Chapter 4

808 32 7
                                    


Naghihintay ng masasakyan si Raise sa labas ng university. Nang mapansing puno na ang mga dumadaang pampasaherong sasakyan ay minabuti niyang maglakad sa unahan. She was slowly walking and from time to time, glanced to the handkerchief she's holding. Nang hindi matanggal sa isip niya ang sinabi ni Kazuki ay huminto siya.

"Sino ba talaga iyon?" Naisabunot niya ang mga daliri sa buhok dala ng frustration. Kanina pa siya isip ng isip pero wala siyang ideya talaga. Mukha pa namang hindi mapipilit si Kazuki na sabihin ang totoo. "You're giving me headache," pakausap niya sa inosenting panyo.

Ang simpleng pagsasauli ni Raise sa isang bagay na 'di kanya ay nahulog sa isang puzzle. Kilala ni Kazuki, kilala niya, pero wala siyang clue kung sino. Kailangan siyang sapian ni Detective Konan para ma-solve ang misteryosong may-ari na iyon.

"Bahala na," pagsuko niya at nagpatuloy sa paglalakad. Isang babaeng sa sobrang pagmamadali ay hindi na siya napansin at nabangga.

"Sorry, Miss."

"Okay lang." Pinulot niya ang mga gamit na nahulog. Pinagpag niya ang panyong nadumihan. "Lalabhan na lang kita ulit."

Pagtayo ni Raise ay napansin niya ang maitim na Honda Vioz na huminto sa tapat niya sa gitna ng bising-bising daan. Pumugak iyon. Nagpalinga-linga siya. Wala naman siyang nakikitang ibang tao roon na nakatambay maliban sa kanya na panandaliang natigil.

May payat na lalaking lumabas na sa tantiya niya ay nasa late twenties. Lumapit ito sa kanya. Hindi siya nabahala dahil baka magtatanong lang ito. Pero nagbago ang isip niya nang nakakalokong ngumisi ito na parang asong-ulol pagkatapos siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Halika na," anito na nagpaalarma sa kanya.

"Teka!" tinapik niya ang kamay nito at nakaramdam ng pandidiri. "Sino ka ba?!"

"Come on. 'Wag ka nang pakipot."

"Siraulo!" Sinubukan niyang lumayo rito pero nahablot nito ang braso niya. "Ano ba!"

"Miss, nagbigay na ako ng paunang bayad sa'yo tapos mag-iinarte ka ng ganito?" Diniinan nito ang pagkakahawak sa kanya.

"Aray! Bitiwan mo nga ako!" Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito. Nakaramdam na siya ng takot. Mukhang adik yata ito at siya ang napiling pagtripan.

"That's a big no! Sumakay ka na!" he dragged her.

Sinipa niya ito pero hindi man lang ito natinag. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Walang makikialam! Bayaran ang babaeng ito at may utang sa'kin!" sigaw ng lalaki sa mga dumadaang napapahinto.

Nag-panic na si Raise nang mula sa itim na sasakyan ay may lumabas na isang matabang lalaki na kasama ng payat. Todo iwas siyang mahawakan nito habang nagpupumiglas.

"Mga gago kayo! Tulong!" Sa daan pinulot ang lalaking may hawak sa kanya nang mula sa kung saan ay lumitaw ang isang suntok na diretso sa pagmumukha nito. "Shi-shido..." aniya nang makilala ito.

"Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong. Nagtatagis ang bagang nito.

Tumango-tango siya. "O-" napahiyaw siya nang sipain ito ng baboy na lalaki. "Punyeta ka! Bitiwan mo ako!" hinampas niya ito ng bag sa mukha kaya nabitawan siya. Dinaluhan niya si Shido.

Tumayo ito at mabilis na itinago siya sa likuran nito nang akmang lalapitan na naman siya ng mga lalaki.

"Dito ka lang," anitong hindi inaalis ang mga mata sa dalawa.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon