Chapter 10

639 36 3
                                    


Pagkatapos maligo at lahat-lahat ay lumabas na si Raise ng banyo. Nandoon pa rin si Shido at Kazuki pero nakabihis na.

"Kazuki, ano pala ang pabango mo? Gusto ko talaga," aniya habang sinusuklay ang buhok. Tiningnan niya ito sa salamin nang hindi ito sumagot. Nakangiti naman ito pero naiiling habang nakatingin kay Shido na nakatingin naman sa kanya na mukhang binagsakan ng kadiliman ang mukha. Nakapamaywang na humarap siya rito. "Ano na naman?"

"Raise, ako ba talaga ginagago mo? Kapag hindi ka tumigil-"

"Ano? May gagawin ka? Mukha ba akong takot? Para kang sira."

"Talagang masisira ang katinuan ko kapag ipinagpatuloy mo iyan."

Tinaasan niya ito ng kilay at ngumiti ng matamis sa pinsan nito. "Siyanga pala, Kazuki. Kung alam ko lang na pwede kang halikan bilang pambati, ginawa ko na nong una tayo-Ah!" napatili siya nang parang sakong binuhat siya ni Shido.

"Kazuki, get out! Inuubos ng babaeng 'to ang pasensya ko."

Sumunod naman ang magandang nilalang. Ibinagsak siya nito sa kama. Imbes na maasar, tumawa lang siya. She likes teasing him. Ang dali kasi nitong mainis.

"And you dare to laugh?" ani Shido.

Muling napatili si Raise nang ibagsak nito ang katawan paharap sa kanya. Pero hindi naman siya dinaganan. His strong arms and biceps supported his weight while leveling their sight. Ang lapit ng mukha nito. Sa sobrang lapit, kapag may nagsalita, hangin na lang ang makakadaan sa gitna at maghahalikan na sila.

"You don't mean it, do you?" tanong ni Shido. Tumango siya. "Talagang gusto mo lang akong asarin, di'ba?" Muli siyang tumango. Bumuntong-hininga ito na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Tinatakot mo ako kapag nagsasalita ka ng walang katuturan."

Lumolobo ang pusong ikinawit niya ang mga braso rito. "Para ka kasing sira. Pinsan mo iyon."

"Walang pinsan-pinsan sa panahon ngayon."

She chuckled. Nararamdaman niyang bibigay na talaga siya rito at sa emosyong hindi niya man aminin ay nandoon na sa kaloob-looban niya. "Don't feel insecure, Shido. Pinapansin ko man nang ganoon si Kazuki, hindi mo naman alam ang takbo ng isip at damdamin ko."

"That's scaring me more."

"Ano ang ginawa natin sa panaginip mo?" pagpapalit niya ng topiko. It must have been good since his eyes immediately sparkled.

"Hanggang panaginip lang iyon. Wala pa akong permiso."

"Do it. No need for permission."

Idinikit nito ang noo sa noo niya. Napapikit siya. She's expecting his lips to land on hers. Malapit na. Their breathing was almost one. And her stomach growled. Napahigpit ang pagkakayapos niya rito nang bumangon ito kasama siya.

"I guess I still need permission after all," Shido said, visibly happy to what was about to happen.

Natawa siya. "Sorry. Pahamak, e."

"It won't be the first, anyway."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Sasabihin ko kapag nakuha ko na ang oo mo. For now, let's eat." Binitawan na siya nito.

"Nang-go-good time ka, no? Balak mong gumanti," akusa niya. Though it's not a bad thing for her, dapat alam niya! "Kailan mo ako hinalikan?"

"Wifey, it's you who kissed me."

"Hindi pa naman umabot sa puntong minanyak kita habang tulog ka."

Tumawa ito. "Ikaw ang nakatulog. At humalik sa'kin."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon