Chapter 7

713 29 4
                                    


"Pasok ka."

Tumuloy si Raise sa kwarto at kinuha ang medicine kit. Pagkatapos ay sa kusina naman para kumuha ng gel pack sa pridyeder at mag-init ng tubig. Sinenyasan niya si Shido na maupo nang maabutan itong nakatayo lang sa may pintuan.

"Halika." Dahan-dahan niyang inilapat ang cold compress sa kaliwang noo nito. May malaking bukol iyon na nangingitim at halatang bago pa. "'Wag kang gumalaw," aniya nang napapaatras ito. "Tiisin mo." Pagkatapos ng labinlimang minuto ay inalis niya ang towel na pinagbalutan ng gel pack at ibinigay dito. "Maya-maya, ilapat mo ulit. Ikaw na para makontrola mo ang pagkakadiin."

"Salamat."

Bumalik siya sa kusina at naghanda ng maaligamgam na tubig para ipanlinis sa ibang sugat nito sa mukha. Pinuno niya ng hangin ang baga bago bumalik sa sala. She squeezed the cloth and started cleaning his wounds.

"Sabihin mo kung masakit," aniya. Napapatitig siya sa bawat sugat na natuyuan na ng dugo.

Nang makabalik si Raise mula sa pagbili ng pagkain para sa hapunan, naabutan niyang nasa labas si Shido. Hindi niya pinansin ang balot na balot nitong suot at bull cap sa kabila nang maalinsangang panahon. Pero nang malapitan niya ito, kahit poste lang ang nagbibigay liwanag, klarong-klaro sa mga mata niya ang mga pumutok na pasa at sugat sa mukha nito. Kaya walang pag-aatubiling pinapasok niya ito para gamutin.

"Hindi ka ba magtatanong?" ani Shido.

"Kung hindi ka magkwekwento, ayos lang." Nilagyan niya ng band-aid ang huling sugat na nilinisan. "Tapos na."

"Salamat, Raise."

"Wala na bang iba?" May pag-aalinlangang nag-iwas ito ng tingin. "Shido, meron pa ba?" nag-aalala niyang ulit.

He removed his jacket and his shirt. Parang piniga ang puso niya nang makitang punung-puno rin ng pasa at sugat hindi lang ang braso, pati ang katawan nito at likuran.

"Okay!" she took a deep breath and tried to calm herself. "Gagamutin ko iyan. But you need to tell me who did this."

Marahan itong tumango.

Puno ng pag-iingat ang bawat dampi ni Raise. Hindi lang kamay niya ang nanginginig sa kabiglaan kundi pati na rin ang kalamnan niya. Sino ang halang ang kaluluwang gagawa nito kay Shido?

"Pasensya na. Nang-abala ako sa'yo."

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" nakalunok niyang tugon. Siya ang nasasaktan para rito sa nakikitang nangyari sa katawan nito.

"Sorry."

"Hindi ba masakit?" It was so stupid for her to ask that but still she wanted to. Gusto niyang marinig na ayos lang ito.

Ngumiti ito. "This is nothing."






"Pwede ba akong uminom kahit uminom ako ng gamot?"

Tumango si Raise at umupo sa sahig. Tiningnan niya si Shido na ngayon ay kumot lang ang ipinantakip sa katawan para hindi dumikit sa sugat nito.

"I'm ready to listen."

"Gusto mo ba talagang malaman?" nag-aalinlangan nitong tanong.

Tumayo siya. "Kung ganon matutulog na ako. Dahil hindi ko kayang tingnan 'yang mukha mo na ganyan."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon