❤2❤

48 11 0
                                    


(Flashback 14 years ago...)

Yehey! First day of school na! Yan agad ang pumasok sa isip ko pagmulat ng mata ko. Tulad ng ibang bata, excited din ako pumasok. Si Mama ang nagpapaligo at nagbibihis sa akin, si Papa naman ang nagpapakain at naghahatid sa akin sa school.

"Wow! Ang ganda naman ng baby girl namin .. Tayo ka nga dali! Wow! Bagay na bagay ang pink uniform ah .." --si Mama.

"Thank you po Mama! Mama, excited din po ba mag-school ang mga classmates ko? Gusto din po ba nila ako maging friend?" --tanong ko kay Mama.

"Oo naman baby girl, excited din sila and I'm sure gusto ka nila maging friend .. Basta be nice to them baby ha? --sabi ni Mama habang ibine-braid sa gitna ang mahaba at hanggang bewang na buhok ko.

"Opo Mama, magiging nice po ako sa kanila, at makikinig po ako lagi kay Teacher." --sagot ko.

"Very good naman ang baby namin! Ready ka na ba ihatid ni Papa sa school?" --si Papa ang nagtanong.

"Papa, hindi pa po ako kumakain eh. Magugutom ako sa school." --sagot ko na nakatingin kay Papa.

"Ay oo nga pala, sorry baby ha? Nakalimutan ni Papa. Excited din kasi akong ihatid ka sa school eh. Buti nalang talaga pinanganak kang bibo." --natatawang sabi ni Papa.

"Pero Papa, paano po pag nakita ng mga classmates ko na buhat mo po ako? Baka pagtawanan po nila ako, Papa." --malungkot kong sabi.


"Naku baby, lagot sila kay Papa pag pinagtawanan ka nila. Kaya sabihin mo agad sa akin pag inaway ka nila." --pagtatanggol ni Papa.

"Pero Papa, di ba po bad mang away?" --sagot ko.

"Oo baby, bad mang-away pero hindi bad ipagtanggol ang sarili lalo na kung ginagawan ka ng mali." --paliwanag ni Papa.


"Paano yun Papa? Lagi ka po ba nasa school para bantayan ako? Di ba bawal ang parents sa school?" --tanong ko na may pagtataka.


"Napakabibo talaga sumagot ng baby namin oh .. Kaya natutuwa sayo si Papa eh. Kung pwede nga lang bantayan ka ni Papa sa school, kaso di ba may work si Papa tsaka sabi mo nga bawal ang parents dun?" --natutuwang sagot ni Papa sa akin.


"Opo." --maikli kong sagot.


"Ganito nalang baby ha? Habang wala si Papa, pag may ginawa sayo ang mga classmates mo, kay Teacher mo nalang muna sabihin ha?" --sagot ni Papa na may pag-aalala.

"Opo Papa. Papa kakain na po ako ng mabilis, ayoko po ma-late sa school ko. Baka magalit si Teacher." --pangungulit ko.





"Oo anak, eto na si Papa. Wag ka mag-alala hindi ka pa male-late tsaka malapit lang naman yung school mo di ba? Walking distant lang." --pagpapatawa ni Papa.


"Mali ka naman po Papa eh, distance po yun." --pagtatama ko.


"Ahh distance ba? Hindi ko alam eh. Ang bibo mo talaga anak." --biro pa rin niya.


"Buti nalang sa akin nagmana si Eunice!" --natatawa ring sabi ni Mama.

"Teka, pakakainin ko na muna 'tong ating prinsesa, nakasimangot na oh .." --natatawa pa rin si Papa at biglang iniba ang usapan.


"Oh siya, bilisan niyo na dyan at maghahanda naman ako ng pambaon niya." --si Mama.






To be continued...
















Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon