Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 4pm Saturday
*knock knock*
Denden: Besh! Bilisan mo maligo. Aayusan ka pa namin!
Alyssa: Eto na! Malapit na ko matapos. Kalma lang kayo diyan!
Ella: Ang bagal mo!
Naloka ako paglabas ko ng banyo. Parang dinaanan ng bagyo yong kwarto namin.
Alyssa: Anong nangyari dito?! Bakit nakakalat lahat ng damit ko?
Ella: Hinahanapan ka namin ng isusuot!
Alyssa: Akala ko ba ang isusuot ko yong skirt na binili ko nung Tuesday?
Denden: Nahahabaan si Ella dun sa skirt!
Ella: Eto Besh, sukat mo.
Inabutan ako ni Ella ng kung ano-anong damit para isukat. Wala naman silang mapagkasunduan ni Denden. Ang ending naka white top ako with Denden’s bandage skirt and yong strappy sandals na binili ko sa Payless.
Alyssa: Hindi ba masyadong maikli tong palda ni Denden para sa kin?
Ella: Besh, mas maikli pa diyan yong shorts natin sa volleyball. Okay na yan. Para ma-accentuate yong maganda mong legs!
Denden: O, upo na dito. Lalagyan kita ng make-up. Ella, blow dry mo yong buhok ni Aly habang mine-make-up-an ko siya.
Alyssa: Wag na mag-make-up. Hindi na yan kelangan, nakita na ko ni Jovee na mukhang basura noh.
Ella: Ano ba, all the more na kelangan mo magtransform. Para makita ni Jovee na hindi na ikaw yong 16 years old na mina-manage niya nun sa USTe.
Denden: Light make-up lang Ly. Promise. Parang wala ka ring suot!
Pagkatapos ako ayusan nila Denden, tumingin ako sa salamin. In fairness sa kanila ha, maganda ang kinalabasan.
Denden: Awww...ang ganda mo Besh!
Ella: Oo nga. Dapat dalas-dalasan mo yang pagpapalda at pagme-make-up. Magmukha ka namang babae minsan!
Alyssa: Ang hirap kaya gumalaw pag nakapalda. Tapos tong init na to, gusto niyo kong mag-make-up lagi?! Huhulas lang yan sa kin.
Denden: Nakita ka na ba ni Jovee na nakaayos ng ganyan? Yong parang babaeng-babae?
Alyssa: Hindi. Lagi lang naman akong naka jeans or naka shorts nung High School eh.
Ella: Dapat ata warningan natin si Jovee.
Alyssa: Warningan ng?
Ella: Warningan sa new look mo. Baka mabaliw yon mamaya pag nakita ka!
*toot toot*
From Jovee:
Hi Aly. Dito na ko sa lobby ng Eliazo.
Jovee’s POV
Italianni’s MOA, 7pm Saturday
Waiter: Table for two Sir?
Jovee: Yes please.
Waiter: This way Sir, Ma’am.
Pagdating namin sa table, I pulled out a chair for Aly. We ordered our food and while waiting, nagkwe-kwentuhan kami.
Jovee: Bakit parang hindi ka mapakali diyan?
Alyssa: Pangit ba yong suot ko? Overdressed noh?
Jovee: No. Ang ganda mo nga eh.
Alyssa: Hmph. Kaya ka lang nagagandahan kasi lagi akong mukhang basura nung High School.
Jovee: Uy hindi ah. Maganda ka na nung High School. Mas maganda ka nga lang ngayon. Bagay sa yo nakaayos.
Actually, ang ganda-ganda ni Aly tonight. Nung pagbaba nga niya ng stairs kanina sa Eliazo, wala akong nasabi kung di wow.
Alyssa: Naku ha, hindi mo ko madadaan sa bola Mr Avila. May utang ka pa sa kin. Anong nangyari nun? Bakit ka ba talaga biglang nawala?
Jovee: Totoo yong sinabi ko sa teammates mo. Nagtampo ako sa yo nun.
Alyssa: Bakit? Alam mo namang dream school ko ang Ateneo ah. Diba nga lagi nating pinag-uusapan yon dati? Tsaka alam mo ring nire-recruit ako ni Coach Roger nun.
Jovee: Oo alam ko yon. Pero hindi naman ako nagtampo dahil nag-Ateneo ka. Nagtampo ako kasi umalis ka ng USTe.
Alyssa: May difference ba yon? Nagtampo ka pa rin naman sa kin.
Jovee: Oo magkaiba yon, kasi it could have been any other school and ganun pa rin ang magiging reaction ko. Although hindi naman talaga ako na-surprise na umalis ka. Siguro nakadagdag lang sa pagtatampo ko na may gusto ako sa yo nun. Alam mo yon, kahit wala akong karapatan, parang I felt betrayed.
Takte! Did I just say what I think I said? Bahal na nga. Dapat naman matagal na niyang nalaman eh. Tinignan ko si Aly, parang nagulat siya sa sinabi ko.
Alyssa: Huh? Anong ibig mong sabihing may gusto?
Jovee: May gusto as in kung pwede lang kitang pakasalan nun, papakasalan kita.
Alyssa: Talaga?
Jovee: Oo. Why do you look so surprised? Hindi mo ba napapansin nun na iba yong treatment ko sa yo sa treatment ko sa ibang teammates mo?
Dumating na yong food namin ni Aly. We ate quietly for a few minutes.
Alyssa: Akala ko I was just a little sister to you.
Jovee: Yon ang pinapalabas ko. Pero sa totoo lang, I was head over heels in love with you. Hindi mo lang alam kung gaano kita kagustong ligawan nun, kaya lang pinagbawalan ako ni Coach Francis.
Alyssa: Alam ni Coach Francis?
Jovee: Oo. Alam naman ng lahat eh. Apparently, ikaw lang ang hindi nakakaalam.
Alyssa: Pati teammates ko? Wala namang nabanggit si Kim sa kin ah.
Jovee: Yong ibang teammates mo, alam nila. Lakas kaya mang-asar nila Dindin nun. Pero si Kim ang hindi ko sure kung may nahalata. Never naman kasi niya kong tinukso sa yo.
Alyssa: Ah...kala ko pinaglihiman na ko ni Fajardo.
Jovee: Yon pa?! Kahit naman lagi kayong nagbabangayan ni Kim loyal sa yo yon. Kaya nga sa kanya ako hindi nagpapahuli nun, kasi for sure pag nalaman niya, makakarating sa yo.
Alyssa: Hindi naman ata seryoso yang gusto-gusto na yan.
Jovee: Seryoso yon noh. Sa loob ba ng dalawang taon, may nakita ka o nabalitaang niligawan ko? Wala diba? Sa yo lang kasi ako nakatingin.
Alyssa: Eh bakit ayaw mong malaman ko?
Jovee: Para saan pang malaman mo? Hindi naman kita pwedeng ligawan.
Alyssa: Bakit hindi pwede?
Jovee: Gusto mo bang makulong ako? 16 ka lang nun tapos ako magna-19 na. Ang balak ko sana, hihintayin kitang mag-18 tsaka kita liligawan. Kaya lang umalis ka nga ng USTe.
Alyssa: Hindi ka talaga seryoso nun kasi hindi mo naman ako hinanap nung nag-18 ako.
Jovee: Hahanapin nga sana kita kaya lang nagdalawang isip ako. Kasi ang tagal na nating hindi nag-uusap nun. Parang ang weird naman na out of the blue bigla na lang akong susulpot diba?
Kara’s POV
MOA, 9pm Saturday
Kara: Sweetie, are you okay?
Kiefer: Oo naman. Why wouldn’t I be?
Kara: Ewan ko sa yo. Kanina ka pa hindi mapakali diyan eh. Para kang may hinahanap na hindi ko maintindihan.
Kiefer: Wala naman akong hinahanap ah. (hindi kumibo si Kara) Gusto mo mag-Starbucks?
Kara: Sige.
We went to the nearest Starbucks. Pagpasok namin, habang nag-uusap kami ng o-order-in, someone called Kiefer’s name. When we looked around, we saw Alyssa waving at us. Hindi ko siya namukhaan agad. She looks different. Beautiful actually. Ayoko na sanang lumapit kasi parang may ka-date si Alyssa pero Kiefer took my hand and dragged me to their table.
Alyssa: Hi Best! Hi Kara!
I smiled at Alyssa tapos si Kiefer naman nag-beso sa kanya. After exchanging pleasantries, pinakilala ni Alyssa sa min yong kasama niyang guy.
Alyssa: Jovee, si Kiefer bestfriend ko and si Kara girlfriend ni Kiefer. Kief, Kara, si Jovee friend ko from High School.
Kara: Hi Jovee! (extended her hand to Jovee) Nice to meet you.
Jovee: (took Kara’s extended hand) Hi Kara! Nice to meet you rin.
Jovee also extended his hand to Kiefer pero si Kief didn’t move his hand at all. Nakatingin lang siya kay Jovee. It wasn’t until siniko ko si Kiefer na he took Jovee’s extended hand.
Kiefer: Sweetie, to go na lang yong coffee natin. Wala ng bakanteng table eh.
Jovee: Pare, if you want join us na lang. Kasya naman tayo dito sa table.
I was about to decline Jovee’s offer kasi mukhang wala sa mood si Kiefer. Pero inunahan ako ni Kiefer sumagot and surprisingly he said yes.
Kiefer: Sweetie, order lang ako.
Kara: Okay. (tingin kay Alyssa at Jovee) Alyssa, Jovee, excuse me lang ha. I’ll just go to the Ladies Room.
Alyssa and Jovee: Sure.
I went to the Ladies Room while Kiefer was at the counter. When I got back to the table, kakadating lang din ni Kiefer with our coffee.
Kara: Alam mo Alyssa, you look different. Bagay pala sa yo nakaayos.
Alyssa: Ah…thanks! Napag-tripan lang ako nila Denden kanina sa dorm. Feeling ko nga masyadong overkill yong hitsura ko.
Jovee: Ly, ang kulit ha. Sabi ng hindi eh. You look perfect! Saktong-sakto lang.
Alyssa: Ay naku Mr Jovee Avila! Tigilan mo kakabola sa kin.
Jovee: Hindi kita binobola noh. Diba, (tingin kay Kara at Kiefer) she looks beautiful?
Kiefer: Tsss…masyadong maikli yong palda mo.
Nagulat ako sa sinabi ni Kiefer. Kahit si Alyssa halatang nagulat din. Ano bang problema nito? Kanina pa to wala sa mood.
Kara: Sweetie, it’s not too short. Ako nga, nagsusuot ng mas maikli pa diyan. (tingin kay Alyssa) Ay naku Alyssa, wag kang makinig dito. Tama lang yong length ng skirt mo, short enough to be really flattering pero long enough na hindi siya bastusin.
Alyssa: Thanks Kara!
Jovee: Ang daya mo! Bakit pag galing sa iba yong compliment tinatanggap mo? Pero pag ako nagsabi feeling mo binobola lang kita. Nakaka-hurt ka na ha.
Alyssa: Awww…tampo? Hahaha…hindi bagay sa yo!
Kiefer: Tsss…Land –
Kara: Ang cute niyong dalawa. Are you guys dating or something?
Jovee: Ahmmm...I wouldn’t exactly say dating kasi first time palang naman namin lumabas.
Kara: Ahhh…parang hindi naman kayo out on a first date. You look comfortable with each other.
Alyssa: Matagal na kasi kaming magkaibigan, High School pa ko. Although matagal din kaming nawalan ng communication.
Kara: So, how’s the first date so far?
Jovee: Masaya naman, so far so good.
Kara: Is there going to be a next date?
Jovee: Sana. Kung papayag si Aly.
Alyssa: Ang advance ha. Tapusin muna natin tong gabing to, tsaka na natin pag-usapan yong next.
Nagtawanan kaming tatlo nina Alyssa at Jovee while Kiefer was looking at us with no expression on his face. Nagpatuloy lang kami magkwentuhan nina Alyssa. We tried including Kiefer in the conversation pero one word sarcastic answers lang ang nakukuha namin from him. After awhile, nag-aya na rin ko umuwi.
Kara: Kief, let’s go na. It’s getting late.
Kiefer: Mamaya na. Dito muna tayo kina Aly.
Alyssa: Best, sige na. Go na kayo. Paalis na rin naman kami in awhile.
Kiefer: Bakit? Saan pa kayo pupunta?
Alyssa: Wala na. Hahatid lang ako ni Jovee sa dorm. Ayoko na i-photo finish yong curfew noh. Kaka-stress kaya.
Nagpaalam na kami kina Alyssa and we walked quietly to the parking lot. Hanggang sa loob ng sasakyan, tahimik pa rin kami. Normally okay lang sa kin, but for some reason, this time the silence is uncomfortable.
Kara: May problema ka ba?
Kiefer: Wala nga sabi. Ang kulit mo. Sinagot ko na yang tanong mo na yan kanina.
Kara: I don’t believe you. Balisa ka lang kanina eh pero nung dumating tayo ng Starbucks, mainit na ang ulo mo. Hindi ka nagsasalita the whole time and the few instances na may sasabihin ka, ang sarcastic mo naman. Hindi ka na nahiya kina Alyssa.
Kiefer: Bakit ba parang ang chummy chummy mo kay Aly kanina? Akala ko you don’t like her?
Kara: I may not like her pero hindi ako bastos. And since hindi ka nagsasalita, wala akong choice but to do small talk with them. Ano ba kasing nangyayari sa yo? Hindi ka naman ganyan. Mas ma-chika ka pa nga sa kin eh.
Kiefer: Fine. Wala ako sa mood. Pagod ako. Happy ka na?
Kara: Bakit mo pa ko inaya lumabas kung wala ka naman pala sa mood? Sana nagpahinga ka nalang sa bahay mo. (hindi sumagot si Kiefer) Kief, did you know that Alyssa would be in MOA today with Jovee?
Kiefer: Oo.
Kara: Oh my God. I can’t believe this. Niyaya mo ko mag-MOA to spy on Alyssa’s date.
Kiefer: Of course not! Bakit ko naman gagawin yon?
Kara: Because she’s out on a date with another guy. Sila yong hinahanap mo simula ng dumating tayo ng MOA diba?
Kiefer: Wala akong sinabi na may hinahanap ako kanina at lalong wala akong sinabing sila ang hinahanap ko.
Kara: You didn’t have to say anything. Yong behavior mo kanina sa Starbucks gave you away. Bakit ba kasi ayaw mong aminin na mahal mo si Alyssa at ngayon nathe-threaten ka kay Jovee?!
Kiefer: Yan na naman ba ang pagtatalunan natin? Nagsasawa na ko ng kaka-explain sa yo kung sino si Aly sa buhay ko.
Kara: At sawang-sawa na rin ako makipag kumpitensiya sa kanya. Oo nga hindi natin siya nakakasama, pero andyan siya lagi sa utak mo. At kahit hindi ka magsalita, I know mahal mo siya.
Kiefer: Ano ka ba, there’s no competition between you and Aly. Girlfriend kita at bestfriend ko siya. Magkaiba yon.
Kara: Pinapakilala mo nga akong girlfriend mo, pero pakiramdam ko, mas girlfriend pa ang trato mo kay Alyssa kesa sa kin. You always say you’re not cheating on me with her. But you know, technically you are.
Kiefer: Please stop saying that Aly and I are cheating on you, because we’re not. And you know that. If there’s someone in this relationship who’s cheating on the other, we both know it’s not me.
Kara: Bakit ganun Kief, kahit anong gawin ko, para sa yo I will always pale in comparison to her?
Kiefer: Kara ang tigas ng ulo mo! Bakit ba ang hirap-hirap mo makaintindi. Wala kang dapat ika-insecure kay Aly. She’s just a friend. Stop comparing yourself to her.
Kara: Tell me. How am I going stop comparing myself to Alyssa when I know deep inside, you’re comparing the two of us? At yong comparison mo na yon, ako ang talo.
Kiefer: Kara please, tama na. This topic is getting old. Hindi ka pa ba napapagod?
Kara: Oo Kief. Napapagod na rin ako. And this time, ayoko na. Let’s stop this na.
Kiefer: What do you mean?
Kara: Let’s break-up.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
Fiksi PenggemarThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...