Denden’s POV
Eliazo dorm, 10:30am SaturdayElla: Besh ayaw mo ba talagang mag-dress or mag-skirt man lang?
Kakatapos lang namin ayusan si Aly at nakatayo siya ngayon sa harap ng salamin, tinitignan yong sarili niya. She’s wearing a pair of skinny jeans, a white sleeveless top, and black flats. Nakalugay lang yong hair niya and she has on very light make-up. Simple lang yong look niya pero lutang na lutang yong ganda niya.
Alyssa: Okay na tong skinny jeans, dito sila sanay makita ako eh. Baka mabigla na nga sila sa sasabihin ni Kiefer tapos mabibigla pa sila sa suot ko.
Denden: Tingin mo ba talaga mabibigla pa sila pag nalaman nilang nililigawan ka na ni Kiefer?
Alyssa: Ewan ko. Pero ang sabi ni Thirdy sa kin dati alam daw nilang lahat na mahal ako ni Kiefer, si Kiefer lang daw ang in denial.
Denden: Kung alam naman pala nila na mahal ka ni Kiefer, di hindi na sila magugulat na nanliligaw siya sa yo.
Biglang tumingin si Aly sa min ni Ella.
Alyssa: Beshies, kinakabahan ako.
Ella: Bakit? Eh hindi naman to yong first time na haharap ka sa pamilya ni Kiefer ah.
Denden: Oo nga. Madalas ka naman ini-invite nila Tita Mozzy sa bahay nila, nago-overnight ka pa nga dun minsan diba?
Alyssa: Pero ibang usapan to. Hindi ako haharap sa kanila ngayon bilang kaibigan ni Kiefer. What if ayaw pala nila na ligawan ako ni Kiefer? Anong gagawin ko?
Kung hindi lang mukhang kabadong-kabado tong si Aly, matatawa ako sa mga pinagsasasabi niya. How can she think na magiging negative yong reaction nina Tita Mozzy sa panliligaw ni Kiefer sa kanya? Everybody knows how much they love her.
Denden: First off, I doubt na hindi boto sina Tita Mozzy sa yo. They treat you like part of their family and you can’t get more welcome than that. And second, kung sakali mang hindi ka nila matanggap, feeling ko ipaglalaban ka naman ni Kiefer. Either way, there’s nothing to worry about.
Ella: Wag ka na masyadong nega diyan. Wala namang mararating yang pagwo-worry mo. Just think happy thoughts.
*toot toot*
Denden: Besh, may text ka from Kiefer. Baka andiyan na siya sa baba.
Inabot ko kay Aly yong phone niya at binasa niya yong text ni Kiefer.
Alyssa: Asa baba na nga si Kiefer. Beshies, wish me luck.
Ella and Denden: Good luck!
Ella: Tara, hatid ka na namin sa baba.
Kiefer’s POV
Ravena Residence, 11:30am SaturdayIpinark ko yong sasakyan ko sa labas ng bahay namin tapos bumaba ako at umikot sa side ni Aly para ipagbukas siya ng pinto.
Kiefer: Ready?
Alyssa: Ewan ko. Kelangan ba talaga sumama pa ko sa lunch na to?
Kiefer: Ly, andito na tayo sa min. Ituloy na natin to. Akong bahala sa yo, I promise this will be painless.
Alyssa: Paano kung ayaw nila na ligawan mo ko?
Kiefer: Believe me, matutuwa sila pag nalaman nila. At kahit na hindi, I don’t care. Liligawan pa rin kita. (inilahad ang kanan niyang kamay kay Alyssa) Let’s go?
Huminga ng malalim si Aly tapos kinuha niya yong kamay ko at bumaba na sa kotse. Pagbaba niya, niyakap ko muna siya bago ko pinindot yong doorbell.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanficThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...