Chapter 14

660 29 15
                                    


Alas sais pa lang ng umaga ay bumaba na si Raise. Alas siyete magbubukas ang restaurant at open na iyon para sa mga customers na gustong doon mag-agahan. Nong una, medyo late ang opening nila. Kaso nang tumagal, may mga dumarayo pa roon kahit umagang-umaga kaya in-adjust nila ang schedule.

"Good morning, Chef," bati ng mga nasa bar counter. May iilang tauhan nang nandoon para ihanda ang food and beverage area at pati na rin sa kusina.

"Good morning," ganting bati niya at tinungo ang pinakagustong pwesto ng restaurant. "Thank you, Lord," mahinang pasasalamat niya at ngumiti.

Raise had a rough night. Nahirapan siyang matulog kagabi at hindi niya alam kung bakit. Tuwing sinusubukan niyang ipikit ang mga mata, pumapasok sa isip niya at nakikita sa balintataw ang pangyayaring kung maaari lang ay ayaw na niyang makita pero ayaw namang kalimutan.

Nang makaramdam ng kapayapaan ay minabuti niyang bumalik sa loob. Natigilan siya nang mapansin ang napakalaking teddy bear na umuokyupa sa isa sa mga upuan ng pandalawahang mesa. Something twitched her heart upon remembering the guy who she won't ever forget. Lalaking hindi nagsawang bigyan siya ng stuff toy para yakap-yakapin.

"Celine!" malakas na tawag niya sa supervisor ng food and beverage. "Celine!" Ikinuyom niya ang mga kamay. She's shivering because of her anger inside.

"Yes, Chef?"

"Ano iyan?" turo niya sa bagay na isinama niyang isumpa sa buhay niya.

"Ahh... teddy bear po?"

"Alam ko pero ano ang ginagawa niyan diyan?!" mataas ang boses na tanong niya na ikinagulat nito.

"Ahh... Sa customer po natin, Ma'am. May dumating po kasi."

"Nang ganitong oras?"

"Pinapasok na po ng guard kasi sabi magkakape daw. At dito na rin daw po maghihintay sa loob para um-order ng agahan mamaya."

"Saan ang customer?"

As if on cue, isang babae ang umupo sa upuang paharap nang sa teddy bear. Titig na titig ito sa stuff toy habang nangingiti sa kung ano o sino ang naaalala na marahil nagbigay nito nun. Naalala niyang ganoon na ganoon din siya nong panahong iyon. Nong panahong tanga pa siya at bulag sa pagmamahal.

"Sige na. Pasensya ka na."

Bumalik si Raise sa opisina. Umagang-umaga, bad mood na siya.







Sarado na ang Karma's Appetite nang maisipan ni Raise na bumaba. Minabuti niyang huwag isabay sa trabaho ang init ng ulo dahil ayaw niyang madamay ang mga empleyado niya. Napagtaasan na niya kanina ng boses ang supervisor niya. Ayaw na niyang may madagdag.

"Hi, Chef. Good evening," bati ng waiter na siyang nag-mo-mop ng sahig.

"Magandang gabi. Nakauwi na ba ang iba?"

"Hindi pa po, Chef. Sabay-sabay po kaming aalis dahil gagala raw. Gusto niyo po bang sumama?"

"Hindi na. May gagawin pa ako pero salamat."

Naglakad siya papuntang open area para magpahangin. Laking gulat niya nang makita na nandoon pa rin ang teddy bear sa pwesto nito.

"Excuse me."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon