IKALABINGPITONG YUGTO : PASASALAMAT

14 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( HARRY Part )
Pagkatapos ng party ay dumiretso na kami sa hotel para makapagpahinga. Halos na-occupy na namin lahat ng kwarto sa hotel sa dami namin. Nalaman ko na pamilya pala ni Jason ang may-ari kaya parang regalo na din daw nya ito sa aming dalawa ni Drew.
"Pinaghandaan mo talaga 'to ah. Talagang pinagbaon mo pa ako ng damit." - tanong ko habang nagbibihis kami ng pangtulog.
"Oo naman, mahal ko." Lumapit sya sakin at niyakap nya ko mula sa likod. Kakatapos lang nyang maligo at naka-underwear lang sya. "Ikaw ba naman makakalimutan ko..." - bulong nya sa tenga ko.
"Oo na. Magbihis ka na my love. Lalamigin ka pa."
"Mamaya na mahal ko. Gusto kong maramdaman mo ang init ng aking pagmamahal.."
"Ramdam ko naman eh." At meron pa akong ibang nararamdaman sa likod ko. Loko-loko talaga 'to. Inalis ko ang pagkakayakap nya at kinuha ko na sya ng damit na masusuot. "Magdamit ka na, please." Ngumiti sya ng maloko. Alam nya kasing hindi pa din ako sanay na ganun itsura nya. Kinuha nya ang mga iniabot kong damit at sinuot nya ang mga 'yun.
"Kanina sa restaurant my love, di ba si Lei ang sa piano at si Alvin ang guitarist? Sino ang sa violin? Wala naman sa barkada ang marunong nun."
"Si Kuya Drixx 'yun. I asked him to join Alvin and Lei para mas maganda. He had training back in Los Angeles since he was 6."
"That's amazing! Ang galing ah! You know my love, I always have high regards for people who knows how to play even a single musical instrument. I think they are attractive on that note." Tiningnan nya ko ng diretso at napansin kong biglang bumaba ang mood nya. Tingin ko nagselos sya kay Kuya Drixx sa sinabi ko. "And I'm also attracted to people who have blue eyes like that of Drake's. I always wanted to have a pair of those beautiful eyes." Mas lalo syang nalungkot sa sinabi ko.
Inayos na nya ang kama at humiga sya ng hindi man lang ako inaya. Nagtampo na naman ang bata. Tama ba namang pagselosan nya ang mga kapatid nya. Sa bagay, si Jason nga kanina na kanyang bestfriend ay pinagselosan din nya.
Humiga na din ako at tumabi ako sa kanya. Nakakabinging katahimikan ang nangyari sa ilang minutong nakahiga kami. Pareho kaming nakatingin sa kisame ng kwarto namin. Totoo naman ang mga sinabi kong paghanga kay Kuya Drixx at Drake at wala akong intensyong pagselosin sya. Pero gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon nya sa mga sinabi ko.
"Alam mo mahal ko, I'm willing to learn to play an instrument if you want." - sabi nya habang nakatitig pa din kami sa kisame. " And I'm willing to wear contact lenses to turn the color of my eyes into blue ones if you ask me to..." - malungkot nyang sabi.
Napaka-immature ng sagot nya. Pero alam kong sincere sya, at kahit papaano ay natuwa ako sa sinabi nya. "But I'm more attracted to a person who wants to change his being just to please his loved ones." - sabi ko. Tiningnan ko sya. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mukha nya.
"Drew, look through my eyes." Sumunod sya. "You see through it, right?" Tumango sya. "You see my heart through it, right?" Tumango ulit sya. "Drew, I won't love you less if you can't play any single instrument like Kuya Drixx and won't have the same eyes like Drake. I love you because you are Drew. You don't have to change anything just to please me. In fact, you changed your whole life, even your sexual orientation, just for me and that is more than enough. I couldn't ask for more." Nakatitig pa din sakin ang kanyang mapupungay na mata. "I admit my eyes can be fooled by the perfection of others. But my heart only sees you. The naïve, the obnoxious, and the imperfect Drew."
Nangiti sya sa sagot ko. "Eh ikaw, mahal ko. What can you see when you look through my eyes?" - malambing nyang tanong.
"Hmmm... Everytime I look in your eyes, I can see all of my life and my dreams..." Nginitian ko sya. "All I can see is a life and a dream shared with the one I love... My life shared with you..."
Tanging ngiti at halik sa aking noo ang naging sagot nya at agad syang tumayo at nagmadaling lumabas ng kwarto. Naguluhan ako. Tumayo na din ako mula sa aking pagkakahiga at sinubukan ko syang habulin pero hindi ko na sya nakita sa may mahabang hallway ng hotel floor namin. Si Kuya Drixx at Ate Alex lang ang nakita ko at masaya silang nag-uusap.
"Ate, Kuya, nakita nyo ba si Drew?"
"Oo, pumasok sya sa elevator." - sagot ni Ate Alex.
"He came out from your room and I think he's going down." - sabi ni Kuya Drixx sabay turo sa may taas ng elevator door kung saan nakikita kung saang floor na ang nakasakay at may naka-ilaw ang arrow down. Pababa nga sya.
"Bakit, may nangyari ba?" - tanong ni Ate Alex.
"Wala Ate. Sige, good night." - tugon ko kay Ate Alex. "Good night, Kuya Drixx."
"Good night." - tugon ni Kuya.
Pumasok ulit ako sa kwarto. Nagtatampo pa din ba sya? Pero sa tingin ko hindi na. Bakit sya umalis? Saan naman sya pupunta?
10mins na ang nakalipas ng bumalik sya at dala nya ang bagay na magpapasaya - at patuloy na nagpapasaya sakin.
"Now, this is the thing that makes me at par to Kuya Drixx and Drake." Binigay nya ang kape sa akin. "Siguro naman sapat na 'yan para mapantayan ko kung anong meron sila at kung ano ang kaya nilang gawin. I'm the best coffee maker." - may pagmamalaki nyang tugon.
"I can totally agree to that." Humigop ako ng konti. "At sa kapeng ito, makakalimutan ko na kung gaano kagaling si Kuya Drixx na magpatugtog ng violin at kung gaano kaganda ang mga mata ni Drake."
"Now I'm relieved you said that. At least, I still have my edge over my two brothers." - sabi nya na may ngiti. "Sandali, mahal ko, hindi ko alam kung napansin mo din. Is there something with Kuya Drixx and Ate Alex?"
"Oo nga my love. Napansin ko din 'yun. Kanina pa nung kumakain tayo sa restaurant. Iba ang tingin nila sa isa't isa."
"Hindi kaya nagkakamabutihan na sila? Mabait naman si Kuya Drixx eh. I think they'll make a good couple."
"Oo nga. Ang cute nilang tingnan." Iniabot ko sa kanya ang tira kong kape. "Sandali, couple agad? Ano ba 'tong iniisip natin. Malay naman natin, magkaibigan lang sila. Haha."
"Ayaw mo nun mahal ko. Dalawa na kayo ni Ate Alex na magiging DeAndre ang apelyido. Haha."
"Oo nga pala! Maalala ko. Sinadya mo 'yung kanina no? You intend to change my surname na sinabi mo kay manong guard."
"Haha. Nagustuhan mo ba mahal ko?"
"Baliw!"
"Bakit ayaw mo ba?" Seryoso ang tanong nya.
"Hindi naman sa ayaw. Pero alam naman nating dalawa na hindi ko naman magagamit ang apelyidong mong 'DeAndre' dito sa Pilipinas. Sa States siguro pwede. Pero dito tayo titira di ba?"
"You're right." - malungkot nyang pagsang-ayon. "You can be legally married to me there in Los Angeles and can legally use my family name. But here in the Philippines, that's a totally different story."
"'Wag ka ng malungkot, my love. I want to use 'DeAndre' as much as you want to. Pero sa papel lang naman 'yun. Here in my heart, I can proudly say that I'm Harry James DeAndre. 'Yun nga lang hindi pa ngayon kasi hindi pa tayo kasal." - biro ko. Natawa sya. "Alam mo my love, pwede kong idugtong ang 'DeAndre' sa mga pirma ko. I can freely and legally do that. Hindi naman siguro nila itatanong kung bakit 'DeAndre' ang surname ko sa pirma ko instead of 'Punzalan.' Wala namang batas na nagsasabi nun di ba?"
"Talaga mahal ko? Gagawin mo 'yun?" - sabik nyang tanong.
"Yup!" - sagot ko. "And one more thing. Once we have our children, they can use 'DeAndre' as their legal surname. Ang pangalan mo ang ilalagay natin as their legal parent on the adoption papers. That way, we can be one, big, happy DeAndre Family. How'd you like that?"
Sa sobrang tuwa niya ay niyakap nya ko. "You don't know how much I liked that, Harry. I can't wait for that day that I can legally and proudly say that you're mine, Harry DeAndre. You're always making me feel that I am loved. Thanks for doing all of these."
"It's my pleasure my dearest husband." - bulong ko.
"Happy Birthday, mahal ko." 11:58PM ng batiin nya muli ako. Alam kong umiiyak sya dahil ramdam ko sa kanyang pigil nyang paghikbi at sa garalgal ng kanyang boses. "Masaya ka ba?"
"Yes. This is my best birthday ever. And you're the reason behind my happiness my love." Hinagod ko ang kanyang likod. "Talagang pinanindigan mong ikaw ang una at huling babati sa 'kin ah..."
"Of course... I want to be your first and your last.... From this day forward... Do you want that?"
"I badly want that. And I need you everyday like I want my coffee that I can't take out of my system. The touch of your warm embrace... The uplifting smell of your aromatic scent that raise my spirits... The soft sound of your sexy voice... The appetizing sight of your manly features..." Natawa sya sa huli kong sinabi dahil sinabi ko 'yun ng may panunukso. "And the addicting taste of your sweet kiss... You fill my senses my love... You fill my whole being. And I think I love you more than I love my coffee..."
Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi at basa na din ang suot kong damit sa may parte ng aking kanang balikat kung saan nakadantay ang kanyang mukha dahil sa pagbilis na pagtulo ng kanyang luha.
Tanging mahigpit na yakap lang ang naging tugon nya sa mga sinabi ko. At tanging 'yun lang din ang kailangan ko para patuloy akong mabuhay ng masaya sa mundong ito ng kasama sya.
( DREW Part )
Kinabukasan, sama-sama kaming nag-almusal sa dining hall ng hotel. November 1, araw ng Undas kaya kailangang umuwi nina Mama sa probinsya. Sila Mom at Dad naman kailangan na ring bumalik sa Los Angeles mamaya.
"Sigurado ka, mahal ko? Hindi ka sasama kila Mama ngayon pauwi? Pwede namang ako na lang maghahatid kila Mom at Dad sa airport tapos diretso na ko ng Pampanga mamaya." - tanong ko kay Harry habang nag-aalmusal kami sabay higop sa tira nyang kape.
"Ok lang my love. Gusto ko ding ihatid sila Mom. Isa pa bukas pa naman ang All Soul's Day. Bukas na lang tayo umuwi." Tapos biglang sumeryoso mukha nya. "Bakit ayaw mo na ba akong makasama?"
"Ha? Hindi ah. Mali ang iniisip mo." - may pagkataranta kong sagot.
Tumawa sya. "Got ya!" Tapos tumawa sya ulit, mas malakas kaysa dun sa nauna. "Nakita mo sana ang itsura mo my love.."
"Mahal ko, kinabahan ako dun ah."
"Anak, niloloko mo na naman si Drew." - sabi ni Mama na nasa tabi ni Harry.
"Ma, pagsabihan nyo nga po 'yung mahal ko." - sumbong ko.
"Joke lang 'yun. Madalas mo ding ginagawa sakin 'yun ah. Kaya quits na tayo!"
Tiningnan ko sya ng masama. Tapos hinawakan ko ng aking mga kamay ang mukha nya at hinalikan ko sya. Natigilan sya marahil nagulat sya sa ginawa ko. Medyo natagalan din ang ginawa kong paghalik sa kanya kaya natigilan din ang mga kasama naming kumakain sa dining hall. "Ayan. Quits na talaga tayo."
"That's my boy!" - sabi ni Dad na nasa tapat namin.
Napansin kong namula ang mukha nya. Sya ang nahiya sa ginawa ko. "You'll pay for this later Mr. DeAndre." - mahina ngunit mariin nyang pagbabanta.
Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at pumikit ako. "Now, kiss me in return. Babayaran ko din ng halik ang ginawa kong paghalik sa'yo. Susuklian pa kita." - biro ko.
Dahil sa sinabi ko ay narinig ko na naman ang napakalakas na tili ni Rizza na nasa tabi ko pa kaya dinig na dinig ko ang kabuuan ng lakas nito. Ng imulat ko ang aking mga mata, nakita kong nakangiti si Harry sakin. Tiningnan ko din ang mga tao sa paligid ko at halatang nagulat sa ginawa ni Rizza.
"Naku, sorry po sa nagawa ko. Hindi ko lang po talaga napigilan. Pasensya na po." - sabi ni Rizza. Nasa tapat naman nya si Drake na diretso ang tingin kay Rizza at natigilan ang pagnguya sa kinakain.
"Rizza, ang lakas naman nun. Ano bang baga ang meron ka?" - sabi ni Hunter na nasa kabilang side naman ni Rizza. "Alam mo, tamang-tama kang ipampalit dun sa sirena ng ambulansya namin sa ospital. Di ba Coffee Bean sira na 'yun?" - biro pa nya. Siniko naman sya ni Rizza pagkasabi nya nun.
Tiningnan ko ulit si Harry na nakangiti pa din sakin. "Oh? Ano ka ngayon? Buti nga sa'yo.." - biro nya.
"Mahal ko naman..."
----------
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sila Mama pati na rin ang barkada. Sumama din si Hunter kila Rizza sa pag-uwi sa probinsya sakay ang van nila Francis. Naghanda na rin kami para ihatid sila Mom at Dad sa airport.
Nag-rent sila ng kotse kahapon para may magamit sila. Kasama nila si Drake sa kotse. Si Kuya Drixx naman ay piniling sumama saming dalawa ni Harry sa kotse.
"Hmmm, Harry, nagka-boyfriend na ba si Ate Alex mo?" - tanong ni Kuya Drixx na nasa back seat. Nagkatinginan kami ni Harry. At mukhang pareho kami ng iniisip.
"May boyfriend sya dati. Pero hindi sila nagtagal Kuya. Kwento ni Ate, hindi daw 'yun ang lalaking hinahanap nya." - tugon ni Harry habang iniinom ang baon kong kape para sa kanya.
"Ganun? Pihikan pala sya." - sabi ni Kuya.
"Gusto mo Kuya Drixx tanong ko kung anong gusto nya sa isang lalaki?" - pabirong alok ni Harry.
"Ha?" - may pagtatakang tanong ni Kuya.
"Kuya, may gusto ka kay Ate Alex ano?" - tanong ko.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?!" - tugon nya at mahina nya kong sinuntok sa aking kanang braso. Tapos natahimik sya. "Ganun ba ka-obvious?"
"Oo naman Kuya." - tugon ko. "Siguro hindi lang kaming dalawa ni Harry ang nakapansin nun."
Malakas ang naging buntong-hininga nya. "Mabait ang Ate Alex mo, Harry. Magaan ang loob ko sa kanya." - seryoso nyang sabi. Mukhang tinamaan din si Kuya. "I'd like to know her better. Buti na lang binigay nya ang number nya."
"Ha?" - sabi ni Harry na napalingon kay Kuya sa likod sa sobrang gulat. "Binigay ni Ate ang number nya sa'yo Kuya Drixx?"
"Yeah... Why?" - tanong ni Kuya.
"Well, that's strange..." - tugon ni Harry. "Kasi hindi naman binibigay ni Ate ang number nya sa iba. Kami lang nakakaalam ng phone number nya."
"Does that mean gusto nya si Kuya Drixx, mahal ko?" - tanong ko.
"I guess so... Maybe..."
Kahit natatakpan ang mukha ni Kuya Drixx ng kanyang mahaba at unat nyang buhok ay nakita ko sa rear mirror na nangiti si Kuya sa sinabi ni Harry.
----------
"Drew, I called your Uncle Gregory this morning. Just accompany Harry to the US Embassy to process his visa application." - sabi ni Dad. Nasa waiting area kami ng airport at hinihintay pa ang flight nila.
"Consider it done, Dad." - tugon ko.
"Better be sure that Harry will be with you when you go back to Los Angeles." - sabi ni Dad sakin na parang nagbabanta. "Harry, I'm expecting you there, ok?" - malambing naman nyang tanong kay Harry.
"Drew and I will go there Dad. Don't worry." - tugon ni Harry.
"Harry, anak, kung may problema 'wag kang mahihiyang tumawag at magsabi sa amin, ok?" - sabi ni Mom. "Especially if Drew is the one who gives you problems."
"Mom, you sound like as if Harry is your son." - sabi ko.
"He's my son." - tugon ni Mom. Kahapon ko pa napapansin na parang mas pinapaboran pa nila Mom at Dad si Harry. Parang si Harry pa ang tunay nilang anak kaysa sakin. Sa kabilang banda, masaya ako kasi tinuturing nila si Harry na parang tunay na nilang anak at kapamilya.
"Don't worry Mom I can handle Drew by myself." - tugon ni Harry na may ngiti.
"I know you can do that. You're strong Harry." Niyakap ni Mom si Harry. "Don't give up on Drew okay?" - bulong ni Mom pero narinig ko pa din ang sinabi nya.
"I won't Mom. Promise."
Pagkatapos naming magpaalamanan at ng nakapasok na sila Mom, Dad at ang aking mga kapatid sa boarding area ay umalis na din kami. Dahil mahaba pa ang araw ay tinanong ko si Harry kung saan nya gustong magpunta. "Kahit saan." - sabi nya. Kaya 'yun na nga ang ginawa namin. Nagpunta kami saan-saan.
Una naming pinuntahan ay ang pinakamalapit na park malapit sa airport. Masaya kaming nagbisikleta sa palibot ng park. Mangilan-ngilan lang ang mga tao kasi Undas baka nasa sementeryo ang karamihan ng mga tao. Pagkatapos ay nag-lunch na kami sa isang karinderya. Hindi talaga ako kumakain sa mga ganoong kainan pero pinilit ako ni Harry na doon na lang kami kumain para maranasan ko naman daw. At hindi ko inasahang mage-enjoy ako. Kahit maraming tao at mainit. Masaya pa din.
Pagkatapos ay pumunta kami sa isang theme park. Sumakay kami sa iba't ibang rides at ang pinakanagustuhan ko ay ng sumakay kami ng ferris wheel kung saan ninakawan ko sya ng halik nung nasa tuktok na kami. Sobrang nag-enjoy ako, pero higit ang kasiyahan ko dahil nakikita kong masaya ang mahal ko.
"Saan ang next stop? It's almost 5PM na my love. Hindi pa ba tayo uuwi?" - tanong nya habang pinapinom nya ko ng huling kapeng baon namin habang nagd-drive ako.
"You'll see later, mahal ko. Matutuwa ka."
"'Wag mo kong dadalhin sa motel ah!" - biro nya.
Tiningnan ko sya ng nakangiti. "Well, that's a good idea."
Hininto ko ang sasakyan sa gilid ng isang malawak na bakanteng lote at bumaba kami. Ipapakita ko sa kanya ang lugar kung saan ko ipapatayo ang bahay namin.
"Wow, ang ganda my love." Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ko pa sinasabi sa kanya kung saan ko ipapatayo ang bahay namin. "Ang ganda ng sunset!"
Natawa ako. Akala ko naman ay nagkaroon na sya ng idea at ang tinutukoy nya ay ang bakanteng lote.
But he's right. The sun is setting beautifully on the horizon. Ang ganda nga.
"Oh? Bakit ka natawa?"
"Mahal ko, hindi naman ang sunset ang ipapakita ko eh. Haha."
"Ha? Hindi ba?" Tumingin-tingin sya sa paligid nya. "Eh ano? Wala naman akong nakikitang motel ah..." - biro nya.
"Gusto mo talagang magpunta ng motel ah."
Natawa sya sa pagsakay ko sa biro nya. "Eh ano nga? Puro damo lang naman nakikita ko..."
"Haha. 'Yun na nga, mahal ko. Aalisin ko ang mga damong 'yan at dyan ko ipapatayo ang bahay natin. At tatawagin natin itong 'Mount Olympus.' Tapos isa-isa natin itong pupunuin ng mga anak natin at kukumpletuhin natin ang 12 Olympians." Nakatingin lang sya sakin habang sinasabi ko ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. "Dito natin sisimulan ang mga pangarap natin, mahal ko."
Natigilan sya pansamantala pagkatapos ay niyakap nya ko ng mahigpit. "Salamat, my love." Medyo matagal din kaming magkayakap ng walang nagsasalita ng bigla syang kumalas. "Maraming salamat talaga."
Agad syang tumakbo papalapit sa mga damuhan at sinimulan nyang bunutin ang mga damong halos kasing-taas na nya.
"Mahal ko, anong ginagawa mo?" Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Obvious ba? Binubunot... 'tong... mga... damooo..." Halatang nahihirapan syang bunutin ang damong kanina pa nya binubunot.
"Alam ko, mahal ko. Pero bakit mo ginagawa 'yan?"
Tinigil nya pansamantala ang ginagawa nya. "Sisimulan ko ng linisin 'to..." Tiningnan nya ko ng nakangiti. "Excited na kong simulan mga pangarap natin my love." At bumalik sya sa pagbubunot ng damo.
"Ahhh..." Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko na syang bunutin ang damong hindi nya mabunot-bunot. "Hindi mo naman kasi sinabi kaagad mahal ko..." Nagbilang akong tatlo at magkasabay naming nabunot ang malaking damo.
"Salamat, my love." - hingal na hingal nyang sabi.
"Baka nakakalimutan mong nandito ako. Di ba magkasabay nating haharapin ang mga problema? Kahit gaano pa ang kapit ng ugat ng problema..." Hawak ko ang damong nabunot namin at ipinakita ko sa kanya. "...kakayanin nating harapin, at bunutin, basta magkasama tayo."
Nagkasalubong ang kilay nya. "Alam mo ang korny nun! Pero 'yun na 'yung pinaka-corny mong sinabi na kinilig ako."
"Talaga? Kung ganun, pahalik naman ako." - malambing kong pakiusap.
"Mamaya na. Atsaka bilisan natin. Ang dami pa nitong bubunutin natin oh... Haha..."
----------
KInabukasan ay maaga kaming umalis ni Harry para umuwi ng probinsya. 5AM pa lang ay nasa daan na kami at magkasabay na nag-aalmusal ng inihanda ko.
"You should've woke me up earlier my love. Para naman natulungan kita." - sabi nya habang kinakain ang sandwich na ginawa ko kanina.
"Ayos lang 'yun mahal ko. Alam ko namang napagod ka kahapon kaya hindi na kita ginising ng mas maaga." Sinubuan nya ko ng sandwich na hawak nya. "Kumusta pala ang mga kamay mo? Masakit pa ba?"
"Hindi na masyado. The cold compress you offered last night really helped. Thanks."
"Anytime mahal ko. Ikaw kasi eh, ayaw mong magpaawat. Sinabi ko namang makina na ang gagawa nung paglilinis ng bakanteng lote. Kung hindi ka pa nakakita ng bayawak hindi ka pa titigil." Natawa ako. "Kung nakita mo lang ang reaksyon mo, mahal ko. Ang bilis mong sumampa sa likod ko ah..."
"Sa butiki nga takot ako, sa bayawak pa kaya. Tapos sinubukan mo pa syang hulihin ah! Nakakainis ka talaga..." Kape naman ang ipinapainom nya sakin na muntik pang tumapon sa damit ko.
Bumili kami ng mga bulaklak at kandila sa nadaanan naming flower shop at dumiretso agad kami sa sementeryo. May mga iiilang tao pa din ang nandoon kahit tapos na ang Undas. Pero ngayon naman talaga dapat ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay dahil ngayon ang All Soul's Day at hindi kahapon.
Sinundan ko si Harry at pinuntahan namin ang lugar kung saan nakahimlay si Papa.
"April 2, mahal ko? Magkabirthday kami? - gulat na gulat kong tanong. What a twist of fate. Pero mas lalo kong ikinagulat ang isa pang date sa lapida ni Papa. "And October 31 when he passed away? That's your birthday..."
"Oo." - sagot nya. Umupo sya at sinindihan ang mga kandilang dala namin at inilapag ko naman ang dala kong bulaklak. "That was my worst birthday ever." - malungkot nyang sabi.
Habang nakaupo sya ay kinuha nya ang isang barbecue stick sa may tabi ng lapida na maaaring tinapon na lang doon kahapon. Sinimulan nyang tanggalin ang mga tuyong tulo ng kandila na nakadikit sa lapida ng kanyang ama gamit ang napulot nyang stick. Nakahanap naman ako ng isang tangkay ng punongkahoy at tinulungan ko syang tanggalin ang mga nakadikit na tuyong patak ng kandila sa lapida.
"Labing-isang taong gulang ako ng namatay sya. May kanser sya sa baga dahil sa kanyang paninigarilyo at alam naming lahat kung paano nya matapang na nilabanan ang kanyang sakit sa loob ng maraming taon. Dalawang linggo bago ang aking ikalabing-isang kaarawan, kumalat at kinain na ng kanser ang kanyang buong katawan at naratay sya. Si Mama... Pinilit ni Mama na maging malakas para sa aming magkakapatid. Buti na lang at kasama namin si Tita Jean..." Tumulo ang kanyang mga luha. "Pinilit nyang mabuhay hanggang sa araw ng aking kaarawan. Sabi nya kailangan pa nyang mabuhay hanggang sa birthday ko." Lumakas ang kanyang pagtangis. "Siya ang pinakaunang lalaking minahal ako kung sino ako... Alam mo bang nag-away pa sila ni Kuya Bart noon kasi ikinahihiya ako ni Kuya bilang kapatid nya dahil bakla ako...
Itinayo ko sya at niyakap. "I lost half of my life when he died. Siya ang naging kaibigan ko at kakampi. Hindi nya ko iniwan. Sya ang pinakaunang lalaking nagmahal sa akin..." Ramdam na ramdam ko ang pangungulila nya sa kanyang ama. At ayoko syang nakikitang nalulungkot ng ganito. Kailangan kong magpakatatag para sa mahal ko.
"Tama na mahal ko. I know he's very proud of you now. You grew up a strong man. And I know he's always beside you whenever and wherever you are." - sabi ko habang pinipilit ko syang patahanin. "At sigurado akong ayaw ka nyang nakikitang malungkot at umiiyak ngayon."
Pinunasan nya ang mga luha nya at humarap sa kanyang ama. "Papa, kumusta na po? Pasensya na po kung hindi po ako madalas makadalaw ah." Hinawakan nya ang kamay ko. "Papa, may ipapakilala po ako sa inyo." Nginitian nya ko. "Pa, si Drew po. Siguro po kakilala nyo na sya kasi nakikita nyo kami dyan sa langit." Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Pa, sobrang miss ko na po kayo." - garalgal nyang sabi. Tumulo na naman ang luha nya. "Pa, ikakasal na ko..." Ngumiti sya habang patuloy pa din ang pag-agos ng kanyang luha. "Nakakatawa di ba, Pa? Di ba sabi mo dati makakahanap ako ng taong magmamahal sa akin? Nahanap ko na po sya. Alam nyo po, pakiramdam ko nga po kayo po ang nagdala kay Drew sa buhay ko. Pakiramdam ko po kayo ang naglapit sa amin sa isa't isa... Magka-birthday pa nga po kayo eh... Papa, maraming salamat po. Sana patuloy nyo po kaming gabayan at bantayan ni Drew."
"Papa," - sabi ko. "'Wag po kayong mag-alala. Ako na pong bahala kay Harry. Aalagaan at mamahalin ko po sya higit pa sa ginawa nyo. Hindi ko po sya iiwan. Hindi ko po sya sasaktan. Hindi ko po magagawa ang mga 'yun. Pangako ko po 'yan sa inyo. Papa, salamat din po dahil pinaglapit nyo po kami. Maraming salamat po at ibinigay nyo po sya sa akin."
"Wow. Nagpapalakas ka kay Papa ah." - biro ni Harry. Pinunasan ko ang mga luha nya. "Pa, pasensya na po ah, kasi hindi ko madadala ang apelyido nyo." Natawa sya. "Hayaan nyo po, kakausapin ko po si Kuya Bart at Ate Vanessa na gumawa ng maraming Matt." Natawa kami.
May dumaan na isang matandang babae sa may lugar namin at tumigil sya pagkatapos ay mataman nya kaming tiningnan. Siguro ay nagtaka sya ng makita si Harry na umiiyak at tumatawa.
"Salamat Drew ah." - sabi nya habang naglalakad kami papalabas ng sementeryo na magkahawak pa ang kamay.
"Para saan, mahal ko."
"Sa lahat. Sa kabutihan mo sakin at sa pagmamahal mo."
"It has always been my pleasure." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. "Salamat din Harry for spending the rest of your life with me."
Ngiti ang naging tugon nya.
Ganyan nga mahal ko, ngumiti ka lang. Hindi mo lang alam, doble ang epekto sakin sa kung ano man ang nararamdaman mo. Kung malungkot ka, mas lalo akong malungkot. Kung masaya ka, wala namang kapantay ang ligayang nadarama ko - lalo na kung ako ang dahilan ng iyong kasiyahan.
Mabubuhay ako para mapasaya ka, mahal ko. Doon ko lang ilalaan ang buhay ko. Sa'yo lang at wala ng iba pa.

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon