Day 1 of Batangas Trip
Marge’s POV
Lazaro Resthouse Laiya San Juan Batangas, 11:30am MondayKiefer: We’re here guys!
Yaaawwwnnn...andito na pala kami sa resthouse nila Ate Denden. Habang nag-iinat ako, nakita ko si Kiefer na inaalalayan si Ate Aly pababa sa passenger seat ng van. Binuksan nila yong pinto dito sa likod para gisingin na yong mga kasama namin.
Nagbabaan kaming lahat at pumasok na sa loob ng bahay. Maganda yong interior ng bahay, simple lang pero very tropical ang dating. Feel na feel mong asa beach ka talaga.
Mich: Wow Ate Denden. Ang ganda naman nitong bahay niyo, very relaxing.
Denden: Thanks Mich. Pero sensya na guys isa lang yong room na pwede nating tulugan kasi yong isa ginawang lagayan ng gamit.
Nico: Okay lang yon Den. Pwede naman yong iba dito sa labas matulog.
Kiefer: Girls, dun na lang kayo sa bedroom tapos dito na kaming boys sa labas.
Nakita kong nagtinginan sila Ate Denden, Von at Juami. Ang weird naman ng mga to. Kanina ko pa sila napapansin na ganyan. Kung hindi sila tinginan ng tinginan, text naman ng text. Para pa ngang sila yong magkaka-usap sa text eh. Ano kayang meron?
Ella: Para fair, what if lahat na lang tayo dito sa labas matulog? Maglatag tayo ng mattresses diyan sa tapat ng veranda, mas presko pa.
Von: Sige, ganun na lang.
Juami: Ano ng gusto niyong gawin ngayon?
Jia: Pwede bang maglunch muna tayo? Nagugutom na ko.
Nagtawanan kaming lahat. Gutom na naman si Jia.
Marge: Gutom ka na naman Jia? Wala pang two hours since nung nag stopover tayo para kumain ah.
Jia: Merienda yon noh. Lunch na kaya.
Alyssa: Ganito na lang. Maghanap na tayo ng kakainan ng lunch and then after, yong iba pwedeng bumalik dito para magpahinga. Mamayang hapon na tayo maligo sa dagat pag di na masyadong mainit yong araw. Kami naman ni Denden mamamalengke muna para meron tayong pagkain.
Nico: Aly, sama na kami ni Kiefer sa inyo ni Denden para may taga-buhat kayo. Diba Paps?
Kiefer: Ha? Ah, oo sige sama kami sa inyo.
Alyssa: (tingin kay Kiefer) Sasama ka pa? Wag na. Magpahinga ka na lang dito. I’m sure napagod ka sa pagda-drive.
Kiefer: I’m okay, hindi ako pagod. Tsaka ikaw rin naman hindi ka nakatulog kanina sa biyahe tapos mamamalengke ka.
Ella: Sama niyo na yang dalawa. Para mabawasan yong makulit dito sa bahay.
Denden: Ly, hindi naman daw pagod si Kiefer. Pabayaan mo na sila sumama ni Nico sa tin.
Hindi na tumutol si Ate Aly. Lumabas kami lahat sa beach at naghanap ng makakainan ng lunch.
Alyssa’s POV
Laiya Beach, 3:30pm MondayJia: Ate Aly, magka-kayak lang talaga kayo papunta dun sa raft?
Alyssa: Oo. Ang kulit nitong si Kiefer eh.
Kiefer: Don’t worry Jia. (akbay kay Alyssa) Akong bahala dito sa kapitan niyo. Makakarating kami dun sa raft ng buong-buo.
Juami: Okay na yan Jia. Pabayaan mo na sila. Gusto lang masolo ni Kiefer tong si Aly.
Alyssa: Hoy Tiongson! Wag ka ngang gumawa ng issue diyan.
Juami: Hindi issue pag totoo. Tignan mo si Kiefer, hindi kumokontra. Ibig sabihin tama ako.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
Fiksi PenggemarThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...