Kiefer’s POV
Ateneo Loyola Schools, 12:30pm Tuesday
Asan na ba si Best? Kanina pa ko paikot-ikot hindi ko naman siya makita. Hindi rin naman niya sinasagot yong phone niya.
*calling Ella de Jesus*
Ella: O Kief? Bakit?
Kiefer: Ella, kasama mo ba si Aly? Hindi ko kasi siya mahanap dito sa school.
Ella: Hindi eh. Have you tried calling her?
Kiefer: Oo, pero hindi niya sinasagot yong phone niya.
Ella: Chineck mo na ba yong Faura AVR? Baka nag-manual reg siya.
Kiefer: Hindi pa. Sige, thanks for the suggestion. Silip akong Faura. Bye!
Binalik ko yong phone ko sa bulsa ko at dumiretso na ko ng Faura. Pagpasok ko ng building, nakita ko si Aly na nakapila sa labas ng AVR.
Kiefer: Alam mo kung hindi mo sasagutin yong phone mo, tapon mo na yan! Walang pakinabang eh.
Alyssa: O, Kief! Anong ginagawa mo dito?
Kiefer: Hinahanap kita. Kanina pa kaya ako ikot ng ikot dito sa school. Pagod na pagod na ko ha. Daig ko pa nag-training.
Alyssa: Aba, malay ko bang hinahanap mo ko. Wala naman tayong usapan today diba?
Kiefer: Wala nga.
Alyssa: So wag mo ko sisishin. Buti nga ikaw pagod lang. Ako pagod na, gutom pa.
Kiefer: O sandwich ka muna, panawid gutom.
Alyssa: Wow! Thanks Best! (kinuha yong sandwich na hawak ni Kiefer) Ikaw, kumain ka na ba?
Kiefer: Hindi pa.
Alyssa: Share na tayo dito.
Kiefer: Wag na. Sa yo lang kulang pa yan eh.
Alyssa: Ay! Hindi ko to kakainin kung hindi mo ko hahatian.
Kiefer: Aysus! Cute mo. (kurot sa pisngi ni Alyssa) Sige na nga. Pero wag mo na i-half. Makikikagat na lang ako.
Binuksan ni Aly yong sandwich na dala ko. Pagkatapos niya kumagat, she held out the sandwich to me so I could also take a bite.
Alyssa: Tapos ka na mag-enlist ng subjects mo?
Kiefer: Oo. Cashier na lang tsaka ID validation.
Alyssa: Bakit hindi ka pa pumila sa Cashier para makapag ID validation ka na rin?
Kiefer: Mamaya na. Hintayin na lang kita.
Alyssa: Baka matagalan pa ko dito. (kagat ulit sa sandwich)
Natawa ako ng konti. Para talagang bata kumain tong si Best. Kumagat lang sa sandwich nagka-mayo na sa bibig. Kinuha ko yong panyo ko tapos pinunasan ko yong gilid ng bibig ni Aly.
Kiefer: Okay lang, samahan kita. Ano ba kasing nangyari sa yo? Bakit mo kelangan mag manual reg?
Alyssa: Ay, madumi ba? Sorry. (kumuha ng tissue sa bag niya at pinunasan din yong bibig niya) Hindi ko napansin may conflict pala yong dalawang classes ko.
Kiefer: Anong classes?
Alyssa: History 165 tsaka Philo 103.
Kiefer: Anong sched yong papalitan mo?
Alyssa: Yon nga yong pino-problema ko ngayon. Kasi dun sa Philo, dun ko lang pwede maging classmate sila Denden. Tapos yong sa History naman, andun yong rest ng blockmates namin ni Ella.
Kiefer: Lumipat na lang kayo ng section ni Ella for History. At least magkasama pa rin kayo kahit wala yong blockmates niyo.
Alyssa: Nag History 165 na si Ella last sem. Konti na lang kami sa block na kelangan pa mag-take nun, so pag lumipat ako ng section, wala akong kasama.
Kinuha ko yong water bottle sa bag ko at inabot ko kay Aly.
Kiefer: Diba dapat parehas kayo ng subjects ni Ella?
Alyssa: (uminom tapos binalik kay Kiefer yong water bottle) Dapat nga. Kaya lang I had to drop History last sem kasi may kinuha akong elective na second sem lang available. Ngayon baliktad kami ni Ella. Siya mage-elective tapos ako History 165. Pero other than that naman parehas pa rin kami ng subjects.
Kahit gusto kong maawa kay Aly sa pamomroblema niya, natatawa pa rin ako sa kanya. Seryosong-seryoso kasi siya sa pagtitig sa reg form niya, parang umaasa siyang iluluwa nung form yong sagot sa problema niya.
Kiefer: Patingin nga ng sched mo.
Inabot ni Aly sa kin yong papers na hawak niya and when I looked at her free time, I realized na pwede siya dun sa section kung saan ako naka-sign up.
Kiefer: Mag Ambeth Ocampo ka na lang para magkasama tayo.
Alyssa: Anong oras yon?
Kiefer: 1:30pm, Tuesdays and Thursdays.
Alyssa: Hmmm…pwede nga. Sino-sino pang kilala natin na naka-enlist sa section na yon?
Kiefer: Si Von tsaka si Nico. Tapos baka si Gwyne.
Alyssa: Sige, dun na lang ako sa section niyo lilipat. Sana makakuha ako ng slot.
Regcom Volunteer: Next 15 please!
Kiefer: O ayan, kasama ka na sa papasok. Hintayin na lang kita dito.
Alyssa: Sige.
Naiwan ako sa labas ng AVR. Habang hinihintay ko si Aly matapos sa manual reg niya, nag-Candy Crush na lang ako sa phone ko. Five lives and 45 minutes later dumating na si Aly.
Alyssa: Best, okay na! Magkaklase tayo sa History. First time!
Kiefer: Oo nga noh, first time natin maging magkaklase. Buti yan, may kokopyahan ako ng notes. Hahaha…
Alyssa: Ganun?! Kaya mo lang ako pinalipat sa section niyo para kopyahan ng notes?
Kiefer: Eto naman hindi na mabiro. (akbay kay Alyssa) Joke lang yon. O ano, gusto mo na ba pumila sa Cashier or mag-lunch muna tayo?
Alyssa: Okay pa naman ako dun sa sandwich na kinain natin. Pila na tayo sa Cashier para matapos na.
Naglakad kami ng magkaakbay papuntang Xavier Hall. Habang nakapila kami sa Cashier nag-selfie kami tapos pinost ko yon sa IG at sa Twitter.
kieferravena: spending reg with @AlyssaValdez2
Alyssa: (humarap kay Kiefer) Best, di mo pa nakwento kung anong nangyari pagkaalis ko sa bahay niyo nung Sunday. Pinagalitan ka ba nina Tita?
Kiefer: Hindi. Nakakapagtaka nga eh, kala ko grounded na ako. Ano bang sinabi mo kina Mommy?
*start of flashback*
Kiefer: Bye Best! Thank you.
Alyssa: You’re welcome. Matulog ka na.
Mozzy: Thirdy anak, alalayan mo na nga tong Kuya mo paakyat ng kwarto niya. Baka malaglag pa to sa hagdan sa sobrang antok.
Thirdy: Tara Kuya.
Umakyat na si Kiefer sa kwarto niya habang inaalalayan siya ni Thirdy.
Mozzy: Hija, saan mo nahanap si Kiefer?
Alyssa: Sa Ateneo po.
Mozzy: Andun siya buong gabi?
Alyssa: Opo.
Mozzy: Hindi ba siya nahuli?
Alyssa: Wala naman daw pong nakakitang security guard sa kanya.
Mozzy: Ano bang nangyari kay Kiefer? May problema ba siya?
Alyssa: Si Kiefer na lang po ang tanungin niyo Tita.
Mozzy: But is he okay?
Alyssa: Mukha naman po. Nung nag-breakfast kami kanina makulit na siya kahit inaantok.
Mozzy: Hay naku, yang batang yan talaga.
Alyssa: Tita, wag niyo na po pagalitan si Kiefer. Hindi naman po niya sinasadyang hindi umuwi kagabi, hindi lang niya talaga napansin yong oras. Tapos na-dead batt po yong phone niya kaya hindi siya ma-contact.
*end of flashback*
Alyssa: Yon lang naman ang sinabi ko kay Tita.
Kiefer: Iba ka Ly! Lakas mo talaga kay Mommy. Kahit si Daddy hindi ako pinagalitan, pinagsabihan lang ako. Pinagtatawanan na lang nga nila yong nangyari.
*start of flashback*
Mozzy: Kiefer. Wag mo na uulitin yong hindi pag-uwi ng walang paalam ha. Sa susunod na hindi ka uuwi o hindi ka makakauwi, magtext ka para naman hindi kami mag-worry.
Kiefer: Opo ‘Mmy. Promise, hindi na po mauulit. (after a few seconds) Gaano po ako katagal grounded?
Mozzy: May sinabi ba kong grounded ka?
Kiefer: Hindi po ako grounded? Bakit po?!
Dani: Hahaha…Kuya sarap mo picture-an!
Thirdy: Hahaha…‘Mmy si Kuya gusto ma-ground!
Mozzy: Pasalamat ka magaling ang abugado mo.
Kiefer: Po?
Bong: (natawa sa reaction si Kiefer) Pinadrino ka ni Alyssa kanina dito sa Mommy mo.
Mozzy: Basta wag ka na uulit. Kasi sa susunod, kahit anong pakiusap pa ang gawin ni Alyssa sa kin, grounded ka na talaga.
Thirdy: Alam niyo ‘Mmy, okay lang po na mag-disappearing act ulit si Kuya. Alam naman ni Ate Aly kung saan siya hahanapin eh.
Bong: Oo nga sweetheart. Sa susunod, si Alyssa na lang agad ang tawagan natin. Hindi yong kung kani-kanino mo pa muna hahanapin tong anak mo.
*end of flashback*
Alyssa: Ano ako, lost and found?!
Kiefer: Hindi. Abugado na may lost and found! Hahaha...pero seriously Best. (akbay ulit kay Alyssa) Life saver ka talaga!
*phone ringing*
Alyssa: Excuse me Kief. Sagutin ko lang.
Binaba ko yong braso ko para makagalaw si Aly. Kinuha niya yong phone niya sa bag para sagutin yong tawag. Hindi naman siya lumayo kasi mawawala siya sa pila kaya naririnig ko pa rin yong side niya ng conversation.
Alyssa: Hi! … Ay naku, daming aberya as always … I wish! Nakapila pa kami dito sa Cashier … Hindi pa. Pero nag-sandwich ako kanina … Hahaha … Siyempre naman bitin … Opo. After naman nito ID validation na lang tapos pwede na mag-lunch … Dinner later? (tumingin kay Kiefer) Alanganin ako today eh … If you want tomorrow na lang. Cancelled yong afternoon training namin bukas … Okay, see you tomorrow … Bye!
Siguro si Jovee na naman yan. Epal talaga masyado!
Kiefer: Sino yon?
Alyssa: Si Jovee, kinakamusta yong reg.
Kiefer: Tsaka nag-aaya mag-dinner? Tsss…
Alyssa: Oo. Pero sabi ko bukas na lang kasi cancelled naman yong training namin sa hapon.
After namin magbayad ng tuition sa Cashier at mag pag-ID Validation sa Gonzaga, nagpunta kaming Bonchon ni Aly for a very late lunch. Pagkakain namin, sinamahan ko si Aly bumalik ng Eliazo para kunin yong gamit niya tapos tumuloy kami ng Blue Eagle Gym for their afternoon training.
Alyssa: Manonood ka ba ng training namin or may lakad ka?
Kiefer: I’ll watch.
Oo manonood talaga ako ng training niyo. Mahirap na. Baka may epal na dumating.
Alyssa: Okay. After training sabay ka na sa min mag-dinner.
Ella’s POV
Blue Eagle Gym, 7:45pm Tuesday
Kakatapos lang ng training namin. Andito kami ngayon ni Denden, ni Bea at ni Amy sa isang sulok ng Blue Eagle Gym nagku-cool down habang pinapanood sina Aly at Kiefer na nagtatawanan sa may bleachers.
Denden: Grabe talaga yang dalawang yan. Kahit anong gawin nila, nakakakilig.
Ella: Hindi niyo ba na-notice na parang may iba sa kulitan nila ngayon?
Amy: Yeah, they’re extra sweet today. It’s really too bad Kiefer already has a girlfriend.
Bea: Alam niyo, may narinig ako sa school kanina.
Denden: Anong chismis na naman yan Bei?
Bea: Break na daw si Kiefer tsaka si Kara.
Denden: Seryoso ba yan? Baka naman chismis lang talaga.
Bea: Feeling ko totoo. Blockmates ni Kara yong narinig kong nag-uusap eh.
Ella: Pero pwede nga. Kasi hinahanap ni Kiefer si Aly sa kin kanina.
Amy: What does that have to do with Kiefer and Kara breaking up?
Ella: Every sem during reg, PA ni Kara ang drama ni Kiefer. So if Kiefer was looking for Aly, ibig sabihin hindi PA ni Kara si Kiefer kanina.
Amy: Do you think Alyssa knows about the break up already?
Napatingin kaming apat kina Aly at Kiefer. Saktong naabutan namin na sinusubuan ni Kiefer si Aly ng Pringles.
Denden: Siguro naman. Kasi if there’s someone Kiefer would have told about the break up, si Aly na yon.
Ella: Bei, kelan daw sila nag-break?
Bea: Ang rinig ko over the weekend.
Nagkatinginan kami ni Denden.
Ella: Hindi kaya?
Denden: Baka. Kasi otherwise, sobrang coincidence naman nun.
Bea: Ang alin ang sobrang coincidence?
Amy: What are you talking about?
Ella: Diba Jovee and Aly went out last Saturday? Pag-uwi ni Aly sa dorm after their date, nabanggit niya na nagkita sila nina Kiefer at Kara sa MOA. Tipong naging double date sila bigla.
Denden: And sabi ni Aly na ang init daw ng ulo ni Kiefer nung magkakasama sila. As in super sarcastic daw ni Kiefer.
Ella: Eh meron kaming theory ni Denden na pinagseselosan ni Kiefer si Jovee.
Denden: Baka napansin din ni Kara yong pagseselos ni Kiefer and yon yong naging cause ng break up nila.
Bea: So feeling threatened si Kiefer kay Jovee? Hmmm…
Amy: You mean Kiefer likes Alyssa?
Denden: Feeling namin. Pero parang hindi pa aware si Kiefer. Alam niyo yon, nagseselos siya pero hindi niya alam na selos yong nararamdaman niya. Yong wala pang realization na love na niya si Aly.
Bea: Aba eh bilis-bilisan niya yong pagpa-process ng feelings niya. Baka sa sobrang bagal niya maunahan siya ni Jovee.
Amy: Nahhh…I don’t think any amount of breakfast meals will make Alyssa forget about Kiefer. Alyssa’s loyal!
Ella: Hahaha…Den o may kakampi ka na!
Bea: Ano naman yang kampihan na yan?
Denden: Pauso lang ni Ella. Team Jovee daw siya tapos ako Team Kiefer.
Amy: Uhmmm…why do you guys get a vote? Isn’t it just Alyssa’s decision?
Bea: Oo nga. Alam naman nating lahat kung sinong gusto niya. At kung tama nga yong theory niyo, malapit na maging reality ang Phenom Couple!
Denden: Guys, si Aly papunta dito.
Alyssa: Uy, Power Rangers! (umupo sa tabi ni Bea) Shower na tayo. Nagugutom na ko eh. Nga pala, okay lang ba, sasama si Kiefer sa tin mag-dinner?
Amy: Yeah, that’s fine.
Ella: Ano, tapos na kayo maglambingan kaya andito ka na?
Alyssa: Anong lambingan? Issue ka na naman Ella ha.
Bea: In denial ka lang teh? Para kaya kaming nanonood ng rom-com dito.
Denden: Besh, may utang ka sa ming kwento.
Alyssa: Anong kwento?
Amy: Has Kiefer and Kara really broken up?
Alyssa: Saan niyo naman narinig yan?
Bea: Sa blockmates ni Kara.
Alyssa: So pinagsabi na pala niya.
Ella and Denden: Totoo nga?!
Alyssa: Kelangan duet? Oo. Saturday night.
Amy: Why did they break up?
Alyssa: Hindi ko alam eh. Ayaw sabihin ni Kiefer kung anong pinag-awayan nila.
Ella: Kelan mo pa alam na wala na sila?
Alyssa: Sunday morning.
Denden: At hindi mo man lang shinare sa min?
Alyssa: Unang-una, wala naman kayo ni Ella sa dorm pagbalik ko galing sa bahay ni Kiefer. Pangalawa, hindi naman ako yong nakipag-break, so bakit ko dapat ikwento sa inyo?
Denden: Siyempre para maumpisahan na natin yong Operation Phenom Couple!
Ella: Teka! Hindi pwede yan. Paano na si Jovee?
Alyssa: Ano ba, Team Kiefer Team Jovee na naman ba to?! Tigilan niyo na nga yan. Halika na maligo para makakain na tayo.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanficThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...