IKA-SIYAM NA YUGTO : PAG - IBIG

4 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( HARRY Part )
"'Cause it's magic when two peo..ple.. fall.. in.. looove.." Si Regine na tinapos ang kanta.
Magkakatitigan lang kami ni Drew hanggang sa matapos ang kanta ng 'Got to Believe in Magic.' Saktong-sakto ang kanta na 'yun para sa sa aming dalawa.
(Take me to your heart. Show me where to start. Let me play the part of your first love.) He played and still playing the part of my first love. Siya lang ang taong minahal ko. At sa tingin ko hindi na ko magmamahal ng iba pa ng higit sa kanya.
(Pity those who wait. Trust their love to fate. Finding out too late that they've lost it.) Natamaan ako dun. Ang paniniwala ko talaga sa pag-ibig ay 'Kung para sa'yo talaga ang love, darating at darating talaga ito para sa'yo.' May tamang panahon at lugar para sa pagmamahal. Naniniwala ako sa tadhana. Kung kayo talaga ang itinadhana, gagawa ng paraan ang 'universe' para mapaglapit at pagtagpuin kayo. Pero paano kung 'yung tinatawag mong 'soulmate' eh ganun din ang paniniwala? Maghihintayan na lang ba kayo habangbuhay? Tama, 'Pity those who wait.'
(Got to believe in Magic. Tell me how two people find each other. In a world that's full of strangers.) Mabuti na lang mabait ang tadhana sa aming dalawa ni Drew. Pinaglapit nya kami sa isa't isa. Sinong mag-aakala na natagpuan ko na pala ang 'soulmate' ko four years ago? And four years after the accident, eh nagkita ulit kami. Hindi nga maganda ang muling pagkikita namin pero tingnan mo ngayon, we are deeply in love with each other.
(Cause it's magic when two people fall in love.) Tama, magic nga kapag natutunan nga ng dalawang tao na magmahalan. At sinabi sa kanta na 'two people,' at wala namang sinabi na kailangan lalaki at babae ang magmahalan. As long as 'two people' love each other, the love itself can do the favor of doing magic for both of them.
"Tapos na ba kayo?" - tanong ni Jen na nagpupunas ng kanyang luha. "Pwede na ba kaming lumapit?"
Magkayakap namin silang nginitian. Lumapit silang lahat at binati nila kaming dalawa. Heto pala ang dahilan kung bakit sila naglihim sakin. Kung bakit hindi kami makumple-kumpleto kanina. Kasi nagtutulungan at nagsasalitan sila sa paghahanda dito at pagtulong kay Drew.
Bumalik na kami sa villa para magdinner. Masaya silang lahat para sa aming dalawa ni Drew. Hiningi ni Drew ang tulong ng buong barkada. Si Grace ang nag-isip ng lahat ng detalye dahil isa syang interior designer. Sya kasi ang pinaka-creative at artist ng grupo. At dahil si Francis ang engineer samin, sya naman ang punong abala sa electronics.
"Guys, salamat sa lahat ng tulong ah." - sabi ni Drew. "I owe you my life."
"OA lang Drew?" - biro ni Grace. "Life agad?"
"Dahil si Harry ang buhay nya." - sabi ni Isaac. "Figuratively kung hindi nya makukuha si Harry, hindi nya din makukuha ang buhay nya."
"Ahhhh..." - pagsang-ayon ng barkada.
"Ang galing talaga ni Newton." - sabi ni Lance.
"Sayang, hindi tayo nakapagdala ng alak." - sabi ni Francis. Dun pala sa mga coolers nila itinago ang mga bagay na ginamit nila sa function hall kanina.
"Oo nga. Ang sarap magcelebrate." - pagsang-ayon ni Tom.
Napansin ni Lei ang lihim kong pagngiti. "Hui, si Harry kinikilig." - biro nya.
"Hindi ah.." - sabi ko. At ako na naman ang naging tampulan ng tukso nila. Nangingiti ako kasi may maganda naman palang naidulot ang proposal ni Drew. Akala ko kasi puro alak ang laman ng coolers, mga gamit pala kaya nangiti ako ng nalaman ko 'yun.
"Guys, malapit ng magsimula ang tugtugan. Bilisan natin." - sabi ni Alvin.
Binilisan namin ang pagkain namin. Nagbihis kami nga pangligo at nagpunta agad sa pool. Nagsimula na nga sila. Medyo dumami na ang mga tao pero accommodated naman ang lahat. Kumpleto na ang buong barkada. Ang ganda ng mga kanta. Sumasabay sa banda ang halos lahat ng mga taong nandun. Pagkatapos ng sampung kanta, pagod na daw ang singer. Tinanong nya ang audience kung sino ang gustong kumanta. Nagtaas ng kamay si Francis. Sintunado sya ah?!
"And we have a hand there.! Can you come over here and show us what you've got." - sabi ng lead singer.
"Pareng Drew, punta ka na dun." - sabi ni Francis.
"Francis!" - sabi ko.
"Loko-loko ka talaga. Ang lakas ng loob mong magtaas ng kamay hindi naman pala ikaw ang kakanta!" - sabi ni Adrianne.
"Ok lang guys." - sabi ni Drew.
"Niloloko ka lang ni Francis. Sigurado ka ba?" - tanong ko.
"Oo naman." Sabagay, maganda naman talaga boses nya kaya hindi ko na pinigilan.
Pumunta na si Drew sa stage. Ng makita ng mga girls - at gays - si Drew ay nagtilian sila. Nag-usap si Drew at 'yung mga miyembro ng banda. Mukhang pinag-usapan nila kung ano ang kakantahin ni Drew. Tapos nagsimula ng tumugtog ang banda.
"Hi guys." - bati ni Drew sa audience. Lalong lumakas ang mga tilian. "Ang kakantahin ko ay inaalay ko sa taong nagmamay-ari ng aking puso." Nadismaya ang mga nagtitilian kanina. Kahit malayo sya, alam kong nakatingin sya sakin. "Mahal ko, para sa 'yo 'to." Mahal ko?? Kinilig ako dun.
NOW PLAYING: Maging Sino Ka Man.
Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't isa'y kailangan.
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man.
Mahal kita, basta't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man.
Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa'yo.
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man.
Tama si Drew. Pinatunayan nya sakin na pwede kaming magmahalan. Kahit kapwa kami lalaki. Mali nga siguro ang relasyon namin sa tingin ng iba, pero kelan pa naging mali ang umibig? Hindi nako matatakot ngayon. Ipapaalam ko sa buong mundo na mahal ko si Drew. Oo, may sasabihin na mga hindi maganda ang ibang tao, pero sabi nga ni Drew sa kanta, 'Mahal kita, basta't mahal kita. Iniisip nila ay hindi mahalaga.'
Mahal kita maging... sino... ka man...
Nagpalakpakan, nagtilian, nagsipolan, at nagsigawan ang audience ng "More!"
"That's great!" - sabi ni ng singer. "Thanks bro. Naramdaman kong mahal mo talaga ang taong pinaglaanan mo ng kantang 'yun." Pero sumisigaw pa din ng "More!" ang audience.
"You want more?!" - tanong ng singer. "I give you more!" At tumugtog ulit ang banda nila.
( DREW Part )
Pagkatapos magpasalamat ng banda sa akin ay bumaba na ko. Gusto pa ng audience na kumanta ako ulit pero nahihiya na ko. Buti nagsimula na ulit ang banda na tumugtog. Nagulat ako ng sinalubong ako ng mga babae, pati mga bakla. Sila din 'yung kaninang nagre-request sakin at gustong makita ang katawan ko. Ang kukulit nila. Paano ako makakaalis dito? Hindi ako makadaan. Tapos may biglang humila sa kanang kamay ko. Hinila nya ko palayo sa mga taong 'yun. Si Harry.
"At sino ka naman sa tingin mo?" - sabi ng isang bading.
"Kung makaasta ka naman parang ikaw 'yung 'Mahal ko' na tinatawag nya..." - sabi ng isang babae.
"Sya nga!" - sabi ko. "Siya na nga ang nagmamay-ari sakin."
Nagbulungan sila. Halatang hindi nila inaasahan na si Harry ang tinutukoy ko. Medyo nainis ako dun.
"Talaga lang ah! Sige nga patunayan mo." - hamon ng babae. Nakakainsulto na 'tong mga 'to ah.
Pinaharap ko si Harry sakin. "Sorry, I have to do this." Hinalikan ko si Harry sa harap nila. Alam kong nagulat sila, pati si Harry sa ginawa ko. Tapos binulungan ko sya. "Pumasan ka sakin."
"Sige." Binaba ko ang katawan ko para makasampa sya. "Bakit?" - bulong nya sa tenga ko mula sa likod.
Ng masigurado kong ayos na si Harry sa likod ko, humarap ako sa kanila. "Sa totoo lang, hindi ko naman kailangang patunayan sa inyo na itong taong 'to ang mahal ko. You're not worthy. Pero gusto kong ipagsigawan sa lahat na sya ang nagmamay-ari ng puso ko. At sya lang magmamay-ari nito kailanman. At hindi ko hahayaan ang sinoman na may umagaw niyon sa kanya." Natahimik sila.
"My love, 'san tayo pupunta?" - bulong ni Harry. My love? Ang sarap pakinggan.
"Ikaw, mahal ko? Saan mo gusto?"
"Balik na lang tayo sa villa."
"Your wish is my command, mahal ko." At pinasan ko sya hanggang sa cottage. Nagpababa na sya ng makarating kami.
"Thanks Drew."
"For what?"
"Para dun sa kanina."
"Don't bother. Di ba sinabi ko sa'yo poprotektahan kita. You're my responsibility now. Isa pa, ang lakas ng loob nilang sabihin 'yun sa'yo. Sa harap ko pa!"
"Salamat pa din." - ulit nya. "My love..."
"My love?"
"Oo. Sinimulan mo na eh. Tuloy na natin."
"Sige, mahal ko. Mahal na mahal kita mahal ko."
"Ako din my love. Mahal na mahal din kita." Ang sarap talagang pakinggan. "My love, ayos lang ako dito. Pwede ka ng bumalik dun."
"Hindi, mahal ko. Gusto ko kasama kita."
"Suuus, sige my love. Maliligo na ko ah. Pagod na din ako. Ayoko ng maligo ulit sa pool."
"Sige, mahal ko." - sabi ko. "Gusto mo sabay na tayo?" - biro ko.
"Asa!..." - tugon nya. "Ayoko nga." Kinuha na nya ang mga gamit nya at pumasok na sa restroom.
"Sigurado ka, mahal ko?" - tanong ko mula sa labas ng restroom.
"Ayaw..." - sagot nya na nag-echo pa ang boses sa loob.
Kinuha ko na din ang mga gamit ko at susunod na ko sa kanya. Binibiro-biro ko pa din sya mula sa labas. After 15 minutes, lumabas na sya.
"Coffee, mahal ko?" - alok ko.
"Thanks..." - sabi nya. Hindi sya makatingin ng diretso sakin. Nakatingin sya sa gilid at alam ko kung bakit.
"Mahal ko, dapat siguro masanay ka ng nakahubad ako." Naghubad nako ng naliligo sya. Nagtapis lang ako ng towel pero may underwear pa din. "Madalas mo na akong makikitang ganito simula ngayon."
"What? Don't tell me you want to show you're bare and naked body all the time we're together. Hindi ko alam exhibitionist ka pala."
Natawa ako sa sinabi nya. "Joke lang 'yun, mahal ko." Natawa ako ulit. "Pero gusto mo ba?"
"Adik!" Hindi pa din sya nakatingin sakin. Umalis sya sa harapan ko at umupo sya sa couch. "Ligo ka na. Tirhan kita ng kape."
"Ayaw mo bang sumabay sakin? Ligo ka ulit." - biro ko ulit. Tiningnan nya ko ng masama. Nginitian ko sya at pumasok nako sa loob.
Pagkatapos kong maligo, nakita ko syang nakaupo pa din sa couch at umiinom ng kape. Umupo din ako sa tabi nya. Kinuha ko ang kaliwang kamay nya at hinalikan ko 'yun. Hindi sya tumanggi. Bagay na bagay ang singsing sa kamay nya.
"I'm worried it wouldn't fit your finger." - sabi ko. "I'm glad it's perfectly fitted."
"Dapat lang na magkasya 'yan no! Kung hindi, ah... hmmm... basta... Dapat kumasya sya."
Hinalikan ko ulit kamay nya. 'Yiiihhh... " May narinig kaming tumili. Si Lei. Agad binawi ni Harry ang kamay nya. Nagsidatingan na din ang iba.
"Babe, tingnan mo sila oh. Ang sweet talaga nila." - sabi nya kay Tom.
"Oo nga babe. Gusto mo tayo din?" - tugon ni Tom.
"Hmpf... Dapat hindi mo na tinatanong 'yan!" Agad naman syang hinalikan ni Tom. "Satisfied?" - tanong ni Tom.
"Ok..." - tugon ni Lei.
"Nakaka-OP naman dito." - sabi ni Francis.
"Oo nga. Gusto mo pare tayo din?" - tanong ni Alvin.
"Sige ba!" At naglambingan silang salawa na parang magsyota. Pinaghahalikan ni Francis si Alvin sa magkabilang pisngi. Halik talaga ah.
"Yuck! That's gross.." - sabi ni Grace.
"Tumigil nga kayo! Hindi bagay sa inyo!" - sabi ni Adrianne.
Nagtuksuhan na naman sila sa isa't isa. Pinaghatian namin ni Harry ang dala kong kape. Nagkekwentuhan kami habang isa-isa silang naliligo. Ng maayos na ang lahat, umuwi na kami. Nagpasalamat ulit ako sa kanilang lahat sa pagtulong nila sakin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Kasabay ulit namin ni Harry sila Lance, Adrianne at Rizza. 'Yung iba naka motorsiklo. 12:30AM na ng makaalis kami sa resort. Ng nasa kotse na kami, binigay ko kay Harry ang pinakahuling kape na dala ko. Paminsan-minsan ay hinahawakan at hinahalikan ko ang kaliwang kamay ni Harry kapag hindi abala ang kanang kamay ko sa pagmamaneho. Kwentuhan pa din kaming lima na parang wala kaming nararamdamang antok. Pasado ala-una na ng makarating kami ni Harry sa bahay. Kagaya kagabi, tulog na sila mama ng dumating kami. Naghilamos, nagtoothbrush at pumasok na kami sa kwarto.
"Mahal ko, tabi tayo ulit ah..." - malambing kong sabi.
"Pwede bang sa sahig na lang ako?" - tanong nya.
"Nope! Kung ayaw mo kong katabi, sa kama ka at ako sa sahig."
"Tssskkk... Sige na nga! Tabi na tayo!"
Nalungkot ako. Parang napilitan lang sya. Pakiramdam ko ayaw nya talaga akong katabi.
"Alam mo my love. Ang cute mo kapag nakakaawa ang mukha mo." - sabi nya. "Pero mas cute ka kapag naka-smile. Kaya ngiti na dyan. Joke lang 'yun. Tayo na nga diba? Hinayaan na nga kitang tumabi sakin nung hindi pa tayo, ngayon pa kaya..."
Natuwa ako. Binuhat ko sya, kagaya ng pagbuhat ko sa kanya kapag nakatulog sya sa sofa. "My love, what are you doing?" Pinatay ko ang ilaw ng kwarto, inihiga ko sya sa kama, at agad akong tumabi sa kanya. Agad syang tumalikod sakin at tumagilid sa kabilang side.
"Mahal ko, payakap ah..." Sabay yakap sa baywang nya. "Mahal ko?"
"Mmm??"
"Are you happy?" - tanong ko.
"Never been this happy, my love."
"I love you..."
"I love you too my love." At hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
[ S U N D A Y ]
6AM. Nalingat ako. Wala sa tabi ko ang mahal ko. Nasan na 'yun? Ang aga pa ah. Bumangon ako at lumabas sa kwarto. Nakasalubong ko sya sa hagdan. May hawak syang tasa ng kape. Nakabihis. Mamaya pang hapon ang uwi namin ah...
"Morning, my love." - bati nya.
"Mahal ko? San punta?"
"Magsisimba." Tumuloy na syang umakyat at pinadaan ko sya. Tapos pumasok na sya sa kwarto.
"Bakit di mo ko ginising?"
"Gigisingin na sana kita ngayon. Pero hindi na pala kailangan... "
"You should've woke me up earlier."
"Relax... 6AM pa lang oh. 7AM pa ang mass.." Medyo nagtampo ako dun. Dapat sabay kaming bumangon. "Ok, I should've woke you up. Sorry na." Binigay nya 'yung tasa ng kape sakin. "Now, have your coffee and I'll prepare your clothes." Kinuha nya ang bag ko at naghanap ng damit na pwede kong suotin. Sobra naman akong asikaso ng mahal ko. "Pagkatapos mo dyan, maligo ka na. Nagbibihis na lang sila mama tapos aalis na... "
"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi." Agad kong inubos ang kape, kinuha ang towel at ang mga damit ko. Tapos hinalikan ko sa pisngi si Harry na ikinagulat nya. "Ang sarap!" After 10mins, nasa kwarto na ulit ako at nakaligo.
"Bilis ah." - sabi ni Harry.
"Tara na ba?"
"Ha? Kakatapos mo lang ah. Ang gulo ng buhok mo. Halika, aayusin ko." Pinaupo nya ko sa kama at kumuha sya ng wax. Tapos inayos na nga nya ang buhok ko. "My love, dapat lagi kang presentable. Nakakahiya sa ibang tao, sabihin nila hindi kita inaalagaan."
"Wow. Thanks, mahal ko."
Sumabay samin sa kotse sila Mama, Tita Jean, Ate Alex. 'Yung iba sa van ni Tito Albert. Aksidenteng narinig nila ang tawagan namin ni Harry sa isa't isa at napansin ni Ate Alex ang singsing sa kamay ni Harry. Kaya tinanong nila kami kung kami na daw. Hindi kami tumanggi. Masaya silang tatlo para sa amin. Si Mama at Tita Jean, pinangaralan kaming dalawa ni Harry at malugod naming tinanggap ang mga sinabi at pangaral nila.
Pagkatapos ng misa ay ipinaalam na din namin kila Kuya Bart, Tito Albert, at sa iba ang tungkol sa amin nila Harry. Kagaya nila Mama, masaya din sila para sa amin. Maswerte ako dahil bukas ang pamilya ni Harry sa relasyon naming dalawa. Mahal talaga nila si Harry dahil kahit mali sa pananaw ng nakararami ang pagsasama namin ay tanggap at naiintindihan nila. Isa lang ang hiling nilang lahat sakin, mahalin ko si Harry. Kahit hindi naman nila hilingin, gagawin ko 'yun ng buong puso.
Pagkatapos naming magsimba at makapag-almusal sa bahay ay nag-aya sila Tim at Tiffany na manood ng sine na sinang-ayunan naming lahat. Pumunta kami sa pinakamalapit na mall na at least 1 hour ang byahe. Pagdating namin sa mall ay agad na kaming nanood ng sine, naglunch, at pagkatapos ay namasyal kami. Naghiwa-hiwalay na kami sa pamamasyal. Syempre kasama ko ang mahal ko. Tumitingin-tingin at nagbasa-basa sya sa mga stalls ng fictional books at novels. Habang abala sya sa pagpili ng mga libro, nagpaalam ako na may titingnan sa may department store. Pagbalik ko, abala pa din sya sa pagbabasa.
"Mahal ko, wala ka pang napipili?"
"Wala my love. Wala akong mahanap na gusto ko." Napansin nya na may tinatago ako sa likod. "Ano yang nasa likod mo?"
"Heto oh!" Bumili ako ng stuffed toy na Siberian Husky sa isang kilalang stuffed toy store. "Gift ko sa'yo mahal ko."
"Ha?" Tinanggap nya regalo ko. "My love, ang ganda! Pero bakit?"
"Dahil 1 day na tayo..."
"1 day? Wala pa tayong isang araw ah... Hours pa lang tayong mag-on..."
"Well, consider it as an early gift."
"Tssskkk... Salamat, my love." Tiningnan nya ang name tag ng stuffed toy. "Hephy?! "
"Yep, short for Hephaestus.."
"Hmmm, the craftsman of the gods.."
Tumango ako. "You like it?"
"Oo, sobra! Nagustuhan ko!" Niyakap nya ko at naipit si Hephy sa pagitan namin. "Pero wala pa kong regalo sa'yo my love."
"Hindi naman kailangan mahal ko. Makita lang kitang masaya, masaya na din ako. At ang mga ngiti mo. 'yun na ang pinakamagandang regalo mo para sakin."
Ngumiti sya. "Alam mo my love , 'wag mo kong sanayin sa ganito, kasi baka hanap-hanapin ko." Diba line 'yun ni Sarah Geronimo dun sa isang movie nila ni John Lloyd?
"Eh di masanay ka. Wala naman akong balak itigil 'to eh." - tugon ko na linya naman ni John Lloyd. Nilapag nya muna si Hephy at niyakap nya ulit ako.
"Thanks, my love."
"Basta ikaw mahal ko."
4PM nasa bahay na kami. May isang oras na lang kami para magayos ng mga gamit namin. Habang nag-aayos kami ay narinig kong nag-ring ang phone ko. Si Mom.
"Hi Mom. How are you?" Napatingin sakin si Harry.
"Ayos lang ako anak. Ikaw?" - tanong ni Mom.
"I'm good. In fact, very good Mom." Nakakunot ang noo si Harry.
"That's nice anak. Hmmmm, kamusta naman kayo ni Harry?" Alam nila Mom na nililigawan ko si Harry. Nung una, tutol at naguguluhan sila. Pero kilala nila ako. Hindi ako pumapasok sa isang desisyong hindi ako sigurado kaya pumayag na din sila. Napansin din kasi nila ang pagbabago sakin at amg muling pagbabalik ng sigla sa aking buhay.
"Si Harry po?" Nginitian ko si Harry. Nakakatawa ang itsura nya. "Kami na po Mom! Sinagot na nya ako!" Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Harry.
"That's great anak! Masaya ako para sa'yo. Kasama mo ba sya ngayon? Can I talk to him?"
"Yes Mom." Tapos inabot ko kay Harry ang phone. "Mom is on the line."
"Ha? Bakit? Anong sasabihin ko?" - mahina nyang tanong.
"Don't worry. Kakausapin ka lang." Kinuha nya ang phone.
"Magandang araw po." - "Opo. Ayos lang po." - "Thank you po." - "Ah, sige po. Mom?" - "Ah, si Drew po? Sobrang kulit po nya." - "Oo nga po." - "Sige po." - "Ha? Ano po? Ahh, sige po." Tapos biglang naging English ang mga sagot nya. Baka kausap si Dad. "Hi, sir?" - "Ok, Dad?" - "We're fine Dad." - "Thanks Dad." - "Maybe in the near future." Tapos tumawa sya. "I will, Dad." - "Thanks, Dad." Tapos binalik nya ang phone ko. "Dad, wants to talk to you."
"Hi, Dad." - bati ko kay Dad.
"Son. I'm so happy for you. I'm so proud of you."
"Thanks Dad. And thanks for your understanding and accepting my decision. I know it's hard for you and Mom."
"Don't bother. If Harry is the one who will make you happy, then we don't stop you." Tapos tumawa sya. "Son?"
"Yes, Dad?"
"Can you do me a favor? Or can you promise me one thing?"
"Sure Dad. What is it?"
"Don't lose Harry..." Tapos hindi muna sya kumibo. "I feel and I'm pretty sure that he's the right one for you."
"I will, Dad." Natuwa ako sa sinabi nya. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam na si Harry ang tamang tao para sakin. Ngayon lang nya sinabi 'to sa kabila ng dami ng nakarelasyon ko. "I feel the same way and you don't have to worry about that, Dad."
"I know. I'm just warning you." Tumawa sya ng malakas. Narinig ko na tinatanong ni Mom si Dad kung bakit sya napatawa ng malakas. "I'm just kidding. I know you will do that. Be safe, huh? And take care of Harry."
"Yes Dad. Please extend my greetings to Kuya Drixx and Drake." Mga kapatid ko. Pangalawa ako sa aming tatlo. "Ingat din po kayo. Bye." Nakakaintindi ng Filipino si Dad. Pero hindi nya makuha ang tamang accent ng Tagalog kaya hindi nya sinusubukan pang magsalita.
"Nakakahiya my love! Mom at Dad na din tawag ko sa kanila..." - sabi ni Harry ng masiguro nyang wala na kong kausap sa kabilang linya.
"Alam mo mahal ko, sa lahat ng naging karelasyon ko, ikaw lang sinabihan nilang tawagin silang 'Mom' at 'Dad.'"
"Ha? Talaga?"
Tumango ako. "Gustong-gusto ka nila mahal ko. Naikwento kita sa kanila at gusto nilang maging tayo."
"Hmmm... Nung nalaman nila na ako nililigawan mo, anong sabi nila?"
"Nung una nagulat at nagalit sila. Pero pinanindigan ko ang desisyon ko at naintindihan nila. Nagbago daw ako ng makilala kita."
"Talaga lang ha..."
"Oo nga." - tugon ko. "Anong sinabi nila sa'yo?"
"Gusto nila tayong magbakasyon dun. Ang tagal mo na palang hindi umuuwi."
"Oo nga eh. Eversince I passed the architectural boards. I'm planning to have my Christmas vacation there. Sama ka, mahal ko..."
"Ha? Hindi ko alam my love. Di ba mahabang proseso 'yun?"
"I'll help you with the processing. Tourist visa lang naman kailangan mo. Magpapatulong tayo kay Uncle Greg, kapatid sya ni Dad. He's working at the US Embassy." Kinindatan ko sya.
"I dunno. Pag-iisipan ko muna."
5PM. Umalis at nagpaalam na kami kila Mama at sa iba. Sumabay ulit sila Art at Jen sa amin pauwi. 8PM ng makarating kami sa dorm. Pagdating namin ay naghapunan muna kaming apat. Hinapunan namin ang pinabaon samin ni Mama.
"Ingat sa pagd-drive ah." Hinatid ako ni Harry hanggang sa gate.
"Mahal ko, dito na lang ako matutulog. Tabi tayo." Kanina ko pa sya kinukulit na sa dorm na lang ako matulog.
"Hindi nga pwede. May pasok tayong dalawa bukas..."
"Eh bakit si Art dyan matutulog?"
"Hayyy. Ang kulit na naman. Di ba nga panggabi pa sya bukas kaya ok lang syang matulog dito."
"I'm missing you na mahal ko."
"Sige na." Tiningnan nya ang relo nya. "It's almost nine. Kailangan mo nang magpahinga."
Almost nine? Tiningnan ko ang relo ko. Tama sya. Nilapitan ko sya at niyakap. "Happy 1-day-sary mahal ko."
"Corny mo talaga my love." Niyakap nya din ako. "Happy 1-day-sary din. I love you, my love."
"I love you more mahal ko."
Habang nagd-drive ako pauwi, Si Harry pa din ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makaget-over sa katotohanang kami na. The way he calls my name is music to my ears. Haayy, hindi pa ko nakaranas ng ganito dati. Na parang kakakita ko pa lang sa kanya ay gusto ko na syang makita ulit.
Totoo ang sinabi ko kay Harry. Sya na ang taong huling magmamay-ari ng puso ko. Hindi ako naging kasigurado sa isang relasyon. Kahit kay Kaye na pinakamatagal kong naging karelasyon. Oo, pinangarap ko sa mga dati kong karelasyon na malamang sila na ang makakasama ko habangbuhay. Pero ang mga pangarap na 'yun ay may kasamang pag-aalinlangan. Siguro may hinahanap ako na hindi nila kayang ibigay. I may not be perfect and I need someone to fill my imperfection. Unfortunately, they are not aware of my flaws. Lagi nilang nakikita ang mga magagandang katangian ko. Hindi nila alam na may kulang sa pagkatao ko at actually, hindi ko rin alam sa sarili ko kung ano. At nagbago lahat na 'yun ng makilala ko si Harry.
Inaamin ko, nung muli naming pagkikita sa ospital at nasaktan ko sya, gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya. Siya ang taong nagligtas sakin, ang taong matagal ko ng hinahanap, ang taong pinagkakautangan ko ng aking pangalawang buhay. Gusto kong bumawi sa kanya sa nagawa ko at syempre sa pagliligtas nya sakin noon. Dahil dun, naging malapit kami sa isa't isa at naging magkaibigan kami. Nung una, hindi ko alam na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Pero sa maikling panahon na pagsasama namin, naranasan ko ang maging kumpleto. 'Yung walang hinahanap na kulang sa buhay. 'Yung walang hinahangad na kahit ano pa man. At hindi ko pa alam hanggang ngayon kung ano ang kulang na 'yun. Ang alam ko lang, basta't kasama ko ang mahal ko, kayang-kaya kong mabuhay. Basta't kasama ko ang mahal ko, kahit anong problema makakaya ko. Basta't kasama ko ang mahal ko, masaya ako at kumpleto ako. Basta't kasama ko si Harry - ang mahal ko.
And Harry is Drew's Better Half...

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon