Chapter 28

7.6K 142 6
                                    

Jovee’s POV
Mall, 6:30pm Thursday

Jovee: Saan mo gusto kumain?

Alyssa: Hindi ko alam eh. Wala naman akong particular craving. Ikaw ba?

Jovee: Wala din. Maglakad-lakad na lang muna tayo, baka may makita tayo na magustuhan natin kainan. Unless gutom ka na?

Alyssa: Hindi pa naman ako gutom. Sige, ikot muna tayo. Let’s see what looks good.

Nag-ikot kami ni Aly sa mall, nagkulitan at nagkwentuhan habang naglalakad.

Alyssa: Kamusta yong party niyo nung Saturday?

Jovee: Okay naman, successful yong event. Pero asar talo ako sa team namin.

Alyssa: Bakit?

Jovee: Kasi ako lang yong walang date. Sabi nga nila, baka hindi naman daw talaga kita kilala at gawa-gawa ko lang na nanliligaw ako sa yo.

Alyssa: Sooorrrrry...

Jovee: Okay lang noh. Nakita ka naman nila kanina sa office. So alam na nilang hindi ka figment ng imagination ko. (after a few seconds) Kamusta na pala si Kiefer? Okay na ba siya?

Alyssa: Oo, okay na. Nagbreak din yong fever niya nung madaling araw. Pagkagising ko nga nung umaga, naabutan ko siya sa kusina, attempting to cook breakfast. Ang kulit-kulit, ayaw magpatulong.

Jovee: Bakit attempting?

Alyssa: Mabait si Kiefer, matalino, magaling mag-basketball, may ibubuga naman musically, and very charming. Pero when it comes to cooking? Hahaha…mahirap na magsalita.

Jovee: Matututo din yon. Lalo na pag nakahanap siya ng taong gusto niyang ipagluto.

Alyssa: Kaya ka ba natu –

Biglang napatigil si Aly. I can see the expression on her face change from happy to shock to hurt.

Jovee: Aly? Are you okay? Bakit ka natigilan? Is there something wrong?

Hindi sumagot si Aly sa kin. We were standing across Racks and she was looking inside. Sinundan ko yong tingin niya and there was Kiefer sharing a meal with a girl. Nagke-kwentuhan sila, nagtatawanan, and they look like they’re having fun.

I looked back at Aly. Nakaramdam ako ng selos sa reaction niya, pero hindi ko na lang muna pinansin. I know I need to get her away from this place. Nilagay ko yong kamay ko sa likod niya and I guided her towards the parking lot.

Jovee: Ly tara? Wag na tayo dito kumain. Let’s go somewhere else.


Alyssa’s POV
Grandstand UST Grounds, 8pm Thursday

Hindi ko namalayan kung saan ako dinala ni Jovee. The last thing I remember pagkakita ko kay Kiefer is Jovee telling me to get in the car. We ended up here in UST, sa dati naming tambayan.

Tahimik kaming nakaupo sa grandstand, sa dulo ng stage. Nakatingin lang ako sa malayo habang nagre-replay sa utak ko yong nakita ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito ka-affected. It’s not as if I haven’t seen Kiefer out on a date before.

Jovee: Mahal mo talaga siya noh?

Alyssa: Huh? Sino?

Jovee: Si Kiefer.

Alyssa: Sino namang nagsabi sa yo na mahal ko yon?

Jovee: Aly, hindi ako manhid. Nakikita ko kung gaano ka-importante sa yo si Kiefer. At sa naging reaction mo kanina, naniniwala akong mahal mo nga siya.

Alyssa: Magkaibigan lang kami nun.

Jovee: Oo nga, magkaibigan kayo. But being friends with someone doesn’t necessarily stop you from developing romantic feelings for the person.

Hindi ko na nagawang i-deny kay Jovee yong nararamdaman ko para kay Kiefer. Matagal man kaming hindi nagkita at nagkausap ni Jovee, kilalang-kilala pa rin niya ko. He can still read me like a book.

Jovee: Alam ba ni Kiefer na mahal mo siya?

Alyssa: Sa pagkakaalam ko hindi.

Jovee: Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya? Single naman siya ngayon diba? Malay mo mutual pala yong feelings niyo.

Alyssa: Alam mo, it really feels weird talking about this with you.

Jovee: Hindi mo ko manliligaw ngayon. Isipin mo na ako si Kuya Jovee and just like old times, nandito tayo kung saan tayo nag-uusap pag may problema yong isa sa tin.

Alyssa: Salamat. Pero hindi ba mahirap sa yo na pag-usapan yong taong mahal ko?

Jovee: Oo mahirap kasi mahal kita. Pero sa mga oras na to mas kelangan mo ng kaibigan kesa manliligaw, at handa akong maging kaibigan mo. Magkwento ka lang, kahit ano, makikinig ako.

Ngumiti ako kay Jovee and he smiled back at me. I felt like na-transport nga ako back to high school. Siya si Kuya Jovee and I’m Aly, his little sister. Alam kong kahit marami ng nagbago sa min parehas, he’ll still be there for me.

Alyssa: Ang ganda nung ka-date niya noh?

Jovee: Maputi lang yong babae, pero mas maganda ka dun.

Alyssa: But the girl is exactly Kiefer’s type. Maganda, maputi, sexy, and very, very sophisticated. She’s everything I’m not.

Jovee: Hey, wag ganyan. Maganda ka tsaka sexy. Oo hindi ka maputi and hindi ka nga rin siguro sophisticated. But there are a lot of other things that people love you for. Mabait ka, matalino, masarap kasama, at sobra mong maalaga. You have an infectious smile and a certain child-like quality in you that makes everyone around you happy.

I took a deep breath and looked down at my hands.

Alyssa: I’ve always said na hindi ako umaasang magiging kami at any point. Tanggap ko na magkaibigan lang kami. Alam ko kung anong lugar ko sa buhay niya. But this past month has been like a dream.

Jovee: What do you mean?

Alyssa: Kasi ngayon ko lang naramdaman how it is to be Kiefer’s priority. Yong wala akong ibang babaeng kaagaw sa oras niya. I know we’re just friends, pero hindi ko mapigilang mag-enjoy sa attention na binibigay niya sa kin. There are moments I can almost believe that I am his girlfriend. Pero yong kanina, para akong sinampal.

Hindi ko na din napigilan yong sarili ko na umiyak. Bwisit. Akala ko wala na kong luhang iiiyak when it comes to Kiefer. Naramdaman kong lumapit si Jovee sa kin and he hugged me tight.

Alyssa: Seeing him on a date was a big reality check for me. Pinamukha sa kin ng universe na hanggang bestfriend lang talaga ako, that I will never be that special girl for him.

Jovee: Anong balak mong gawin ngayon?

Alyssa: Wala. What am I supposed to do? Wala naman akong karapatan awayin siya for taking a girl out to dinner. I’m not his girlfriend. I can’t even get mad at him on behalf of someone kasi single siya. He can date whoever he wants to date.

Binitawan ako ni Jovee and using his fingers, pinunasan niya yong mga luha ko.

Alyssa: Jovee, sorry talaga. Alam kong nasasaktan kita sa mga sinasabi ko.

Jovee: It's okay, you don't have to apologize. Hindi mo naman kasalanan na nung nanligaw ako sa yo may mahal ka ng iba. Yon yong risk nung mga choices na ginawa ko nun eh. It was just too late for me kasi nung bumalik ako sa buhay mo, may Kiefer na.

Inakbayan ako ni Jovee at sinandal niya yong ulo ko sa balikat niya.

Jovee: Aly, I’m setting you free. Mahirap man tanggapin pero alam kong hindi kita mapapasagot kahit kelan. You love Kiefer too much na there’s no place in your heart for anyone else.

Alyssa: I’m sorry Jovee. I really am. Sana things could have been different. I swear, sinubukan kong bigyan ka ng chance.

Jovee: I know. Naramdaman ko naman yong chance na binigay mo and I tried to make the most of it. I guess it just wasn’t meant to be. (after a few seconds) Aly, can I ask you something?

Alyssa: Sure.

Jovee: Was there ever a time na nakita mo ko in a romantic way? Or was I always in the friendzone?

Alyssa: Dati, oo. Nung high school. Ang gwapo mo naman kasi tapos ang bait mo pa. Pero wala akong sinabihan, si Kim lang. I guess you can say na even for a time, MU tayo nun, hindi lang natin alam.

From the corner of my eye. I saw Jovee look at me. Naupo ako ng diretso and looked at him as well. I can see the surprise on his face. Nararamdaman ko rin yong mga tanong niya kahit wala pa siyang sinasabi.

Jovee: Anong nangyari, bakit nawala?

Alyssa: I outgrew the feelings. Ang alam ko kasi little sister lang yong tingin mo sa kin nun, kaya kinonsider na lang kita na parang isa pang Kuya. Tapos after nung nawala ka, na-complete yong pag-move on ko. Tinanggap ko na wala ng chance kaya naging Kuya na talaga yong tingin ko sa yo. Malay ko bang magkikita pa tayo ulit.

Jovee: Kung hindi ba ko nawala nun sa buhay mo at niligawan nga kita when you turned 18, sinagot mo kaya ako?

Alyssa: Pwedeng oo, pwedeng hindi. I guess we'll never know now.

Tumingin si Jovee sa malayo.

Alyssa: Jovee, am I going to lose you again?

Jovee: No. I'm not going anywhere. Titigil lang ako manligaw pero hindi ako aalis sa tabi mo. If I can't be your boyfriend, I will be your friend. Just like old times.

Alyssa: Thank you.

Jovee: For what?

Alyssa: For loving me the way you do. Kahit hindi ko kayang suklian.

Jovee: Hindi ka mahirap mahalin Aly. In fact after I realized na mahal kita, kahit minsan masakit, every decision I had to make was easy. And in spite of how things turned out between us, wala akong regrets.

Alyssa: Sana ikaw na lang yong mahal ko, para ikaw din yong first boyfriend ko. I know I'd be in really good hands. Although, kung tutuusin, pwede naman kitang sagutin eh. Kahit ngayon din. Kaya lang ayoko maging unfair sa yo.

I know na kung magiging kami ni Jovee, he’ll do his best to make me happy. Pero hindi ko alam just how happy I will be knowing na nasasaktan ko siya everyday na may mahal akong iba.

Alyssa: Alam ko kasi yong pakiramdam na nagmamahal ka ng taong hindi ka naman mahal. Masakit umasa. Yong gigising ka araw-araw hoping na yon na yong day na mamahalin ka rin niya. Pero matutulog ka sa gabi na malungkot kasi ganun pa rin. Kaibigan pa rin lang ang tingin niya sa yo.

Jovee: Ly, don’t give up on Kiefer too easily. I have a feeling na it’s not as one sided as you think it is.

Alyssa: Yeah, you and the rest of the world think that.

Jovee: Sawang-sawa ka na nga siguro marinig yan. But trust me on this, nakikita ko kung paano mag-react si Kiefer pag andiyan ako. I can feel the animosity. He may just not realize it yet, but I know it’s because he feels threatened by my presence. Natatakot siya na mawala ka sa kanya.

Alyssa: Apparently he’s not scared enough to love me.

Jovee: Kapit ka lang, konting tiwala pa. I have a feeling he’ll come around soon.


Kiefer’s POV
Ravena’s Residence, 11pm Thursday

Yong date namin ni Pam went really well. Nag-dinner kami sa Racks, nagkwentuhan, nagtawanan, and best of all, we had no awkward moments. Mukha namang nag-enjoy si Pam and to be honest, nag-enjoy din ako. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pakiramdam ko may kulang, parang may mali.

Considering how well our first date went, dapat paghatid ko sa kanya sa bahay nila bumebwelo na ko mag-aya for a second date, but I couldn’t seem to open my mouth to voice out the invitation. Nag-drive ako pauwi na iniisip ko kung ano yong pumipigil sa kin, at paghiga ko sa kama ko, dun ko lang na-realize kung ano yong problema.

Since recovering from my flu, I would always wake up on the left side of my bed. Nung una, akala ko malikot lang talaga ako matulog. But now I know it’s no coincidence because I just caught myself lying down where I have been waking up. I unconsciously left the other half of my bed empty, na parang may ine-expect akong matutulog pa sa tabi ko.

Hindi ko na pala dapat pinilit na matulog si Aly sa tabi ko nung may sakit ako. Kasi tinakam ko lang yong sarili ko. When I experienced how it is to wake up beside her, I gave myself a glimpse of a future that I know I’m not going to have.

Hay...

Pero at least alam ko na kung bakit hindi ko magawang ayain si Pam for another date. Kasi hindi ko siya mahal, kasi hindi siya si Aly.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon