Chapter 22

707 31 11
                                    


"Raise, anak, maupo ka nga."

Tumabi si Raise ng upo kay Carol. Kanina pa niya nararamdaman ang tensyon at mukhang siya naman ang sasalain ngayon. She heard most of it. Ang sinabi ni Shido at ang paliwanag ni Kazuki. Nang hindi na magkamayaw ang mga luha niya, imbes na pumasok ay naglakad-lakad na muna siya. Hanggang sa humupa ang nararamdaman niya at nakatulog si Caca.

"Ano iyon, Tita?" She drank two shots of tequila that Shana gave.

"Ano ang tingin mo sa mga taong tanga sa pag-ibig?" tanong ni Tita Josephine.

"Nothing. Lahat naman siguro dumadaan sa ganon. Parang normal lang," sagot niya.

"You mean to say, it's normal for someone who has been in pain to accept the person who hurt them?"

"Kung tingin niya matatanggap niya ang nangyari, bakit hindi? With the risk that she or he may experience the same situation again."

"Ano naman ang tingin mo sa'min ng Tito Mario mo? You know we are young lovers who broke up and gave a chance to try it again."

"Tita, nandiyan si Mad at Jared na magpapatunay ng tsansang binigay niyo sa isa't-isa. If you think you were stupid to accept Tito Mario again in your life, then that stupidity is worth it. Dahil may napalaki kayong isang demonyo at isang anghel na sobrang healthy."

"Ahmm... Raise, ako ba 'yong demonyo?" inosenting tanong ni Jared.

"Alangan naman si Mad." Natatawang isiniksik niya ang katawan kay Carol nang akmang hahampasin siya ni Alhe.

"Sobra ka!" sabi ng kaibigan niya at binalingan si Jared. "Kahit demonyo ka, mahal pa rin kita. 'Wag kang mag-alala."

"Hoy! Kadiri kayong dalawa. Pumasok kayo sa loob kung gusto niyong maglambingan," saway ni Aiea na sa unang pagkakataon ay mas mahal niya kumpara sa lahat dahil sa pagkampi nito sa kanya.

Raise stared to the sweet couple in front of her. Hindi niya maiwasang hindi masaktan nang maalala kung gaano siya kasaya nong ganoon na ganoon pa sila ni Shido. But it was already a past. Hindi na maibabalik iyon dahil nalamatan na ang sanay relasyon nilang panghabang-buhay.

"Raise, naniniwala ka ba sa second chance?" tanong ni Krit.

Tumango-tango siya. "I do." Tumungga ulit siya ng dalawang shot. Gusto niyang maglasing para bagsak siya agad mamaya. "Pero naniniwala rin ako na hindi lahat ng bagay, matatanggap ulit. May mga bagay, kahit sobra-sobra ang halaga ay mas maiging ibasura. And a trash is unworthy of not only your stupidity, but also the whole of you to risk."

"At dahil diyan, magluksa tayo!" malakas na sabi ni Carol at binigyan siya ng panibagong inumin. "Ikaw din, Shido. Magluksa ka rin. Teka! Lumipat ka nga rito." Tumayo ito at hinila ang lalaki para makipagpalit ng pwesto. "Diyan ka. Ayaw kong katabi si Raise dahil parating nangyayakap."

Everybody looked at them. Raise didn't care. She had too much for the day and all she can do is to ignore everyone's effort. Kahit walang sabihin ang mga ito, nararamdaman niyang gusto ng lahat na magkabalikan sila. Unfortunately, that night was not a good time to do it since she's dead inside. She couldn't feel anything other than the agony of someone's death.






Hating-gabi na nang sinundo si Carol ng asawa nito. Buhat-buhat ni Raise ang inaanak na bagsak pa rin. Ibinigay niya si Caca kay Marlon bago pumanhik sa kabila para yakapin ang kaibigan.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon