❤️15❤️

23 5 0
                                    

Present:
(2months later...)

(Lara's POV)

Maganda ang gising ko ngayon dahil ngayon lang yata ako hindi napagalitan ng nanay kong si Myra. Bihira niya ako maasahan sa bahay kasi super gala ako. Kaya ngayon, sinipag akong maglinis ng bahay.

"Good morning, Nay!" --masiglang bati ko sa aking magandang nanay.

"Aba! Aba! Teka, anak?? May sakit ka ba??" --nagtatakang tanong ni Nanay.

"Wala po 'nay, okay na okay po ako oh .."  --sagot ko, habang hinipo ko pa ang leeg at noo ko para damahin kung may sakit nga ako.

"Aba anak, wala nga ah! Himala, kasi may hawak kang walis tambo at naglilinis ng bahay."  --nagtataka si nanay kaya hinipo rin ang leeg at noo ko.

"Nanay talaga oh, humahawak naman talaga ako nito eh, pinanghahampas ko ng ipis! Hahaha" --natatawa kong sabi.

"Ikaw talagang bata ka, ang dami mong alam na kalokohan!"  --naiiyamot si Nanay.

"Dyan po ako mahusay, Nay!"  --sagot ko pa rin habang tawang tawa.

"Naku, naku kang bata ka! Ipagpatuloy mo na nga lang yan at matutuwa pa ako sayo."  --yun lang at iniwan na ako ni Nanay.

Tinapos ko lahat ng pwede kong gawin dahil talagang sinisipag ako ngayon at bet na bet naman ng aking butihing nanay. Pagkatapos ay pinakain at pinaliguan ko muna ang alaga kong aso na kulay brown, na si Puulot. Bakit daw Puulot? Kasi napulot ko lang siya nung tuta pa kaya puulot ang ipinangalan ko sa kaniya. At doble letter U talaga ang spelling ng name niya dahil soft kung i-pronounce. Hindi pabiglang pulot kundi, puu--lot. Ayan, super explain na ako ng ibig sabihin ng name ni Puulot. Sobrang love ko kasi yun eh. Katabi ko pa matulog.

Maya-maya, pupunta naman ako kina bespren Eunice para chumika, at para may dalhin na rin. May dadaanan lang akong isang kaibigan.

Pagdating ko dun, dun siya nakapwesto sa madaling makita. Pinayapayan ko nalang siya para lumapit sa may pinto kung saan ako nakatayo.

"Oh? Tol, kamusta??"  --bati ko sabay akbay.

"Ayos lang tol. Eto, katatapos ko lang gawin yun dito sa computer shop. Buti nga, dumating ka pa. Kanina pa ako dito, tol."  --sabi niya.

"Ah, pasensya na tol, dami kong ginawa sa bahay kanina. Tapos pinakain at pinaliguan ko pa si Puulot."  --paliwanag ko.

"Ganun ba? Ayos lang tol, tapos na rin naman. Dalhin mo nalang dun ayos na."  --sabi niya at may iniabot sa akin.

"Ayos tol ah, consistent!" natutuwang sabi ko sa kaniya sabay apir.

"Syempre." --maikling sagot niya.

"Sobrang curious na nga siya tol eh, kung wala ka pa daw bang balak magpakilala sa kaniya."  --paliwanag ko.

"Kaya nga ibigay mo yan. Nandyan ang sagot."  --utos niya at itinuro ang hawak ko.

"Oo, sige. Pupunta ako sa bahay nila maya-maya, tol." --sagot ko.

"Ah, teka nga pala tol. Bago ko makalimutan, paki sama mo nga pala to sa ibinigay ko sayo. Paki lagay mo sa loob." --napakamot tuloy siya sa ulo dahil sa muntik pa niyang makalimutan.

"Sure tol, sige una ka na. Mukhang may pupuntahan ka pa eh. Dito muna ako, maghahanap ng jowa sa social media! Hahaha"  --biro ko sa kaniya.

"Hahaha naku tol, ingat ingat din sa paghahanap ng jowa sa social media. Baka mapahamak ka."  --paalala niya sakin.

"Wag kang mag alala, tol. Ako pa ba?"  --paninigurado ko sa kanya.

"Oh, sige tol. Una na talaga ako. Nagmamadali na yung katext ko eh." --pagpapaalam niya.

"Sige tol, ingat." --sagot ko.

"Yung bilin ko wag mong kalilimutan ha?" pahabol niyang sigaw habang papalayo sa kinaroroonan namin.

"Opo, boss!" --sigaw ko at sumaludo sa kaniya.

Pag alis niya ay agad akong pumalit sa pwestong kanina lang ay gamit niya. Biro ko lang sa kanya na maghahanap ako ng jowa sa social media. Ang totoo, maghahanap ako ng pwedeng mapag-applyan online. Kahit naman pasaway ako sa nanay ko eh naghahanap din ako ng trabaho para makatulong. Hindi ko naman sinasayang yung ginawa niyang pagtataguyod sa akin at sa mga kapatid ko para makatapos kami. Talaga lang hindi ko muna bet maghanap agad ng work pagkagraduate. Tumitingin tingin lang muna ako at saka ako mag-a-apply pag bet ko na. Hindi rin naman ako pinupwersa nina kuya kasi sila muna ang tumutulong kay nanay. Yung tatay ko kasi, suma-kabilang bahay na mula nung naipanganak ni nanay yung bunso namin na ngayon ay  7 y/o na. Husay ng tatay ko noh?? Matapos anakan ng apat si nanay eh nakuha pang mangibang-bahay! Sabagay, iresponsable din naman siyang ama eh. Binubugbog lang kami, lalo na ang nanay ko; kaya maigi na rin na nag disappear siya sa buhay namin.





















Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon