Chapter 5

767 26 15
                                    


"Raise, ang sabi ni Carol may kumausap daw sa'yong mga babae tungkol sa'kin. Sino sila?"

Raise dipped the sushi in soya sauce with wasabi and ate it. Sumenyas siya kay Shido na uubusin niya muna ang kinakain.

She drank some water. "Sinumbong pala ng babaeng iyon."

"Nasa library ako kanina at nagkausap kami."

"Ahh... Hindi ko sila kilala, e. Pero mga fans mo," sagot niya.

"Ano'ng ginawa nila? Makikilala mo ba sila kung saka-sakali?"

"Bakit? Ano naman ang gagawin mo kung ituturo ko kung sino sila?" tanong niya. Sugpong ang mga kilay nito at nababahala.

"Kakausapin."

"Nah. Huwag na. Nagtanong lang naman sila kung boyfriend kita at sinagot ko naman sila ng totoo. I think they believed me. Hayaan mo na."

"Pero sa susunod, sabihin mo sa akin kapag naulit ito. I don't tolerate it."

Tumango si Raise at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na niya sinabi na atribida at kontrabida ang dating ng mga haliparot na sapilitan siyang kinausap dahil baka magalit ito. Ayaw na niya ng gulo. Tingin niya rin, iyon ang konsikuwensya ng pagiging malapit nila ni Shido. She's with a famous and hot guy every university girl would want. Sino ang hindi maiinggit sa kanya?

"Sana, hindi iyon makakaapekto sa relasyong mayroon tayo," patuloy ni Shido. "Ayaw kong iwasan mo ulit ako."

Nginitian ito ni Raise. "Hindi ako nagpapaapekto sa tsismis o kung anu-ano pa diyan. Huwag kang mag-alala."

"Sigurado iyan, ha?"

"Oo nga. At pasalamat 'yang mga fans mo hindi kita itinatago sa baul. Baka magsisi sila kapag ginawa ko iyon at ipagdamot ka."

He laughed. "Ano kaya ang feeling na matago sa baul ng isang Raise Javonero? I'm curious to try."

Hindi nag-komento si Raise. Pinanood niya itong kumain. Makikita talaga sa dating nito na mayaman ito. The way he eat, talk, and move, no one would mistaken him as someone ordinary. His aura is oozing of what he really is plus the expensive car and other material things.

Napunta sa mukha ni Shido ang paningin niya. His obviously Japanese eyes are smiley and always twinkling. But she won't be deceived by those. Dahil minsan na niyang nakita kung gaano ka-nakakatakot ang mga iyon kapag galit ito at seryosong-seryoso. Sapat ang katangusan ng ilong nito. Maputi ito pero hindi maputing-maputi. A complexion that still suit for a guy. His lips are thin and pinkish and... kissable? She wondered how it tastes.

Natapik-tapik ni Raise ang dibdib nang mabulunan sa tinatakbo ng isip niya. Inabutan siya ni Shido ng softdrinks.

"Okay na?"

Tumango siya. "Thanks."

Bumaba ang tingin niya sa mga balikat nito. Yup! Hindi pa siya tapos at hindi isang nabarang pagkain sa lalamunan niya ang makakapagpatigil sa kanyang kilatisin ito.

His shoulders are broad and lean. His chest... no doubt! Ilang beses na niyang nahawakan iyon. Pati na rin nang yakapin siya nito and vice versa. Masarap sa pakiramdam na nakahilig doon. Ang nagpapalalaki rito ng husto tingnan ay ang built nito. He's tall and muscular in perfect shape. Na tama lang dahil nag-te-tennis pala ito kaya dapat ay nasa tamang ehersisyo ang katawan nito.

All in all, Raise won't question anymore those girls whose feet are swept by Shido's presence. He's an ideal boyfriend for display. At dahil hindi siya mababaw at nakita na ang other side nito- beyond his appearance and wealth, masasabi niyang perfect talaga ito para maging kasintahan.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon