Chapter 1

2.1K 42 0
                                    


Isang play ang nagaganap sa maingay na auditorium na siyang nagpapanatiling dilat sa mga mata ni Raise. Pahid sa kaliwa, pahid sa kanan ang ginagawa niya kada hikab dahil sa mga namuong luha. Buhay na buhay at nagtawanan ang lahat dahil sa komedyang ginagawa ng mga aktor na nasa entablado. Malayo sa nararamdaman niyang pakikidigma sa kaantukang nilulupig na siya.

Dahan-dahang nilalamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan. Nanlalabo na ang kanyang paningin. Unti-unti, wala na siyang naririnig at ang tanging nararamdaman ay ang bigat ng kanyang mga talukap.

Itinaas ni Raise ang bandila ng pagsuko. Nadaig siya at wala na siyang magagawa.

Napakislot siya nang maramdaman ang malakas na paghampas sa kanyang braso. Binalingan niya ang katabi na sobra kung makahalakhak. Naisip niya, wala na talagang katarungan sa mundo. Bakit ang kaibigan niyang si Carol, na kasabay niyang nag-series marathon at walang tulog, ay puno ng enerhiya at nagagawa pang sumigaw nang hindi pumipiyok?

Samantalang ako... ako na... na...






Unti-unting iminulat ni Raise ang mga mata. Dahan-dahan siyang gumalaw at nag-inat. Ang sarap ng tulog niya. Hindi pa siya totally recharge pero ramdam niyang sapat na iyon para dilat siya hanggang huling subject.

Tinakpan niya ang bibig nang maghikab. Then she brushed her long, smooth hair using her fingers. Tumingin-tingin siya sa paligid. Wala nang tao. Nag-iisa na lang siya sa auditorium na ang tanging ilaw na natitira ay ang ilaw sa entablado.

"Anong oras na ba?" tanong niya at binalingan ang relong pambisig. Tinapik-tapik niya iyon nang hindi gumagana ang segundo. "Kailangan ka nang mag-resign," pakausap niya sa relo at kinapa ang cellphone sa bag. "Nasaan ka na? Hindi tayo naglalaro ng hide and sick. Pakita ka na."

Nang mahawakan ni Raise ang cellphone ay napangiti siya. Nagpipipindot siya para umilaw ang screen. "Eight thirty five," basa niya sa orasan. "Eight thirty five pa lang naman pa-" kusa siyang natigilan at pinakatitigan ulit ang cellphone. "Shit!" Parang sinilaban ang puwet niya sa pagmamadaling lumabas.

"Taragis! Bakit ngayon pa?" may exam siya sa isang major subject mula alas otso hanggang alas diyes ng gabi. "Lintik! Bakit hindi nila ako gisining?!"

Halos liparin ni Raise ang palapag ng kinaroroonan pababa. Malayo pa ang building ng huling subject niya at kapag hindi siya nakahabol, baka mahila ang grado niya. Todo banta pa naman ang terror na professor nila sa hindi makakakuha ng pagsusulit.

Madilim na. Hindi niya inalintana ang suot na sapatos na bahagyang may heels. Wala siyang pakialam kahit napunit pa lalo ang suot na tattered jeans. Basta mabilis lang siyang tumakbo. She needed to be there. Dahil kung hindi, baka kakailanganin niya ulit e-enrol ang naturang subject.

Nagpalinga-linga si Raise. Patawid siya sa kabila nang malakas na preno ang nagpatigil sa kanya. Naramdaman niya ang pag-iikot ng paningin pero tinibayan niya ang sarili at inaninag ang taong lumabas sa sasakyang isang dangkal na lang ay masasagasaan na siya.

"Miss-"

Lumapit siya sa passenger side at walang sabi-sabing sumakay. "Pakihatid ako sa building seven. Pakibilisan."

"Ahh, Miss, hindi ako Grab o Uber driver-"

"Basta pakihatid ako!" sigaw niya at itinakip ang mga palad sa mukha. Kinakalma niya ang sarili habang habol ang paghinga. Naramdaman niya ang pag-usad ng sasakyan. "Salamat. Babayaran kita, promise," mahina niyang sabi. Mamamatay pa siya nang wala sa oras dahil lang sa exam.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon