Chapter 3

935 34 0
                                    


"Nandito ka na naman?"

Raise didn't know what to act anymore when Shido just shrugged his shoulders and smiled. Ang inakala niyang mapapagod agad ito ay hindi nangyari. He's even so consistent and persistent since last week.

Hindi gaya ng ibang babae na patanaw-tanaw lang, siya ay walang kiyemeng nilapitan ito.

"Matutuwa ako kung sasabihin mong hindi ka naparito dahil sa'kin."

"Sad to say but I'm here to see you," he answered. "Wala naman akong ibang kakilala na taga-rito."

Nalukot ang mukha niya. "Ano ba talaga ang kailangan mo? Sabihin mo na ngayon din at pakitantanan ako."

Raise had done everything she could. Inignora niya ito na parang hanging hindi nakikita. Kapag kinakausap siya nito, pabalang siyang sumagot. Head to head niya itong pinaprangka. Higit sa lahat, vocal siya sa pagsasabing hindi ito gusto ng paningin niya.

Actually, she went overboard. She acted exaggeratedly and said too much than what she should do and say. Maliban sa nangyari sa library, wala naman talaga siyang nakikitang maling ginagawa nito. Ang ayaw niya lang naman ay ang kahanginang taglay nito at ang inaakto ng mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan nito. Gusto niyang malaman nito na kahit pagtuunan pa siya nito ng pansin, hinding-hindi siya magagaya sa mga fans nito.

Pero balewala lahat kay Shido. He keeps coming back. Dalawa lang. Makapal talaga ang mukha nito at hindi natatamaan sa pinapakita at pinagsasasabi niya. O talagang may sadya ito na kahit anong bungkal niya sa utak niya ay hindi niya mawari kung ano.

"Next time na," ani Shido. He opened the door of his car. "Gusto sana kitang imbitahing mag-meryenda. Kung hindi nakakaabala sa'yo."

"Sad to say but nakakaabala ka," panggagaya niya. Ang lakas talaga ng apog nito.

He laughed. "You never fail to amaze me, Raise." Hindi siya sumagot at nilagpasan na ito. "See you tomorrow."

Bago pa man makatawid si Raise ay may humintong magarang sasakyan na tumabi nang kay Shido. Wala pa mang lumalabas, narinig na niya ang malakas na bulung-bulungan ng mga nasa paligid. Dahil hindi siya ipinanganak na usyusera, nagpatuloy siya. Just to stop when someone passed beside her and smelled his cologne.

Nahigit niya ang hininga. It was him. The guy from that night. Awtomatikong gumalaw ang ulo niya para hanapin ito at natagpuang kausap na ni Shido.

Mahaba ang buhok nitong nakatali. He is tinier compared to Shido but not skinny. Matangkad din ito gaya ng huli. His smile is friendly. Malayo sa kausap nito na presko at nang-aakit. He is way too pretty than the majority of female population including her. Above all, he smells so good that awakes her senses.

"Did you change your mind?"

Natigil si Raise sa pag-asses sa lalaking kararating lang nang magsalita si Shido. Nagsugpong ang mga kilay niya.

"Why would you think that I will change my mind?"

"Baka nagutom ka...?" patanong na sagot nito. "My invitation is still open."

"No thanks." Ayaw niya man ay aalis na muna siya dahil may panira. Sa susunod na niya hahanapin ang lalaking maganda. Basta nakakasiguro na siyang taga-university ito dahil sa lab gown na suot nito.

"Who is she?" tanong ng lalaki. Muli na namang naunsyami ang binabalak ni Raise.

"She's-"

"Raise," she answered and looked at him. Ngumiti rin siya. "Raise Javonero."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon