Denden’s POV
Pancake House Katipunan, 1pm Sunday
Denden: Ella ha. You promised to help me out.Ella: Oo na. Kahit labag sa kalooban ko. O, paano ba natin kakausapin yong Boys?
Denden: Hmmm…I think fate is working with us.
Nakita kong papasok sina Von, Nico at Juami sa Pancake House. I waved at them at inaya ko silang umupo na lang sa table namin ni Ella.
Nico: O Girls, bakit parang kulang kayo. Asan si Aly?
Ella: Asa dorm. Pinagpalit kami sa kama niya.
Juami: Para palang si Kiefer. Inaaya namin kanina lumabas pero mas gustong matulog sa bahay.
Denden: Uhmmm...Boys, may gagawin ba kayo until magstart yong classes?
Von: Wala naman. Cancelled yong practices namin until Wednesday. So malamang tatambay lang sa dorm o kaya uuwi saglit sa bahay. Bakit?
Ella: Batangas tayo. Alis tayo bukas ng umaga tapos balik tayo Wednesday ng hapon. Huling hirit bago mag pasukan.
Nico: Batangas? Pwede. Hindi pa ko nakakapag beach ngayong summer.
Juami: Paps, di mo na kelangan mag-beach, sunog na sunog ka na o!
Nico: (tapon ng tissue kay Juami) Bwiset!
Von: Saan tayo magste-stay dun? Dapat maghanap na tayo ng resort ngayon palang para sure na may tutulugan tayo.
Denden: Hindi na kelangan. May resthouse kami sa Laiya. Dun na lang tayo magstay.
Nico: Naks! Rich!
Denden: Luh, hindi naman malaki yong resthouse. Parang isang kwarto nga lang ang meron kasi yong isa ginawa ng lagayan ng gamit. Pero kung sampu lang naman, kasya tayo.
Juami: Sampu? Eh lima lang naman tayo.
Ella: Kasama natin si Marge, si Jia tsaka si Mich. Sa dorm lang din kasi sila until magpasukan.
Von: That makes us eight, sino pa yong dalawa?
Denden: Si Aly tsaka si Kiefer. Hindi pwedeng maiwan yong dalawang yon. At si Kiefer ang assignment niyong tatlo. Kelangan ma-convince niyo siyang sumama sa tin.
Juami: Parang may maitim kang balak dun sa dalawa.
Ooopppsss...I think nasobrahan yong pagka-emphasize ko na dapat kasama si Kiefer.
Denden: Ako? May maitim na balak? Wala noh. I'm innocent.
Ella: Hahaha...Besh, wag ka na mag-deny. Bistado ka na nila eh!
Von: Ano bang plano mo sa dalawa? Baka naman makatulong kami.
Parang mas okay nga ata na meron sa side ni Kiefer na tutulong sa min. Weird naman kung kami ni Ella mismo ang mangungulit kay Kiefer diba?
Denden: Sige na nga. Join na din kayo sa Operation Phenom Couple.
Nico: Uy, gusto ko ata yang Operation Phenom Couple na yan. Ano bang gameplan?
Ella: Wala pa, hanggang out of town palang ang naiisip namin.
Juami: Okay na yong out of town na plano for now. Let’s just wing it pagdating natin ng Batangas.
Nico: Oo nga. Tapos yong mga susunod pa, planuhin na lang natin depende kung anong kalabasan ng mga bagay-bagay after Batangas.
Denden: So tutulungan niyo talaga kami?
Von: Oo, tutulong kami sa inyo. Masyado ng maraming sinayang na oras yong dalawang yon.
Nico: Yeah, it’s about time na umusad na ang love story nila. Tutal, single naman na si Kiefer. Pwedeng-pwede na talaga!
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...