Chapter 21

7.5K 116 11
                                    

Alyssa’s POV
Gonzaga Caf, 11:30am Monday

Girl: Can I join you?

When I looked up, nakita ko si Kara.

Alyssa: Hi Kara. Sure, upo ka.

Kara: Mag-isa ka atang naglu-lunch.

Alyssa: May class kasi si Denden tapos si Ella naman may meeting with her groupmates.

Kara: Ahh…eh si Kiefer asan?

Alyssa: May class din.

Kara and I ate in silence for a few minutes.

Kara: I heard about your injury. How’s your ankle doing?

Alyssa: Okay naman. Hopefully tomorrow makakabalik na ko sa training.

Kara: Galing ba mag-alaga ni Kiefer?

Alyssa: Huh?

Kara: Come on. Alam kong si Kiefer ang nag-alaga sa yo when you were stuck in your dorm.

Alyssa: Paano mo nalaman?

Kara: You’re both star players at lagi kayong laman ng usap-usapan. Everyone knew when you got injured, and nahalata din ng mga tao na labas pasok si Kiefer ng Eliazo during the time na hindi ka pumapasok sa mga classes mo.

Alyssa: Maalaga naman talaga si Kiefer and I’m sure you can attest to that.

Kara: Kiefer was never that maalaga to me. (nakita yong pagkagulat sa mukha ni Alyssa) Nung nagkasakit ako dati, he’d visit me at home, he’d bring me flowers and chocolates but he never stayed long. And he certainly never played nurse to me.

Alyssa: Uhmmm…Kara, if you don’t mind me asking, why did you and Kiefer break up?

Kara: Anong sinabi niya sa yong reason?

Alyssa: Wala. All he said was that the two of you fought over the same old petty issues, tapos nakipag-break ka sa kanya. Ayaw naman niyang sabihin kung ano yong same old petty issues na pinag-awayan niyo.

Kara: So wala siyang kine-kwento sa yo tungkol sa mga away namin nun?

Alyssa: He’d tell me pag nag-aaway kayo, pero di niya sinasabi yong dahilan. Hindi ko rin naman kinukulit. Bakit? Ano bang pinag-aawayan niyo?

Kara: Ikaw.

Alyssa: What do you mean ako?

Kara: Maraming beses kaming nag-away over you. Pinagseselosan kasi kita. I’d, you know, always accuse him of cheating on me with you.

Alyssa: Kiefer never cheated on you. And lalo ng he never cheated on you with me.

Kara: Emotional attachment is also cheating. And I believe he was in love with you while we were together.

Alyssa: No he’s not.

Kara: Hay naku. Magkaibigan nga kayong dalawa, parehas kayong in denial. Anyway, hindi naman na issue kung totoo o hindi. Basta that’s why we broke up. Napagod na rin kasi ako fighting about the same thing over and over.

Alyssa: I didn't know my friendship with Kiefer affected you that way. I'm sorry. Sana nalaman ko para I kept my distance.

Kara: Don’t worry about it Alyssa. Tapos na yon and wala na rin akong bitterness about the whole break-up.

Alyssa: Kahit na. I shouldn’t have assumed na okay lang sa yo na babae yong bestfriend ng boyfriend mo.

Kara: Don’t be too hard on yourself. Besides, Kiefer would have hated me kung nilayuan mo siya dahil sa kin.

Natahimik ako. Part of me, naiinis kay Kiefer kasi hindi niya sinabi sa kin na I was causing problems for him and Kara. Rerespetuhin ko naman yong relasyon nila eh. Hindi niya kelangan magdalawang salita sa kin, I would stay away.

Kara: Alam mo, I never liked you. Maybe because I saw you as competition and alam kong mas matimbang ka kay Kiefer. Pero siguro if we met under different circumstances, yong hindi niya ko girlfriend at hindi ka naman niya bestfriend, I think we could have been friends.

Alyssa: I always felt na hindi ka kumportable sa kin. And tuwing tinatanong ko kay Kiefer kung bakit, he’d say na imagination ko lang daw yon. At least ngayon alam ko na. Thank you for being honest with me. Hindi pa naman siguro too late para maging friends tayo.

Kara: Let’s see, malay mo nga. Uhmmm…Alyssa, kung magiging kayo ni Kiefer, okay lang sa kin. I’d be happy for the two of you.


Denden’s POV
McDonald’s Katipunan, 3pm Monday

Kasama ko sina Ella at Aly ngayon. Andito kami nagchi-chickahan habang kumakain ng merienda sa McDonald’s.

Denden: Ly, magte-training ka na ba tomorrow?

Alyssa: Pwede na. Nai-aapak ko na ng maayos yong kaliwang paa ko eh. Pero alalay muna, di pa pwede ang hard training.

Ella: Buti naman. Ang daya mo na eh. Isang linggo ng kami lang ni Denden yong may masakit na katawan.

Alyssa: Grabe. Hindi ko naman kasalanan na na-sprain ako. Actually, nami-miss ko na mag-training. Hindi ako makakain masyado kasi baka tumaba ako.

Denden: Hahaha…natatakot ka lang mawala yong abs mo!

Ella: Besh, asan pala si Kiefer? Parang ilang araw ko na siyang hindi nakikita.

Denden: Actually. Nakakapanibago ha. Kasi since na-sprain ka, pag pumapasok ako sa kwarto natin, mas nauuna ko pa siyang nakikita kesa sa yo.

Alyssa: Hindi ko alam. I haven’t seen or heard from Kiefer since Friday. Hindi din siya sumasagot sa mga text or tawag ko. Ang sabi niya, pupuntahan daw niya ko sa Blue Eagle Gym after ng training nila ng Saturday. Pero hindi naman siya dumating.

Denden: Oo nga noh. Wala siya nung Saturday. Si Von lang yong may dinalaw sa Blue Eagle Gym.

Ella: Baka naman busy lang yong tao?

Denden: Speaking of Von, ano bang meron Ella? Parang napapadalas ata ang appearance niya pag andiyan ka?

Ella: Besh, musta yong meet the parents slash family mo kina Jovee kahapon?

Denden: Luh, change topic? Bakit ka umiiwas pag-usapan si Von?

Ella: Hindi ako umiiwas. There’s just nothing to talk about. So Aly, kamusta nga yong lunch mo kahapon with the Avilas?

Alyssa: Hahaha…okay naman. Mabait silang lahat.

*start of flashback*

Jovee: Mommy, Daddy, Ate Icha, Kuya Jayvee, I want you to meet Alyssa. Aly, family ko, parents ko, si Ate Icha tsaka si Kuya Jayvee.

Alyssa: Good morning po.

Jovee’s Mom: Hi Hija. It’s so nice to finally meet you. Ang tagal ka na namin gustong makilala.

Jovee’s Dad: Oo nga. We’ve heard so much about you. Paano college palang tong si Jovee lagi ka na niyang kine-kwento sa min.

Alyssa: Nice to meet you din po Ma’am, Sir.

Jovee’s Mom: Ang formal mo naman. Just call us Tito and Tita.

Alyssa: Sige po, Tita.

Kuya Jayvee: O Alyssa, kamusta naman ang panliligaw nitong kapatid ko? Pasado ba? Kung hindi, pwede ko yang turuan ng Jayvee moves ko.

Alyssa: Po?

Ate Icha: Jayvee, wag mo naman i-on the spot si Alyssa. Mamaya niyan hindi na yan bumalik dito. Iiyak na naman tong si bunso!

Jovee: Ate! Wag mo naman ako ibuko kay Aly.

Kuya Jayvee and Ate Icha: Hahaha…

Ate Icha: Sorry Alyssa, we’re not laughing at you. It’s just that sobrang patay na patay tong si Jovee sa yo. And we’ve had to endure how many years listening to him talk about you and whine about how he misses you.

Jovee’s Dad: Jayvee, Icha, tigilan niyo na yang si Jovee. Hindi niyo mapipikon yan ngayon. Tignan niyo nga, abot taenga ang ngiti.

Jovee: Pa naman eh. Isa ka pa.

Jovee’s Mom: Lunch is ready. Tara, kain na tayo.

*end of flashback*

Ella: Kawawa ka naman. na-on the spot ka ng wala sa oras.

Alyssa: Mas nakakaawa si Jovee. Ilang beses kaya siyang nilaglag ng pamilya niya sa kin. Parang lahat ng pwedeng i-buko, binuko na nila.

Ella: Tingin mo ba boto sila sa yo?

Alyssa: Ewan ko lang. Pero sobrang bait nung family niya sa kin. Tsaka mega effort sila para maging kumportable ako kahapon.

Denden: Besh, hindi ba parang ang aga ng meet the family niyo? I mean, nanliligaw palang si Jovee sa yo and you’re not even sure kung sasagutin mo siya.

Alyssa: Aminado naman si Jovee na medyo premature yong pag-introduce niya sa kin sa family niya. But apparently, since we got back in touch, kinukulit na siya ng family niya na ipakilala ako sa kanila.

Ella: Sabagay, if Jovee has been talking about you all these years, sobrang curious na siguro nila sa yo. Teka lang, CR lang ako. Walang magke-kwento. I’ll be back!

Nagtawanan kami ni Aly pag-alis ni Ella. Takot na takot kasi si Ella na mahuli sa chismis. Pagbalik ni Ella, nagresume na kami sa kwentuhan.

Alyssa: Muntik ko na pala makalimutan. Guess kung sino yong kasabay kong nag-lunch kanina.

Ella and Denden: Sino?

Alyssa: Guess nga eh.

Ella: Sabihin mo na lang para mabilis.

Alyssa: Impatient! Hahaha...si Kara.

Denden: Whoa...bakit?

Alyssa: I don’t know. Lumapit lang siya kanina habang kumakain ako sa Gonzaga. Tapos she asked if she can join me. I can’t exactly turn her away kasi nag-iisa naman ako sa mesa.

Ella: Anong pinag-usapan niyo?

Alyssa: Nung una small talk lang. Tinanong niya kung bakit mag-isa ako naglu-lunch tsaka kinamusta niya yong injury ko. Hiniritan pa nga ako, magaling daw ba mag-alaga si Kiefer.

Ella: Paano niya nalaman na si Kiefer ang nag-alaga sa yo last week?

Alyssa: Ang sabi niya, narinig lang daw niya na injured ako tapos narinig din niya na sinasabi ng mga tao na labas pasok si Kiefer ng Eliazo last week. I guess she put two and two together.

Denden: Pwede. Kasi yong blockmates ko nga tinatanong ako kung kamusta yong injury mo eh wala naman ako nake-kwento sa kanila.

Ella: Yon lang pinag-usapan niyo?

Alyssa: I asked her kung bakit sila nag-break ni Kiefer.

Denden: Tapang ah!

Alyssa: Ayaw kasi sabihin ni Kiefer kaya lalo akong nacu-curious. Si Kara na mismo yong lumapit sa kin and siya din yong unang nagbanggit ng pangalan ni Kiefer. Kaya naisip ko, why not ask her.

Denden: So ano nga yong reason ng break-up nila?

Alyssa: Ako.

Ella and Denden: Ha?!

Alyssa: Apparently they have been fighting about me. Ito namang si Kiefer, wala man lang sinasabi sa kin na naba-bother si Kara sa friendship namin.

Denden: Pinagseselosan ka ni Kara?

Alyssa: Oo. And more than that, Kara believes na Kiefer’s in love with me even while they were together. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yong idea na yon.

Nakakaloka talaga si Kiefer. Siya lang ang hindi nakakapansin ng feelings niya for Aly. I mean, it’s one thing na kami ni Ella or yong teammates niya ang makapansin. Pero kung mismong girlfriend niya na ang nagsasabi, siguro naman hindi na yon guni-guni lang.

Ella: Sasabihin mo ba kay Kiefer na alam mo na kung bakit sila nag-break?

Alyssa: Malamang. I really want to know why he didn’t tell me na pinagseselosan ako ni Kara.

Denden: Importante pa bang malaman mo yon ngayon? Wala na rin naman sila eh.

Alyssa: I know. Pero more for my peace of mind I guess. Alam naman ni Kiefer na ayokong nakakagulo ako sa kahit anong relasyon. Kaya gusto kong marinig yong explanation niya.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon