Chapter 18

693 33 6
                                    


"Raise, hindi ka ba nalulungkot diyan?"

Tinatapos ni Raise ang paglilinis. Kanina, inuna niyang ayusin ang kwartong ginagamit. Naabutan siya hanggang hapon at ang opisina naman ang napagdiskitahan hanggang dumilim.

"Okay lang," sagot niya kay Krit na kausap sa Skype. Hinihintay nilang mag-join ang iba nilang mga barkada bago salubungin ang Kaarawan ni Hesus.

"Bakit nga ba hindi ka pumuntang America kasama ang kapatid mo at pamilya niya? Buo sana kayo ngayon."

Iyon din ang naisip niya kanina nang likumin ng kalungkutan pagkagising. Noong isang araw pa walang pasok ang lahat ng tauhan niya dahil declared na iyon as holiday hanggang sa unang linggo ng susunod na taon. Nang mag-desisyon kasi siyang hindi aalis ng bansa, masyado siyang abala. Inisip niyang marami pa siyang tatapusing inventory at kung anu-ano pang dapat unahin sa Karma's Appetite kaya nagpaiwan na siya.

Kung alam lang ni Raise na magiging madali lahat dahil sa kanang-kamay niyang si Jacky na pinag-aaralan ang lahat ng galaw sa restaurant, 'di sanay nakahabol pa siya sa pag-bo-book ng flight. Hindi gaya ngayon na wala nang biyahe kahit mula Cebu papuntang Manila.

"Uuwi naman ang mga iyon next year. Makokompleto rin kami," aniyang tinago ang inggit dahil kasama ni Krit ang buong pamilya nito.

Pinindot ni Raise ang accept nang sunud-sunod na lumitaw ang pangalan ng iba pa nilang kaibigan. Nagkaroon ng ingay bigla sa kanina lang ay mala-desyerto niyang opisina. Buti, hindi siya nag-iisa na nagsosolong ipagdiriwang ang pasko. Dahil kahit si Shana, nandoon lang din sa Bohol at si Mad naman, nasa bahay ni Ran sa isang village kung saan ang isa pang branch.

"Na-mi-miss ko na si Alhe," ani Krit. Ilang buwan nang hindi nagpapakita sa kanila ang brokenhearted nilang kaibigan. Pero ayon kay Ran, nasa mabuti ang lagay nito kaya hindi na sila nabahala.

"Ipupukpok ko sa pader ang babaeng iyon kapag bumalik!" gigil na sabi ni Aiea. "Hindi nag-iisip. Mukha ba tayong mga walang puso para hindi siya maintindihan?"

"Aiea, minsan talaga kailangan mapag-isa ng tao para makapag-isip," sabi naman ni Shana. "When she comes back, I'm sure she's better."

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Jared, Mad?" tanong niya. Ibinagsak niya ang katawan sa swivel chair. Tapos na siyang mag-mop.

"Hindi. Hindi rin naman kami nagkikita. Wala rin dito sila mama at papa kaya malabo pa."

"Mad, Christmas na. Makipag-peace ka na sa kuya mo," sulsol ni Krit. "Alam niyo na. Give peace on Christmas Day."

"Pag-iisipan ko," pagmamatigas ni Mad.

"'Yong regalo pala natin sa isa't-isa, buksan na natin."

Nag-bunutan na sila para sa exchange gift. Ang nangyari, anonymous lang kung sino ang nakabunot kay sino. Para walang diretsang masusumbatan kung may mga hindi gusto ang nakatanggap.

Raise opened hers. Funny gift ang tema ng regalo nila pero dapat maging useful. All of them burst out laughing after revealing what they received.

"Hoy! Mga wala kayong moral!" sigaw ni Aiea pero tawang-tawa naman. "Sino ang nagbigay ng laruan na 'to, ha?!" Inilapit nito sa camera ang kulay pink na mahaba na kadalasang ginagamit ng mga babaeng walang partner at gustong mag-solo. "Mukha bang ang tindi ng pangangailangan ko?"

"Tigang ka na raw kasi. Kaya iyan ang bagay sa'yo," aniya na hindi mapigilan ang humalakhak.

"Grabe naman 'to!" bulalas ni Krit at tinitigan ang lacy, see-through bra and undies.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon