❤14❤

32 6 0
                                    

Present: (2months later...)

Dear Diary,

Magandang pagabi sayo! 5:30pm na pala kami nakauwi ni Ate Belinda galing sa labas. Tatlong oras din ang itinagal namin dahil 2:30pm pa kami lumabas. At sa paglabas ko, ngayon lang ako naging masaya. Ngayon lang walang naging disaster at nanghusga. Siguro sanay na rin ang mga tao na nakikita ako. At masaya yun.

Alam mo ba? Hindi ko inaasahan na sa paglabas namin kanina, makakasalubong namin si Adrian at nakakwentuhan pa. Grabe ang bait niya talaga, at ang gwapo pa. Maputi, katamtaman ang tangkad, at may dimple siya pag ngumingiti. Bagay sa kaniya ang blue t-shirt at black na pantalon kahit naka-sipit na tsinelas lang siya. Siya yung tipo na hindi kailangang piliting magpagwapo. Dahil kahit anong isuot niya, bagay talaga sa kaniya. Hindi siya trying hard.

Paano nga ulit maging masaya?

Tip#3: Mag-enjoy kasama ang taong special sayo. Pero wag masyadong magpa-obvious na kinikilig ka dahil baka ka himatayin.

Kinilig din ako nung nag offer siya na magtulak ng wheelchair ko papunta sa ilalim ng puno. Pero hindi ko ipinahalata siyempre. Ito namang si Ate Belinda, nakahanap ng excuse para magdisappear nung nag offer ng ganun si Adrian. Punta agad sa kachickahan niya at hindi manlang nagpaalam sa akin na lalayo siya saglit.

Pero okay lang naman sa akin dahil atleast nagkaroon kami ng kwentuhan moment ni Adrian na ikinakilig ko ng sobra! Yiiee! Kinilig ako, sa bawat paghingi niya ng sorry. Nung nursery kami at nung hindi siya nakarating sa pahanda namin nung moving-up ko. Ngayon tuloy, naku-curious ako. Siya kaya talaga si Mr. Yoso? O dapat ko bang i-assume na siya si Mr. Yoso? Kasi naman, sobrang pala-isipan na talaga sa akin kung sino yung Mr. Yoso na yun. Halos dalawang buwan na rin siyang nagpapaka-misteryoso sa akin. Hindi naman siya araw-araw nagpapadala ng sulat at ng kung anu-ano sa akin. Kung kailan lang pumunta si Lara, at minsan wala din namang dala kundi pizza.

Nahihiwagaan ako kasi, nung time na nagpadala si Adrian ng regalo sa pinsan niyang si Cheche para sa moving-up ko; bukod sa paper bag na iniabot niya sa akin, meron din siyang iniabot na papel na kulay puti at korteng puso din. Kaibahan nga lang, hand-written talaga ni Adrian ang nakalagay at hindi printed na kagaya ng laging padala sa akin ni Mr. Yoso.
Ang laman ng sulat ni Adrian:

Hi, Eunice!

         Congratulations! Finally, you passed! I know you really worked hard for it :) Glad that you made it to the top!
          Sorry if I can't make it today.
Something came up kasi and I can't re-schedule it some other time. Hope that you'll understand.
           Again, congratulations! :)

                             Sincerely yours,
                                    Adrian ❤

Ganyan ang laman ng sulat ni Adrian, iba lang talaga kasi sulat-kamay niya. Pero may pa-heart shape din na papel pero kulay puti. At may pa-heart din na drawing sa tabi ng pangalan niya. English din magsulat. Pero dati pa naman nag-i-english na yun, kasi di ba nga nung nursery kami? Tsaka kanina nung kausap ko siya, nag english din bigla. Haaayy! Hindi kaya---nagpapaka-misterious lang siya sa katauhan ni Mr. Yoso, at yun yung nahihiyang side niya at si Lara ang ginagawa niyang tulay?? Tapos siguro, pag gusto niyang magbigay ng kahit na anong bagay at gusto niyang alam ko, na sa kaniya galing; siya mismo ang nag aabot sa akin o kung minsan, pinsan niyang si Cheche ang inuutusan niya??

Waahh!! Naloloka na talaga ako sa mga nagaganap. Nagiging assumera tuloy ako na hindi naman dapat. Haaayy! kang Mr. Yoso ka! Napapahinga nalang ako ng malalim. Ini-stress mo ako ng bongga.

Makatulog na nga lang muna. Byiiee! 👋👋
















Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon