Ella’s POV
Blue Eagle Gym, 5pm, Monday
Katabi ko si Von dito sa bleachers ng Blue Eagle Gym. Hinihintay naming mag-umpisa yong afternoon training habang pinapanood si Aly at si Kiefer na nagshu-shooting contest sa court.
Von: Musta pala yong panliligaw ni Jovee kay Aly?
Ella: Mukhang steady naman. Dinadalhan pa rin ni Jovee ng breakfast si Aly sa training tapos minsan sinusundo niya sa gabi para mag dinner.
Von: Mukha bang tagilid na yong chances ni Kiefer?
Ella: Ine-entertain ni Aly si Jovee. I mean, after all pumayag siyang magpaligaw. Pero parang wala namang pinagbago yong treatment niya kay Jovee. Friends pa rin, parang Kuya.
Von: Si Kiefer naman kasi ang hirap kausap. Since nung Batangas trip natin, we’ve been trying to corner him into admitting na mahal niya si Aly. Pero ang tatag, ayaw magpahuli.
Ella: Baka naman mali lang tayong lahat ng basa sa kinikilos ni Kiefer? What if nagsasabi talaga siya ng totoo na kapatid lang yong turing niya kay Aly?
Von: I don’t think so. I’ve known Kiefer since high school at nakita ko na siya in all stages of being in love. Ang pinakamahabang stage sa kanya lagi is yong determining if mahal niya yong babae. Kaya itong dilly-dallying ni Kiefer, in character to.
Ella: Talaga? Bakit naman?
Von: Segurista kasi yon. Hindi yon gagawa ng move or even aamin kahit kanino unless sigurado na siya sa feelings niya. Tapos mas complicated pa tong sa kanila ni Aly kasi nga there’s a friendship to consider.
Ella: Anong gagawin natin ngayon? Masugid manligaw tong si Jovee. Paano kung mapasagot nga niya si Aly tapos si Kiefer nag-iisip pa?
Von: To be fair to Kiefer, may progress naman siya. Kasi dati pag tinutukso namin siya, mabilis pa yon sa alas-kwatro kung mag-deny. Ngayon, hindi na siya nagde-deny, although di din siya umaamin.
Napaisip ako sa sinabi ni Von. Sana nga sinisigurado lang ni Kiefer yong feelings niya para kay Besh kaya hanggang ngayon wala pa rin siyang ginagawa. Bilis-bilisan lang sana niya yong pag-iisip kasi baka makasigurado nga siya sa feelings niya, pero too late naman siya para makagawa ng kahit anong move.
Lumapit si Denden sa min ni Von.
Denden: Besh, parating na daw si Coach Tai. Tara, mag warm up na tayo.
Ella: Sige, sunod na ko. (tingin kay Von) Von, start na daw kami. Galingan niyo yong pangco-corner kay Kiefer ha.
Nagpunta na ko sa court at sumali sa stretching exercises ng team. Nakita ko from the corner of my eye na umupo si Kiefer sa tabi ni Von at pinanood kami.
Pagdating ni Coach Tai, hinati na niya kami into two teams para sa scrimmage. Magkasama kami nina Aly, Jia, Mich, Amy, at Aerieal sa isang team tapos si Denden ang Libero namin. Nagstart na kami maglaro.
Serve. Receive. Set. Spike. Dig. Set. Spike. Block.
Medyo dikit yong laban pero nakuha pa rin namin yong first set. Mga 10 minutes into the second set, pagtalon ni Aly para mag-spike, napansin kong mababa yong elevation ng talon niya. Napalo pa rin naman niya yong bola, pero nakaluhod na siyang nag-land sa court. Tinigil ni Coach yong game kasi hindi makatayo si Aly. She was still on the floor, holding on to her left ankle.
Hindi pa ko nakakagalaw man lang para puntahan si Besh nung nakita ko si Kiefer na asa tabi na ni Aly. Pinaupo niya si Aly ng maayos sa court at binigyan ng first aid. Eventually, nagdecide si Coach Tai na kelangan madala na si Aly sa ER para makasigurado sa severity nung injury.
Kiefer: Coach, I can bring Aly to the hospital so you don’t have to cancel training. My car’s just parked outside.
Coach Tai: Are you sure it’s okay? Don’t you have something to do?
Kiefer: It’s okay Coach. I can also bring Aly back to her dorm when the doctor releases her.
Ella: Coach, can I go with them so I can assist Aly while Kiefer is driving?
Coach: Okay Ella. Don’t forget to keep me updated with Aly’s condition. Text or call if you need anything.
Ella: Yes Coach.
Binuhat na ni Kiefer si Besh at dahan-dahang naglakad papunta sa parking. Lumapit naman si Von sa kin habang kinukuha ko yong mga gamit namin.
Von: Ella, dito ka na lang. Ako na sasama sa ospital. Text na lang kita ng updates.
Ella: Sure ka?
Von: Oo sure ako. Para ako na rin ang magda-drive, masyadong worried si Kiefer kay Aly, baka hindi maka-drive yon ng maayos.
Von’s POV
Emergency Room Medical City, 7pm Monday
Galing akong Starbucks para bumili ng coffee at sandwich. Pagdating ko sa ER, nakahiga na si Aly sa hospital bed at may nilalagay na ice wraps si Kiefer sa left ankle niya.
Inabot ko kina Kiefer at Aly yong coffee at sandwich nila para makakain na ng dinner before kunin si Aly for her x-ray. Natapos kami kumain at nagke-kwentuhan na lang kami nung dumating yong nurse.
Nurse: Miss Valdez, time na po for your x-ray.
Alyssa: Sige po.
Umayos si Aly ng upo para makalipat sa wheelchair na dala nung nurse.
Kiefer: Teka Ly, tulungan na kita.
*toot toot*
From Ella:
Von, kamusta si Aly?
Kinarga ni Kiefer si Aly mula sa kama papunta sa wheelchair. Sumunod naman kami ni Kiefer kina Aly para maghintay sa labas nung x-ray room. Habang nagpapa-x-ray si Aly, si Kiefer naman walang ibang ginawa kung di lumakad ng lumakad sa harap ko.
To Ella:
According to the initial check-up, mukhang sprain lang daw. Nagpapa-x-ray palang si Aly ngayon. After the x-ray malalaman kung ano yong severity.
Von: Paps! Nahihilo na ko sa yo. Umupo ka nga dito. Nagpapa-x-ray lang si Aly, hindi siya nanganganak!
*toot toot*
From Ella:
Kamusta kayo ni Kiefer? Kelangan niyo ba kami diyan?
Sa wakas umupo na din si Kiefer. Pero di nagtagal, nag-umpisa naman siyang tapikin yong telepono niya ng daliri niya.
Von: Pag hindi ka tumigil ng kakatapik diyan sa telepono mo, itatapon ko yan!
To Ella:
Hindi na siguro. Okay naman kami dito. Pero malapit ko na itali tong si Kiefer. Hindi mapakali, talo pa niya yong may asawang nanganganak eh. Nase-stress ako sa pagka-stress niya.
Sa wakas natapos din yong pagpapa-x-ray ni Aly. Binalik na namin siya dun sa hospital bed na naka-assign sa kanya para dun na hintayin yong doktor na magbabasa nung x-ray niya.
After half an hour or so, dumating na din yong doktor.
Dr. Bondoc: You have a Grade 1 sprain on your left ankle Miss Valdez. Minor lang naman but I’d still suggest you stay off your foot completely for at least three days. You have classes, right?
Alyssa: Opo.
Dr. Bondoc: Kung wala namang exam or anything important, wag ka na lang muna pumasok. Just stay in bed and rest your ankle. Tapos sa Friday, balik ka dito for a check-up so we can see the status of your sprain.
Kiefer: Doc, mga gaano kaya katagal before she can go back to training?
To Ella:
Ella, sabi nung doctor, Grade 1 sprain daw yong meron si Aly. Minor lang pero mga three days wag daw munang pumasok si Aly ng school. And then kelangan niya magpa-check-up sa Friday.
Dr. Bondoc: Since minor sprain lang naman and it’s not her first ankle injury, mga five to seven days siguro. But of course that all depends on her.
Kiefer: Okay po doc. (tumingin kay Alyssa) O Ly, narinig mo yon. No school and no training. Three days. Wag ka pasaway.
*toot toot*
From Ella:
Buti naman minor lang. Naku, mababaliw yang si Aly kung tatlong araw siyang nakakulong sa dorm. How many days daw before she can go back to training?
Alyssa: Baka mabaliw naman ako kung asa dorm lang ako ng tatlong araw.
Kiefer: Konting tiis lang para gumaling agad yong sprain mo. Ako na bahala mag-collect ng mami-miss mong notes and readings.
To Ella:
5-7 days daw kung hindi siya pasaway.
Dr. Bondoc: Ah…Mr?
Kiefer: Ravena po Doc.
Dr. Bondoc: Mr Ravena, ikaw na bahala sa girlfriend mo. Make sure she stays off her foot completely for the next three days, at bawal basain yong sprain niya. Don’t forget the cold compress, mga three times a day, and in between that kelangan naka-tape or naka-bandage yong ankle niya for additional support.
Alyssa: Uhmmm, Doc. Hin –
Kiefer: Yes Doc. Ako na po bahala kay Aly. Marunong naman ako maglagay ng sports tape. I’ll also make sure she comes in on Friday for her check-up. Thank you po.
Dr. Bondoc: Thank you rin. (tingin kay Alyssa) Mauna na ko Miss Valdez. After your ankle gets bandaged, you can go home and rest. I’ll see you and Mr Ravena on Friday.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...