❤3❤

42 7 3
                                    


Continuation...

Sa school kung saan 15mins.lang ang layo sa bahay namin, nilalakad nalang ni Papa pag inihahatid niya ako. At buhat-buhat niya ako mula bahay hanggang school. Private ang school na yun pero tatlong rooms lang ang meron dahil konting estudyante lang naman ang tinatanggap nila. Sa labas nito ay mataas na gate na kulay blue at pagpasok sa gate nakasulat sa labas ang pangalan ng school. Ang Little Learners Academy. Pagpasok namin ay bumungad si Manong guard para bumati kay Papa.

"Good morning Sir! Welcome to Little Learners Academy!" --masiglang bati ni Manong guard.

"Good morning Kuya! Saan dito yung room ni Teacher Marie?" --tanong ni Papa.

"Sir, kakaliwa po kayo. Tapos yung pangatlong room na may pinturang kulay pink, dun po ang room ni Teacher Marie." --turo ni Manong.

"Salamat Kuya, sige una na kami." --yun lang at iniwan na namin si Manong guard.

Habang papalapit kami ni Papa sa room, narinig namin ang malakas na tinig ng isang babae.

"Okay class, what color is this?"tanong ng babae.

"Color orange po Teacher!" --sagot ng isang batang lalaki.

"Very good, Daniel! How about th--- naputol ang sasabihin ng babae dahil kumatok na si Papa at napalingon ito sa may pinto.

"Good morning Ma'am! Sorry to disturb your class. Is this Teacher Marie's classroom?" --casual na tanong ni Papa.

"Yes Sir, please come in Sir. I'm Teacher Marie." --nakangiting sagot ng babae.

Pagpasok namin, lahat ng kapwa ko bata ay nakatingin sa amin ni Papa. Tingin na may pagtataka.

"Thank you Teacher. Ako nga po pala si Railey. Sorry kung medyo na-late kami. Ito nga pala yung anak ko na ini-enroll ko dito sa Little Learners, si Eunica Elise Santos Medina. Eunice po ang tawag namin sa kanya. --paliwanag ni Papa.

"Yes, Sir. Kayo po pala yung last na nagpunta dito para i-enroll ang anak niyo. Siya po pala yung cute at maganda niyong anak. Hi, Eunice! Ako si Teacher Marie." --nakangiting sabi ng babae.

"Hello po, Teacher! Ang pretty niyo naman po. --sagot ko habang nakangiti at kumakaway.

"Thank you, Eunice!" --sabi niya, sabay hawak sa pisngi ko.

"Naku Teacher, pagpasensyahan nyo na po. May kadaldalan 'tong anak ko. Hehehe pero bibo po yan, madaling matuto." --si Papa.

"Naku Sir, wala pong problema. Mas okay po yun para mas madali siyang makapag-approach ng classmates niya." --si Teacher.

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon