Epilogue

8.6K 166 17
                                    

September 17, 2013

Patapos na yong afternoon training ng Lady Eagles and just like he’s always done for the past two months, Kiefer was at the bleachers of the Blue Eagle Gym waiting for Alyssa.

Nanliligaw pa rin si Kiefer kay Alyssa pero di tulad nung umpisa, mas kumportable na sila ngayon sa sitwasyon. Mas tanggap na rin ng mga pamilya at kaibigan nila yong idea na hindi na lang sila basta magkaibigan. Kung tutuusin formality na lang yong kulang sa kanila para maging boyfriend-girlfriend na talaga sila.

Pag-upo ni Alyssa sa tabi ni Kiefer, inabutan niya to ng bottled water at tuwalya. Tapos kinuha niya yong paa ni Alyssa para bigyan siya ng leg and foot massage. Napansin kasi ni Kiefer na medyo nag-cramps si Alyssa nung dulo ng training nila.

Ella: Grabe na talaga. May waterboy na, may therapist pang taga-massage. Pwede bang pumila din ako sa massage?

Alyssa: Ayoko nga. Humanap ka ng magmamasahe sa yo. Akin lang to noh.

Kinilig si Kiefer sa sinabi ni Alyssa. Minsan lang kasi magsalita to na parang girlfriend niya.

Mich: Hindi ka naman masyadong possessive niyan Ate Aly?

Denden: Girlfriend lang ang peg?

Bea: Alam niyo, ayoko na talaga maniwala na nagliligawan pa rin lang kayo. Feeling ko kayo na, ayaw niyo lang sabihin.

Alyssa: Bakit naman namin itatago kung kami na?

Bea: Malay ko sa inyo.

Aerieal: Ano pa bang problema? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin kayo?

Denden: Oo nga. Nakuha niyo naman na yong approval from both families diba? May hinihintay pa ba kayo?

Alyssa: Bakit niyo ba kami minamadali? Okay pa naman kami ng ganito ah.

Ella: Ikaw okay ka, ikaw ang nililigawan eh. Diyan ba sa manliligaw mo okay lang talaga na hindi pa rin kayo?

Kiefer: Ayos lang. Ang importante naman sa kin napapakita ko kay Aly na mahal ko siya.

Bea: Ay naku Ly, kung ako sa yo, wag mo na masyadong patagalin yang panliligaw ni Kiefer. Pag yan napagod at tumigil, ikaw din ang magsisisi.

Pagkatapos ng konti pang asaran, nagkanya-kanya na rin yong mga Lady Eagles. May naligo na, may bumalik ng dorm, at meron ding tumambay naman sa ibang sulok ng Blue Eagle Gym.

Naiwan ulit si Kiefer at si Alyssa ng sila lang. Napansin ni Kiefer na tahimik yong katabi niya. Feeling niya napaisip si Alyssa sa sinabi ni Bea kanina.

Kiefer: Wag mo na isipin yong sinabi ni Bea. Hindi naman mangyayari yon eh. I’m not going to get tired of waiting for you.

Nagsmile si Alyssa kay Kiefer.

Alyssa: Thanks Kie –

*phone ringing*

Alyssa: Kief excuse me, I’ll just take the call.

Kiefer: Sure.

Lumayo si Alyssa para sagutin yong tawag habang si Kiefer naman pinapanood lang siya. Masaya siyang nakipag-usap sa phone, nakita pa nga siya ni Kiefer na tumili. Kahit hindi nabanggit ni Alyssa kung sino yong tumawag, feeling ni Kiefer si Jovee. Lagi namang si Jovee eh, kaya kahit ayaw niya, hindi mapigilan ni Kiefer magselos.

After a few minutes, natapos rin si Alyssa makipag-usap sa phone. Bumalik siya sa bleachers at umupo ulit sa tabi ni Kiefer.

Kiefer: Si Jovee?

Alyssa: Yup. Binalita niya lang yong promotion niya.

Nung hindi kumibo si Kiefer, tumingin si Alyssa sa kanya. Nakita niyang salubong na naman yong kilay ni Kiefer habang nakatitig to sa kabilang dulo ng gym.

Alyssa: Salubong ang kilay mo. Nagseselos ka na naman ba?

Kiefer: Tsss...

Alyssa: Pinag-usapan na natin to diba? Tumigil si Jovee manligaw kasi alam niya na wala siyang pag-asa sa kin.

Tahimik pa rin si Kiefer, nakaupo with his arms crossed tapos nakatingin sa malayo. Napabuntong hininga na lang si Alyssa sa kinikilos ni Kiefer.

Alyssa: Bakit ba ang seloso mo? Hindi ka naman ganyan kay Kara nun ah.

Kiefer: Ikaw ba si Kara?!

Alyssa: Hindi nga, pero ikaw pa rin si Kiefer. What’s happening with you?

Kiefer: Sorry. Hindi ko mapigilan magselos. Natatakot lang siguro talaga ako.

Alyssa: Natatakot saan?

Kiefer: Manliligaw mo lang ako Aly. Kahit anong oras pwedeng may dumating para agawin ka sa kin.

Alyssa: Magpapaagaw ba ako?

Kiefer: Kahit na. Kung ang girlfriend nga naaagaw, nililigawan pa kaya?

Alyssa: Okay lang ba talaga sa yo na nanliligaw ka pa rin?

Kiefer: Oo naman. We agreed to take it slow at kahit natatakot ako na may umagaw sa yo, maghihintay pa rin ako hanggang maging ready ka.

Alyssa: Wag mo na kong ligawan Kief.

Kiefer: A-anong ibig mong sabihin?

Alyssa: Tumigil ka na manligaw. Sawa na rin naman ko sa set-up natin eh. Gu –

Kiefer: Tungkol ba to sa pagiging seloso ko? Promise, hindi na. Kung gusto mong makasama si Jovee okay lang, ihahatid pa kita.

Alyssa: It’s not about Jov –

Kiefer: If nape-pressure ka sa family ko, I’ll talk to them. Sasabihin ko sa kanila tigilan na yong pangungulit sa yo. No more relationship or wedding talks.

Alyssa: Kief, hin –

Kiefer: Kahit ano Aly, wag mo lang ako basted-in. Plea –

Biglang tumaas yong isang kilay ni Alyssa at nung na-realize niya kung ano yong iniisip ni Kiefer, tinakpan niya yong bibig nito para hindi na makapagsalita.

Alyssa: Kanina ka pa sabat ng sabat. Pwede bang patapusin mo muna ako sa sasabihin ko bago ka mag-react?

Tumango si Kiefer tapos pumikit. Natatakot kasi siya sa kung ano man yong sasabihin ni Alyssa.

Alyssa: Hindi naman kita pinapatigil sa panliligaw para basted-in. Pinapatigil kita kasi gusto na kitang sagutin.

Dumilat si Kiefer para tignan kung nagbibiro ba si Alyssa. Ilang linggo din niyang inasam na marinig si Alyssa na sabihin yon sa kanya and now he could barely believe what he just heard.

Kiefer: Pakiulit nga yong sinabi mo? Sinasagot mo na talaga ako?

Alyssa: Oo, tayo na. Girlfriend mo na ko.

Kiefer: Boyfriend mo na ko?

Alyssa: First boyfriend.

Kiefer kissed Alyssa on the forehead and then tilted her face upwards. Si Alyssa yong babae na hindi nawala sa tabi niya, na minahal siya ng walang hinihintay na kapalit. He may have taken her for granted in the past, pero hindi na ngayon. As Kiefer looked into Alyssa’s eyes, he promised himself that he will do everything he can to make her happy, to make her want to stay with him.

Kiefer: I love you.

Alyssa: I love you too.

Ngumiti sila sa isa’t-isa and then Kiefer slowly leaned towards Alyssa. Pumikit si Alyssa and just as their lips were about to touch, Kiefer closed his eyes as well. The kiss only lasted for a few seconds pero nabura nito lahat ng hirap at sakit na dinaanan nilang dalawa bago sila umabot sa puntong to.

After their first kiss as boyfriend-girlfriend, niyakap ni Kiefer si Alyssa ng mahigpit.

Kiefer: Thank you for never letting go.

Alyssa: And thank you for making the wait worth it.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon