2 months later...(Adrian's POV)
Naglalakad ako ngayon sa kalsada, naghahanap ng matatambayang bahay ng tropa. Buryong kasi sa bahay, ako lang mag isa. Pumunta ako sa bahay nina Brylle pero wala daw at lumuwas. Kaya naglakad lakad nalang ako, hanggang sa nakasalubong ko si Ate Belinda tulak tulak ang wheelchair sakay si Eunice.
"Oh?? Eunice! Kamusta? Hi Ate Bel! Kamusta po?" --bati ko sa kanilang dalawa.
"Hello, Adrian!" --ganting bati ni Eunice.
"Hi, din sayo pogi!" --si Ate Bel naman ang bumati.
"Sa'n punta niyo Eunice? Buti naman at lumabas ka ngayong hapon." --masayang sabi ko.
"Ah, wala naman Adrian. Dito lang sa tabi-tabi. Inilabas lang ako ni Ate Belinda, naiinip kasi ako sa bahay eh." --sagot ni Eunice sa akin.
"Oo nga pogi. Nagkakasawaan na kasi kami sa mga mukha namin. Hehehe" --sabi ni Ate Bel.
"Hehehe si Ate Bel talaga oh, palabiro." --natutuwang sagot ko.
"Eunice, lipat kayo ni Adrian sa may ilalim ng puno oh, malamig dun." --sabi ni Ate Bel at akmang itutulak na si Eunice papunta sa ilalim ng puno sa bandang kaliwa.
"Ate Bel, ako na po ang magtutulak kay Eunice, okay lang po ba?" --tanong ko.
"Oh, sige pogi. Ikaw na." --pagpayag ni Ate.
"Naku, Adrian wag na. Si Ate nalang, nakakahiya naman sayo." --tanggi ni Eunice.
"Okay lang 'to Eunice, minsan lang naman eh. Tara na?" --yaya ko sa kaniya.
"Okay, sige. Sabi mo eh." --pumayag na rin si Eunice.
"Tsaka wala ka nang choice oh, iniwan na tayo ni Ate Bel, tingin ka sa likod mo." --sagot ko, at lumingon nga siya.
"Ha?? Si Ate talaga oh .. Naku pupunta na naman yun sa kabilang kalsada, dun sa lagi niyang kakwentuhan dun." --sabi niya.
"Oh, eto na tayo. Sakto ah may isang monoblock na upuan." --sa tuwa ko, napapalakpak ako.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Masaya?
General FictionKahit saan talaga ako pumunta, meron at merong taong manghuhusga. Nandun yung kung matitigan ako, akala mo eh ngayon lang nakakita ng taong nakaupo sa wheelchair at namamasyal sa mall. Meron pang bumubulong ng: "tingnan mo oh, nagtetext." Ano bang a...