❤️17❤️

16 5 0
                                    

(Rhea's POV)

Nakakapagod. Yung araw-araw akong aalis ng bahay para may mapagkakitaan. Kung anu-anong bussiness ang pinasok ko. Nagbebenta ako ng insurance, ng mga damit, ng mga pampaganda at pampaputi at kung anu-ano pa. Lahat gagawin ko makaraos lang kami, lalo na ang anak kong si Eunice. Ang asawa ko namang si Railey ay bihira din umuwi dahil kung saan-saan nadedestino. Site inspector kasi ang trabaho niya kaya madalas, dalawang beses sa isang linggo lang siya nakakauwi. Siya ang bahala sa mga bayarin dito sa bahay at pag nagkakasakit si Eunice. Siya rin ang nagpapasweldo kay Belinda. Ako naman ang bahala sa pang araw-araw naming gastusin sa pagkain at sa mga biglaang gastos. Kaya pag alis ko ng umaga, gabi na ako nakakauwi.

"Haayy .. nakakapagod!" --sabi ko, habang hinihilot ang mga binti kong nakapatong sa lamesita.

"Oh? Ate, nandyan ka na pala?" --bati ni Belinda.

"Oo, kararating ko lang. Grabe, sakit ng paa ko kalalakad." --napapadaing kong sabi.

"Gusto mo na bang kumain Ate? Maghahain na ako."  --tanong ni Belinda sa akin.

"Mamaya nalang, pagod pa ako. Si Eunice nga pala?" --tanong ko.

"Tulog na kanina pa, Ate. Napagod ata, dinala ko kasi siya kanina sa plaza, gusto daw nya magduyan. Hehe" --paliwanag ni Belinda.

"Nakakatuwa ang anak ko, ngayon niya gustong maranasan yung mga hindi niya naranasan nung bata pa siya."  --napapangiti kong sabi.

(Flashback 2 years ago...)
*Eunice's 18th birthday*

"Happy 18th birthday, anak!!" --masiglang bati ko sa kanya.

"Thank you, Ma!" --sagot niya habang nakapikit at balot pa ng kumot ang katawan.

"Anak, magmulat ka na dyan. Alam kong gising na gising ka kahit pikit ka. Magpabangon ka na at nang makakain at makapaligo ka na. Mag papaayos ka pa." --pagpilit ko sa kanya.

"Ma, pwede po bang mamaya nalang? Antok pa ako eh."  --pupungat pungat niyang sabi.

"Anak, hindi pwede. 18th birthday mo ngayon. Kaya dapat nag aayus-ayos ka na."  --pamimilit ko pa rin.

"Ma, naman kasi eh. Bakit pa po kasi kayo nagpa-party? At may kutilyon pa, hindi naman po ako makakasayaw di ba?"  --reklamo niya.

"Eh di ba hindi naman sayaw yung gagawin? Di ba nga, sabi ng Papa mo kakanta nalang daw kayo?"  --sagot ko.

"Kakanta lang naman po eh, bakit kailangang naka gown pa ako? Pati yung mga ka-duet ko naka coat & tie pa?"  --naiinis niyang sagot.

"Aba, siyempre! Kailangang maganda ang anak ko at nag gagwapuhan ang mga ka-duet niya."  --pagmamalaki ko.

"Ma, naman eh .. alam niyo po, matutuwa pa po ako kung sasabihin niyong naglagay kayo ng mga pabitin, hampas palayok, palo sebo at kung anu-ano pang palarong pambata."  --paliwanag niya.

"Hahaha! Ang dalaga ko talaga, masyadong isip bata. Di ba nagawa na natin yun nung nag 7y/o. ka? 18th birthday mo ngayon, hindi yun bagay kasi pambata yung gusto mo."  --natatawa kong sabi.


"Unique nga po yun Ma, eh. 18th birthday tapos may palaro. Tapos, imbes na mga bata, yung mga ka-duet ko yung kasali sa lahat ng palaro."  --suhestiyon niya kahit nakapikit pa rin.



"Gusto mo talaga yun, anak?? Nakaayos na lahat eh. Gahol na tayo sa oras, mamayang hapon start na ng datingan ng mga tao, walang mag aayos nun."  --paliwanag ko.

"Ma, kahit pabitin at hampas palayok lang po, okay na. Di ba po may nabibili naman na ready made na?"  --ideya ni Eunice.


"Oo nga, anak noh? Oh, sige sige. Magpapabili agad ako ngayon."  --natutuwa kong sabi.

"Talaga po, Ma?"  --bigla siyang nagmulat at nag alis ng balot na kumot.

"Oo, kaya ikaw .. bumangon ka na at mag ayus-ayos na. Magpabangon ka na kay Ate Belinda mo, maligo at kumain."  --utos ko sa kanya.



"Sige po Ma, magpapabangon na po ako."  --maikli, pero halata ang excitement sa boses niya.


"Good. Basta yung request ko ha? Mag gown ka at kakanta kayo sa gabi ha?"   --sagot ko.

"Sige na nga po, Ma. Wag lang ma-cancel ang palaro. Hehehe"  --patawa niyang sabi.

"Hahaha ikaw talaga, anak. Sige na, maiwan na kita dyan at magpapabili na ako ng pabitin at palayok. Tatawagin ko na si Belinda ha? Para ayusin ka. Liliguan ka na niya ngayon, isuot mo muna yung yellow dress na binili sayo ng Papa mo ha? Mamayang gabi yung gown. Tapos mamayang tanghali, dadating na yung magme-make up sayo, okay?"  --huling sabi ko.


"Okay po, Ma."  --yun lang at iniwan ko na siya sa kwarto niya.










To be continued...

















Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon