(Someone's POV)
Nandito ako ngayon sa computer shop para magcheck ng trabaho online. Nagbabalak kasi akong lumipat sa call center. Kasalukuyan akong naghahanap nang biglang may natanggap akong text message.
*Fr. Someone: Nasan ka?-received
*Me: Dito sa computer shop. Bakit? -sent
*Fr. Someone: Pwede ba kitang makausap? -received
*Me: Tungkol saan? -sent
*Fr. Someone: Alam mo kung anong ibig kong sabihin. Wag kang umasta na parang wala kang alam. -received
*Me: Alam mo, hindi kita maintindihan. Pwede bang diretsohin mo nalang ako?? -sent
*Fr. Someone: Pwede bang tigilan mo na sya?? Wag ka nang magpakita sa kanya! Kaya siya naguguluhan ng dahil sayo! -received
*Me: Wala kang karapatang diktahan ako sa kung anong dapat o hindi ko dapat gawin. Hindi ko siya lalayuan kung dahil lang din sayo. -sent
*Fr. Someone: Wala kang pakialam! Basta ang gusto ko, layuan mo siya para mapansin niya ako! -received
*Me: Ang dami mo pang sinasabi. Kung gusto mo talaga akong kausapin, makipagkita ka ng personal hindi yung dinadaan mo ako sa text. Duwag! -sent
*Fr. Someone: Sige. Bukas ng gabi. Sa isang bar sa kanto. Dun tayo magtuos! Para tumigil ka na sa pakikipagkaibigan sa kanya! -received
Miss Music Lover 🎧
#1028🌸
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
Ficción GeneralKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...