Present: (2 months later...)
Dear Diary,
Malungkot ako ngayon, hindi dahil sa may masama o disaster na namang nangyari. Kundi, malungkot ako dahil umuulan. I hate rainy days kasi, walang makitang maganda sa paligid kundi pagpatak ng ulan at ang mga dahong naglalaglagan mula sa puno na inaanod ng baha.
Sa totoo lang, isa rin ito sa hindi ko naranasan nung bata ako dahil madali akong kapitan ng sakit. Kaya iniimagine ko nalang ang sarili ko na naliligo sa ulan. Haayy! Ang dami ko pala talagang hindi naranasan nung bata ako. Pero atleast, hindi ko naranasang mapalo nina Mama dahil sa kalikutan, hindi ko rin naranasang magkaroon ng bangas sa mukha at sugat sa tuhod dahil nadapa sa katatakbo. Kaya okay na rin to.
Yun nga lang, hindi ako makalabas ngayon dahil sa masamang panahon. Kaya tumitingin nalang ako sa may bintana para panoorin ang pagpatak ng ulan. Nasa gitna ako ng malawak kong imahinasyon nang biglang magtext ang bespren kong si Lara.
(Text Convo...)
*Fr.Bespren Lara: Uy, bespren! Kamusta ka na? Pasensya ka na ha? Hindi ako makapunta dyan ngayon, nasisira kasi ang beauty ko pag nababasa ako ng ulan. 😂😂😂-received
*Me: Eto, bespren nalulungkot nga ako ngayon, ayoko kasi talaga ng umuulan.😞😞😞-sent
*Fr.Bespren Lara: Naku naman bespren. Wag kang malungkot, BUKAS, SISIKAT DIN ANG ARAW. Nyahaha 😂😂 smile na kasi eh. -received
*Me: 😂😂😂 ikaw talaga bespren! Hanggang sa text ba naman pabibo ka pa rin?? 😜👊-sent
*Fr.Bespren Lara: I know, right?? Bespren.😘-received
*Me: Tse! Napakahusay mo talaga! 😜-sent
*Fr.Bespren Lara: Wait bespren, kailan mo nga pala sasagutin yung mga sulat ni Mr. Yoso sayo?-received
*Me: Wala.-sent
*Fr.Bespren Lara: Wala?? Bakit wala?? -received
*Me: Wala akong balak makipag mabutihan sa kanya hangga't hindi ko siya nakikita.-sent
*Fr.Bespren Lara: Eh di ba nga may dinala ako sayo nung isang araw?-received
*Me: Oo nga, pero hindi sapat na sa picture ko lang siya makikita.-sent
*Fr.Bespren Lara: Eh di ba nga, nakalagay naman sa sulat kung bakit picture lang muna ang ipinadala niya? Umuwi siya ng probinsya dahil nagkaroon ng emergency. Pagbalik daw niya saka siya magpapakita sayo di ba? Nag effort na nga yung tao na magpa-print ng picture niya para lang makita mo siya, dahil alam niyang sobrang curious ka nang malaman kung sino ba talaga siya. -received
*Me: Oo nga, malinaw naman sakin yung dahilan niya kung bakit hindi ko pa siya makikita ng personal at naiintindihan ko naman yun.-sent
*Fr.Bespen Lara: Oh? Ganun naman pala eh. Naiintindihan mo naman pala, eh ano pang drama mo? Sasagutin mo lang naman yung sulat eh.-received
*Me: Ewan ko ba bespren. Bespren sayo ko lang to sasabihin ha?-sent
*Fr.Bespren Lara: Bakit bespren? Ano yun?-received
*Me: Eh kasi bespren, nawala yung excitement ko nung nakita ko na siya sa picture. Hindi nga ako nalungkot nung sinabi niyang uuwi siya ng probinsya.-sent
*Fr.Bespren Lara: Bakit naman bespren? Ayaw mo ba sa itsura niya? Cute nga eh, moreno type tapos medyo singkit ang mata.-received
*Me: Ano yun?? Negrong hapon??😂😂 pero seriously, hindi naman sa ayaw ko sa itsura niya. In all fairness naman, okay siya. Matangos pa ang ilong. Pero wala eh, hindi ko na talaga maramdaman yung kilig at excitement na nararamdaman ko nung puro sulat pa lang ang natatanggap ko sa kanya. Nawala yun nung makita ko na siya sa picture.😞😞-sent
*Fr.Bespren Lara: Ay?? Sadness naman yun bespren 😞😞 baka lang kasi hindi mo lang inexpect na hindi mo pa rin siya makikita ng personal ngayon at medyo disappointed ka, kaya nawala yung excitement mo nung nakita mo siya sa picture.-received
*Me: Siguro .. Ewan .. Hindi ko alam bespren. Basta sakin okay lang kung after two months na pagbalik niya eh hindi pa rin siya magpakita sakin, hindi ko siya pipilitin.-sent
*Fr.Bespren Lara: Hindi mo ba talaga siya natatandaan, bespren?-received
*Me: Hindi talaga eh. Kahit sinabi mo sakin nung isang araw na schoolmate natin siya noong grade school, at Grade VI din siya pero ibang section.-sent
*Fr.Bespren Lara: Oo, grade VI din siya, section II. Nakikita ka niya nun, pero hindi mo lang siya napapansin. Minsan nasa harap ng room natin.-received
*Me: Kung ganun pala, eh bakit hindi siya nagpakilala sakin noon? Dikit lang naman ang room ng Grade VI section I and II ah.-sent
*Fr.Bespren Lara: Eh nahihiya nga sayo bespren. Mahiyain talaga yun hanggang ngayon.-received
*Me: Yung noon; oo, unawa ko yun na nahihiya siya kasi mga bata pa kami/tayo. Pero ngayon? Hindi ko alam kung bakit nahihiya pa rin siya.-sent
*Fr.Bespren Lara: Malay mo, naghihintay lang yun ng perfect timing, bespren.-received
*Me: Kuh? Talagang may paganon pa siya ha? Magpapakita lang, at magpapakilala ng ayos kailangan may perfect timing pa? Hindi ko naman kamo siya jojowain eh. Hindi sa atat akong makita siya bespren, pero di ba? Mas okay na rin yung nagpapakita siya habang maaga. Para dun ko siya masusubukan kung pagkatapos ba niya akong makita eh manatili pa rin kaming friends or hindi na di ba?-sent
*Fr.Bespren Lara: Or dun natin malalaman kung maglelevel up ba yung samahan niyo?? 😂✌️😘-received
*Me: Ewan ko sayo bespren. Pabibo ka na naman dyan! 👊 Basta, bahala na. Mas maigi na yung walang ineexpect na kahit na ano sa kahit na sino. Para hindi hopia sa dulo.-sent
*Fr.Bespren Lara: Hoo!! Lalim ng hugot mo bespren ahh!! 😂😜✌️-received
*Me: 👊👊👊-sent
(End of text convo...)
Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
General FictionKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...