(Someone's POV)Kauuwi ko lang ng bahay galing sa pagta-try-out. Kaya pagdating ko, pahinga lang ako saglit at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis, nagpatugtog ako ng mga love songs na paborito ko. Oo love songs! Pero hindi ako bakla ha? Sadyang trip lang talaga ng tenga ko na nakakarinig ng mga love songs instead of rock.
Habang nakikinig at nasa tamang lakas lang ang sound, naisipan kong tawagan siya.
"Hello?" --sabi ko.
"Oh, hello? Kamusta?" --sabi ng nasa kabilang linya.
"Okay lang naman. Eto, kauuwi ko lang galing try-out. Ikaw ba? Kamusta? Ano balita?" --tanong ko.
"Okay lang din naman ako. Nandito ako ngayon sa gift shop." --sagot niya.
"Talaga? Anong ginagawa mo dyan?" --pa-inosente kong tanong.
"Sa tingin mo, anong ginagawa sa gift shop??" --iyamot niyang tanong.
"Nagbabalot ng gift?? Hahaha" --pang iyamot ko ring sagot.
"Ay ewan ko sayong damuho ka! Napakatino mo talagang kausap." --halatang naiyamot nga dahil sa sagot ng nasa kabilang linya.
"Hahaha sorry na. Eh kaya lang naman ako napatawag kasi may favor sana ako. At saktong nandyan ka na rin sa gift shop." --paliwanag ko.
"Eh ano ba yun?" --tanong niya.
"Pwede mo ba ako ipili ng panregalo? Wala kasi akong alam sa ganyan kung ano bang maganda o nababagay eh. May naisip ako, pero baka hindi niya magustuhan." --balik na tanong ko.
"Eh ano bang naiisip mong ibigay?" --tanong niya rin.
"Pair of earings sana na pearl white. At bracelet na silver tapos may design na heart shape. Meron kaya dyan?" --yun ang sinabi ko.
"Ayun, sakto. Nakita kong meron. Bibilhin ko ba?" --nakita niya agad ang sinabi ko.
"Teka, susunod ako dyan. Sa'n ba yan?" --tanong ko.
"Sa Amelia's Gift & Jewelry Store." --sagot niya.
"Ah, okay sige alam ko yan. Hintayin mo ko. 30 minutes nandyan na ako." --nagmamadali kong sagot.
"Sige, sige. Hihintayin kita dito. Bilisan mo ha?" --minamadali niya na rin ako.
"Oo mabilis lang ako. Magbibihis nalang. Sige bye." --yun lang at pinutol ko na ang usapan namin.
Ako naman ay sumunod na agad sa Amelia's. Nagmotor na ako para mabilis makarating.
Miss_Music_Lover 🎧
#1028 🌸
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
General FictionKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...