Continuation...
"Eto na tayo bespren, paupo dito sa kama mo ha?" --sabi ni Lara habang may kinukuha sa bag niya.
"Oh sige bespren, ano ba kasi yun? Arte arte naman kasi. May papasok-pasok pa dito sa kwartong nalalaman." --naiinis kong sabi.
"Eh mas okay kasi dito. Eto na bespren. Tadaaaa!! --malaki ang ngiti ni Lara nung may inilabas siyang bagay mula sa bag niya.
Inilabas niya ang papel na korteng puso. At kinuha ko naman agad yun.
"Ano 'to bespren??" --tanong ko, na may pagtataka.
"Ay ang bespren ko nawalan na ng commonsense?? Basahin mo kaya nang malaman mo." --sagot ni Lara na may punto nga naman.
"Oo na, eto na bespren. Babasahin ko na." --sagot ko.
Dearest Eunice,
Kamusta ka na? Sana okay ka lang, wala na kasi akong balita sayo simula nung tumigil ka. Nagulat na nga lang ako nung mga sumunod na araw na hindi ka na pumapasok at hindi na kita nakikita. Mabasa mo lang ang sulat ko, masaya na ako. Ingat ka palagi.
Mr. Yoso ❤
Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
General FictionKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...