IKALABING-ANIM NA YUGTO : PAGSASAMA

7 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( Narrator Part )
Nasa likod ni Drew si Harry at ipinasusuot ang kanyang polo. Pagkatapos ay agad namang pumunta si Harry sa harapan ni Drew para i-butones naman ito. Si Harry din ang naglagay ng kanyang neck tie.
"Gumagaling na ata ang mahal ko sa paglalagay ng neck tie ah..." - sabi ni Drew.
"Oo naman, my love. Sa magtiyagang pagtuturo mo sa akin ay nakuha ko na ng tama. Isa pa, sa tatlong buwan kong pagtira dito sa condo mo, hindi ko pa ba ma-master ito? Hehe." - sabi ni Harry.
Tatlong buwan na ang nakalipas ng pumayag si Harry sa alok ni Drew na tumira sa condo unit nya kasama sya. At ngayon, si Rizza na ang nakatira sa dorm at kasama ni Jen.
Hanggang ngayon, pilit pa ding bumabawi si Harry kay Drew sa ginawa nyang pag-iwan sa kanya. Kung naging bukas lang ang kanyang isipan sa mga paliwanag ni Drew at kung hindi lang sya naging bulag sa kanyang maling paniniwala. Ngayon, maliwanag na sa kanya ang lahat. Hindi nya kayang mabuhay ng wala si Drew sa tabi nya.
Namuhay sila na parang mag-asawa, hindi nga lang legal couple. Pero 'yun na ang tingin nila sa relasyon nila at masaya sila sa set-up nila ngayon. Alam na din ng kanilang pamilya na na nagli-live-in na sila at hindi naman sila tutol sa kanilang naging desisyon.
Kagaya ng iba na nasa relasyon, natural na ang tampuhan at awayan. Pero nangako sila sa isa't isa na kailangan nilang magkaayos at magkabati bago sila matulog para paggising nila ay maayos na ang lahat. Madalas si Drew ang nagpapakumbaba kay Harry. At isang bagay lang ang makakapagpagaan ng kalooban ng bawat isa. Isang tasa ng kape.
"Happy Birthday mahal ko." - sabi ni Drew habang nag-aalmusal.
"My love, kaninang madaling araw mo pa ko binabati. Grabe, nag-alarm ka pa talaga kaninang alas-dose ng madaling araw para lang gisingin at batiin ako."
"Syempre naman. Gusto ko ako makauna sa'yo." - sabi ni Drew na nakangisi. "Ano mahal ko? Nagustuhan mo ba luto ko?"
"Oo naman." Iniabot ni Harry ang tira nyang kape kay Drew at agad naman itong uminom. "Ano ba sikreto mo? Share mo naman."
"Wala naman sikreto mahal ko. Basta nilalagyan ko lang naman ang mga niluluto ko ng siksik, liglig at umaapaw na pagmamahal ko sa'yo..."
"Ang korny mo talaga.. Alam mo tumataba na nga ako my love eh."
"I don't think so mahal ko. But if you feel that you are gaining weight, try pushing a little bit more on your exercises. Sumabay ka kasi sakin."
"Sinusubukan ko naman my love. Kaya lang hindi kita masabayan. Kung magwork-out ka kasi parang wala ng bukas. Naalala mo last week, muntik na kong himatayin nung sumabay ako sa'yo."
"Hahaha. Kung mangyari man 'yun mahal ko, hindi naman kita pababayaan eh. Mouth to mouth pa kita. Hahaha."
"Baliw! Loko-loko ka talaga! Bilisan na natin baka mahuli pa tayo!"
----------
Habang nasa kotse...
"Mahal ko, kumusta pala 'yung pinakita kong design sa'yo ng bahay natin? Sabihin mo, may gusto ka pa bang ipabago?" - tanong ni Drew habang pinapainom sya ni Harry ng kape mula sa takip ng insulated bottle at hindi inaasahang nasamid sya.
"Naku sorry my love.. Ayos ka lang ba?" - tanong ni Harry habang hinahagod nya ang likod ni Drew. "Eh kasi naman pwede naman kasing ubusin muna ang pag-inom ng kape, tapos dun magsalita..."
"Sorry mahal ko." - sabi ni Drew habang inuubo-ubo pa. "Excited lang naman ako eh."
"Ayos ka na my love?"
"Oo mahal ko. Salamat. Ano may ipapabago ka pa ba? O gusto mo ng panibagong design? Gagawa ba ulit ako?"
"Hindi na my love. Ang ganda nga ng ginawa mo. Sobra kong nagustuhan. Atsaka di ba sa simula pa lamang tinanong mo na ko kung anong gusto ko dun sa bahay, at sinunod mo naman lahat eh." - sabi ni Harry na nakangiti kay Drew. "May napansin lang ako my love. Di ba masyadong malaki ang bahay na dinesign mo para sa ating dalawa?"
"Para sa ating dalawa, oo... Pero hindi lang naman tayo titira dun di ba?" Nginitian ni Drew si Harry. "Pati mga anak natin..."
"Mga anak?!" Natawa si Harry. "Sandali, ilan ba ang gusto mo?"
"Hmmm... Kaya mo ba ang labing-dalawa?" - may ngising sabi ni Drew.
"Ha?! Isang dosena?! Nababaliw ka na ba?! Sige nga, kaya mo ba kaming buhayin na lahat?! Kaya mo bang mapagtapos hanggang college ang labing-dalawang 'yun?!"
"Oo naman mahal ko. Para one big happy family tayo. Hehe. Hindi ba kukumpletuhin pa natin ang 12 Olympian Gods?"
"Baliw ka na nga..." Nangiti lang si Harry sa sinabi ni Drew. Hindi pa rin sya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Ang sabay nilang tuparin ang mga pangarap nila. Kahit na ang pag-aampon nila na kukumpleto sa pagiging pamilya nila.
Pero may naisip si Harry na nakapagpababa ng kasiyahan na kanyang nadarama.
"Mahal ko, what's wrong?" Agad napansin ni Drew ang kalungkutan ni Harry. Hindi gaya ng dati, mas naging sensitibo pa sila sa nararamdaman ng isa't isa ngayon. Mabilis nilang nalalaman ang totoong nadarama ng bawat isa. Kumbaga, their hearts are having the same heartbeat. "Pwede naman nating bawasan mahal ko. Gawin nating labing-isa." - biro ni Drew.
"Hindi naman 'yun my love. Kasi naisip ko lang, kung saka-sakali... Paano natin sila palalakihin? Paano natin ipapaliwanag sa kanila ang relasyon natin bilang magulang nila. Sigurado magtatanong sila balang araw, kapag nagkaisip sila, kung bakit parehong lalaki ang mga magulang nila. Sigurado magtataka sila kasi hindi ito ang natural na set-up ng isang pamilya."
Hindi nakasagot si Drew. Naisip na din niya ito at matagal na ding gumugulo sa kanyang isipan.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang makarating sila ng ospital.
"Mahal ko, sa totoo lang hindi ko din alam. Di ba ganito din ang pinagdadaanan ng mga first-time parents? Pareho din ng mga tanong mo... Kung paano nila palalakihin ng mabuti ang mga anak nila..."
Nakapark pa din sila sa gilid ng ospital. "Alam ko na mahal ko, papalikihin natin sila kung paano tayo pinalaki ng mga magulang natin. May takot sa Diyos at puno ng pagmamahal. Siguro... Siguro kapag ginawa natin 'yun maiintindihan nila ang sitwasyon natin. Di ba 'yun naman mahalaga, mahalin natin sila so that in return, they'll love us back. We can love each other unconditionally."
Kuntento na si Harry sa sagot ni Drew. Tama siya. Wala namang hindi kayang gawin ang pag-ibig at pagmamahal. Sabi nga nila, 'Love conquers all.' Love is kind. Love understands.
Hinawakan ni Drew ang kamay ni Harry. "Don't worry. As long as we have each other, we can do everything. Walang iwanan di ba mahal ko? Nandito lang ako lagi..."
"I know my love. Kaya nga lahat ng problema kaya kong harapin kasi alam kong lagi kang nasa tabi ko. Salamat... I love you, my love..."
"Mahal din kita, mahal ko... 'Wag ka ng malungkot. Birthday mo pa naman ngayon... Wait I have something to cheer you up." Kinuha ni Drew ang insulated bottle at lunch box na dala nya. "Heto oh, baon mo."
"Salamat talaga, my love ah."
"Kahit ano mahal ko, basta masaya ka. Mamaya ah, sunduin pa kita. May date pa tayo..."
"Oh sige. Ingat ah..." Bababa na sana si Harry ng may naalala sya. "Sandali, 'yung halik ko?" Agad namang binigay ni Drew ang gusto ni Harry.
"Sarap mahal ko. Hehe."
----------
"Happy Birthday ulit Coffee Bean. Nagustuhan mo ba regalo ko?" - tanong ni Hunter habang nanananghalian silang dalawa ni Harry sa nurse's station.
"Oo naman Tea Bag. Salamat ah. Ang tagal ko ng gustong magkaroon ng 'Twilight' series na book. Salamat talaga."
"Basta ikaw Coffee Bean. Wala naman 'yun sa mga tulong na ginawa mo para sa akin. For being such a true friend, for better or for worse."
"Ikaw naman... Wala namang hinihinging kapalit ang alaga at pagmamahal ng isang kaibigan eh! Pero salamat pa din ah... Nagustuhan ko."
"Ako din gustong-gusto ko ang ulam mo. Ang sarap talagang magluto ni Drew. Todo asikaso ka sa kanya ah..." - sabi ni Hunter na punong-puno ng pagkain ang bibig. "Coffee Bean, kumusta naman pala kayo ng 'My love' mo?"
"Ayos naman kami Tea Bag. Eh kayo ni Rizza?" Nanliligaw si Hunter kay Rizza. Nagkakilala sila ng minsang dinalaw ni Rizza si Harry at Jen sa ospital at ipinakilala ni Harry si Hunter at Riza sa isa't isa.\ Kapag naaalala nga ni Harry ang tagpong iyon ay hindi nya maiwasang matawa. Halatang na-'Love at first sight' si Hunter kay Rizza. Agad kasing tinanong ni Hunter si Rizza kung may boyfriend na sya. Agad ding ipinaalam ni Hunter kay Harry na gusto nyang ligawan si Rizza, at sya ang naging tulay nilang dalawa. Pero sa isip ni Harry, alam din nyang may gusto din si Rizza kay Hunter.
"Ayos naman din kami Coffee Bean. Dalawang buwan na din simula ng ligawan ko sya. Hanggang ngayon, hindi pa nya ako sinasagot."
"Akala mo kasi lahat ng tao magkakagusto sa'yo. Akala mo lahat ng tao mahuhulog sa'yo..."
"Magkaibigan nga kayo Coffee Bean. Hindi kayo nai-inlove sakin."
Natawa si Harry. "Nakahanap ka din ng katapat mo."
"Pero may pag-asa ba ako?" - seryosong tanong ni Hunter. "Ano sa tingin mo?"
"Hmmm.. Oo naman. Magtyaga ka lang. Wala namang hindi nakukuha sa tyaga di ba?" - sagot ni Harry. "Pero kasi pag-uusapan pa naming magbabarkada 'yan at pagbobotohan. 'Yung nakwento ko sa'yo. Haharap ka pa sa 'Supreme Council'. Hehe. At isa na ko dun. Pero 'wag kang mag-alala, may isang boto ka na galing sakin. Tapos si Jen at Art pa. So bale tatlo na... So sampu na lang bubunuin mong mapataas ng kamay. Haha.."
"Ganun? Buti na lang pala nandyan kayo..."
"Pero ikaw! Kapag niloko mo si Rizza... Marami kaming makakalaban mo! At ako ang una mong makakaaway! Alam mo kung paano ako magalit Hunter! Wala ka ng tatawaging Coffee Bean..."
"Coffee Bean naman... Di ba nangako na ko sa'yo? Hindi ko na ulit gagawin 'yung mga ginagawa kong panloloko dati. Nagbago na ko. Takot ko lang sa'yo..."
"Mabuti naman. Alam mo naman kasi Hunter na mali ang ginawa mo. Kung hindi ka pa pagsabihan, hindi ka magtitino..."
"Oo nga Cofee Bean. Sorry talaga. Pero alam mo, parang sa'yo lang ako nakinig. Siguro ayaw ko lang talagang magalit ka sakin..." - may ngising sabi ni Hunter.
"Drama mo! Ikaw ah, dinadaan mo ko sa kwento. Naubos mo na 'tong ulam ko."
"Sorry, Coffee Bean. Ang sarap kasi eh..."
( HARRY Part )
7PM. Nasa hospital lobby na kaming dalawa ni Hunter kasama sila Jen, Art, at Rizza ng tumawag si Drew sa phone.
"Mahal ko, sorry I can't go there to fetch you. Something came up." - sabi ni Drew over the phone.
"Ha?" - sagot ko. "No. It's okay. I understand, my love."
"Sorry talaga mahal ko. Dumiretso na lang kayo sa restaurant nila Jen ah. Sunod na lang ako dun."
"Don't worry my love. Naiintindihan ko. Ingat ka ah. I love you."
"I love you more mahal ko. Ingat din kayo. Bye." At mabilis syang nawala sa linya.
"Guys, hindi daw tayo masusundo ni Drew. May problema daw." - sabi ko sa kanila.
"Ayos lang. Mag-commute na lang tayo." - sabi ni Art.
"Oh friend, bakit ka malungkot? Hindi ka lang masusundo ni Drew eh bigla ka ng sumimangot dyan." - biro ni Rizza.
"Hmmm, hindi naman. Unang beses lang kasing nangyari ito... Na hindi nya ko masusundo..."
"Baka emergency lang talaga. Di ba sabi mo may problema." - sabi ni Jen.
Naiintindihan ko naman talaga. Pero nag-aalala ako. Imposible namang bukas pa din ang firm hanggang ngayon eh alas-syete na. Baka may tinatapos syang design na malapit na sa deadline.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanumbalik sa aking isipan ang kaarawan ni Drew halos pitong buwan na ang nakalipas. "That is my worst birthday ever." - sabi pa nga nya nung napag-usapan namin 'yun minsan. Hindi kayang gumanti ni Drew sakin dahil sa ginawa ko nun. Bakit naman nya gagawin 'yun? Atsaka ano ba 'tong iniisip ko.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko pa din maiwasan ang mag-isip. Tinext ko sya bago kami umalis ng ospital at tinanong ko kung ano ang problema pero hanggang ngayon wala pa din akong nakukuhang sagot.
Tuliro pa din ako hanggang makarating kami sa restaurant. Sinubukan kong tawagan si Drew para ipaalam na nandito na kami pero 'cannot be reached' ang phone nya. Mas lalo akong kinabahan. Hindi naman nya hinahayaang ma-empty charge ang phone nya - at imposible namang wala syang signal.
"Harry, kukunin lang namin 'yung pinagawa naming regalo dyan sa may malapit na gift shop." - paalam ni Art.
"Ok. Sasama ako." - tugon ko.
"Hindi pwede. Hindi ka na masosorpresa kapag nakita mo." - sabi ni Jen.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa gift shop. "Sandali, lahat kayo pupunta dun? Iiwanan nyo ko?" Bumalik si Rizza.
"Friend hindi ka nga pwedeng sumama. Kami ni Hunter kukunin naman namin 'yung pinagawa naming cake. Isa pa kailangang may pumunta na sa restaurant para i-confirm ang reservation ni Drew. Baka ma-cancel pa 'yun. Sayang naman."
"Hindi nga sya nagrereply eh... Nag-aalala na ko."
"Don't worry, Coffee Bean." Pinuntahan din kami ni Hunter. "Baka busy lang sya sa ginagawa nya." - paliwanag nya. Pero hindi nakatulong ang mga sinabi nya para maibsan ang pag-aalala ko.
"Oh pano? Maiwan ka na namin. Sandali lang kami. Promise. Mauna ka na dun." - sabi ni Rizza.
"Mahal na mahal ka ng 'My Love' mo Coffee Bean. 'Wag kang mag-alala. Maniwala ka sakin..." - sabi ni Hunter na may kasamang ngiti. At nagpaalam na sila ulit.
I tried to call Drew again and got the same response from the operator. 'The subscriber cannot be reached.' Nasaan ka na ba Drew. I badly need you now.
Wala na kong choice kung hindi pumunta na mag-isa sa restaurant. Nakaramdam na ko ng parang may kakaiba habang naglalakad ako sa malawak na parking space papunta sa restaurant. Iilan lang ang mga sasakyan na naka-park. Sinubukan kong hanapin si Ares, o kaya si Hermes, pero wala ni isa sa kanila ang nandoon. Hindi gaya ng dati ang nakikita ko ngayon sa parking lot. Madalas kasi, magulo at maingay ang laging eksena dito dahil sa sobrang dami ng naka-park at gusto pang makapag-park.
Bukod pa dun, kita ko sa malayo na ibang-iba ang restaurant ngayon. Madilim at parang walang tao sa loob. Hindi gaya ng dati na mailaw, maliwanag, makulay at masaya. Siguro dahil Halloween ngayon. Sa labas, kitang-kita mo ang mga puting hibla na parang sapot ng gagamba na nakapaligid sa glass wall ng restaurant. May mga iilang Jack-O'-Lanterns na nakasabit sa bubong na nagsisilbing tanging ilaw sa paligid ng restaurant.
October 31. Halloween. My Birthday.
Pero hindi ako natatakot sa atmosphere na dala ng Halloween kung hindi sa kawalan pa din ng sagot mula kay Drew.
Ang security guard lang na nasa main entrance door ang tanging nakikita kong tao.
"Kuya, bukas ba kayo? Bakit ang dilim sa loob?" - tanong ko sa security guard ng makalapit na ko sa kanya. Nasa tabi nya ang isang life-sized witch mannequin na diretso ang tingin sa sinumang lalapit sa entrance.
Ng akmang sasagot na sya ay biglang tumunog ang kanyang two-way wireless radio (o walkie talkie). Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ng kausap nya sa kabilang linya. "Ah, sige po." - ang tanging tugon lang nya sa kausap nya.
"Kayo po ba si Mr. Harry DeAndre?" - tanong nya.
DeAndre?? "Kuya, ako po si Harry pero hindi po DeAndre ang apelyido ko. 'Yung kaibigan ko po ang may apelyido nun. Baka nagkamali lang po kayo." - paliwanag ko.
Pero parang hindi nya ko narinig at binuksan nya ang main entrance door. "Pasok na po kayo." - sabi nya sabay ngiti sakin.
"Kuya, bakit walang ilaw?"
Hindi na naman sya sumagot at nanatili sya sa lugar nya habang hawak pa din ang pintuan para sa akin. Nakangiti pa din sya. Ayokong pumasok sa loob dahil kanina pa ko nakakaramdam ng kakaiba pero parang gumalaw mag-isa ang mga paa ko at pumasok ako sa loob. May naaaninag pa din naman akong liwanag kahit papaano dahil sa mga poste ng ilaw pati na din ang mga Jack-O'-Lanterns sa labas pero hindi iyon nakatulong para makita ko ang kabuuan na nasa loob.
Mas lalo akong naguluhan sa kakaibang amoy na unang beses kong naamoy dito. Mabango. Matapang. Nakakabuhay ng pagkatao. Ang amoy na gustong-gusto kong laging naamoy araw-araw. Ang amoy ng kape. At isang tao lang ang pumasok sa isip ko - o hindi lumalabas sa isip ko kanina pa.
"Drew naman eh..." - sabi ko sa dilim. "Alam ko ikaw may gawa nito. Lumabas ka na please" Hindi maikakaila at maitatago ang garalgal sa aking pagsasalita. Kanina ko pa gustong maluha simula pa nung hindi ko sya ma-contact. "Alam mo bang pinag-aalala mo ko? Naiinis na ko, alam mo ba?.. Kapag hindi ka pa lumabas aalis na ko."
"Di ba sabi mo hindi mo nako iiwan? Hindi ka na aalis ulit?" Nag-echo ang boses ni Drew sa loob ng restaurant. Halatang naka-microphone sya pero hindi masyadong pinalakas nito ang boses nya. Tama lang para mapanatili ang natural na makisig nyang boses.
"Oo nga. Hindi ko na gagawin 'yun . Kaya please my love, magpakita ka na."
"As you wish mahal ko." Pagkasabi nya nun ay nagliwanag ang stage kung saan sya nandoon. Ang gwapo nya sa suot nya. Naka-purple syang polo, black chinos, at black leather shoes. Sinadya nyang ilabas ang kwintas na binigay ko sa kanya na may infinity pendant.
Ano ba naman ito. Birthday ko lang naman. Hindi naman namin monthsary. Ano na naman itong ginagawa nya. Pupuntahan ko sana sya ng may biglang tumugtog. Nung una, piano lang ang tumutugtog. Tapos, sinabayan ng gitara. Huli kong narinig ang tunog ng violin. Ang ganda ng collaboration ng tatlong instrument. Napaka-romantic. Nagsimula ng kumanta si Drew.
@@@@@@@@@@
NOW PLAYING: Minsan Lang Kita Iibigin
Mahal pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko.
Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na di maglalaho
Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.
@@@@@@@@@@
I am somehow stunned by his serenade. I know this is not the first time he sings for me but I'm always taken aback when he always do it. Lalo lang akong napapamahal sa kanya.
And because I was swayed while he's singing with the harmonious collaboration of the instruments, I'm surprised when I'm already on the stage with Drew. I feel like I'm in seventh heaven this time. This is the love I longed to have. And this is the man who woke my heart in an infinite sleep of solitude.
"Mahal ko, di ba sabi mo hindi mo na ako iiwan?" - tanong ni Drew pagkatapos nyang kumanta habang patuloy pa din ang magandang musika. Pinilit kong hanapin kung saan sila tumutugtog pero nabigo ako dahil madilim pa din sa loob at tanging ilaw lang sa stage ang lumiliwanag. Nag e-echo kasi ang musika sa buong restaurant.
Tumango ako sa tanong nya. "Hindi na kailan man... Pangako..."
"That being said..." Ibinaba nya ang mic na hawak nya. Kinuha nya ang isang mallit na pulang kahon sa bulsa ng kanyang black chinos, lumuhod sya sa harapan ko, binuksan nya ang kahon at inilahad sa aking harapan. "Mr. Harry James Punzalan, will you marry me?"
Kahit na alam ko na na mangyayari ito ay hindi pa din ako handa. "Drew, sigurado ka ba?" I know it's a silly and stupid question pero tinanong ko pa din.
"You know me Harry. I've never been into decisions which I am not certain. And I've never been so sure like this. Now, marry me."
"Drew, you know I'm not pefect."
"So am I... We both know nobody's perfect. But together, we can fill each other's imperfection. Please, marry me."
"Alam mo naman di ba... Moody ako. Madali akong magalit. Matampuhin. Agad akong..."
Pinutol nya ang pagsasalita ko. "Alam ko at sanay na sanay na ko." Ngumiti sya. "But I also loved and accepted your flaws the same as you loved and accepted my imperfections. Pakasalan mo ko."
"Drew, I can't promise that I can be a good partner to you."
"I can manage Harry, as long as you're always beside me. At 'yun ang mahalaga kaya pumayag ka ng pakasalan ako."
"Hmmm..." Nag-isip pa ko ng idadahilan baka sakaling magbago ang isip nya. "Drew, I can't live a day without a cup of coffee." - tangi ko na lang nasambit.
Natawa sya. "That's not much of a problem Harry. Siguro naman naamoy mo ang kape that fills this whole restaurant. Huge amount of coffee beans was needed to occupy this enormous space." Ngumiti sya. "Later after this, kokolektahin ko lahat ng coffee beans at iuuwi ko tapos kahit anong oras na gustuhin mo, mabibigay ko ang kape na gusto mo." Bigla syang nagseryoso. "Mahal ko, kahit anong sabihin mong dahilan, hindi na magbabago ang isip ko. Ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay. At alam kong pareho tayo ng nararamdaman. I love you with all my heart and soul. I can't imagine living my life without you. Kaya please mahal ko, nakikiusap ako, pakasalan mo na ko."
"Alam mo ba Drew, dati kuntento na ko sa buhay ko. Akala ko noon masaya na ko sa pagiging single - sa aking pag-iisa..." Diretso lang ang tingin ko. Nakatingin ako sa dilim. "Nagkamali ako. Dumating ka sa buhay ko at ipinakita mo sa akin na may taong pwedeng magmahal sa tulad ko. Inaamin ko, nag-alinlangan ako dati kung seryoso ka sa pagmamahal mo sa akin. Kasi baka gusto mo lang makabawi sa 'kin sa pagliligtas ko sa'yo apat na taon na ang nakararaan.." Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata. "At higit pa doon ang ipinadama mo sakin. Naranasan ko na mas sasaya pa pala ako higit pa sa aking inakala. Binigay mo sa akin ang pagkakataong magmahal at mahalin na dati'y pinapangarap ko lang." Tumulo ang mga luha ko.
"At heto ka ngayon sa harap ko at inaalok ang isang kasal na kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na mangyayari sa buhay ko. Drew, you made me feel and always making me feel loved and special." Tumayo sya at pinunasan ang mga luha ko ng kanyang mga palad. "I'd like to share to you my strong and sweet cup of coffee from this day forward. And like the cup of coffee we've been sharing every minute of our lives, can you allow our hearts to share the same sweetness and strongness of our love?"
"Of course, I do."
Nginitian ko sya. "Then, I do marry you Mr. Drew DeAndre."
Natigilan sya sa sinabi ko. Mahigit isang minuto siguro kaming nagtitigan lang. Napansin ko ding tumigil na ang pagtugtog ng magandang musika sa paligid. Biglang tumulo ang mga luha nya sa kanyang mapupungay na mga mata.
"Don't tell me you have a change of heart?" - biro ko.
"No! Of course not!" - mabilis nyang sabi. "Im just happy you accepted my proposal."
Ako naman ang nagpunas ng mga luha nya. "Sa tingin mo makakahindi pa ko sa lahat ng ginawa mong ito?" Natawa kaming dalawa. "Ano pang hinihintay mo? Baka kalawangin na 'yang singsing na 'yan sa kamay mo."
Agad nyang kinuha ang kaliwang kamay ko at sinuot ang kanina pa nyang hawak na engagement ring. Itinabi nya ito sa promise ring na nauna nyang ibinigay sa akin. "Sa susunod mahal ko, wedding ring naman." - sabi nya na may ngisi.
"Agad-agad? Nako my love baka punuin mo ng singsing ang mga daliri ko ah..." At natawa kami ulit. "Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita mahal ko... Happy Birthday... Handa ka na ba sa regalo ko?"
"Ha? Meron pa ba? Hindi pa ba ito ang regalo mo?"
Pagkatapos kong magsalita ay agad nya kong hinalikan. Ang sarap ng regalo nyang pagmamahal sa akin. Hindi ko na sya pinigilan at ipinaramadam ko din sa kanya ang aking pag-ibig para sa kanya. Para akong nasa langit.
Natigil lang kami ng may sumigaw na "Tito Harry!"
'Tito Harry?' Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun. Si Matt. Ang pamangkin ko. Tatanungin ko sana si Drew kung hindi ako nagkamali ng dinig pero nakangiti lang sya at biglang lumiwanag ang buong paligid.
Natulala ako sa dami ng taong nandoon. Inasahan ko na na maaaring kasabwat ni Drew sila Jen, Art, Rizza, at Hunter. Pero hindi lang sila ang nandoon. Nakita ko din ang buong barkada. At ang mas ikinagulat ko ay nandoon din sila Mama at ang buong pamilya. Agad ko silang pinuntahan at niyakap si Mama at Tita Jean.
"Binabati ka namin anak. Masaya kami para sa'yo." - sabi ni Mama.
"Drew, ikaw na bahala kay Harry ah." - sabi ni Tita Jean kay Drew na sumunod sakin at niyakap din sila.
"I hate you Harry!" - sabi ni Ate Alex. Umiiyak sya, marahil sa sobrang tuwa. "Naunahan mo pa ko." Agad ko syang nilapitan at niyakap ko sya.
"Na-miss ko kayo." - sabi ko.
"Ang ganda naman ng bunso namin." - biro ni Kuya Bart. Niyakap ko din sya. "Masaya akong nakikita kang masaya, Harry."
"Salamat Kuya."
"Tito Harry." - sabi ni Matt na nasa tabi ni Kuya Bart at Ate Vanessa. "Boyfriend mo na ba si Tito Drew?"
"Oo Matt. Boyfriend na ko ng Tito Harry mo..." - sabi ni Drew.
"Of course not!" - mariin kong pagtutol sa sinabi ni Drew. "Hindi ko na sya boyfriend... Fiancé ko na sya ngayon." - sabi ko kay Matt.
"Ahhh..." - pagsang-ayon ni Matt. Pero hindi ko alam kung naiintindihan nya ang salitang 'yun.
Binati din kami ng pamilya ni Tito Albert. Sabi pa nga nila, pinaghandaan daw nila talaga 'to dahil na rin sa request ni Drew. Nalaman ko na mahigit isang buwan na pinaghandaan ito ni Drew. Kaya mahaba din ang oras ng paghahanda nila Tito at iba pa.
Habang nag-uusap kaming magpapamilya ay inihanda na din ng mga staff ng restaurant ang mga mesa at upuan na pansamantala nilang inalis para sa space na ginamit ni Drew sa proposal.
"Mahal ko, may ipapakilala ako sa'yo."
"Sino?"
"Hi son!" - sabi ng isang lalaking may foreign accent. Tumalikod ako at nakita ko ang isang lalaking kasing-taas at kamukha ni Drew. May kaunting puti na ang buhok nya at konting wrinkles ang kanyang mukha pero ang kanyang angking kakisigan ay nakapagpabata sa kanya. Lumapit sya sakin at mahigpit nya akong niyakap. "Finally, we've met."
Kasama nya ang isang napakagandang babae at dalawang lalaki na parang kasing-edad lang nya. Agad lumapit ang babae sakin at niyakap nya din ako. " Kumusta na anak? Inaalagaan ka ba ni Drew?" - sabi nya habang yakap ako.
"Yes Mom. Nasa mabuti po akong kalagayan kasama si Drew." - sabi ko.
Kahit nakita ko na ang pamilya ni Drew sa picture ay nagulat pa din ako. Ibang-iba ang itsura nila sa personal.
"Buti na lang pumayag ka na magpakasal sa anak ko. Hindi mo alam kung gaano ang kagustuhan nyang makasal sa'yo." - sabi ni Mom. "Masaya ako para sa inyong dalawa ni Drew, anak."
"I feel the same way, son." - sabi ni Dad na halatang naiintindihan ang sinabi ni Mom. "I'm happy you accepted Drew's proposal. After what you've been through, I'm glad you gave Drew a second chance." - seryosong sabi ni Dad.
"Dad, I know you will apologize again for what had happened." - sabi ko. Sa tuwing mag-uusap kasi kami ni Dad through phone ay lagi syang nagpapasensya sakin dahil sa nangyaring paghihiwalay namin ni Drew. At paulit-ulit ko ding ipinapaliwanag na hindi si Drew ang may kasalanan. "Maayos na po kami Dad. 'Wag po kayong mag-alala." - sabi ko. Sa phone ay madalas ko din syang kausapin ng Tagalog.
"Hon, Harry's right. Let's move on..." - sabi ni Mom.
"Yes Dad. Don't worry. Kung sakaling saktan ni Drew si Harry, ako ng bahala sa kanya." - sabi ng panganay sa tatlong magkakapatid sabay suntok ng kanyang kanang kamao sa kanyang kaliwang palad.
Ibang-iba ang itsura nya kumpara sa ipinakita ni Drew dati sa akin. Mahaba ang kanyang unat at itim na buhok na abot lampas ng kanyang balikat. Sa sobrang haba ng kanyang buhok ay madalas nya itong hinahawi mula noo hanggang sa likod ng kanyang ulo dahil sa pagbagsak nito sa kanyang mukha. Napansin ko din ang sinadyang pinahabang tubo ng kanyang bigote at balbas sa kanyang mukha na ibang-iba sa nakasanayan ni Drew na halos araw-araw kung mag-ahit. "I'm Drixx, Harry. Pwede mo kong tawaging kuya kung gusto mo." Ngumiti sya at inilahad nya ang kanyang kanang kamay habang hinahawakan naman ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang buhok para mapigilang bumagsak ito sa kanyang mukha.
"Nice meeting you Kuya Drixx." Tinanggap ko ang pagbati nya.
"And I'm Drake, Kuya Harry." Ang bunso naman ang nakipagkamay sakin. Mataas sya ng kaunti sakin. "And I am the cutest of the DeAndre Family." Magkamukhang-magkamukha sila ni Drew. Medyo chubby nga lang si Drake. Naalala ko tuloy 'yung naikwento ni Drew sakin na mataba din daw sya dati. Baka ganito din itsura nya.
"I can agree to that Drake. And I love your eyes." Sa kanilang magkakapatid, si Drake lang ang nakamana ng asul na mata ng kanilang ama. Si Kuya Drixx at Drew kasi, brown eyes na galing naman kay Mom.
"Oh, sabi ko sa inyo eh! Ako ang pinakacute. Hahaha." - kantyaw nya sa kanyang dalawang kuya.
"Oo na! Ikaw na!" - sabi ni Drew habang ginugulo ang buhok ni Drake at nakangiti sakin. ("Pero ikaw ang pinakagwapo sa inyong magkakapatid, my love." - sabi ko sa isip ko.).
"Kuya! Stop that!" - tutol ni Drake. "Kuya Harry oh, tingnan mo si Kuya Drew, kinukulit na naman ako." Sumali na din si Kuya Drixx sa kulitan nila. Natatawa lang sila Mom at Dad. Ang cute nilang tingnan.
Ng maayos na ang lahat, nagsimula na kaming magdinner. As usual, ginawan ulit ako ni Drew ng kape. Kung tutuusin ay pwede naman nya itong iutos sa mga waiter na nadoon. But knowing I won't be happy with someone else's coffee, sya na ang nagtimpla.
Speaking of coffee, nakita ko na ang pinanggagalingan ng amoy ng kape. Makikita sa gilid ng pader ng buong restaurant ay mga malalaking garapon kung saan may mga coffee beans na pumupuno sa halos kalahati ng mga garapon. Sa ibabaw ng mga coffee beans ay may isang maliit na kandila sa bawat garapon na nagsisilbing pampalakas at pampakalat ng amoy ng kape sa buong restaurant. Galing ah. Paano kaya naisip ni Drew ito?
Meron ding booth dun kung saan pwedeng kumuha ng unlimited cups of coffee. Weird nga eh. Kami lang dalawa ni Drew ang adik sa kape tapos ayaw naman nya akong kumuha dun kasi gusto nya timpla lang nya ang iinumin ko.
Kanina pa palang umaga nagkabonding ang kanya-kanyang pamilya namin. Kasama sa van ni Tito Albert sila Mama. Tapos kaninang umaga din dumating sila Mom at Dad galing States. Pinatuloy sila ni Drew sa isang hotel kung saan ipinakilala ni Drew ang isa't isa at sinabi ang kanyang mga balak.
Simula pala kanina ay ang dami ng nangyari na wala akong kaalam-alam. Well, hindi na nga pala ito magiging surprise ito kung aware ako. Hehe.
Dahil kumpleto na ang buong pamilya, pormal ng ipinaalam ni Drew ang plano naming pagpapakasal sa States, particular kila Mama, Tita Jean, at Tito Albert. Uwi kami dun pagkatapos ng Pasko at tutuloy kila Mom at Dad pansamantala. Habang nagke-kwentuhan ang mga parents at guardians namin ni Drew, abala namang ka-kwentuhan nina Kuya Bart, Ate Vanessa at Ate Alex si Kuya Drixx. Si Drake naman ay kasama nina Timothy at Tiffany na nagbo-bonding sa labas ng restaurant kasama si Matt. Nagpaalam kami ni Drew para kumustahin naman ang iba pa naming bisita.
Pinuntahan ko ang barkada sa sarili nilang table habang si Drew naman ay pinuntahan sila Jason, Helga, at iba pang mga architects sa isa pang table. Bale nahahati sa tatlong grupo ang mga tao sa loob ng restaurant. Ang pamilya namin ni Drew, ang mga kabarkada ko, at ang mga kasama sa firm ni Drew.
"Nandito na pala ang future Mr. DeAndre eh." - biro ni Lance.
Pinuntahan nila akong lahat para batiin sa aking kaarawan at sa kasal. Nararamdaman ko ding kasalo ko din sila sa kaligayahang aking nadarama.
"Naunahan mo pa kaming dalawa ni Jen ah." - sabi ni Leilanie ng makaupo na kaming lahat.
"Eh pano ang bagal nina Tom at Art. Eh alam naman nating lahat na doon din ang punta nila." - sabi ni Adrienne.
"Hindi naman. Syempre ine-enjoy pa namin ang pagiging..." Natigilan si Tom.
"Ine-enjoy pa ang ano Tom??" - mariing tanong ni Lei.
"Oopppsss... Hindi ako kasama dyan ah..." - sabi ni Art. Napansin ko ding masama ang tingin ni Jen kay Art.
"Ang pagiging mag-nobyo natin, babe..." - mabilis na tugon ni Tom kay Lei. "Alam mo naman babe na ikaw lang para sa akin di ba?"
"Hmph! Lokohin mo ang sarili mo." - tugon ni Lei.
Habang patuloy na inaamo ni Tom si Lei ay tinutukso naman sila ng ibang kabarkada namin. Selosa kasi si Lei lalo na't alam nyang playboy ang boyfriend nya. Hanga nga ako sa kanya eh kasi she's always faithful kay Tom kahit alam nyang unfaithful naman si Tom sa kanya. Pero alam din naman naming lahat na mahal na mahal ni Tom si Lei.
"Reg, paano pala kayo nakarating dito?" - tanong ko kay Regine na nasa tabi ko.
"'Yung van nila Francis sinakyan namin tapos tinuro na lang ni Art ang directions papunta dito." - sagot nya.
"Alam mo Harry, ang bait talaga ni Drew kasi pinatuloy nya kami sa hotel kung saan nag-i-stay ang mga pamilya nyo." - sabi ni Isaac.
"Ahh.. Buti naman pala. Masyadong late na din kasi kung uuwi pa kayo." - tugon ko. "Sandali, buti na lang pumayag si Tito na gamitin ni Francis ang van nila. Di ba strikto si Tito dun lalo na si Francis ang magd-drive?" Tatanungin ko sana si Francis tungkol dun ng makita kong abala nilang kinakausap ni Alvin si Hunter sa kabilang dulo ng mesa. Pansin kong seryoso ang pinag-uusapan at parang medyo alangan si Hunter.
"Alvin! Francis! 'Wag nyong harass-in yan ah." - sabi ko. "Hunter, ayos ka lang ba?"
"Wala naman kaming ginagawa ah..." - sabi ni Alvin.
"Oo nga. Kinakausap lang namin 'tong si Tea Bag mo." - sagot ni Francis. "Balita kasi namin chickboy to eh." Tinapik-tapik ni Francis ang dibdib ni Hunter.
"Nagsalita ang stick to one..." - sarkastiko kong sagot. Kung tutuusin ay magkapareho lang ang physical traits ni Hunter at Francis. Pero mas dominante si Francis sa pagkakataong ito lalo na at kailangan ni Hunter ang boto ng kahit sino man sa amin.
"Ok lang ako Coffee Bean. 'Wag kang mag-alala." - sabi ni Hunter na nakangiti.
"Friend, sa tingin mo ayos lang si Hunter?" - bulong ni Rizza sa tabi ko.
"Sa tingin ko naman ayos lang sya. Parang hindi mo naman kilala si Francis at Alvin." - sagot ko. "Buti nga hindi na nakikisali si Tom eh." Pilit pa kasing inaamo ni Tom si Lei. Sa barkada namin, si Alvin, Francis, Tom at Art ang chief interrogators ng mga manliligaw ng mga babae sa barkada. Dahil kakilalang-kakilala na naman ni Art si Hunter ay hindi na sya nakisali.
"Oh guys, nandito na si Harry. Kumpleto na ang Supreme Council." - sabi ni Grace na bago na naman ang kulay ng buhok. Fiery red naman ang kulay ng buhok nya. "Ang nasasakdal ay si Hunter para sa kaibigan nating si Rizza."
"Oh, ayan pareng Hunter. Lilitisin ka na." - sabi ni Francis.
"Please raise your right hand if you want Hunter for Rizza." - pagpapatuloy ni Grace. Nung una, nagpakiramdaman muna kami kung sino ang unang magtataas ng kamay. Ramdam ko din na kinakabahan si Rizza pati na rin si Hunter na nakatingin sa akin.
Ironically, unang nagtaas si Francis at Alvin na agad namang sinundan ni Art at Jen. Sunod-sunod na din silang nagtaas ng kamay.
"Oh Harry, hindi ka ba magtataas para sa Tea Bag mo?" - tanong ni Ruth ng mapansin nyang ako na lang ang hindi bumoboto.
"Oo nga. Di ba mas matagal mo na syang kakilala kumpara sa amin?" - tanong ni Isaac. "'Wag mong sabihing mali kami ng desisyon..."
"Coffee Bean naman..." - nagmamakaawang sabi ni Hunter.
Natawa ako. "Nagulat lang akong umayon kayong lahat..." At nagtaas na din ako ng kamay.
"So it's a massive win for Hunter." - sabi ni Alvin. "Magpainom ka naman."
"You can request it to the waiter if you want." - sabi ni Drew sa likod ko at hindi ko alam kung kakarating lang nya o kanina pa sya nandun. "Congrats, brod." Inilahad nya ang kamay nya kay Hunter na nasa kabilang side ng mahabang mesa. "Siguradong kinabahan ka."
"Oo pare." - tugon ni Hunter sabay ng pagtanggap ng kamay at pagbati ni Drew. "Pakiramdam ko nga tumigil ang puso ko kanina. Ang tagal pang magtaas ng kamay ni Coffee Bean."
"Tea Bag, panalo ka pa din kahit hindi ako bumoto." - tugon ko.
"But they might change their minds if you did the otherwise, mahal ko." - sabi ni Drew.
"Tama si Drew, Coffee Bean. You can make or break their decisions..." - sabi ni Hunter. "Salamat ah."
"Pero, hindi ibig sabihin nun sinasagot ka na ni Rizza." - sabi ni Jen. "Nasa kanya pa din ang huling desisyon. Kumbaga, tumutulong lang kami para makapagdesisyon sya ng mabuti."
"Alam mo naman pareng Hunter di ba?" - tanong ni Art. "Para na kaming magkakapatid dito. Ginagawa namin ang ganito kasi ayaw naming magsisihan sa mga ginagawang desisyon ng isa't isa. At least, kapag ganito, tama o mali man ang aming desisyon, wala kaming karapatang sisihin ang isa't isa."
"Pero hindi pa naman nangyayari 'yun." - sabi ni Adrienne. "Dahil marami kaming nagdedesisyon at nagbobotohan, wala pa namang naging maling resulta ang sama-sama naming desisyon..."
"Because fourteen heads are better than one..." - sabi ni Isaac.
"Amen!" - tugon naman naming lahat.
"Congrats, friend." - sabi ko kay Rizza. "'Wag kang mag-alala. Ako ang unang-unang makakalaban ni Hunter kapag niloko ka nya."
"Coffee Bean, hindi ko gagawin 'yun!" - sabi ni Hunter.
"Dapat lang! Dahil hindi lang si Harry ang reresbak laban sa'yo para kay Rizza." - sabi ni Tom.
"Friend, congrats din pala sa inyo ni Drew." - sabi ni Rizza sa akin na kanina pa nananahimik. "Ikakasal na kayo. Sobrang masaya ako para sa inyo. Alam nyo naman na ako ang President ng 'Mahal Ko-My Love' Fan's Club di ba?"
"At alam ko din naman na ikaw din ang Vice-President, Secretary at pati na rin Muse dahil ikaw lang naman ang miyembro nun!" - tugon ko kay Rizza at nagtawanan na naman kaming lahat.
Habang patuloy ang tawanan, kulitan at kwentuhan naming magbabarkada, ay may babaeng lumapit samin na matagal ko ng hindi nakikita at ang pagdating nya ang pinakahindi ko inaasahan.
"Congratulations, Harry." - sabi ni Kaye. Natigilan kaming lahat sa pagdating nya.
Ng tumayo ako, agad namang pumunta si Drew sa harapan ko at sya ang humarap kay Kaye. Bakas ang galit sa mukha nya.
"What now, Kaye?" - mariing sabi ni Drew.
"Drew, hindi ako nagpunta dito para gumawa ng gulo." - malumanay na tugon ni Kaye.
"Then, what?" - tanong ni Drew.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko. Nagkamali ako Drew." - tugon nya tapos tumingin sya sakin. "I'm sorry, Harry."
Natigilan kami pansamantala. Lahat ng tao na nasa restaurant ay nakatingin samin. Nakita kong biglang tumayo si Dad at ng akmang pupunta sya sa kinaroroonan namin ay pinigilan sya ni Mom.
"Kaye, please don't..." - sabi ni Drew pero pinigilan ko sya.
"Okay lang my love. Alam kong sincere sya sa sinabi nya." - sabi ko kay Drew. Pinuntahan ko si Kaye. "Salamat, Kaye ah.." Ang ganda pa din nya sobra. "You look gorgeous."
"I know." - biro nya sabay ngiti sakin. "Sorry talaga, Harry." Pinuntahan nya ko at niyakap. Hindi lang ako ang nagulat sa ginawa nya, halos lahat kami nabigla. "Masaya ako para sa inyong dalawa ni Drew." Ang init ng yakap nya. Ang sarap. At naramdaman kong totoo ang paghingi nya ng dispensa.
"Salamat, Kaye." Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin. "At kalimutan na natin ang nangyari. Nakaraan na 'yun."
"Ang bait mo talaga. Salamat. Ikaw na ang bahala kay Drew ah. Mahal na mahal ka nya, Harry. At alam kong kaya mong tapatan at higitan pa ang pag-ibig na 'yun."
Biglang lumapit si Francis at Alvin sa tabi ko. "Hi Miss. Kaye, right?" - sabi ni Francis. "I'm Francis. Kaya ko ding higitan ang pagmamahal na kaya mong ibigay sakin." - presko nyang pagpapakilala.
"Ako naman si Alvin. Kaya ko namang higitan ang pag-ibig na kayang ibigay sa'yo ng playboy na 'to." - pagpapakilala naman ni Alvin na may patama kay Francis. Sabay na nakalahad ang parehong kamay ni Francis at Alvin sa harap ni Kaye. Si Kaye naman, hindi alam kung kaninong kamay ang una nyang tatanggapin.
"Hi. Alam mo bang pagpasok mo dito tumigil ang mundo at oras ko?" - sabi ni Lance. "At may nakapagsabi naba sa'yo na napakaganda mo?"
"Hmm, actually lahat ng taong makilala ko sinasabi na maganda ako." - sabi ni Kaye pero hindi 'yun pagmamayabang mula sa kanya.
"Pero sinabi ba nila 'yun na galing sa kanilang puso?" - sabi ni Lance na nakapatong pa ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.
Habang nag-uusap si Lance at Kaye ay tahimik lang kaming nakikinig sa kanila. Napansin ko ding hindi na nakalahad ang mga kamay ni Alvin at Francis. Si Lance, ang joker sa aming lahat, marunong palang manligaw? - ng seryoso? Nanliligaw na ba sya? O nagpapakilala lang?
Umiling si Kaye. "I don't think so. Sinasabi mo bang maganda ako ng galing sa puso mo?"
"No." - tugon ni Lance na umiling din. "Sinasabi kong maganda ka from my inner being, not just from my heart."
Nangiti si Kaye sa sinabi ni Lance. "I'm Katarina. And you are?" Inilahad ni Kaye ang kamay nya kay Lance.
"I'm Lance." Tinanggap nya ang kamay ni Kaye.
"You're cute. And I think I like you." - sabi ni Kaye. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha ni Alvin at Francis.
"Likewise." - tugon ni Lance. "Pero hindi kasi ako nagpapaligaw hanggat hindi mo nakukuha ang mga boto nila." - seryosong birong pagpapatuloy nya sabay turo sa aming kabarkada nya. Seryosong biro? Ang gulo.
"Talaga?" - seryoso ding tugon ni Kaye. Hindi ko alam kung nagbibiruan sila o kung ano na.
"Gago ka, Lance. Akala mo ba makukuha mo ang boto ko?!" - sabi ni Francis.
"Oo nga!" - pagsang-ayon ni Alvin. "Nako Kaye, niloloko ka lang nyan."
"Ay nako girl." - sabi ni Grace kay Kaye. "Bet na bet kita para kay Lance."
"Tama!" - sabi ni Adrienne. "First time manligaw ni Lance, kaya boboto ako para sa kanya. At hindi kung kanino pa." Alam naming si Francis at Alvin ang pinapatamaan nya.
"Grabe naman kayo! Napaka-bias nyo naman." - sabi ni Francis.
"Ahh, basta. Hindi ako boboto para kay Lance." - sabi ni Alvin.
"Baka nakakalimutan nyong 'Majority wins' ang rule natin." - sabi ni Ruth. "Hindi malaking kawalan ang dalawang boto ninyo para kay Lance."
"Dalawang boto?" - sabi ni Francis. "Meron pa kaming dalawang boto galing kay Tom at Art." Tiningnan ni Francis ang kanyang buddies.
"Hindi boboto si Art para sa inyong dalawa." - sabi ni Jen.
"Lalo naman si Tom." - sabi ni Lei. "Hindi ba, babe?" Tumango lang si Tom.
"Ang daya!" - sabay na sabi ni Francis at Alvin.
Habang kinukulit pa din ni Francis at Alvin ang ibang myembro ng barkada ay binulungan ako ni Drew. "Mahal ko, there's someone I'd like you to meet."
"Meron pa?" - tanong ko.
"Guys, hiramin ko lang si Harry sa inyo ah." - sabi ni Drew sa barkada.
"Hindi ka na dapat magpaalam Drew. Iyong-iyo na si Harry." - biro ni Reg.
Pumunta kami sa table nila Jason, Helga at ng iba pang mga architects. Bukod sa kanila ay may kasama pa silang isang lalaki at isang babae na hindi ko kakilala.
"Congrats Harry ah." - sabi ni Jason sabay yakap sa akin. "Hindi mo alam kung paano mo napasaya ang bestfriend ko at pumayag kang pakasal sa kanya." - bulong nya.
"Masaya din ako Jason." - pabulong ko ding tugon habang yakap pa din nya ako. "Masaya akong makasama si Drew ng panghabang-buhay."
"Ehem. Brod akin 'yan." - sabi ni Drew kay Jason at nilayo nya ito sa akin ng mapansin nyang medyo natagalan ang yakap nito. "Ikakasal na kami di ba?"
"Haha. Grabe maka-bakod fiancé mo Harry ah." - biro ni Jason. "Masyadong possessive..."
"Drew, ano ka ba?!" - bulong ko kay Drew. "Yakap lang 'yun. Atsaka binabati nya lang ako. Para ka talagang bata."
Nagsalubong ang kilay nya. "Akin ka lang okay?" - sabi nya.
Sasagot pa sana ako pero nagsalita ang kasamang babae nila Jason sa table. "You guys, Drew and Harry, are a perfect couple. A match made in heaven..." - sabi ng babae na lumapit sa amin at nakipagkamay sakin. Magkasing-height lang kami. Chubby sya pero dalang-dala nya dahil isa rin syang fashionista. Maganda sya. "Congratulations Harry. I'm Bea." - pakilala nya.
"Hi." - tugon ko. Napaka-sociable nya. Medyo nailang ako kasi magkaibang-magkaiba kami in terms of social relationships.
"I'm her husband. I'm Trevor." - sabi naman ng lalaki na tumabi kay Bea. Moreno sya at medyo hawig ni Alfred Vargas. I think they also have the same built. Nagkamayan din kami.
"Hmmm... Ms. Bea. Have we met before? Para kasing nakita na kita dati."
"Tingnan mo na Hon, sa sobrang lakas ng sigaw mo nun naalala ka pa nya." - sabi ni Trevor.
"Sigaw?" - tanong ko.
"Mahal ko, nandito din sila nung gabi na nadito tayo sa restaurant three months ago. Nung nagkabalikan tayo... Nung kinantahan kita at inaya kita sa stage." - sabi ni Drew.
"Oo, naaalala ko na. Miss, ikaw 'yung magandang babaeng nakikipagsabayan sa kaibigan ko sa palakasan ng pagtili that night." - sabi ko kay Bea. "At ikaw sir ang pumipigil sa kanya." - sabi ko naman kay Trevor.
"Thanks for the compliment." - sabi ni Bea. "Pero pwedeng bang Bea at Trevor na lang itawag mo sa amin?"
"Ok." - tugon ko. "Kaibigan mo sila, my love?" - tanong ko kay Drew.
"Yes. It started days after that night here in the restaurant. They obviously heard my plans of marrying you, they approached me, and helped me to accomplish this." - tugon ni Drew. "Bea here is an event organizer."
"Talaga? Thanks Bea. This is wonderful... Really... I love it."
"My pleasure Harry. Grabe kasi ang love nyo sa isa't isa. Extraordinary. Parang 'You and Me Against the World' lang..." Natawa sya. "So I offered Drew my professional abilities."
"And she offered it at no cost!" - sabi ni Drew sakin. "And I'm very thankful to you Bea. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko magagawa 'to."
"No problem. Kagaya nga ng sabi ko, masaya akong nakakakita ng couples na tunay at wagas ang pagmamahalan sa isa't isa."
"At nagustuhan din kasi namin ang ginawa mong design para sa bahay namin a year ago. It was perfect." - sabi ni Trevor kay Drew.
"Oo nga." - pagsang-ayon ni Bea. "Alam mo Harry, ang swerte mo dito kay Drew. He's crazily in love with you."
"I beg to disagree, Bea." - sabi ni Drew sabay yakap sa bewang ko. "I'm much fortunate for having Harry in my life." Dahil duon, napatili na naman si Bea sa sobrang kilig na ikinagulat naming lahat sa buong restaurant.
At tanging saya lang ang aking nadarama ng mga oras na 'yun. Kasabay ng nakakabinging tili ni Bea na umaalingawngaw sa buong restaurant ay ang malakas din na pagtibok ng aking puso na tanging pangalan lang ni Drew ang kanyang isinisigaw.

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon