Present:
(4 months later...)
Dear Diary,
Masakit! Sobrang sakit! Ganito pala ang pakiramdam na mapaglaruan. Yung inakala ko na Mr. Yoso na kilala ako, at mahal ako ay isang malaking kalokohan lang pala! At sobrang sakit din isipin na nagawa akong lokohin ng kaisa-isa kong bestfriend! Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng manloko, siya pa?? At bakit sa dinami dami ng taong pwede niyang lokohin, bakit ako pa?? Gustuhin ko mang unawain yung mga dahilan niya sa akin, hindi ko magawa dahil nadadala ako ng galit.
Mabuti nalang at hindi ako nakipag mabutihan kay Tristan. Kaya pala ganun na lang ang nararamdaman kong bigat nung malaman kong siya si Tristan. Dahil may mali pala sa paraan ng pagkakakilala namin. Buti nalang nakausap ko si Adrian bago pa lumalim ang lahat.
(Flashback 4 months ago before the revelation)
"Hi, Ate Bel! Good afternoon!" --bati ni Adrian kay Ate na nagwawalis ng harapan
"Oh, pogi! Ikaw pala? Magandang hapon din sayo." --nakangiting bati ni Ate
"Nandyan po ba si Eunice?" --tanong niya
"Ah, oo pogi. Nandun siya sa salas, puntahan mo nalang." --sagot ni Ate
"Salamat, Ate Bel. Tutuloy na po ako sa loob." --paalam ni Adrian
Maya maya pa, nasa loob na siya
"Hi, Eunice! Good afternoon!" --bati ni Adrian sa akin
"Oh? Ikaw pala, pasok ka." --nakangiti kong sabi
"Salamat, paupo dito sa tabi mo ha? Eto nga pala, para sayo" --sabi niya, sabay upo nga sa tabi ko at may iniabot sa akin
"Wow ha? Ano to? Nag abala ka pa talaga." --tanong ko
"Sus, maliit na bagay. Di ba sabi mo sa text nung isang araw, nagke-crave ka sa choco dounuts kaya ayan naisipan kong dalhan ka." --sagot niya sabay kindat pa
"Talagang sineryoso mo pala yun? Pero salamat dito ha? Gusto mo ba ng kape? Juice? Tubig? Hehehe" --sunud-sunod kong tanong
"Ah, hindi na Eunice. Thank you nalang. Okay lang ako. Basta kainin mo yan ha?" --pagpapaalala niya
"Sure ka ha? Nakakahiya naman sayo, wala manlang mai-offer." --nahihiya kong sabi
"Okay lang yun, ikaw naman yung ipinunta ko dito hindi naman para makiinom o maki kain." --sabi niya ulit
"Sabi mo yan ha? Pero kung nandito si Mama, naku hindi yun papayag. Ipagluluto ka pa nun." --ako ulit
"Oo nga pala, nasan sina Tita Rhea at Tito Railey?" --tanong niya
"Si Mama, nasa kasosyo niya sa business niya. Si Papa naman nasa site." --sagot ko naman
"Ahh .. Kayo lang pala talaga ni Ate Bel ang madalas na naiiwan dito." --sabi niya.
"Oo nga eh, kaya nga nung nadala ako sa ospital 3 months ago, tarantang taranta si Ate kasi siya lang ang kasama ko dito." --sabi ko.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
General FictionKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...