Present: (3days later...)
Dear Diary,
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang maging masaya kahit nakita ko na kung sino si Mr. Yoso. Siguro nga, dahil si Adrian ang inaasahan ko. Kaya siguro ganito ako. O dahil may iba pa akong dahilan? Kung ano man yun? Hindi ko pa rin alam.
Haaayy! Ganito pala ka-komplikado pag may nagpaparamdam sayo tapos, may inaasahan kang iba .. Lord, hindi ko naman po hiniling na magkaroon ng lovelife eh. Okay na po ako sa realidad na hanggang dito nalang po talaga ako. Pakiusap ko lang po na wag niyo naman pong gawing komplikado ang mga dapat ay simpleng bagay lang. Nahihirapan po tuloy ako.
Paano maging masaya?
Tip#4: Wag pangunahan ang mga bagay-bagay na hindi pa nangyayari.
Hindi ko naman magawang tanungin si Adrian dahil ayokong magmukhang assumera. Sapat na sigurong malaman ko na magkaiba talaga sila, hindi si Adrian si Mr. Yoso kundi si Tristan. Si Tristan, na kahit anong pilit kong alalahanin eh hindi ko talaga matandaan nung grade school kami. Hindi rin naman kasi ako inilalabas ng room pag break dahil ayoko. Paano ko kaya mapapadali ang lahat?
Pilit ko namang binubuksan ang isip at mga mata ko sa katotohanang hindi talaga si Adrian si Mr. Yoso kundi si Tristan nga. Pero may side sa sarili ko na mabigat talagang tanggapin at hindi ko magawang paniwalaan kahit anong kumbinse ko sa sarili ko. Haaayy .. naman talaga oo .. Sana kasi hindi nalang ako nag expect eh. Masyado kong nabigyan ng meaning lahat .. Ano bang dapat kong gawin? Maghihintay nalang ba ako kung anong susunod na mangyayari? O babalewalain ko nalang kung sino talaga si Mr. Yoso at ipagpapatuloy ang pakikipag kaibigan ko kay Adrian ng walang halong pag a-assume ng kahit na ano sa mga kilos at salita niya lalo na pag magkasama kami.
Haayy .. hindi na talaga ako maubusan ng iniisip. Lord, isa isa lang po please?
Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
Ficción GeneralKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...