Chapter 30

9.4K 163 21
                                    

Von’s POV
Blue Eagles Dugout MOA Arena, 3:30pm Sunday

Von: Paps, kaya mo na ba talagang maglaro ngayon?

Kiefer: Oo naman. May clearance na ko galing kay Dr Bondoc.

Von: Alam kong physically ready ka. I meant emotionally. Naka-recover ka na ba sa pag-amin mo kay Aly yesterday? Mamaya niyan kasi distracted ka pa.

Kiefer: Okay ako Paps. I have to be. Hindi naman pwedeng naka-hold ang buhay ko habang nagmu-move on ako diba?

Von: Kief, yong kinwento mo sa kin kahapon, yon na talaga yong lahat ng nangyari?

Kiefer: Oo. Bakit?

Von: So hindi mo tinanong si Aly how she feels about you?

Kiefer: Bakit pa? Eh alam ko naman ng may mahal siyang iba. Hindi ko lang alam kung sino basta alam ko meron.

Ito talagang si Kiefer. Umamin nga kay Aly pero hindi naman niya tinanong kung may feelings din si Aly sa kanya. Pinanghahawakan pa rin niya yong narinig niyang pag-uusap nina Thirdy at Aly sa bahay nila. Iba ang pakiramdam ko, parang dapat tinanong niya pa rin si Aly.

Nakita ko si Nico na nakasilip sa may pinto ng dugout, parang may kausap siya sa labas. Maya-maya, may inabot sa kanyang paper bag tapos sinara na niya ulit yong pinto.

Nico: Paps, (abot ng paper bag kay Kiefer) pinapabigay ni Aly.

Von: Andiyan si Aly sa labas? Bakit hindi mo pinapasok?

Nico: Pinapapasok ko nga pero ayaw niya. Inabot niya lang sa kin yang paper bag, nag-good luck sa game, tapos umalis na.

Nilabas ni Kiefer yong laman ng paper bag, may isang jar ng Nutella, tatlong saging, tapos isang pack ng plastic spoons. Typical pick me up yan ni Kiefer when something’s bothering him.

Pinulot ko yong nalaglag na paper bag tapos sinilip ko. May naiwang letter sa loob. Inabot ko kay Kiefer tapos pinanood ko siya habang binabasa niya. Nilapag niya yong letter sa tabi nung Nutella tapos napahilamos siya sa mukha niya.

Von: Pwede ko bang basahin?

Kiefer: Sure.

Kief,

We need to talk about yesterday. After your game, hihintayin kita kung saan tayo pwedeng mag-usap na tayong dalawa lang.

But in the meantime, focus ka muna sa Adamson. It’s your first game back and I know excited ka, pero steady ka lang. Wag kang manggigil and take it easy kasi kagagaling mo lang sa injury.

Good luck on your game. I’ll be rooting for you.

Aly

P.S. Maghihintay ako dun kahit gaano katagal. So unless gusto mo kong mapahamak, dadating ka.

Von: Saan yong dun?

Kiefer: Yong ledge overlooking ng Marikina Valley, yong sa may bandang likod ng Cervini Caf.

Von: Ahhh…o Kief, si Aly na ang gumawa ng paraan. Utang na loob, tapusin niyo yong conversation niyo kahapon. Wag kang magwo-walk out. Itanong mo na lahat ng dapat mong itanong sa kanya.

Kiefer: Bahala na.

Von: Alam na niyang mahal mo siya and if she wants to talk with you, obviously hindi siya galit. Alamin mo kung may feelings din siya yo, kung sino yong tinutukoy niya kay Thirdy na mahal niya, kung may chance ka sa kanya. Ask everything, wala ng mawawala sa yo at this point.


Alyssa’s POV
Ledge overlooking the Marikina Valley, 7:30pm Sunday

Andito ako sa ledge ngayon, hinihintay ko si Kiefer dumating para mapag-usapan namin ng maayos yong nangyari kahapon. To be honest, nag dalawang isip ako kanina kung ibibigay ko pa yong letter ko kay Kiefer. But I realized it’s about time that we talk and lay our cards down on the table. I hope everything goes well later.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon