Dear Diary,
Home sweet home! Kahit isang araw at isang gabi lang akong nawala dito sa bahay, feeling ko ang tagal kong nawala. Miss na miss ko dito sa kwarto ko, at siyempre isang araw din ang namiss ko sa pagkukwento sayo.
Grabe, ganun pala ang feeling ng ma-acute u.t.i akala ko mamamatay na ko! Hahaha ang weird lang talaga kasi nasa bahay na nga lang ako, nagkakasakit pa! Pero salamat kay Ate Belinda na nataranta at nagsugod sa akin sa ospital, at pati na rin sa mga kapitbahay na tumulong sa amin. Kay Mama Rhea at Papa Railey na sobrang nag alala sa akin. Pati na rin kay Dra. Grace Sanchez na nagbigay ng payo na talaga namang susundin ko dahil nakakadala talaga. And lastly, kay bespren Lara na kaninang umaga lang nakadalaw, wala na kasing nakapagbalita sa kanya. Nalaman niya nalang nung nasa bahay na ako ulit. This time, hindi na muna pizza ang dala niya, dahil napaisip daw siya na baka yun ang nakapagpa-u.t.i sa akin kaya fruits nalang ang dinala niya. Ang sweet talaga ng bespren ko.
Paano nga ulit maging masaya?
Tip#2: tingnan mo lang ang bespren mo at alalahanin ang kakulitan niyo. 100% sure, masaya ka na.
(Flashback 3 hours ago...)
Dumating kami sa bahay ng 8:30am galing ospital. 9:00am kumain ulit ako dahil iinom ako ng gamot, biglang dumating si Lara.
"Tao po! Tao po!" --si Lara, habang kumakatok din.
"Oh? Lara, nandyan ka pala. Pasok ka anak." --si Papa ang nagpapasok kay Lara.
"Good morning po Tito. Pa-bless po." --pag galang ni Lara kay Papa.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak." --basbas ni Papa.
"Tito, si Eunice po?" --tanong ni Lara kay Papa.
"Nandun sa may kusina anak, tumuloy ka na. Tamang tama nag aalmusal siya, sabayan mo na." --sagot ni Papa sa kanya.
"Salamat po Tito, tutuloy na po ako dun,maiwan ko po muna kayo dito sa salas, excuse me po Tito." --pagpapaalam ni Lara kay Papa.
At maya-maya pa, nasa may kusina na rin si Lara.
"Pakain naman!" --pang gugulat ni Lara.
"Ay, kabayo ka! L*ng'y* ka bespren! Ginulat mo naman ako!" --sagot ko habang napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.
"Ay, ang ganda ko namang kabayo! Hahaha" --patawa ni Lara.
"Husay mo talaga. 'Lika, kumain ka dito. Sabayan mo ako." --alok ko sa kaniya.
"Gusto ko, ikaw ang maglagay ng pagkain ko bespren." --biro niya.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
Художественная прозаKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...