Chapter 17

704 33 23
                                    


(Ang chapter na ito ay isang dakilang commercial lamang.  Huwag masyadong dibdibin.)



"Raise, nag-iba ang awra mo."

Umupo si Raise sa magiging pwesto. Nandoon na rin ang dalawang kasama niya samantalang si Mad at Shana ay pinapakilala pa ni Ran kay Hayami Yatsunaga.

"Ano naman ang nag-iba?" aniya kay Aiea habang sinusulatan ang grading sheet.

"Dumilim. At masyadong gloomy. Epekto ba 'yan ng ihi?" Binalingan niya ito. Nasa mukha nito ang hindi nagbibiro. "Ganyang-ganyan ang mukha mo nong nagwala ka sa opisina ni Alhe. Sana 'wag dito. E-save mo mamaya. Punta tayong arcade."

"Hindi ako pumupunta sa arcade." Dahil isa na naman 'yong lugar na alaala ng pinakaayaw niyang nilalang.

"O sige, ikain na lang natin."

"Mas gusto kong umalis na lang tayo agad pagkatapos nito. I want to rest."

Wala naman siyang ibang ginawa pero pagod na pagod ang pakiramdam niya. Ika nga, hindi sa pisikal ang pinakamatinding laban. Nasa loob.

"Gustung-gusto ko talaga ang mukha at katawan ni Shana. Everything is in the right place."

"Bakit, Krit? 'Yong umbok mo ba nasa likod?" tanong ni Aiea.

Natawa lang si Krit sa pambabara nito. "Babae ako pero marunong mag-appreciate. Ikaw din naman. Ang ganda mo kaya. Parang naka-inom ng tubig sa fountain of youth."

"Huwag mo akong inuuto."

Nilingon ni Raise ang pinag-uusapan ng mga ito. Shana was walking towards their direction. Kung siya rin ang pagsasabihin, the latter is a head turner. May kakaibang kagandahan ito na hindi nakakasawa. Idagdag pa ang katawan nitong alam niyang pinapangarap ng kalalakihan sa isang babae.

Umupo ito sa tabi niya. Inilapit nito ang microphone sa bibig at nagsalita habang nakaharap sa mga kalahok.

"Good afternoon," bati nito. "I'm Shana and will be one of the judges. Pasensya na at naghintay kayo. Kung alam ko lang na hindi magsisimula hanggat wala kami, kinansela ko na ang schedule ko."

"Shana, don't be bothered," sabi ni Hayami. "Kayo ang inabala namin kaya matuto kaming maghintay."

"Kung naabisuhan kami ng maaga-aga, baka hindi po nangyari ito, Sir. But thank you. So... shall we start? Let's begin in five minutes."

"Ano naman ang tingin mo sa kanila? Sundalo na kayang maging ready ora-orada?" kontra ni Aiea na malapit din sa bibig ang microphone kaya naririnig ng lahat ang sinabi nito. "Ang tagal niyo ni Mad, matuto rin kayong maghintay." Humarap ito sa mga kalahok. "Hindi pa kayo handa, di'ba? Take your time."

"Kung sasabihin mong take your time, kailan pa tayo makakapagsimula?"

"Tumahimik ka, Mad. Ikaw ang pinakahuli kaya wala kang karapatang magtanong."

"Ahh..." singit na ni Krit. "Siguro, pwede tayong magsimula in thirty minutes? Okay ba 'yon sa inyo? Tingin ko 'yong iba ay magbibihis pa lang. Pwede niyo nang gawin iyon and after that, we will have a brief introduction." Gumalaw naman agad ang mga nandoon. Tumayo ito at inilayo ang mga microphone nila. "Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Ang daming tao."

"Ang sabi ni Sir Hayami, maging komportable lang," sagot ni Aiea.

"Pero 'wag naman siguro natin dito pairalin ang hindi natin pagkakasundo-sundo. Nandito lang tayo para mag-judge."

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon