero yong chemistry kasi andun. And everything starts from there diba?
Kiefer: Hindi ko kayo ma-gets. Bakit ba lagi niyo na lang kaming iniintriga ni Aly? If nakikita niyo kaming kumportable sa isa’t-isa, it’s because we’re bestfriends and we’ve known each other awhile.
Von: Marami kang friends na girls and si Aly din naman may mga friends na guys. Pero iba yong treatment niyo sa isa’t-isa. Honestly Kief, pag pinapanood ko kayo, kahit alam kong friends lang kayo, napapaisip ako kung may gusto kayo sa isa’t-isa.
Kiefer: You’re reading too much into things.
Von: Tapatin mo nga ako. Wala ka ba talagang gusto kay Aly?
Kiefer: Wala. Paano ko pa maiisip magkagusto kay Aly eh para ko ng kapatid yon?
Von: Eto lang Paps, sana pagdumating yong time na ma-realize mong gusto mo na siya, sana hindi pa huli ang lahat. Sana hindi ka maunahan ng iba. Baka kasi mamaya niyan, ma-realize mo lang na mahal mo siya pag may iba ng nagpapangiti sa kanya.
Kiefer: Ay naku! Suko na ko. Hindi ako mananalo sa yo sa usapang to. Diyan ka na nga. Magsa-shower na ko.
Kahit ano pang sabihin ni Kiefer, feeling ko talaga, in denial lang siya. Iba nakikita ko pag magkasama sila, and I don’t think ako lang ang nakakakita nun. Sana talaga wag siyang maunahan ng iba. Kung magkataon, asa kanya na si Aly pinakawalan pa niya.
Alyssa’s POV
Gonzaga Caf, 12nn Monday
Andito kami ni Ella sa Caf. Lunchtime na pero di ko pa rin nakikita or nakakausap si Kiefer. Hindi na talaga siya nagparamdam kahapon. Kinakabahan nga ako eh, baka may nangyari na naman.
Ella: Kanina ka pa hindi mapakali diyan. Ano bang problema?
Alyssa: Si Kiefer kasi. Hindi pa nagpaparamdam. Feeling ko tuloy may hindi na naman magandang nangyari dun.
Ella: Hindi lang nagparamdam, may nangyari agad?! Hindi ba pwedeng hindi lang talaga nagpaparamdam kasi wala sa mood magtext?
Alyssa: Ano ka ba. Wala namang problema kung hindi siya magtext. Pero kasi nagtext siya kahapon, tapos di na sumagot after ko magreply. Hindi naman yon ganun. Usually, pag tinetext ko siya, kahit nonsense lang, sumasagot yon.
Ella: Worried girlfriend lang ang peg?! Okay lang yon. Na-miss mo naman agad. (nakita si Von at Kiefer na papalapit sa kanila) O, ayan na yong hinahanap mo. Mukha namang okay siya ah.
Von: Hi girls! Pa-share kami ng table ha.
Ella: Oo ba.
Kumain kaming apat ng tahimik. Ang weird na walang nagsasalita. If I didn’t know any better, I’d even say na awkward yong atmosphere. Pero wala naman akong maisip na dahilan para maging awkward.
Ella: Besh, guys, una na muna ako. Punta lang akong Psych Dept.
Alyssa: Iiwan mo ko dito?!
Ella: Hindi ka naman mag-isa. Ayan si Kiefer tsaka si Von o. Magkita na lang tayo after ng consultation ko.
Alyssa: Sige...punta tayong Shoppersville ha?
Ella: Nagtext na ba sila sa yo?
Alyssa: Ah...eh...hindi pa. (ngiti kay Ella)
Ella: Besh, magtetext sila sa yo pag may stocks na sila. Kung wala pang text, ibig sabihin, wala pa.
Von: Anong stocks?
Alyssa: Stocks ng dried mangoes. Nung isang linggo pa kasi ako nagke-crave eh. Naubusan na sila nung favorite ko.
Kiefer: Paano naman kasi sila hindi mauubusan eh ina-araw-araw mo yong pagbili.
Alyssa: Hindi kaya.
Kiefer: Talaga, hindi?
Alyssa: (pout) Oo na. Hmph.
Ella: Hahaha...huling-huli ka Ly.
Argghhh!!! Nakakainis talaga si Kiefer. Lagi na lang akong binubuko. Ilaglag ba ko sa harap ni Von. Nakakahiya...
Kiefer: Uy...may nagtatampo. (kurot sa pisngi ni Alyssa) Wag ka na magtampo sa kin, joke lang yon.
Alyssa: Masakit! (hawi sa kamay ni Kiefer)
Ella: Ay naku, kung maglalambingan lang kayo diyan, aalis na ko.
Von: Ella, sabay na tayo. May kelangan din akong kausapin sa Dept namin.
Ella: Tara. Kiefer, ikaw na bahala diyan ha. Pinikon mo kasi. Besh, text text na lang.
Alyssa: Bye Ella! Bye Von!
Von: Bye Aly! Paps, una na ko. Ayusin mo yan.
Pag-alis nila Ella, tumayo na ako. Matutulog na lang ako sa dorm, tutal 5pm pa naman yong next training namin.
Kiefer: (hinawakan yong kamay ni Alyssa) Wag mo naman akong iwan dito. Best, sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Please...pansinin mo na ko.
Alyssa: (umupo ulit) Sanay naman akong inaasar mo ko. Pero sana wag mo kong nilalaglag sa harap ng ibang tao.
Kiefer: Si Von? Eh kung gaano naman tayo katagal magkakilala, ganun rin naman kayo. Ibang tao pa rin ba siya sa yo?
Alyssa: Hindi naman ako ganun ka-close kay Von noh. Siyempre nahihiya naman ako sa kaniya na parang ang takaw-takaw ko.
Kiefer: Ly newsflash lang, hindi naman big secret na malakas ka kumain. Alam ng lahat yon!
Alyssa: Nakikipagbati ka ba o nakikipag-away?
Kiefer: Hindi ako nakikipag-away. Ang akin lang, hindi naman masama maging matakaw. Kasi bini-burn mo naman yan sa training.
Alyssa: Ewan ko sa yo!
Kiefer: Uy...bati na tayooo...wag ka na magalit sa kin...
Tumingin ako kay Kiefer. Nak nang...bakit ba hindi ko matiis tong mokong to!
Alyssa: Hmph! Kung hindi ka lang malakas sa kin...
Kiefer: Yehey!!! Bati na kami!!! (biglang kiss kay Alyssa sa cheeks)
Napatingin ako kay Kiefer. Parang nagulat din siya sa ginawa niya.
*toot toot*
From Jovee:
Hi Miss Valdez! Naglunch ka na ba? Wag magpalipas ng gutom ha. Smile ka lagi! d=)
Napa-smile ako nung nabasa ko yong text ni Jovee. Wala sa hitsura niya, pero sweet talaga yon. Kahit dati pa.
Kiefer: Bakit bigla kang nangiti? Sino ba yang nagtext?
Alyssa: Ah si Jovee. Nangungulit.
Kiefer: Sinong Jovee?
Alyssa: Yong team manager namin nun sa UST Girls Volleyball team. Hindi ko ba siya nakwento sa yo?
Kiefer: Wala akong maalala.
To Jovee:
Hi Mr Avila! Kakatapos ko lang po maglunch. Bawal talaga magpagutom kasi magwawala yong mga alaga ko. Hehe...ikaw, naglunch ka na ba? Musta work?
Kiefer: Bakit siya nagtetext sa yo? Naku ha, hindi ka niya pwedeng recruit-in pabalik ng UST. Baka maghurumentado ang buong Ateneo.
Alyssa: Hindi na siya affiliated sa UST. Tumigil na siya mag team manager pagka-graduate niya ng college.
Kiefer: Ahhh...so anong kelangan niya sa yo?
Alyssa: Wala, nagtatanong lang kung naglunch na ko.
*toot toot*
From Jovee:
Yup tapos na rin po. Okay naman work. Toxic as always. Musta training niyo kanina?
Kiefer: Nililigawan ka ba niyan?!
To Jovee:
Ayun. Muntik ng ma-late. Di pa kami sanay gumising ng 4am. Tapos may training ulit mamayang 5pm.
Alyssa: (tumingin kay Kiefer) Ano yong tinatanong mo?
Kiefer: Bakit ba parang biglang sumulpot yang Jovee na yan? Hindi naman yan nagtetext sa yo dati diba?
Alyssa: Hindi nga. Actually, we kind of lost touch after ko gumraduate from high school. Bigla na lang kasi siyang hindi nagparamdam eh. Accidentally, nagkita kami sa High Street kahapon, sa may Fully Booked.
*toot toot*
From Jovee:
Twice a day ang training niyo?! Lupit ah. Dapat mag champion na kayo this year. Aly, later na lang ulit ha. Tapos na break namin. d=)
To Jovee:
Sige. Balik ka na sa work mo. :-)
Kiefer: Tapos nagdate kayo?
Alyssa: Date?
Kiefer: Oo. Siya yong ka-date mo sa Texas Roadhouse kagabi, right?
Alyssa: Wala naman akong date kahapon. Pero nagdinner nga ako sa Texas Roadhouse last night. Kasama ko sina Ella.
Kiefer: Sige, paglihiman mo pa ko. Ganyan ka naman eh. Parang date lang tinatago mo pa sa kin.
Alyssa: Wala nga akong date. Asa High Street ka ba kahapon?
Kiefer: Oo. Kasama ko sila Thirdy. Nakita ka kaya namin ni Dani na may ka-date sa Texas Roadhouse.
Alyssa: Date as in dalawa-lang-kami date?
Kiefer: Oo. Nagtatawanan pa nga kayo eh. Parang enjoy na enjoy ka.
Alyssa: Apat kaming nagdinner last night. Ako, si Ella, si Denden at si Jovee.
Kiefer: Ginawa mo pang excuse si Ella at si Denden.
Alyssa: Are we really going to fight over this? Naguguluhan ako. What are you getting so worked up about?
Kiefer: Ikaw kasi eh. Ayaw mo pang aminin na nakipag-date ka kagabi.
*toot toot*
From Besh Ella:
Besh, tapos na consultation ko. Saan mo gusto mag-meet?
To Besh Ella:
Andito pa ko sa Caf. Nakikipagtalo kay Kiefer. Balik ka na lang dito.
Alyssa: If may date ako, hindi ko naman yon itatanggi, lalo na sa yo. Once and for all Mr Ravena, wala akong date kahapon, at hindi lang si Jovee ang kasama ko sa Texas Roadhouse. Kasama namin si Ella at si Denden. Kahit tanungin mo pa sila. Baka nung nakita niyo kami, yon yong time na asa bathroom yong dalawa. (hindi kumibo si Kiefer) Bakit hindi kayo nag-hi ni Dani nung nakita niyo ko kahapon?
Kiefer: Gusto nga ni Dani. Pero hinila ko na palayo. Mahirap na mang-istorbo ng nagde-date.
Alyssa: Eh hindi nga yon date.
Kiefer: Ly, ayoko na to pagtalunan. Kung wala kang date kahapon, eh di wala. End of story. (nakita si Ella na papalapit) O, ayan na pala si Ella.
Ella: Hi Kief. Hi Besh. Ano, magsa-Shoppersville ba talaga tayo?
Alyssa: Oo, baka may stocks na sila nakalimutan lang nila ako i-text.
Kiefer: Girls, una na ko. May gagawin pa ko.
Ella: Sige Kief. Bye!
Alyssa: Bye Kief!
Naglakad si Kiefer palabas ng Cafeteria. Is it just me, or mukha siyang bad trip?
Ella: Bakit parang bad trip si Kiefer? Hindi mo pa rin ba siya pinapatawad dun sa pan-lalaglag niya sa yo kanina?
Alyssa: Naging okay naman na kami pagkaalis niyo ni Von. Hindi ko lang maintindihan kanina, parang Kiefer got weird.
Ella: Weird in what way?
Alyssa: Pinagpipilitan ni Kiefer na magka-date daw kami ni Jovee kahapon. Nakita pala niya kami sa Texas Roadhouse last night, hindi man lang lumapit para mag-hi. Tapos ngayon, ayaw niyang maniwala na apat tayong nagdinner.
Ella: Hindi niya ba kami nakita?
Alyssa: I think nung nakita niya kami, yon yong time na nag-bathroom kayo ni Denden.
Ella: Hmmm…
Alyssa: What’s with the face?!
Ella: Baka nagseselos si Kiefer kay Jovee.
Alyssa: Bakit naman niya pagseselosan si Jovee?
Ella: Ly, sa halos three years na magkaibigan kayo ni Kiefer, siya nagka-girlfriend, pero ikaw, hindi ka nagka-boyfriend, ni boylet nga wala. Never ka niyang nakita in a date setting with another guy.
Alyssa: Ano naman ngayon?
Ella: First time ka niya nakita last night with a guy. A guy na hindi niya kilala. Mukha pa kayong out on a date. (hinawakan ni Ella si Alyssa sa braso) Besh, hindi kaya may gusto talaga si Kiefer sa yo?
Alyssa: Imposible yon Ella.
Ella: Bakit naman naging imposible?
Alyssa: Kasi unfortunately, kapatid lang ang turing nun sa kin.
Ella: Pero hindi talaga kayo magkapatid. Kaya feelings can still change.
Alyssa: Hay naku Ella, you and your theories. Halika na nga, mag-Shoppersville na tayo.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...