❤5❤

28 6 0
                                    


Continuation...

Oh?? Anak! Bakit ka umiiyak?? Tsaka bakit ka nakalapag sa lupa?? Nasan ang mga tao dito?? --si Mama, na gulat na gulat sa nakita at sunud-sunod ang tanong sa akin.

"Anak, halika! Bubuhatin kita. Nasan ang mga kaklase mo at ang teacher mo?? Di ba dapat ngayon pa lang alas kwatro ang labas niyo?? Bakit wala nang tao?? Bakit ka nakalapag sa lupa?? --galit na galit si Papa kaya sunud-sunod din ang tanong niya.

"Kanina pa pong 2:30 kami labas .. Sabi po ni Teacher tatawagan niya daw po kayo." --naiiyak kong sabi.

"Anak, walang tumatawag sa amin. Sinong walang pusong nag iwan sayo dito at nakalapag pa sa lupa??" --si Mama, na naiiyak na sa galit.

"Si Teacher po. Sabi niya po kasi nagmamadali siya kaya iniwan niya na ako dito." --sagot ko, na naiiyak pa rin.

"Diyos ko naman anak, bakit ka naman niya iniwan lang dito?? At hindi manlang kami tinawagan ng Teacher na yan!" --si Papa, na galit pa rin ang tono.

"Baka nagmamadali na po siya, Papa." --sagot ko.

"Nasan si Lara, anak? Hindi ka ba niya sinamahan?" --si Mama ang nagtanong.

"Sinamahan po. Kaso saglit lang po kasi kinailangan nya po umuwi ng maaga, may emergency daw po sa kanila, nagtext po Mama niya." --paliwanag ko kay Mama.

"Pero bakit hindi manlang kami tinext ni Lara? Sana kahit siya, tinext alin man sa amin ng Papa mo." --nagtatakang sabi ni Mama.

"Hindi na po namin yun naisip Ma, kasi akala po talaga namin itinext kayo ni Teacher, tapos bigla nga pong kailangan niya agad umalis, natataranta na po." --paliwanag ko.

Naku, naku Papa! Kasalanan ito lahat ng Teacher na yun eh! Gustung-gusto ko siyang sugurin at saktan sa ginawa niya sa anak natin!" --galit na galit na naman si Mama.

Paano Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon