Chapter 15

661 26 6
                                    

Walang nakaimik sa limang magkakaibigan. May urgent Skype meeting sila dahil may sasabihin daw si Mad na sumorpresa sa kanilang lahat. Raise brushed her hair using her fingers couple of times to release her frustration.

Noong mga nakaraang buwan ay binalaan niya si Alhe nang sagutin nito si Jared. Sinabi niyang parehong dugo ang nananalaytay sa nobyo nito at sa magaling niyang ex boyfriend kaya asahan na niyang manloloko rin ang una. Napag-alaman niya kasing magkaibigan ang dalawa. She and her friends even have a little feud over that matter. Na hindi naman maiiwasan dahil iba-iba ang pananaw nila.

Ngayon, nagkatotoo na nga. Her friend is nowhere to be found. Kahit si Mad, galit na galit sa ginawa ng kuya nito dahil narinig nito ang lahat.

"Sana okay lang si Alhe," ani Krit. Nag-aalala silang lahat dahil hindi man lang nagpaalam si Alhe kahit kanino sa kanila.

"Bwesit kasing mga lalaking iyan!" nanggigigil na sabi ni Aiea. "Kapag nakaharap ko 'yang kuya mo, Mad, tutuliin ko iyan."

"Doblehin mo ang bawas," ani Mad na kahit kalmado man ay makikitaan naman ang galit sa mukha.

Shana sighed. "Mag-pray na lang tayo na safe si Alhe kung nasaan man siya ngayon," anito. Ito lang yata ang kayang itago ang kung ano man ang nasa isip nito. She's so calm and steady.

"Ang gawin natin, kapag kumontak si Alhe sa ni isa sa atin, ipaalam agad natin sa lahat," sabi niya. "Subukan din nating mag-e-mail sa kanya at baka maisipang sumagot."

Nang mawala ang mga kaibigan sa monitor ay iyon ang unang ginawa ni Raise. She sent an e-mail and hoped her friend would respond.









"Chef, may naghahanap po sa inyo."

Tinigilan ni Raise ang pag-ma-marinate ng karne at ipinasa iyon kay Jacky. Sumunod siya kay Celine palabas ng kusina.

"Sino?"

"Customers po natin. Tapos na pong kumain. Nagtanong kung pwede po ba kayong makausap."

"Where are they?"

"Nandoon po sa second floor sa may veranda."

"Sige salamat. Aayusin ko lang ang sarili ko tapos pupuntahan ko na sila. Pakisabihan na lang."

"Okay, Chef."

Sumaglit si Raise sa kwarto at inayos ang sarili. Kanina pa siya hindi makalabas sa kusina dahil sobrang busy. Mabuti at humupa na ang mga customers na nagsidatingan. Pwede na siyang umeskapo. Haharapin niya lang ang naghahanap sa kanya at makikipag-sunog baga na siya sa ibang dapat tapusin.

Nag-pulbo siya ng kaunti at naglagay ng lipstick. Sinuklay niya ang buhok na halos umabot na sa balikat niya. Mahaba na ulit. Kailangan na naman niyang magpagupit.

Nang makontento ay tumuloy na si Raise sa second floor. Wala nang katao-tao sa parteng iyon. Tinungo niya ang glass door patungong veranda. Nakita niya ang matangkad na lalaking nakatanaw sa Cebu skyline.

"Good evening, Sir. You are looking for me?"

Binalingan siya ng lalaki. "Raise, ako 'to si-"

"Jared," dugtong niya sa pagpapakilala nito. Nagsugpong ang mga kilay niya. "Paano kitang hindi makikilala? Gayong ikaw ang hudas na nanloko sa kaibigan ko!"

"Raise, magpapaliwanag ako."

"Ako ba si Alhe? I don't need your explanation. Now, excuse me."

Kusang natigilan si Raise nang makita kung sino ang nakatayo sa may pintuan. Hindi lang pala si hudas, pati si satanas nandoon din. Magkaibigan nga ang mga ito. Parehong pinapainit ang ulo niya na umaabot sa puntong gusto niyang saksakin ang mga ito.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon