Chapter 21

712 31 11
                                    


"Shido, dahan-dahan dahil uminom ka ng gamot."

Shido didn't stop drinking. Nagkakasiyahan na ang lahat para sa pa-welcome ng mga magulang ni Jared sa bagong bahay. Nasa harapan silang lahat sa may kalakihang hardin. Pero malayo sa selebrasyon ang isip niya. Kundi na kay Raise na ginabi na lang ay hindi pa bumabalik.

"Shido!"

Kumurap-kurap siya at binalingan ang mga kasamahan. Lahat ay binigyan siya ng nagtatakang tingin. Ngumiti siya.

"I'm fine. May kailangan kayo?"

"Wala. And you're not fine," ani Alhe. "Kanina ka pa ganyan simula nang bumalik ka."

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Jared.

"Wala naman. May iniisip lang sa trabaho na nakalimutan kong gawin," pagsisinungaling niya.

"Sigurado ka bang nandoon si Raise sa kapatid niya?"

Tumango siya. Nang sundan niya ang mga ito ay sa bahay kung saan siya araw-gabi na naghihintay noon ang mga ito tumuloy. Hindi nga lang niya sinabi sa mga nandoon na nahimatay si Raise at doon pa sa sementeryo. Hindi pa kasi klaro kaya mas maiging ang huli muna ang kakausapin niya. He has this feeling since earlier that's bugging him big time.

"Tama na iyang kakainom mo," ani Tita Josephine. "Kapag naabutan ka ng nurse mo, lagot ka."

As if she didn't want to be talked about, Raise arrived with a wide smile on her face as if nothing serious happened to her earlier. Humalik ito sa pisngi ng mga kaibigan nito.

"Hoy! Saan ka nanggaling?" tanong ni Aiea.

Tinanggap nito ang dalawang shot glass na may lamang alak mula kay Shana at sunud-sunod iyong tinungga bago sumagot. "Kina ate. Pasensya na natagalan ako. Kasama ko nga pala sila."

Napabaling lahat sa dalawang babaeng pumasok na parehong may dalang bata. Pinakilala ito ni Raise sa kanila at kanya-kanya na silang pakilala, maliban sa mga babae na kilala na ang mga ito.

"Ate, kunin ko lang 'yong regalo ko kay Pichie sa taas. Pichie, samahan mo ako," ani Raise saka pumasok sa loob ng bahay kasama ang pamangkin nito.

"Kumain muna kayo," alok ni Tita Josephine.

"Sila na lang po. Kailangan kong umuwi agad dahil sa mga anak ko," tanggi ni Rhodora, ang ate ni Raise.

"Ate, sasama na rin ako sa'yo," sabi ni Carol na isang beses lang siya gulat na tiningnan at hindi na naulit.

"Bakit naman? Akala ko magpapaiwan ka?"

"E..."

"Carol? Ikaw na ba iyan?" singit ni Kazuki na kakalabas lang.

Binalingan ito ni Carol at saglit na kinilala saka napatili. "Kazuki!" yumakap ito sa pinsan niya. "Ang ganda mo pa rin."

Kazuki chuckled. "So are you."

"Ano ka! Ang taba ko na nga."

"Huwag mong sabihing mag-ex din kayo ni Kazuki, Carol?" pang-fi-fishing ni Tito Mario.

"Hay naku! Hindi po. Sa ganda nito, papatol sa'kin? Siyanga pala, ate ni Raise. Ate Rhodora, si Kazuki. Kakilala namin dati sa university." Nagkamay ang dalawa.

"Hi. Hindi talaga kayo mag-ex ni Carol?"

"Ate, ano ka ba? Ang gaganda kaya ng mga dini-date niyan."

"Curious lang naman ako. Teka, sino po pala ang mag-ex at bigla kayong napatanong, Tito Mario?"

"Si Raise at Shido!" naka-koro na sagot ng lahat.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon