Chapter 11

775 26 2
                                    


"Wala ka bang gana?"

Iling ang tanging sagot ni Raise. Ibinaba niya ang kubyertos at itinaas sa upuan ang mga paa. She hugged her legs and put her chin on top of her knees.

"Sabihin mo nga. Ano ba 'yang drama mo?" kunot ang noong tanong ni Carol.

"Wala naman. Trip ko lang maging matamlay."

"Sinasapian ka na naman."

Napabuntong-hininga siya. Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Shido mula nang mangyari ang tangkang pag-rape sa kanya ni Tommy. Nag-te-text ito at tumatawag. Pero hindi siya sumasagot.

"Nag-reply ka na kay Shido?"

She shook her head negatively. "Kailangan ko ng space."

"Bakit kayo na ba?" Muli siyang umiling. "Ganon naman pala. Wala kang karapatang humingi ng space."

"Kailangan ko pa rin."

"Teka, ha? Tatapusin ko lang 'tong kinakain ko at magbalitaktakan tayong dalawa."

Nauna nang pumunta si Raise sa sala. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. Niyakap niyang muli ang sarili at napapikit. Nang makita ang mukha ni Tommy sa balintataw niya ay napamulat siya at napaiyak. Naabutan siya ni Carol sa ganoong sitwasyon kaya nataranta ito at nabahala.

"Raise, tahan na, ano ba?" naiiyak na ring sabi nito. Niyakap siya nito. "Tama na. Ligtas ka na."

"Punyetang lalaking 'yon! Gusto ko siyang patayin."

"Dadamayan kita. Pero tumahan ka muna."

Inabutan siya nito ng isang basong tubig. Uminom siya at maya-maya'y kumalma na rin. "Sorry."

"'Wag ka nga! Parang hindi tayo magkaibigan."

Naikwento ni Shido ang nangyari dahil wala siyang malay nang dumating sila. She was emotionally, physically, and mentally tired that time. Ayon kay Carol, ilang beses daw itong humingi ng tawad dahil sa kapabayaan nito. Buti na lang, naisipan ng kaibigan niya na tawagan ang lalaki nang bigla siyang nawala sa linya at nakarinig ng sigaw.

"Kung hindi dahil sa'yo, ewan ko na lang. Wala akong kakampi roon," parang batang sumbong niya at pinahid ang pisngi.

"Pasalamat tayo at hindi utak gago si Shido. Hindi niya tinolerate ang ginawa ng hayop na iyon sa'yo. Isama na rin 'yong deseperadang ex. Kung nandoon lang talaga ako, hay naku!" nanggigigil na turan ni Carol.

"Ti-tingin mo hindi isa si Shido sa kanila?" nag-aalangan niyang tanong. "Tingin mo, Carol, hindi niya ako ipapasa sa iba kapag tapos na siya sa'kin?"

"Iyan ba ang iniisip mo kaya ayaw mo siyang replyan at kausapin?"

Marahan siyang tumango. "Iyon ang sabi ng demonyong iyon. Na ipapasa rin naman ako ni Shido kahit kanino kapag nakuha na niya ang gusto niya sa'kin."

Napayuko si Raise at muling napaiyak. Masakit na nga iyong akala niya hindi siya pinaniwalaan ni Shido. What more kung gagawin nito iyon kapag nakuha na ang gusto nito? Hindi niya alam ano ang mangyayari sa kanya kapag nagkatotoo iyon.

"Aist! Ano ka ba? Bakit ka maniniwala sa demonyong iyon? Tao si Shido. Iyon, walang kaluluwa."

"Hindi ba planado iyon? Baka nakipagsabwatan sila sa isa't-isa at-" Niyugyog siya ni Carol sa mga balikat. Pagkatapos ay malakas na sinapak siya nito sa ulo kaya napamura siya.

"Hayan! Unti-unti ka nang bumabalik. Isa pa."

Sinalo niya ang kamay nito. "Masakit!"

"Good. Kaunti na lang talaga at si Raise ka na ulit."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon