Chapter 12

662 24 17
                                    


Naglalakad si Raise sa kahabaan ng pasilyo. Masyadong tahimik ang lugar dahil madaling araw na. Night shift siya sa ospital kung saan siya nag-o-OJT. Kinusot-kusot niya ang mga mata. Sapat naman ang naging tulog niya pero iba kapag normal na tulog. Kaya lang, kailangan niya na ring masanay. Sooner or later, magiging ganoon ang magiging schedule niya kapag nagtratrabaho na talaga siya.

Pumunta siya sa quarter's area. Break niya kaya susubukan niyang umidlip. Kumukuha siya ng kumot sa cabinet nang biglang namatay ang ilaw. She took out her phone to use its light. Muntik na siyang mapatili nang makita ang isang teddy bear sa ibabaw ng mesang nandoon na biglang sumulpot sa kung saan. Lumapit siya at parang tangang sinundot-sundot iyon. Maliksi siyang napaharap nang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

If only Raise would have not knew whose arms are those, tinadyakan na niya ang taong iyon. Pero masyadong pamilyar sa kanya ang yakap at halik nito para mabahala.

"Sira ka!" nanggigigil na kinurot niya si Shido sa tagiliran. "Kinabahan ako."

He chuckled. "Sorry." He planted small kisses on her cheeks. "I miss you. Iuuwi na kita."

"On duty pa ako."

"Nakapagpaalam na ako. Pwede ka nang umalis."

"Hubby-"

"Ayaw mo ba akong makasama?" paglalambing nito. "Ngayon lang naman. Isama na rin natin 'yang bagong anak natin." tukoy nito sa teddy bear.

Ilang beses na nitong sinubukang itakas siya sa duty niya. But Raise always refused to go. Nagagawa nito iyon dahil sa koneksyon ng pamilya nito sa may-ari ng ospital. Ayaw niya naman na isipin ng iba na ginagamit niya ito para gumaan ang trabaho niya. She is dedicated to her soon to be profession that's why she always says no.

Ikinawit niya ang mga braso sa balikat nito. "Ngayon lang, ha?"

"Yes. Promise."

"E-on mo na ang ilaw. Gusto ko na ring umuwi."

Nagpaalam siya sa mga kasama. Wala naman siyang napansin na reaksyon ng mga ito maliban sa hinayaan siya.

"Sino ba talaga ang kilala mo diyan sa ospital?" curious niyang tanong. "Bakit napapasunod mo? Tinatakot mo ba?"

Natawa ito. "It's a request, Wifey. Not a demand. Okay lang naman daw na umalis ka."

"Sigurado iyan, ha?"

"Yes."

Pagdating sa condo unit ni Shido ay gusto na ibagsak ni Raise ang katawan. Pero dahil galing siyang ospital at naka-encounter ng iba't-ibang pasyente, maliligo na muna siya. The warm water was soothing her tired body when she felt Shido's hand on her waist. Humarap siya rito na agad siyang sinalubong ng halik.

Yes! They are doing it. She gave in and he's the first. Pero hindi siya nagsisi. Simula nang sagutin niya ito, hindi ito nagbago sa paraang kinatakutan niya. He became sweeter, more protective and possessive, vocal in everything, and never left a day without proving that he is madly in love with her. And so as she to him.

Lumalim ang halik nito. Alam ni Raise kung saan patungo iyon. But she embraced it openly and responded as passionate as he can give. Nang buhatin siya nito ay nagpaubaya siya.






Soundly little kisses... Warm touch... Gentle bites...

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon