UNANG YUGTO : PAGKAKAMALI

20 1 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ M O N D A Y ]
It's my first day here in Surgery Ward but not my first day here in the hospital. Almost a year na din akong nagtatrabaho dito sa a staff nurse and before I was absorbed to work as an employee here, I had my voluntary training first. I started my voluntary training 6 months before the Chief of the Hospital offered me the job. Syempre, I immediately grabbed the opportunity, and the rest is history...
I'm Harry James Punzalan. 24 years old. A registered nurse and I'm very happy to be one.
I stand 5 feet and 5 inches. Medium built. And we can agree on one thing. I'm not a looker, which means I'm not attractive. Hindi ako ang taong tititigan mo ng matagal if you are looking on physical attributes. But if you'll ask me how I will rate myself on a scale of 1 to 10 - 1 being the least attractive and 10 being the most charming - siguro 7.75 score ko. (Pagbigyan nyo na ko sa 0.75... Hehe.) Kung baga, sakto lang.
I'm single. As in I've never been in a relationship eversince, dahil wala akong lakas ng loob na manligaw OR walang nanliligaw sakin :)... Hindi ako ang tipong kapag gusto ko ang isang tao ay susunggaban ko agad. I'm not that type. Pwede nyong sabihin na conservative ako or reserved lang... Pero 'yun ako eh. Naniniwala kasi ako na may takdang panahon para mangyari ang lahat, kasama na dun ang pag-ibig. Kaya siguro wala pa din akong nagiging karelasyon ngayon. Oo, naiinggit ako sa mga taong nakapaligid sakin na may ka-relasyon. How I wish na may tatawagin din akong 'Mahal ko,' 'Honey,' 'Babe,' at iba pa. Pero hanggang panaginip na lang 'yun. And to set the records straight, I'm very happy being single.
Binigyan ako ng tatlong pasyente ng team leader namin noon sa Surgery Ward na si Nurse Sheryl. Kasama namin ang co-staff namin na si Nurse Honey. Maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil nagkasama na kami dati sa ibang rotation at area ng hospital. Actually, lahat naman kaming mga nurses dito sa hospital ay magkakaibigan. Almost 50 nurses kami siguro dito sa hospital.
Ini-scan ko muna ang mga records ng mga pasyente ko for this day. At dahil nasa Surgery Ward kami, syempre lahat ng pasyente namin naoperahan. Ang pasyente ko ngayon ay isang babaeng tinanggalan ng appendix (post-appendectomy), isang lalaking tinahi ang malaking sugat sa tagiliran, at isang babaeng na-cesarian. Ang pangatlong pasyente ay pwede ng lumabas ayon na din sa doctor's order.
"Mukhang magiging madali sa akin ang araw na 'to ah." - sabi ko.
"Hindi rin.." may ngising sabi ni Honey.
"Bakit?" - tanong ko.
"'Yung post-appendectomy na pasyente, may toxic na relatives. 'Yung pangalawang pasyente mo naman na may sugat sa tagiliran, sabi ng ibang nurses antisocial daw..." - sabi ni Sheryl. Antisocial ang isang tao kapag hindi nakikipag-usap sa iba, mailap kung baga.
Sa mga nurses, kapag sinabing 'toxic' ang pasyente, ibig sabihin marami kang gagawin. Monitoring, pagbibigay ng sandamukal na gamot, maiging pagbabantay sa pasyente kasi baka pagtalikod mo naghihingalo na...
Kapag relatives naman ang 'toxic,' ibig sabihin "demanding." Kung makapag-demand at kung makapag-utos wagas. Hindi ka tinuturing as a nurse, kundi isang katulong... Hayysss.
Pero kapag sinabi ng mga co-nurses mo na napaka-'toxic' ng nurse na kasama nila, ibig sabihin naman nun naghahakot sya ng pasyente. Ayaw na ayaw nila itong makasama sa duty kasi paniguradong madaming pasyenteng darating kapag nandun sya. Meaning, madaming trabaho at super pagod...
"Ano?? Bakit naman mga pasyenteng 'to binigay nyo sakin??" - sabi ko.
"HAPPY FIRST DAY HIGH!!!" - sabay nilang tugon at tumatawang umalis sa nurse's station.
Paano na gagawin ko nito? Actually, marami nakong na-encounter na mga ganitong sitwasyon so kayang-kaya na 'to. Buti na lang nakapagrounds na ng maaga ang mga doktor kaya may mga orders na ang mga charts.
Inuna ko muna 'yung papalabas na pasyente na na-cesarian. Mabait naman ang pasyente at asawa nya. They are very accommodating. At ang cute-cute ng baby.. Nag Health Teachings ako at tinuruan ko sila kung paano ang tamang paglilinis ng sugat nya at ang pusod ng ng bata.
Next stop, ang pasyenteng tinanggalan ng appendix. FYI: Pwede naman tayong mabuhay ng walang appendix, pero inaalis 'yun kapag namaga or pumutok ng dahil sa impeksyon.
Kasama ng pasyente ang kanyang asawa at kanyang ina. Tama nga ang sinabi nina Honey at Sheryl. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay may masamang aura na ang sumalubong sakin.
"Good Morning po. Ako po si Nurse Harry. Ako po ang magiging nurse nyo ngayong araw."
"Good Morning." - tugon ng mag-asawa. "Good Morning." - malamig na tugon ng nanay. Medyo nakakawalan ng gana ang bati ng nanay, pero todo smile pa din ako. Kahit fake lang, dapat mag-smile pa din. Naniniwala kasi akong nakakahawa ang pagngiti.
Nag-smile ang pasyente at asawa nya. Napagtanto ko na mukhang ang nanay lang ang 'toxic.' Napatunayan ko ito ng bigla syang magsalita.
"Pakibilisan na lang ang gagawin mo para makapagpahinga na ng mabuti ang anak ko..." - mataray nyang sabi.
Bwiset na tao 'to ah. Kung makapag-utos naman.. "Oh sige po." - sabi ko.
"Oo na. Basta siguraduhin mo lang na alam mo ang gagawin mo. Baka mapano pa ang anak ko." Grabe talaga. Nako nanay buti na lang at magpasalamat ka na hindi ikaw ang nakahiga dito. Kung hindi, baka magdilang-anghel ka at baka hindi ko alam ang nararapat kong gawin sa'yo.
Kahit sobrang badtrip ko, ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin. Buti na lang at walang masyadong gagawin sa pasyente sa kwartong ito. Madalang lang akong papasok dito.
Nagpasalamat naman ang pasyente at nagpasensya ang asawa nya. Mabuti sila hindi masama ang ugali. Badtrip pa din ako ng lumabas ng kwarto at pumunta sa nurse's station.
"Anyare?" - tanong ni Honey. Mukhang napansin nya ang pagka-badtrip ko.
"Parang alam ko na." - sabat ni Sheryl na kakarating lang.
"May mga tao talagang patapon sa impyerno! Nakooo... Kung hindi talaga ako nakapagtimpi kanina, masasagot ko na 'yung nanay ng pasyente. Grabe kung makapag-utos at makapagsalita..." - galit kong sabi.
"Relax!! Hindi ka na nasanay. May mga tao talagang ganyan, natural na masama ang ugali." - sabi ni Sheryl.
"Ahhh, basta. Buti na lang at hindi sya ang pasyente." - inis kong sabi. "Kung hindi baka ano pa ang nagawa ko sa kanya..."
"Chill.. Baka makasuhan ka pa nyan... Hahaha..." - sabi ni Honey. "Nakakatuwa kang magalit. Nanlilisik mga mata mo."
"Adik! At natuwa ka pa talaga ha... Maiwan ko na nga kayo at may susunod pa kong pasyente."
Pumunta nako sa pinakahuli kong pasyente. Sa pinto pa lang, nabasa ko na ang pangalan nya. 'Drew DeAndre.' Foreigner?? Siguro. Kumatok ako sa pinto, after 5 seconds binuksan ko at pumasok nako sa kwarto.
"Good Morning Sir." - walang karea-reaksyon at malamig kong bati. Inis pa din ako sa nangyari kanina. Hindi sumagot ang pasyente. Napansin kong nakatingin sya sa bintana sa opposite ng kwarto kaya nakabaling ang mukha nya sakin.
Naalala ko na heto 'yung sinasabi nilang 'antisocial' na pasyente. Kumbaga hindi mo makausap. Aloof o mailap sa ibang tao. Ayos lang sakin kasi ganun din naman ako. I don't talk to strangers. Pero sa propesyong mayroon ako, wala akong choice. Atsaka isa pa wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon.
Ipinakilala ko ang sarili ko at ipinaalam ko sa kanya na ako ang nurse-in-charge sa kanya. Hindi pa rin sya nagsalita.Sabi sa record nya, naopera daw sya sa kanyang kaliwang tagiliran kahapon ng hapon. Ibig sabihin medyo sariwa pa ang sugat.
Lumapit ako sa kanya. Napansin ko na foreigner nga sya. Amerikano ba o Briton? Maputi, malaki ang bulas ng katawan, tsaka kung nakatayo sya siguro he'll stand 5'11". Ano ba naman 'yan, hindi na nga kumikibo, nosebleed pa aabutin ko nito.
"Hi Sir. Can I check your wound?" - tanong ko sa kanya.
"Yes." - malamig nyang tugon. Matagal bago sya nakasagot. Mababa ang tono ng boses nya. Naisip ko na maganda siguro ang singing voice nito.
Naka-hospital gown pa sya kaya tinanggal ko na ang mga butones na nagkokonekta sa magkabilang side ng suot nya. Nagulat ako sa nakita ko. Ngayon lang ako nakakita ng katawang ganito. Sobrang defined ng kanyang six-pack abs. Ano kayang trabaho nito? Alagang-alaga ang katawan ah. Baka nagwo-workout sa gym. Gusto ko sana syang tanungin pero naisip ko hindi naman sya sasagot so 'wag na lang.
Nakita ko ang sugat sa kanyang kaliwang tagiliran. Madugo ang nakabalot at nakadikit na gasa. Kailangan ng palitan.
"Sir, the gauze of your wound is soaked with blood. We should replace it with a new one." - sabi ko.
"Do what you want." - tugon nya. Sungit. Nako, 'wag mo kong subukan at baka kung ano pang magawa ko sa'yo. Lalong lalo nang kanina pa ko wala sa mood.
"Ok Sir. I'll just get the things that I need in the nurse's station. I'll be back in a while." Hindi ko na sya hinitay pang makasagot at dumiretso na ko sa nurse's station para kunin ang mga kailangan ko at nung nakabalik na ko ay nakatingin pa rin sya sa may bintana. Mukhang malalim ang iniisip.
"Sir it may hurt because your wound is still fresh." Sinimulan ko ng tanggalin ang basang gasa. Dinahan-dahan ko para hindi sya masyadong masaktan. Nakadikit ang gasa sa sugat kaya nung tinaggal ko sa pagkakadikit ay napansin kong napasimangot at napangiwi ng konti ang kanyang mukha. Hindi pa din sya nagsalita.
"Sorry Sir, it's just that the gauze is sticking to the wound." - sabi ko. As usual, hindi pa din sya kumibo. Sinimulan ko ng lagyan ng betadine ang sugat. "Just tell me Sir if your wound still hurt and I will give the pain reliever that you will be taking."
Nang nailagay ko na ang bagong gasa na tatakip sa sugat, bigla kong natanong "Where did you get your wound?" Actually, nagulat ako sa tanong ko. Unconsciously, lumabas na lang sa bibig ko ang tanong na 'yun. Siguro gusto ko lang talagang malaman kung saan nanggaling ang sugat nya.
Pero mas lalo akong nagulat sa mga sumunod na pangyayari..
"Can you just finish your work there and just leave!!!" - sigaw nya sakin. Napakalaki ng impact ng boses nya sakin dahil magkalapit lang kami sa isa't isa. Ng puntong 'yon nakatingin na sya sakin. "Go! I don't need you here! BITCH!" Nagulat, natakot, naguluhan, at nabigla ako sa mga sinabi nya. Wala naman akong maling sinabi nya na ikagagalit nya. Bakit kailangan nyang mag-react ng ganun at bakit pa nya kailangang sabihin yun?
Dahil sa takot ko, maluha-luha akong humingi ng tawad. "I-i-I'm sooorrryy..." Nagmadali kong kinuha ang mga gamit ko para umalis dahil anumang oras ay papatak na ang mga luha ko. Ayokong mangyari 'yun sa harap nya.
Paalis na ko ng bigla syang magsalita. "Harry???..." - tawag nya. "Wait. I'm sorry.. I didn't mean to..."
Hindi ko na narinig ang mga sumunod nyang sinabi dahil nasara ko na ang pinto at nagmadaling pumunta sa station. Tinungo ko ang restroom at doon ko binuhos ang galit at luha ko.
"Harry?? Anong nangyari?? Umiiyak ka ba??" - tanong ni Sheryl sa labas ng restroom.
"Wala. Wala ito." - tugon ko.
"Anong wala eh hanggang dito eh dinig ang pag-iyak mo. Lumabas ka nga dito at sabihin mo kung anong nangyari." - sabi nya.
Lumabas na din ako dahil hindi ko naman na maitatago. Dumating na din si Honey pagkalabas ko.
"Anyare?" - tanong ni Honey. "Umiiyak ka ba?"
Umupo na lang muna ako kasi gusto ko na ding ikwento sa kanila kaysa naman kimkimin ko pa. They are friends after all. Naiyak uli ako ng ikwento ko sa kanila ang mga masasakit na nangyari kanina. Sobrang magsalita ang taong 'yun. I've never been humiliated like this all my life. Kung makapanghusga naman sya parang matagal na nya kong kakilala. Isa pa, wala naman akong ginawang masama sa kanya. Tumutulong na nga ako tapos ganun pa nangyari.
Mga tanong na nay halong galit ang sumalubong sakin pagkatapos kong magkwento.
"Bakit naman sya ganun?? Ang sama naman nya..." - sabi ni Honey.
"Oo nga. Ikaw na nga tumutulong tapos ginanyan ka pa..." - sabi ni Sheryl.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam ang isasagot dahil naguguluhan din ako. Ganun din ang mga tanong sa aking isipan ng mga oras na 'yon. Alam kong malungkot sya dahil nakita ko 'yun sa mga mata nya. Kung tutuusin nga naging mabait pa ako sa kanya dahil kinausap ko sya. Pero wala syang karapatan na sigawan ako at sabihan ng masama.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa syang pakitunguhan ng mabuti. Honey, pwede bang ikaw na muna ang mag- tend sa kanya." - tanong ko kay Honey.
"Sure. Walang problema. Magkakaproblema lang kung gagawin nya sakin ang ginawa nya sa'yo." - sabi ni Honey.
"Tama Honey. Ikaw na lang muna sa pasyente na 'yon." - pagsang-ayon ni Sheryl.
Nakahinga na ko ng maluwag dahil hindi ko na pakikitunguhan ang lalaking 'yon. That is my worst experience as a nurse.
Binasa na ni Honey ang chart niya at tinanong ako. "May gamot palang dapat ibigay sa kanya." Tumango ako at hinanda na nya ang gamot na kanyang ibibigay at tinungo ang room ni Mr. DeAndre.
"Salamat Honey ah at good luck na din."
"Basta ikaw." - tugon nya.
Tinuloy ko na ang iba kong gawain sa nurse's station. Charting, pagbibigay ng gamot sa iba kong mga pasyente, pag-aayos ng records. Sa tuwing madadaan ako sa kwarto ni Mr. DeAndre, nananariwa sa isip ko ang mga nangyari.
"Natagalan yata si Honey." - sabi ni Sheryl.
"Pansin ko nga din." - tugon ko. Bakit ang tagal nya. Magbibigay lang sya ng gamot ah. It's almost 30 minutes since she left. Kinabahan ako. Hindi kaya may nasamang nangyari sa kanya?
"Oy Harry." - biglang sabi ni Honey pagkabungad pa lang sa station. "Nagmamakaawa si Mr. DeAndre, baka kung pwedeng kausapin ka daw nya..."
"Ha?? Bakit daw??" - tanong ni Sheryl. "Pagkatapos ng ginawa nya..."
"Hindi ko din alam. Pagkapasok ko pa lang sa pinto tinanong na nya si Harry." - tugon nya kay Sheryl. "Sinabi ko 'yung nangyari sa'yo Harry." - sabi nya sakin. Kinwento pa talaga nya nangyari sakin? "Hindi ko naitago ang inis at galit ko sa kanya dahil sa ginawa nya sa'yo. Sabi ko ayaw mo na syang kausap at galit na galit na galit ka sa kanya. Pero nagmamakaawa sya sakin. Nakikiusap na kung pwedeng mag-apologize sa'yo sa ginawa nya. Alam nyo, naawa ako sa kanya. Kung makakabangon lang siguro sya, luluhod sya sa harapan ko para pakiusapan kita na kausapin mo sya. Alam kong sincere sya sa sinabi nya. Kaya sabi ko na susubukan kong kausapin ka."
"Dapat hindi ka na pumayag. Dapat hindi mo na sya pinagbigyan, nakita mo naman ang ginawa nya sa kaibigan natin." - mariing sabi ni Sheryl.
"Oo nga. Pero alam kong nagsisisi na sya. Hindi daw nya sinadya ang ginawa nya kay Harry." - sabi ni Honey.
"Hindi sinasadya?? Pero sobrang masakit ang sinabi nya sa kaibigan natin." - sabi ni Sheryl.
Habang patuloy silang nagtatalo, nagtatalo din ang isip ko kung ano ang dapat gawin. Bakit sya maga-apologize? Baka napag-isip isip nya na mali ang ginawa nya. Pero sobrang sakit ng sinabi nya na hindi ko pa sya kayang harapin.
"Nurse!!! May pasyenteng duguan!!" - sigaw ng isang lalaki sa hallway. Pasyenteng duguan? Nasa ward kami at wala kami sa Emergency Room. Bakit may duguan? Si Sheryl ang unang nakakita ng sinigaw ng lalaki. "Si Mr. DeAndre!" - sabi ni Sheryl.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at natigil na din ang ginagawa ni Honey. Nagmadali silang pumunta sa pasyente. Sumunod na din ako at nakita ko sa hallway na sabay tinutulungang makatayo ni Sheryl at Honey ang duguang si Mr. DeAndre. Nakaupo sya sahig malapit sa pinto ng kwarto nya. Bakit sya nandun? Hindi sya pwedeng tumayo dahil sariwa pa ang sugat nya.
"Harry, tulungan mo naman kami!!" - sabi ni Sheryl.
Natauhan ako. Natigilan kasi ako sa nakita ko. Agad ko silang pinuntahan para tumulong. Hindi nila kayang tulungan syang itayo sa sobrang laki ni Mr. DeAndre. Si Sheryl ang humawak sa kanang braso at ako naman ang umalalay sa kaliwang braso kung saan nandoon ang nagdurugong sugat.
"Kukuha ako ng wheelchair." - sabi ni Honey.
Nakita kong patuloy pa din ang pagpatak ng dugo sa kaliwang parte ng kanyang hospital gown. Nakangiwi ang mukha marahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Namumutla na din sya.
"Harry, a-I'm sorry..." - naghihina nyang sabi. "I.. I didn't meant what I said ear... earlier." Dumating na si Honey at agad naming tinulungang makaupo ang nanghihinang pasyente.
"Harry, I'm so sorry..." Paulit-ulit nyang sabi. Nagde-deliryo na ata 'to. Ako na ang nagtulak ng wheelchair pabalik sa kanyang kama. Napansin naming nagkalat ang dugo sa sahig, pati na rin sa kama. Nababaliw na ata 'tong tao na 'to. Patuloy pa rin ang mahihinang apologies nya sakin hanggang maihiga namin sya sa kama.
"Tawagin ko lang ang doktor nya. Ipapaalam ko ang nangyari." - sabi ni Sheryl.
"Puntahan ko lang din si manong janitor. Ipapalinis ko 'to. Para mapalitan na din ang bed sheet at damit nya." - sabi ni Honey.
Naiwan kaming dalawa sa kwarto. Patuloy pa din ang bigkas nya ng pangalan ko at paghingi nya ng patawad. Nakita kong dumudugo pa rin ang sugat nya at namumutla at nanghihina na din sya.
Kumuha ako ng towel sa may side drawer ng kama nya at nilapat sa may sugat nya. Diniinan ko para maampat ang labis na pagdurugo nito. Napasimangot sya sa ginawa ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko na pinipigilan pa din ang pagdurugo ng sugat. Nabahiran na din ng dugo nya ang mga kamay ko dahil madami ding dugo ang napunta sa kamay nya.
"Forgive me Harry for what I've done. I'm sorry." - ulit nya.
"Don't talk." - madiin kong sagot. "If you will keep on talking, it might worsen your condition."
"Believe me, I didn't mean to..."
"Are you insane?! Can you please keep your mouth shut for a while?!" - sabat ko.
Ng puntong iyon, dumating na si Sheryl kasama ang doktor. Umalis nako sa tabi ng kama para matingnan ng doktor ang kalagayan ni Mr. DeAndre.
"Sheryl, maghuhugas lang ako ng kamay. Ikaw na bahala dito." - paalam ko. Pumunta ako sa restroom ng kwarto at naghugas ng kamay. Papalabas nako ng kwarto ng magsalita na naman si Mr. DeAndre. "Harry, please..."
Pagkasara ko ng pinto, nandoon na sila Honey at ang janitor sa labas. Nililinis ang nagkalat na dugo. Dumiretso na ko sa station namin. Hindi ko alam na sumunod pala si Honey sakin. "Harry, tingnan mo ang nangyari. Sa kagustuhan nyang mag-apologize sa'yo, muntik na syang mamatay."
"Bakit?? Ginusto ko ba 'yun?? Baliw pala sya eh. Bakit nya gagawin 'yun? Bakit big deal sa kanya ang paghingi nya ng sorry sakin? Ni hindi nga kami magkakilala eh." - sabi ko.
"Naisip ko na din yan. Hindi naman sa kinakampihan ko sya pero kung hindi mo sya pagbibigyan, baka ano pang mangyaring masama ulit sa kanya.." - sabi ni Honey.
Tama si Honey. Baka ulitin nya ang ginawa nya at baka mas grabe pa ang mangyari sa kanya kung hindi ko ibibigay ang hinihingi nyang pagpapatawad. Nagpaalam si Honey na pupuntahan niya si Sheryl.
Blanko ang isip ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Bakit ba pinipilit ng tao na 'yun na mapatawad ko sya??
"Ayos na sya Harry. Bumuka lang ng konti 'yung sugat pero hindi naman grabe. Binigyan na lang namin sya ng gamot na pamapaampat ng pagdurugo pati na rin pampakalama. Hinahanap ka pa din nya." - sabi ni Sheryl. Medyo nakahinga na ko ng maluwag. Mabuti na lang at ayos na sya. "Tama si Honey, Harry... Patawarin mo na sya. Nakita mo naman di ba? Halos ikamatay na nya ang paghingi nya ng tawad sa'yo."
Tama. 'Yun ang tamang gawin. Naawa na din naman ako sa kanya. Pero naguguluhan pa din ako kung bakit 'big deal' sa kanya ang paghingi nya ng tawad sakin. Kung tutuusin hindi naman na kailangan eh kasi we don't know each other in the first place. We can both move on and let it go. Ang tanging relasyon lang naman namin ay nurse-patient relationship. Matatapos na 'yun once na makalabas sya ng ospital. Pero bakit nga? Baka naman nakita nya na sobrang nasaktan ako sa ginawa nya kaya ganun.
Napabuntong-hininga ako. "Sige." - tugon ko.
Medyo naging busy na ko ilang oras pagkatapos ng pangyayaring 'yun. Marami pa kasing ibang gagawin na naiwan dahil natuon kami kay Mr. DeAndre. Narinig ko sa pag-uusap nina Sheryl at Honey at magbibigay daw ulit ng gamot si Honey kay Mr. DeAndre..
"Pwede bang ako na gumawa nyan?" - tanong ko kay Honey.
"Ha? Ayos ka na ba?" Nagulat sya sa tanong ko. Tumango ako. "Sige.." - tugon nya.
Kinuha ko ang gamot at gamit panglinis ng sugat sa kanya at tinungo ang kwarto ni Mr. DeAndre. Kumatok ako sa pinto at nagsalita sya. "Come in." Mukhang ayos na nga sya. Ng makita nya na ako ang pumasok ay nangiti sya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko syang ngumiti. In all fairness, sobrang gwapo nya sa expression na 'yun. Pero mabilis na nanumbalik sakin ang ginawa nya kaninang umaga.
"I'll just have to give your pain reliever and check on your wound." - malamig kong sabi. Inuna ko ng ibigay ang gamot sa kanyang swero.
"Does this mean I'm already forgiven?" Nakangiti pa din sya. Presko naman neto. Masyadong assuming.
"I guess..." - sabi ko. "Maybe." Hindi sana ako sasagot pero hindi naman ako ganun kasamang tao. Pagkatapos kong ibigay ang gamot ay inihanda ko na ang panglinis ng sugat. "I'll just take a look at your wound." Hindi katulad kanina, siya na ang nagkusang magtanggal ng pagkabutones ng damit nya. Namamangha talaga ako sa ganda ng kanyang katawan.
"Maybe??" - ulit nya. "I presume 'Maybe' is a better answer than 'No.' I can't blame you after what I did to you and honestly, I'm very much sorry." - sabi nya. Sinimulan ko ng tanggalin ang lumang gasa ng sugat nya. "Ouch!". Medyo nabigla ata ang pagkakatanggal ko ng gasa at nasaktan sya. Napakadaldal kasi. Kung anong ikinatahimik nya kanina ang sya namang ikinadaldal nya ngayon.
Medyo natakot ako sa naging reaksyon nya at baka sigawan na naman nya ko. Pero mahinahong "I'm sorry" lang ang tugon nya. Nakakunot ang noo nya pero nakangiti pa din. Nasaktan nga sya.
"No. I'm sorry." - sabi ko. Nilagyan ko ng Betadine ang sugat nya ng muli na naman syang magsalita.
"How are you?" Tiningnan ko sya with questionable look.Nagtatanong ka kung kamusta ako. What a ridiculous question. Napailing ako. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa sugat nya dahil matatapos na din ako sa gawain ko. "It seems I will not be easily forgiven. It shows on your expression. But maybe some other time you will."
"Presko mo naman. Hindi ganun kadali 'yun. Hindi madaling magpatawad lalo na sa pinakamasamang taong nakilala mo." - mahina kong sagot habang nilalagay ang bagong gasa sa sugat nya. "Tumahimik ka na nga dyan baka madagdagan pa ang kasalanan mo." - dagdag ko pa. Kampante akong sabihin 'yun dahil hindi naman nya ko maiintindihan. Pero nagkamali ako ng akala.
"I'm sorry. It's just that I'm trying to make a conversation." Bumaling ulit ang ulo nya sa may bintana. Nagbalik din ulit ang facial expression nang una ko syang makita kaninang umaga. Naiintindihan ba nya ang sinabi ko?? Nakakaintindi ba sya ng Tagalog??
Ako na nag nagbalik ng pagkakabutones ng damit nya. Mukhang nawalan ulit sya ng energy dahil sa sinabi ko.
Nag-guilty ako sa ginawa ko. Gusto kong mag-sorry pero nahiya ako sa nasabi ko. Nahihiya ako sa sarili ko. Palabas na ko ng muli syang magsalita. "Patawarin mo ko Harry. Maniwala ka. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa'yo." - malungkot nyang tinuran.
Nabigla ako sa sinabi nya. Marunong nga syang mag-Tagalog. At nagsalita sya ng walang foreign accent. Para syang tunay na Pilipino.
Tiningnan ko ulit sya pero nakabaling pa din ang mukha nya kung saan nandoon ang bintana. Nakatingin sya sa mga magagandang ulap sa langit. Papalubog na din ang araw.
Naguluhan ako. Nabigla. Hindi ko alam ang sasabihin. Nahimasmasan lang ako ng biglang magsalita si Honey.
"Anyare? Ano na namang nangyari sa'yo? Bakit ka nakatulala dyan?"
Hindi ko alam na nakarating na ko ng nurse's station ng hindi ko namamalayan. Tulala akong lumisan ng kwarto ni Mr. DeAndre.
"Oy, tinatanong kita. Anyare??" - ulit na tanong ni Honey.
"May ginawa na naman ba sa'yo si Mr. DeAndre?? Sinigawan ka na naman ba nya??" - tanong ni Sheryl.
"Hindi. Wala. Hindi na nya ginawa 'yon. Sobra sobra nga ang paghingi nya sya sakin ng patawad eh." - mabilis kong tugon. "Sandali, alam nyo bang marunong syang mag-Tagalog?"
"Oo." - sabay nilang sabi. "Bakit hindi mo ba alam." - tanong ni Honey. Umiling ako. "Half-Pinoy sya kaya hindi nakakagulat na marunong syang mag-Tagalog. Bakit?"
"Wala. Wala..." - sagot ko. Ayokong ikwento sa kanila ang nangyari. Nahihiya ako. Ngayon, ako naman ang nagkamali.
"Napatawad mo na ba siya?" - tanong ni Sheryl.
"Oo." - pagsisinungaling ko.
"Buti naman." - sabi ni Honey.
Papatapos na ang shift namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung mga nangyari. Tinapos na lang namin ng mabilis ang mga gawain namin dahil paparating na din ang mga ka-relyebo naming mga nurses na papalit samin.
* 1 message received *
"Harry sabay na tayong umuwi. Hintayin kita dito sa lobby." Si Jen. Nurse din sya dito sa hospital at kasama ko sa dorm. Kababata ko sya, kaklase at kabarkada na din. Sya din tumulong sakin na makapasok dito sa hospital.
"Ok." - reply ko.
"Guys, una na ko." - sabi ko kila Sheryl at Honey.
"Sandali nagpaalam ka na ba kay Mr. DeAndre?" - tanong ni Honey.
"Hindi. 'Wag na. Nagmamadali ako. Hinihintay pa ako ni Jen sa baba."
"Ahh. Sige ingat." - sabi ni Honey.
"Bye." - paalam ni Sheryl.
Nagkita kami ni Jen sa may lobby at bumili kami ng dinner sa labas at dumiretso na kaming umuwi. Naglakad na lang kami pauwi kasi hindi naman masyadong malayo ang ospital sa dorm namin. Ng makarating na kami sa dorm, dumiretso na si Jen sa kusina para ihanda ang dinner namin
"Harry, may problema ka ba? Mukhang malalim ang iniisip mo. Kanina ka pa walang imik dyan." Hindi ko na maitatago sa kanya ang problema ko. Magkababata kami ni Jen. Magkaklase at magkaibigan mula elementary hanggang high school. In short, kakilalang-kakilala nya ko.
Nagsimula na kaming kumain at naikwento ko na lahat-lahat ng nangyari. Kahit 'yung mga pangyayaring hindi ko naikwento kay Sheryl at Honey. Good listener si Jen at good good adviser na din. "Mali ka Harry. Hindi mo dapat sya sinabihan ng ganun. Oo, nagkamali sya. Pero sa pagkakakwento mo eh halata naman na gusto nyang makipag-ayos eh." Honest din sya. Sinasabi nya kung nagkamali ka and I love her for that. Kahit masakit, basta totoo, sinasabi nya.
"I know. Nung una, nagalit ako pero nag-guilty din ako later." - tugon ko.
"Anong balak mo?" - tanong nya.
"Hindi ko alam.. Ano sa tingin mo?"
"Hindi mo na kailangan ng advice Harry. Alam mo na ang dapat mong gawin."
Pumunta na ko sa kwarto ko pagkakain. Niyaya ako ni Jen na manood ng movie pero tumanggi ako. Naiintindihan nya. Nahiga na ko sa kama at hindi pa rin matanggal sa isip ko si Mr. DeAndre. Tama si Jen. Alam ko na ang dapat kong gawin. Natatakot lang ako.
[ T U E S D A Y ]
Nagising ako sa katok ni Jen sa pinto. "Harry, una na ko. Mamayang gabi pa naman ang pasok mo di ba? May almusal na sa mesa."
"Sige. Salamat ah. Ingat na lang." - tugon ko.
Lumabas na rin ako at nag-almusal. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Hindi naman ako ganito. Dati itutulog ko lang ang problema tapos pagkagising ko wala na. Bakit kaya?
Natapos ang breakfast ng hindi ko man lang na-enjoy ang kinain ko. Pumasok ulit ako sa kwarto at kinuha ko ang binabasa kong novel. Mahilig akong magbasa ng mga istorya. Paborito ko ang mga suspense at horror stories. Minsan, love stories naman. Pero minsan lang kasi hindi ako nakakarelate at naiinggit ako sa mga characters.
Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko. Feeling ko hindi pumapasok ang thought sa utak ko. My mind is preoccupied by Mr. DeAndre. Ang mga nangyari kahapon at ang paghingi nya ng tawad. Alam kong sincere sya dun. Naisip ko na kailangan ko na talagang gawin ang dapat. I must apologize to him for what I've done. Para matahimik na din kaming dalawa.
Inisip ko kung paano ang magiging approach ko. Paano nga ba? Baka sya naman ang maging mailap sa akin ngayon. Ah, basta. Bahala na.
Pinatugtog ko na lang ang mp3 player at nahiga. Naisip kong magpahinga muna ng mabuti para hindi ako antukin mamayang night shift. Saka ko na lang iisipin ang gagawin kong paghingi ng tawad.
( DREW Part )
Nalaman ko na mamayang gabi pa ang duty ni Harry ayon na din sa nurse-in-charge sakin ngayon. Gusto ko ulit syang makausap. Alam ko na hindi pa nya ko napapatawad. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat sya sinabihan ng ganun.
"I've paid your bills." - masayang sabi ni Jason pagpasok sa pinto. Si Jason ay bestfriend ko. Architect din sya sa pinapasukan kong architectural firm. Siya din ang nagdala sakin sa ospital matapos mangyari ang insidenteng ito. Sabi ng doktor pwede nakong lumabas. Magpahinga muna lang daw sa bahay at hintaying mahilom ang sugat.
"Thanks brod. Madami nakong utang sayo." - sabi ko.
"Anong utang??? Ginamit ko pera ng firm. Bayaran mo na lang." - tugon nya. Siya din kasi ang finance officer ng firm. Pero nagbibiro lang sya. Alam ko naman na hindi nya gagawin 'yun.
"Gago. Utang na loob ang ibig kong sabihin. Salamat talaga." - sagot ko.
"Wala 'yun. Libre mo na lang ako dun sa Japanese restaurant kapag gumaling ka na. Hahaha. Pasensya nga pala hindi na kita nadalaw dito sa ospital. Ang dami kasing gawain sa office. Nagdouble-time kami kasi diba may binigay na deadline si Mr. Tan dun sa pinapagawa nyang building. Napakademanding pa naman nun." - sabi ni Jason.
"Sorry brod ah. Pasensya na talaga. Ako may kasalanan kung bakit kayo nahihirapan."
"Drama mu. Kaya namin 'yun. Itutuloy lang naman namin 'yung naumpisahan mo. Madali na yon.. Pahingi akong orange ah, hehe. Ui, maiba ako. Ang ganda nung nurse mo ah.. Sexy pa.. Yummy." - sabi nya habang binabalatan ang orange.
Ikinalungkot ko ang sinabi nya. Naalala ko na naman si Harry. Sana sya na lang ulit nurse ko para makipag-ayos pero hindi pala sya duty ngayong umaga. Napansin ni Jason ang pagbaba ng aking mood.
"Ui. Joke lang 'yun. Hindi ka pa ba nakakaget-over kay Kaye? Nakalimutan mo na bang sya ang dahilan kaya ka nandyan. Mag-isip ka nga. Hindi ka na nya mahal." - sabi ni Jason.
Alam ko. Natauhan nako. Hindi na nya ko mahal. Pero hindi naman 'yun ang iniisip ko.
"Kalimutan mo na sya. Makakahanap ka pa naman ng mas hihigit sa kanya. Alam mu brod, magsisisi yun at pinakawalan ka nya." - pagpapatuloy nya. Naubos na niya ang kinakain nya.
Hindi ako nakasagot. Sana nga. Sana nga at makalimot nako. Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan pa Niya ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay muli.
"Haaayyyy.. Pag-ibig nga naman. Ligpit ko na gamit mo para makaalis na tayo dito. Ayoko talaga ang nasa loob ng ospital. Pwera na lang kung maganda at sexy ang nurse na mag-aalaga sakin.. Hahaha.." - biro nya.
( HARRY Part )
4PM. Nagising ako sa alarm ko. Kailangan kong makapunta ng maaga sa ospital. Para makipag-ayos kay Mr. DeAndre. Desidido nako. Ako naman hihingi ng sorry.
Maaga pa naman. Naglinis muna ako sa kwarto. Nagluto ako ng chicken adobo para dinner namin ni Jen. Inilagay ko na lang ang sobrang naluto sa ref para madali nyang makita. Init na lang nya sa microwave mamaya.
5:15PM. Naligo nako. Pagkatapos nag-ayos para makapunta na ng ospital. Naglakad na lang ulit ako papunta dun dahil papalubog na naman ang araw nun. 7PM pa naman start ng night shift. 6PM na ng makarating ako sa nurse's station. "Hello guys." - bati ko.
"Oh aga mo ah, excited?? Haha," - sabi ni Paulo.
"Oo nga. Anong meron??," - sabi ni Sophia.
"Wala lang. May kailangan lang akong asikasuhin." Si Sophia (o Sophie) at Paulo ay naging kasama ko na din sa ibang area ng ospital. May crush nga ako sa dalawang 'to eh. Si Sophie ay maganda, sexy, mabait at kalog. Ganun ang mga qualities na gusto ko sa isang GF. Si Paulo naman gwapo, may hubog ang katawan dahil regular sa gym at may sense of humor. Yun naman ang gusto ko sa isang BF.. Hahaha.. Ang nakakalungkot mag-jowa sila. Pero happy na din kasi masaya sila sa isa't isa. They are truly, madly, deeply in love with each other.
"Maalala ko, hinahanap ka nung isang pasyente. Si Mr. DeAndre." - sabi ni Sophia.
"Oo nga, kinukulit nga tong si Sophie ko eh." - sabi ni Pau sabay kindat kay Sophia.
"Selos naman 'to. Si Harry nga hinahanap di ba?" - tugon ni Sophia. Hinahanap nya ko? Buti na lang at mukhang hindi sya galit sa akin. At least hindi ako mahihirapang kausapin sya. "Kaya lang na-discharged na sya. Kanina pang after lunch sya nakauwi. Naaawa nga ako sa taong yun eh. Makikita mo sa mukha nya na napakalaki ng problema nya." - pagpapatuloy ni Sophia.
Ha??? Bakit ganon? Kung kelan ready nakong makipag-ayos tapos nangyari pa ito. Haayyss. Pano na?
"Ano nga palang aasikasuhin mo?" - tanong ni Paulo.
"Ahh.. Wala. Wala. Hindi naman importante yon." - pagsisinungaling ko.
"So pwede nakong mag-endorse sa'yo?" - tanong ulit ni Paulo.
"Ahhh, O sige." - tugon ko. Habang nag-eendorse sya, iniisip ko si Mr. DeAndre. I'm lost in thought. Hindi ko na sya makikita ulit. Hirap naman nito.
"Okay na?" - tanong ni Paulo pagkatapos nyang mag-endorse.
"Ahh, Oo. Reviewhin ko naman din yan mamaya. Salamat." - tugon ko.
Ng mga oras na yon, dumating na rin sila Sheryl at Honey. Nagkamustahan silang apat. Ang gulo sa nurses' station sa oras ng endorsement. Walang katapusang kwentuhan at kulitan. Kumuha na ko ng mga charts para maumpisahan ko na ang trabaho.
"Sheryl, kunin ko na tong mga 'to ah.. Reviewhin ko na records nila." - sabi ko.
"Anyare? Excited much??" - sabi ni Honey
"Para matapos na. Salamat ah." - tugon ko
Isang napakalungkot na duty ang nangyari ng gabing yon. Hindi ko talaga gusto ang night shift. Hindi naman sa hindi talaga gusto, pero mas gusto ko nang magtrabaho sa araw kaysa sa gabi. Isipin mo, nagtatrabaho ka tapos lahat ng tao na nakapaligid sayo tulog?? Haayyss. Kakaiinggit kaya. Nakapagpalala pa ng kalungkutan ko ang pag-iisip kay Mr. DeAndre. Siguro ganun talaga. Baka hanggang dun na lang talaga.
Buti na lang at maraming gawain ng duty na 'yun. Maraming pasyenteng for monitoring. Pero nakakaantok pa din. Kape lang ang katapat nyan. Nuon pa man, coffee is one of my comfort foods (or drinks). Adik na yata ako sa kape. Every hour yata ako kung magkape kapag pang-gabi ako. Adik talaga.
Lumipas ang magdamag. Pupunta sa pasyente, makikipagkwentuhan sa nurse's station, manonood ng movie sa portable DVD player pag may time (buti na lang nagdala si Honey) at marami pang iba. Naging busy ako that night at madaling araw.
Papatapos na ang shift namin. Nagsisidatingan na rin ang mga karelyebo naming mga nurses. Pagkatapos naming makapag-endorse sa mga bagong dating, nagpaalam nako sa kanila. Gusto ko ng mahiga at matulog.. Haay, sarap! Makakapagpahinga nadin.. Naisip kong magkape muna. May coffee vendo machine sa lobby. Dun na lang ako kukuha ng kape. Naghulog na ko ng barya sa vendo at hinintay matapos ang machine sa paggawa ng kape ko. Kinuha ko angkape at agad akong humigop ng konti. Ang sarap.
"Harry, kagabi ka pa hinihintay nang lalaki na 'yan. Kaibigan mo daw." - sabi ni manong guard. Malapit lang kasi ang coffee vendo machine sa may pinto ng lobby.
"Sino kuya?" - tanong ko.Tinuro nya 'yung lalaki sa may upuan ng lobby. Naka-jacket sya ng itim at naka-pantalon. Naka-cap din sya ng itim na nakababa ng konti sa may mukha nya. Lumapit ako para makita ang sinasabi ni manong. Ibinaba ko ng konti ang ulo ko para masilip ko kung sino ang tinutukoy nyang kaibigan ko daw. Si Mr. DeAndre!

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon