Denden’s POV
Valdez Residence, 5pm Saturday
Mae: Hey I just met you, and this is crazy. But here’s my number, so call me maybe. And all the other boys try to chase me. But here’s my number, so call me maybe.
Gizelle: Naks! Performance level!
Everyone except Gizelle and Mae: Hahaha…
Mae: Before you came into my life, I missed you so bad. I missed you so bad. I missed you so so bad. Before you came into my life, I missed you so bad. And you should know that, so call me, maybe.
Bea: O, sinong next?
Everyone except Aerieal: Si Yel!
Mich: Anong kanta Ate Yel?
To Besh Ella:
Besh, asan na daw sina Kiefer? Bakit wala pa sila?
Marge: Yong theme song ng buhay niya, Friend of Mine!
Kinuha ni Aerieal yong mic habang hinahanap ni Mich yong Friend of Mine sa videoke.
Aerieal: Ehem…this is dedicated to all the girls who’ve fallen in love with their bestfriends.
Napansin kong sabay-sabay kaming tumingin ni Ella, ni Amy, at ni Bea kay Aly. Hindi naman kami nakita ni Aly kasi busy siyang nagbabasa nung videoke song list.
Aerieal: I’ve known you for so long you are a friend of mine. But is this all we’d ever be? I’ve loved you ever since you are a friend of mine. And babe is this all we ever could be?
*toot toot*
From Besh Ella:
Malapit na daw sila sabi ni Von. Kalma ka lang diyan. Makakarating din yong dalawang yon dito.
Aerieal: You tell me things I’ve never known. I’ve shown you love you’ve never shown. But then again, when you cry I’m always at your side. You tell me ‘bout the love you’ve had, I listen very eagerly, but deep inside you’ll never see this feeling of emptiness. It makes me feel sad. But then again I’m glad.
Pinapanood ko si Aly habang kumakanta si Yel ng Friend of Mine. Damang-dama ni Aly yong message nung kanta. Parehas sila ni Yel ng kwento. Yon nga lang, si Yel at yong bestfriend niya nabigyan na ng chance yong love story. It just didn’t work out kaya they decided to go back to being just friends. Naka-move on na yong bestfriend ni Yel, unfortunately, si Yel mukhang hindi pa.
Aerieal: I’ve known you all my life you are a friend of mine. I know this is how it’s gonna be. I've loved you then and I love you still, you’re a friend of mine. Now, I know friends are all we ever could be.
To Besh Aly:
Besh, are you okay? Bawal malungkot. It’s your birthday!
Aerieal: You tell me things I’ve never known. I’ve shown you love you’ve never shown. But then again, when you cry I’m always at your side. You tell me ‘bout the love you’ve had, I listen very eagerly, but deep inside you’ll never see this feeling of emptiness. It makes me feel sad. But then again, then again, then again, I'm glad.
After reading my text message, tinignan ako ni Aly at binigyan niya ko ng thumbs up sign. Itong babaeng to talaga, kunwari pa okay. Pero alam ko namang nami-miss niya si Kiefer. Sana dumating na sila ni Von para matigil na tong drama ni Aly.
Aerieal: I love you Araneta!
Everyone except Aerieal: Hahaha…
Jia: Ikaw naman kumanta Ate Aly.
Alyssa: Wala ako sa mood.
Denden: Game na. Arte pa ng birthday girl eh.
Everyone except Alyssa: Bal-do! Bal-do! Bal-do!
Alyssa: Kulit niyo! Sige na nga.
Ella: Besh, akong pipili ng kanta para sa yo.
Kiefer’s POV
Valdez Residence, 6pm Saturday
Lita: Tuloy na kayo dun sa family room. Andun sila nagvi-videoke.
Kiefer: Sige po Tita. Thank you po!
Sa labas palang ng family room, naririnig ko na yong boses ni Aly.
Alyssa: They don't know how long it takes, waiting for a love like this. Every time we say goodbye, I wish we had one more kiss. I'll wait for you I promise you, I will.
Pagpasok namin ni Von sa family room, I signaled to the Lady Eagles na wag silang maingay. Tapos sumenyas naman ako kay Amy na iabot sa kin yong mic na hawak niya.
Alyssa and Kiefer: I'm lucky I'm in love with my best friend. Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again. Lucky we're in love in every way. Lucky to have stayed where we have stayed. Lucky to be coming home someday.
Lumingon si Aly nung narinig niyang may sumabay sa kanya and she smiled nung nakita niya ko. Naglakad ako palapit at inabot ko sa kanya yong bouquet ng white roses na binili ko pa sa Manila.
Everyone except Alyssa and Kiefer: Yiheee…
Kiefer: And so I'm sailing through the sea, to an island where we'll meet. You'll hear the music fill the air, I'll put a flower in your hair.
Alyssa: Though the breezes through the trees, move so pretty you're all I see. As the world keeps spinning 'round, you hold me, right here, right now.
Alyssa and Kiefer: I'm lucky I'm in love with my best friend. Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again. I'm lucky we're in love in every way. Lucky to have stayed where we have stayed. Lucky to be coming home someday. Ooh ooh ooh, ooh. Ooh ooh ooh,ooh.
Kinanta namin yong huling part nung song na nakatingin sa isa’t-isa. Gusto ko sana hawakan yong kamay niya pero hindi ko na ginawa kasi baka mahalata ni Aly na nanginginig yong kamay ko sa sobrang kaba.
Kiefer: Happy Birthday Aly!
Niyakap ko si Aly ng mahigpit. Alam kong nagtatampo na sa kin tong bestfriend ko. Wala na nga ako sa salubong niya last night, late pa ko ngayon.
Alyssa: Late ka.
Kiefer: Sorry na. Inabutan kami ni Von ng traffic sa SLEX.
*knock knock*
Paolo: Princess, tinatawag na kayo ni Mama. Kain daw muna kayo ng dinner bago niyo ituloy yang videoke. (nakita si Kiefer) O Kief, andito ka na pala. Buti naman dumating ka na. Kanina pa kasi nakabusangot tong kapatid ko eh.
Alyssa: KUYA!
Paolo: Ano, deny ka pa? Totoo naman. Simula ng sinundo kita sa dorm mo kaninang madaling araw hindi na maipinta yang mukha mo.
Tinignan lang ni Aly ng masama si Kuya Paolo habang nagtatawanan naman yong mga teammates niya. Kita sa mukha niya na malapit na siyang mapikon kaya nilapitan ko siya at inakbayan.
Kiefer: Okay lang yan Ly, andito na ko. Don’t worry, I'll make sure na magiging masaya ka today.
Alyssa: Che! Tigilan mo ko, may kasalanan ka pa sa kin.
Paolo: Tama na yang lambingan niyong dalawa. Sige na, kumain na kayo sa labas.
Nagpunta na kaming lahat sa dining room. Habang nagkakainan si Von at yong mga Lady Eagles, napansin kong nawawala si Aly. Lumabas ako sa may veranda at nakita ko si Aly na nakaupo dun sa swing sa may garden nila.
Kinuha ko yong gift ko kay Aly tapos sumunod ako sa kanya sa garden. Umupo ako dun sa isang swing at nakitingin sa mga stars.
Kiefer: Bakit ka nagsosolo dito sa labas?
Alyssa: Wala naman. Ang ingay kasi nila sa loob. Hindi ako makapag-isip. Ikaw, bakit ka andito?
Kiefer: Sinasamahan ka. Baka kasi gusto mo ng karamay sa pag-iisip. Tsaka para ibigay sa yo tong gift ko.
Inabot ko kay Aly yong blue paper bag na hawak ko.
Alyssa: Hindi ba yong flowers na yong gift mo sa kin?
Kiefer: Hindi noh. Peace offering yon kasi hindi ako nakapunta sa salubong mo kagabi.
Binuksan ni Aly yong paper bag at nakita niya yong San Miguel jersey na nakabalot ng Japanese paper.
Alyssa: Waaaaaaahhhhhh!!! Saan mo nakuha tong jersey ni Hontiveros?! Ang tagal ko ng naghahanap ng mga lumang PBA replica jerseys.
Kiefer: Sino namang nagsabi sa yong replica jersey yan?
Alyssa: Jersey niya talaga to?
Kiefer: Oo. Yan yong mismong jersey na suot niya nung pumasok siya sa PBA 5000 Career Points Club.
Alyssa: Paano mo to nakuha?
Kiefer: I have my ways. Hehe…pero ilang months ko din tinrabaho yang jersey na yan. Kulang na nga lang pati kaluluwa ko ibigay ko para lang makuha yan.
Alyssa: So ganun, sinusumbat mo sa kin?
Kiefer: Hindi ah. Sinasabi ko lang na dumaan ako sa butas ng karayom for your birthday gift.
Alyssa: O, eh di sinusumbat mo nga.
Kiefer: Hehe...medyo lang naman.
Napailing na lang si Aly bago siya tuluyang natawa.
Alyssa: Pero salamat pa rin dito. Promise, iingatan ko tong mabuti.
We spent the next few minutes silently looking at the stars.
Alyssa: Kief, hindi mo naman kelangan ibigay yong kaluluwa mo kahit kanino to make me happy. Yong alam ko lang na andiyan ka lagi sa tabi ko, okay na sa kin.
Hinila ko yong swing ni Aly palapit sa kin. I gave her a side hug and kissed her on her forehead.
Kiefer: Hinding-hindi ako mawawala. Kahit ipagtabuyan mo pa ko, hindi ako aalis sa tabi mo.
Alyssa: Salamat Best. (after a few seconds) Pasok na tayo sa loob, baka hinahanap na nila tayo. Tsaka I’m sure gutom ka na rin.
Kiefer: Tara.
I held out my hand to Aly to help her up tapos naglakad na kami pabalik sa bahay nila. Rinig na rinig mo yong kwentuhan ng mga Lady Eagles mula sa labas ng dining room. But when we went in, nakakapagtaka na bigla silang tumahimik lahat. Nakatingin lang sila sa min ni Aly, nakangisi na parang nakakaloko. Ano kayang problema ng mga to?!
Pasimpleng lumapit si Von sa kin.
Von: (bumulong) Paps, in case you haven’t noticed, magka-holding hands kayo ni Aly.
Dun ko lang na-realize na hindi pala kami bumitaw ni Aly sa isa’t-isa pagkatapos ko siyang tulungan tumayo kanina. Naramdaman kong sabay kaming napatingin ni Aly sa mga kamay namin at parang pinag-usapan din namin na sabay bumitaw.
Bea: O, bakit kayo bumitaw? Tuloy niyo lang yong holding hands. Pretend we’re not here.
Lady Eagles: Yiheee...
Hindi ko na kelangan ng salamin para malaman na namumula ako at aaminin kong kinilig ako when I looked at Aly from the corner of my eye and I saw her blushing.
BINABASA MO ANG
In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionThey are the best of friends. Halos kay Kiefer na umiikot ang mundo ni Alyssa pero si Kiefer parang kapatid lang ang turing sa kanya. That is until Jovee came back into Alyssa’s life. Will Kiefer finally realize that the right girl for him has been...