Kiefer’s POV
Eliazo dorm, 11am Tuesday
*knock knock*
Kiefer: Aly? Si Kiefer to. Ly, can I come in?
Nilagay ko yong taenga ko against the door para pakinggan kung may kaluskos sa loob ng kwarto. Tahimik naman. Baka tulog si Aly. Pumasok na lang kaya ako? Sige na nga. May permiso naman ako kina Ella na pumunta dito.
Dahan-dahan kong binuksan yong pinto at sumilip sa loob. Nakita ko si Aly na nakahiga sa kama niya. Mukhang tulog nga. Binaba ko muna yong backpack ko tapos pumunta ako dun sa side table ni Aly at hinanda ko yong dala kong pagkain. Pagkatapos kong ilabas yong adobo na pinadala ni Mommy, sinubukan ko ng gisingin si Aly.
Kiefer: Ly, gising ka na … Time na for lunch … Best, wake up … May pinadalang adobo si Mommy, ubusin mo daw sabi niya … Aly … gising na … Uy, I only have two hours until my next class … Bumangon ka na diyan ... Gutom na ko, lunch na tayo … Lyyy …
Himbing naman ng tulog nito.
Inayos ko yong buhok niya. Magulo kasi, nakaharang sa mukha niya. Ang ganda pa naman niya. While I was playing with her hair, napatingin ako sa labi niya. I don’t know why, pero bigla akong nagka-mental image of me kissing her.
I shook my head and blocked the image from my mind. No. Hindi pwede. Off limits si Aly. Bestfriend, that’s all she is to you. Kiefer wag na matigas ang ulo. Bawal nga diba?
But I still found myself drawn to her. Hindi ko mapigilan, parang may magnet. Huminga ako ng malalim and slowly leaned towards her. Ang lapit na ng mukha namin. Konti na lang. I was about to close my eyes when I saw her eyes start to open.
Alyssa: Kiefer?
Napadiretso ako bigla ng upo. Sana hindi niya napansin kung gaano kalapit yong mukha ko sa mukha niya kanina. I can’t believe I almost kissed Aly, my Bestfriend. My God Kiefer, what were you thinking?!
Naramdaman kong uminit yong mukha ko kaya inilayo ko muna yong tingin ko kay Aly. I hope hindi niya makita yong pamumula ko. Inayos ko na lang ulit yong pagkain sa side table niya.
Kiefer: B-best, uhmmm…ah…buti naman gising ka na.
Alyssa: Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa kwarto namin?
Kiefer: Hiniram ko yong susi ni Ella so I could bring you lunch. Nagluto si Mommy ng adobo para sa yo.
Tinulungan ko si Aly na umupo ng maayos sa kama niya.
Alyssa: Awww…ang sweet talaga ni Tita. Alam ba niyang na-sprain ako?
Kiefer: Oo. Sabi pa nga ni Mommy sana daw sa bahay nalang kita dinala pagkagaling sa ER kagabi.
Nagsalin ako ng pagkain sa plato tapos inabot ko kay Aly.
Alyssa: Thanks. Bakit daw?
Kiefer: Para kami na lang ang mag-aalaga sa yo. Tutal di ka rin naman pwedeng pumasok ng school so hindi mo kelangan magstay dito sa dorm. Ano, uwi na kita later?
Alyssa: Hindi na noh. Nakakahiya sa parents mo. Okay na ko dito.
Kiefer: Sinong mag-aasikaso sa yo dito habang nasa klase sina Ella?
Kumuha na din ako ng kanin at adobo at nagstart kumain.
Alyssa: Ano ako, five years old na kelangan asikasuhin?
Kiefer: Hindi ka nga five years old, pero injured ka. Paano mo balak kumain ng lunch kung hindi ako dumating?
Alyssa: Mahal naman ako ng roommates ko. Sabi nina Denden kanina daldalhan daw nila ako ng lunch sa break nila.
Kiefer: Nakapag-breakfast ka ba kanina?
Alyssa: Hindi. Nagising ako nung umalis si Ella at si Denden, pero nakatulog din ako ulit.
Kiefer: So hindi mo rin nalagyan ng cold compress yong sprain mo kanina?
Alyssa: Kakagising ko nga lang diba?
Kiefer: Ay naku, ikaw talaga. Paano gagaling yang paa mo?
Binaba ko muna yong plato na hawak ko tapos tumayo ako.
Alyssa: Tapos ka na kumain?
Kiefer: Hindi pa. Kukunin ko lang yong ankle wraps sa bag ko para ma-cold compress na yang sprain mo.
Alyssa: Mamaya na. Tapusin mo muna yang pagkain mo.
Kiefer: Ngayon na. Para nakaka-pag cold compress ka na habang kumakain. After nito dapat maka-dalawa ka pa before matulog.
Ibinalot ko yong ice cold ankle wraps na dala ko sa left ankle ni Aly. After I secured the wraps, bumalik na ko sa lunch ko. Nung natapos kaming kumain, sakto lang na pwede na tanggalin yong cold compress niya. Tinuyo ko yong ankle ni Aly tapos nilagyan ko ng sports tape. Nagliligpit na ko ng pinagkanan namin when I saw her struggling to get out of bed.
Kiefer: Saan ka pupunta?
Alyssa: Sa banyo.
Lumapit ako kay Aly para kargahin siya papunta sa banyo nila.
Alyssa: O teka, anong gagawin mo?
Kiefer: Kakargahin kita papunta sa banyo.
Alyssa: No need, kaya ko na. Nakapag-banyo na ko kanina.
Kiefer: Paano ka nakarating sa banyo mag-isa?
Alyssa: I hopped on my right foot.
Kiefer: Aly naman! Ayaw mo ba talagang gumaling yang paa mo?
Alyssa: Ang sabi ko, I hopped on my right foot, not on my sprained foot.
Kiefer: Masasabi mo bang hindi nagalaw yong left foot mo nung tumalon ka papunta sa banyo? (hindi sumagot si Alyssa) See?!
Alyssa: Siguro naman hindi bawal pumunta sa banyo diba?
Kiefer: Hindi ko sinabing bawal. Pero dapat may kumakarga sa yo pag kelangan mong pumunta sa banyo para hindi nagagalaw yang sprain mo.
Alyssa: At sino naman ang gusto mong istorbohin ko tuwing kelangan ko mag-banyo?
Kiefer: What am I here for? I-text mo ko pag kelangan mong tumayo diyan sa kama mo.
Alyssa: Hihintayin pa kita pumunta dito pag kelangan kong mag-banyo? Paano kung may class ka?
Kiefer: Eh di para lang akong lumabas sandali para mag banyo. Yon nga lang dito sa Eliazo yong banyo tsaka hindi ako yong umihi. (nakitang nagbago yong expression ni Alyssa) O, what’s with the face?
Alyssa: Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o mabwi-bwisit ako sa yo eh.
Kiefer: Bakit?
Alyssa: Ang OA mo!
Kiefer: Ano, magbabanyo ka ba o mabi-bwisit ka lang sa kin?
Alyssa: Magbabanyo.
Binuhat ko si Aly at dinala sa banyo. Binaba ko siya sa tapat mismo nung toilet bowl tapos lumabas ako ng banyo at sinara ko yong pinto. Pagkatapos umihi ni Aly, binalik ko na siya sa kama niya.
Nanood kami ng kung ano-anong videos sa Youtube. Pang laughtrip lang tsaka pangpalipas ng oras. Before I knew it, 1pm na.
Kiefer: Magka-class muna ako. Babalik na lang ako mamayang mga 5pm. Anong gusto mong dinner?
Alyssa: Nawiwili ka naman ata ng pagtambay dito sa kwarto namin. Masyado kang malakas kay Ate Elma ha.
Kiefer: Alam naman ni Ate Elma na mapagkakatiwalaan ako. Tsaka hindi tambay ang tawag sa ginagawa ko. Nag-aalaga ako ng injured na pasaway. Anong dinner nga gusto mo?
Alyssa: Parang type ko Japanese food, pero ikaw na bahala kung ano.
Kiefer: Sige. O text ka lang if may gusto kang ipabili or ipadala sa kin later.
Alyssa: Okay.
Kiefer: Tsaka mag-text ka if you need me here. Seryoso ako. Pupuntahan kita dito pag kelangan mong magbanyo.
Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 5:30pm Tuesday
Kiefer: Hi Best!
Alyssa: Where’s my food?
Kiefer: Hindi ba pwedeng “Hello” muna bago mo singilin yong dinner mo?
Alyssa: Ehhh…gutom na ko. Anong food binili mo?
Kiefer: I bought Tempura and Chicken Terriyaki. Anong gusto mo?
Alyssa: Hmmm…Tempura nalang. Are you okay with Chicken Terriyaki?
Kiefer: Oo naman. Tara, let’s eat.
Umupo si Kiefer sa tabi ko at nag-umpisa kaming kumain. We ended up sharing both the Tempura and the Chicken Terriyaki. Ang kulit kasi. Kanina pa sinusubo sa kin yong pagkain niya, eh di sinubuan ko din siya para fair.
After we finished eating, binigay niya sa kin yong mga notes and readings ko for the classes I missed today.
Kiefer: O eto yong photocopy ng notes ko for History, tsaka photocopy ng notes ni Ella sa mga classes niyo. Andiyan yong mismong notes ni Ella, balik mo na lang sa kanya mamaya. Nagpa-photocopy na rin ako ng readings niyo for Philo.
Alyssa: Bakit ang daming copies naman nito?
Kiefer: Idinamay ko na sina Ella nung nagpa-photocopy ako. Bigay mo na lang yong copies nila sa kanila.
Alyssa: Thank you dito ha. Wait, ano naman to? (pakita kay Kiefer nung isang papel)
Kiefer: Ah, akin na yan. (inabot yong papel na hawak ni Alyssa) Permit yan signed by Coach Tai and Coach Parley na pwede akong maglabas-pasok dito sa dorm niyo habang injured ka.
Alyssa: Baliw ka din noh? Talagang ginulo mo pa sila Coach para lang makapangulit ka dito.
Kiefer: Mahirap naman na lagi na lang ako nakikiusap kay Ate Elma tuwing kelangan ko umakyat dito. Baka maubos ang charms ko.
Habang tinitignan ko yong mga notes and readings na dinala ni Kiefer, inihanda naman niya yong ankle wraps for my cold compress.
Kiefer: Ly, nag cold compress ka na ba? Hindi na ito yong tape na nilagay ko sa yo kanina.
Patay! Bakit ba masyadong matandain tong nurse ko? Masesermonan na naman ako nito.
Alyssa: Ha? Ah…eh…nabasa kasi kanina yong ankle ko so pinalitan ko yong tape.
Kiefer: Bakit nabasa yong tape?
Alyssa: Na-spray-an kasi ng tubig galing sa bidet.
Kiefer: Nagpunta ka na naman ng banyo mag-isa? Bakit hindi ka nagtext sa kin para magpatulong?
Alyssa: May class ka diba?
Kiefer: Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina? Ang sabi ko, i-text mo ko when you need to get out of bed at pupuntahan kita dito kahit may klase ako. Ano ba dun ang hindi mo naiintindihan?!
Alyssa: Hindi nam –
Kiefer: Tsaka, bakit hindi ka nag-iingat? Kabilin-bilinan ni Dr Bondoc na bawal basain yong sprain mo. Alyssa naman!
Alyssa: Wag mo naman akong tawagin ng buo kong pangalan. Feeling ko anytime now papaluin mo ko sa pwet.
Kiefer: Wag ka magpatawa diyan. This is not a laughing matter.
Natahimik ako. Naku, mukhang nagalit talaga si Kiefer. Hindi ko naman sinasadya na sawayin yong bilin niya. Emergency lang kaya I needed to go to the bathroom at once.
Tinanggal ni Kiefer yong tape ko at pinalitan niya ng ankle wraps. Pagka-secure niya nung wraps, tumayo siya at umupo dun sa study table ko. Medyo awkward yong silence habang hinihintay namin matapos yong 20 minutes ng cold compress ko.
After 20 minutes, bumalik siya sa tabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita, ni hindi nga ako tinitignan sa mata. Tinanggal niya yong wraps at nilagyan ng sports tape yong left ankle ko. Patayo na siya ulit nung hinawakan ko yong kamay niya.
Alyssa: Kief, sorry na. I didn’t mean to ignore what you said. I just really needed to go to the bathroom. Wala ng time na i-text ka at hintayin kang pumunta dito. (tahimik pa rin si Kiefer) Uy...wag ka na magalit. Bati na tayo, please?
Kiefer: Basta wag mo na uulitin ha?
Alyssa: Oo. Hindi na. (pinky promise) Ma-ihi na ko dito sa kama pero hihintayin pa rin kita.
Kiefer: (pinky promise) Hahaha...wag naman. Papanghi kayo dito.
I was about to give him a kiss on the cheek nung bigla siyang tumingin sa kin. Buti na lang napigilan ko yong sarili ko, kung hindi magkaka-first kiss ako ng wala sa oras.
Kiefer: ALY! Anong ginagawa mo?
Alyssa: Magte-thank you lang. Ikaw naman kasi bigla-bigla kang gumagalaw diyan. Muntik pa tuloy tayong mag-smack!
Kiefer: Bakit mo kasi ako ninanakawan ng halik?!
Alyssa: Kapal ng mukha mo. Kung ayaw mo ng kiss ko, eh di wag. Sinong tinakot mo? Tsss...
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...