Chapter 9

647 32 3
                                    


Sa wakas ay nagawa na ring makaalis ni Raise sa pwesto ng grupo ni Shido. Sasabog na ang eardrum niya sa iba't-ibang istilo ng mga nandoon para magmayabang. Ni isa, walang gustong magpatalo o magpalamang. Dahil siya ang walang kayamanan pero walang paki, pasimple siyang lumayas at tumungo sa make-shift bar na nasa gilid ng pool na medyo malayo sa mga ito.

"May gusto kayo, Ma'am?" tanong ng bartender.

"Juice. Kahit ano'ng flavor."

"Juice? That's boring, Raise."

Si Tommy ang nalingunan niyang umupo sa katabing stool. Maputi ito kaya kita ang pamumula ng mukha nito at sumesegway na dahil sa kalasingan. Pagtatakhan niya sana ang paglapit nito kung hindi niya naalalang ito ang may-ari ng lugar.

"Come on! Drink for fun." Ibinigay nito sa kanya ang hawak na alak.

"No, thank you." Ibinalik niya sa bartender ang mga mata na naghihintay kung magbabago ang isip niya. "Juice kung meron."

"Cocktail, Ma'am? Pwede po akong mag-mix. Just name it," pangungumbinse pa ng bartender habang sinusulyapan ang katabi niya.

"Juice," pagmamatigas niya sa gustong inumin. "Kung wala, 'wag ka nang mag-abala."

"Me-meron po. Sandali lang po." Kumilos na ito para kunin ang order niya.

"Now I know why you caught Shido's attention. You're interesting," ani Tommy. "And he's having the night."

Saglit na binalingan ni Raise ang direksyon ni Shido. May isang babaeng naka-two piece ang nakapatong ang mga braso sa balikat nito at sinusubukan itong halikan. Pero hindi siya bulag para hindi makitang umiiwas ito.

"Kayo na ba?"

"Hindi ka mas lalong yayaman, alinman ang sagot ko," marahan pero pabalang niyang tugon at ipinagdarasal sa isip na sana'y iwan na siya nito.

He laughed. "Oo nga. But I'm curious. Are you not nice enough to answer?"

"I'm not nice at all."

"Heard it from Loren." Naipaikot niya ang mga eyeball nang banggitin nito ang pangalan ng babae. "I actually invited her. Hahabol na lang daw siya bukas."

Inilapag ng bartender ang inumin sa harapan niya. Nagpasalamat siya. She sipped from it. Napakuyom na lang siya sa tall glass na hawak nang malasahan ang alak doon.

"Talaga? Mabuti. Para makamusta ko naman."

"You're one heck of a lady, Raise," namamanghang usal nito.

Gusto nang lumayo ni Raise dahil alam niyang malapit ang mukha ni Tommy sa mukha niya. She could feel his breath on her cheek and side of her neck. Nandidiri siya sa amoy alak nitong hininga pero nagpipigil siya. Ayaw niyang mang-eskandalo lalo pa't kalahi nito ang mga nandoon.

Maybe even without looking at him, her instinct did that for her. Kusang umangat ang kamay niya para tapikin ang kamay nitong akmang hahawakan siya.

"Don't touch me!" maigting at walang kangiti-ngiting sabi niya. Ang damuho, ngumisi lang. Binalingan niya ang bartender. "Kuya!"

"Yes, Ma'am?"

Pasimpleng ibinuhos niya ang laman ng tall glass sa harap mismo nito nang hindi napapansin ng iba. She heard Tommy laugh. Wala siyang pakialam kahit nabasa siya dahil sa talsik nun.

"Do I look like stupid to you?" Hindi ito nakakibo. Pabagsak na ibinaba niya ang baso. "It tasted good. Salamat," sarkastiko niyang sabi at tinalikuran ang mga ito. Just to stop when she saw Kazuki behind her.

KARMA'S Appetite Series 3: Chef Raise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon