Chapter 16

710 30 7
                                    


Maliban kay Raise ay nasa sasakyan din ang mga kaibigan niyang sina Aiea at Krit at ang may-ari ng Karma's Appetite na si Ran. Gaya ng iba, tauhan lang din siya ng naturang restaurant pero sa kakaibang paraan. The latter gave them the privilege to run the said business. Kasama sila sa nagplano, naghanap ng lokasyon, nagpatayo, at higit sa lahat, nagpangalan. Kaya masasabing parang silang magkakaibigan na rin ang may-ari dahil kasama sila sa board na walang specific na sahod at magbabase sa kikitain ang matatanggap.

"Salamat nga pala at pinagbigyan niyo ako," ani ni Ran. Katabi nito si Krit samantalang nakaupo naman sila ni Aiea paharap dito. "Lahat ng nandoon, isang buong pamilya. Huwag kayong mahihiya dahil mababait sila. You can say that it is a family gathering but it's more like a game that the head of the family always do. Audience ang iba."

"Kung laro lang, bakit kailangan ng judge, Ran?" tanong ni Aiea. Name to name basis sila dahil ayaw ng boss nila na magpatawag ng ma'am.

Kahapon, habang nag-me-meeting sila, isiningit nito ang tungkol sa bagay na iyon. Tinanong nito kung payag ba daw silang maging judge ng isang cooking game. Dahil go naman sila, um-oo sila. Maliban kay Mad na absent kahapon pero nakumbinse na raw ni Ran, at Shana na may pinuntahan pa at hahabol na lang.

"Because he takes it personally. Sabihin na lang nating related sa business ang palaro at kung sino ang mananalo, may premyo."

"Ahh. Sino nga ulit 'yong customer na iyon?" tanong ni Krit.

"His name is Hayami. Magkakilala sila ni Alhe dahil parati siyang kumakain sa Makati branch. If I'm not mistaken, Alhe also prepares a meal for him."

"Parang na-meet ko na iyan. Pero hindi ako sigurado kung iisa."

"VVIP pala ang kumuha sa'min," komento niya.

"Yes. Pero mabait siya. Makikilala niyo naman mamaya."

"Ma'am, malapit na po tayo," sabi ng driver. Sinundo kasi sila kanina sa bahay ni Ran.

"Sige."

"Siyanga pala, Ran, papansinin ko na rin dahil kapansin-pansin. Engagement ring ba 'yang nasa kwintas mo?"

Natutok ang mga mata ni Raise sa leeg ni Ran dahil sa napuna ni Aiea. Ganoon na lang ang pagkabog ng puso niya nang makita ang tinutukoy nito. It is a ring with infinity design. May mga maliliit na brilyanteng nakapaikot doon at hindi magkamayaw sa pagkinang kapag natatamaan ng ilaw. Ginawa iyong pendant para sa isang kwintas.

Ran held the ring. "Nong ibinigay sa akin 'to, hindi ko alam na nag-propose na pala. My husband just wanted me to have this back then." Sa mabibilang na pagkakataon na nakita nila itong ngumiti, iyon ang unang beses na ngumiti ito nang pagkatamis-tamis.

"Husband? Kasado ka na?" gulantang ni Krit.

"Yes. Happily married."

Hindi siya makaimik. She wasn't in awe because of what she heard or how beautiful the necklace is. Ang nagpapatanga sa kanya, kagayang-kagaya nun ang binigay ni Shido sa kanya nong anniversary nila.

"You will meet him too. Lolo niya ang may pakulo ng larong ito. Kaya nga gusto ko sana, lahat kayo makapunta para maipakilala ko siya. Unfortunately, Alhe is not around."

"Sa-saan binili ng asawa mo 'yang kwintas?" usisa niya. Hindi niya maalis-alis ang mga mata roon.

"Hindi ko alam. But I know it's a family gem. Pinagawa mismo nila sa isang jewelry company para maging personal nilang pag-aari ang design. Ang alam ko, lahat silang apo, may dalawang ganito."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon