Jovee's POV
Blue Eagle Gym, 7:30am Saturday
Katabi ko si Aly ngayon dito sa bleachers ng Blue Eagle Gym at pinapanood namin yong teammates niya na nagte-training. Na-sprain kasi yong left ankle niya nung Monday and although pwede na siyang maglakad-lakad ngayon, bawal pa rin mag-training.Jovee: Ly, gusto mo pa ba? Meron pa kong pancakes dito.
Alyssa: Hindi na. Thank you. Busog na ko.
Jovee: Busog ka na? Aga namang biro niyan.
Alyssa: Sira! Busog na nga ako. Tsaka inaalalayan ko din yong kain kasi ilang araw na akong walang physical activity. Baka mahirapan ako to get back in shape.
Jovee: Anong get back in shape? You're perfectly in shape. Ang sexy mo nga eh.
Alyssa: Jovee Avila! Alas siyete palang ng umaga. Tigil-tigilan mo yang pambobola sa kin.
Jovee: Hindi naman kita binobola. Nagsasabi ako ng totoo noh.
Nagtawanan lang kami ni Aly tapos bumalik kami ng panonood sa teammates niya. Napansin ko yong pagbabago ng expression sa face niya. Mukhang miss na miss na niya mag-training.
Jovee: Nami-miss mo na mag-training noh?
Alyssa: Oo. Sa hirap ng training regimen ni Coach Tai, I never thought I'd miss it. But I do. Nakakainggit sila panoorin. I wish I could be down there with them.
Jovee: Kelan ka ba pwedeng bumalik sa training?
Alyssa: Ang sabi ni Dr Bondoc kahapon, kung kaya ko na iapak ng maayos yong paa ko by Monday, pwede na ko mag-training ng Tuesday. Basta daw wag muna masyadong heavy.
Jovee: Yon naman pala eh. Dalawang training na lang ang mami-miss mo.
Alyssa: Inis na inis pa ko sa pagka-OA ni Kiefer buong linggo. Pero yon pala may point ang loko. Nakatulong din naman yong mga pinag-gagagawa niya para mapabilis yong recovery ko.
Jovee: Ano ba yong mga ginawa niya?
Alyssa: Para akong may nurse. Hinahatiran niya ko ng food, inaasikaso niya yong sprain ko, tapos dinadala niya din yong mga na-miss kong school work. Senyoritang-senyorita ang peg ko buong linggo. Ni ayaw nga niya kong paglakarin at all.
Jovee: Tama naman na hindi ka maglakad para hindi magalaw unnecessarily yong sprain mo.
Alyssa: Kahit pumunta sa banyo unassisted ayaw niyang gawin ko. Gusto niya bubuhatin niya ko papunta sa banyo tapos bubuhatin niya ko ulit pabalik sa kama ko.
Jovee: Diba bawal ang lalaki sa kwarto niyo?
Alyssa: Kumuha si Kiefer ng permit kina Coach para makalabas pasok sa dorm namin habang injured ako. Kaya ayun, during the day, kasama ko siya sa dorm tapos aalis lang siya pag may class siya.
Jovee: Paano yon kung kelangan mong mag-CR tapos may class si Kiefer?
Alyssa: Ite-text ko siya tapos pupuntahan niya ko sa dorm. After ko mag-banyo, babalik siya sa class niya.
Nakakainggit naman si Kiefer. Buti pa siya naalagaan niya si Aly the whole week.
Jovee: Sorry Aly ha.
Alyssa: Sorry saan?
Jovee: Hindi kasi kita naalagaan. Masyadong busy sa office eh, hindi ako pinayagan mag-leave.
Alyssa: Ano ka ba, wag mo sayangin yong leave mo sa kin. Hindi mo naman ako kelangan alagaan.
Jovee: Kasi inaalagaan ka na ni Kiefer?
Alyssa: Well, oo. Pero kahit naman wala si Kiefer, kaya kong alagaan ang sarili ko. Masyado lang talagang OA yong lalaking yon.
Jovee: Hindi OA ang tawag dun. Nagmamahal.
Alyssa: Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?
Jovee: Wala yon, don't mind me.
Kiefer's POV
Moro Lorenzo Sports Center, 8am Saturday
Von: Paps! Bakit nagmamadali ka? Saan punta mo?Kiefer: Pupunta akong Blue Eagle Gym.
Von: Back in training na ba si Aly?
Kiefer: Hindi pa. Pero nanonood siya ng training ng teammates niya ngayon.
Von: Ah, okay. Sabay na tayo papunta dun.
Kiefer: Dadalawin mo si Ella?
Von: Hindi noh. Makikinood lang din ako ng training nila.
Kiefer: Ano pang training ang papanoorin mo dun eh by the time we get there tapos na sila? (natahimik si Von at namula) Hahaha...huli ka! Tara na nga, baka hindi mo pa abutan si Ella dun.
Naglakad na kami ni Von papuntang Blue Eagle Gym. Pagdating na pagdating namin sa entrance, tawa ni Aly yong sumalubong sa min. Napangiti ako bigla, ang sarap kasi sa taenga marinig nung tawa niya. Ano na naman kayang nangyayari sa loob at humahagalpak yon ng tawa?
Halfway up the stairs, nakita ko si Aly na tumatawa. Hinampas niya yong katabi niyang lalaki tapos hinawakan nung lalaki yong dalawang kamay niya. Maya-maya pa kinikiliti na nung lalaki si Aly.
Alyssa: Hahaha...Jovee...hahaha...tama na...hahaha...Jovee naman...hahaha...isa...ayoko na...hahaha...ang sakit...hahaha...na ng...hahaha...tiyan ko...
Jovee: Suko na?
Alyssa: Hahaha...oo na...hahaha...panalo ka na...hahaha...
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Gusto kong sumugod sa loob at manuntok. Anong karapatan niyang hawakan si Aly ng ganun?! Baka gusto niyang ingudngud ko yong mukha niya dun sa cooler ng gatorade na katabi niya?!
Von: Paps, okay ka lang? Bakit parang naninigas ka diyan?
Lumabas ako ulit ng Blue Eagle Gym. Hindi ko napansin na sumunod pala si Von sa kin.
Von: KIEF! Saan ka pupunta?
Kiefer: Ha? Wala maglalakad-lakad lang, magpapahangin sandali. Sige, balik ka na sa loob. Puntahan mo na si Ella.
Hindi ko na hinintay yong sagot ni Von, naglakad na ko palayo.
I kept taking deep breaths para ma-control ko yong galit ko. Bakit ba ganito yong reaction ko sa nakita ko? Ni hindi nga ganito yong naramdaman ko nung nakita ko si Kara na may kasamang ibang lalaki. Tapos ngayon, nakita ko lang si Aly na kasama si Jovee para na kong mababaliw.
Daig ko pa yong boyfriend na nagseselos eh.
Teka.
Hindi nga kaya nagseselos ako? Pero bakit? Does this mean?
Bumalik sa kin yong mga nangyari the past few weeks. Yong date ni Aly at ni Jovee. Yong nagalit sa kin si Aly for playing that joke on her in Batangas. Yong taranta ko nung muntik na siyang malunod. Yong na-injure siya during training at inalagaan ko siya sa dorm niya. Yong muntik ko na siyang halikan habang natutulog siya.
Shit. How? No. Shit. Hindi to pwede. Shit.
Pero eto rin yong matagal na nilang sinasabi lahat sa kin, yong ayoko lang daw aminin sa sarili ko.
Shit Kiefer. Patay ka talaga.
You've fallen in love with your bestfriend without even realizing it.
Kaya lang, parang too late na. Aly doesn't need me. She looks happy with Jovee.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...